Chapter Two
I'm the boss!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Medyo nag-hihisterical pa din ako ng dalhin ako ni Erwin sa police station para i-report ang na-carnapped kong black mercedes benz. Sino ba namang hindi maghihisterical? It was my first car! At isang luxury car pa. Bagong labas lamang iyon.
Isa rin yun sa mga regalo ni Miggy, tiyak na magtatampo yun sa akin kapag nalaman niyang nawala ko ito. Matampuhin pa naman yung isang yun.
"Do everything, please. Please find my car." Mangiyak-ngiyak kong sambit sa mga pulis dito sa loob ng police station kung saan sinamahan pa ako ni Erwin, kahit na parang napilitan lang siya dahil ang haba ng mukha niya.
"Ginagawa na po namin ang lahat ma'am." Sagot naman nung police officer na mukhang paa. Seriously, kung tignan ako parang kakainin ako ng buhay eh. Masisisi mo ba? Sa ganda ko ba namang ito sinong hindi maglalaway?
Oh my God! Nakukuha ko pang magbiro sa sitwasyong ganito.
Kinuha na ng police officer ang lahat ng information na kailangan upang ma-track ang kotse ko. Kaso sabi nung isang epal na pulis, malabo na daw na ma-recover ko pa ang kotse ko, dahil sa panahon ngayon, madami na daw modus ang mga carnappers para hindi na ma-track pa ang kotseng nananakaw nila.
Luhaan akong isinakay ni Erwin sa kotse niya ng matapos namin maireport sa pulis ang nangyari. Huhu! Ang kotse ko!
"Tumigil kana nga sa kakangawa mo jan! Kotse lang yun!" Epal naman ng isang ito! Nagdadrama ako eh. Hmp! Palibhasa kasi, hindi pa siya nakadrive ng ganung klaseng sasakyan.
"Hindi mo naiintindihan! That was my first baby! Magagalit sa akin si Miggy nito eh!" Humahagulgol ko pang sagot sakanya. Tsk! OA na kung OA pero kotse ko yun eh. At hindi basta bastang kotse ang nawala sa akin.
"Akala ko ba! MAYAMAN ka! Edi bumili kana lang ng bago..." Sinadya niya pa talagang iemphasize ang salitang MAYAMAN na para bang sarcastic na sarcastic pa ang tono niya. Ang lakas mang asar ng isang ito! Isa nalang talaga at papatulan ko na siya.
"Just shut up ok! Ihatid mo nalang ako sa condo ko!" Mataray kong sagot sakanya. Nakita kong nagsmirk siya. Hmp! Damn, that smirk! May something talaga sa kanya eh
"Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo noh! Ano ako driver mo? Magtaxi kana lang! Tutal, madami kana mang pera diba?" Taxi? No, ayoko nga!
"Hindi ako sumasakay sa mga pampasaherong sasakyan!" Maarte ko namang sagot sakanya.
"Ang arte mo!" Reklamo niya. Rerekla-reklamo pa. Ihahatid din naman pala ako. Tinanong niya ako kung saan ang condo ko, at itinuro ko naman sakanya ang daan. Tahimik siyang nagdrive, habang ako, eto mangiyak ngiyak padin sa panghihinayang sa pagkawala ng kauna-unahang sasakyan ko. Huhuhu.
Mabuti na lamang talaga at maganda ang kotse netong mokong na ito, at kumportable akong nakauwi sa condo ko. Mabilis din kaming nakarating sa tapat ng condo ko.
"Erwin, oh! Pang-gas. Salamat ah!" Inaabutan ko siya ng 1000 peso bill para man lang may pang-gas siya. Kawawa naman yung tao. Inubos ko ata yung gas niya, baka wala na siyang pang gas.
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez