Chapter Thirty-Eight
I love him. But...
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"It's not the same anymore, Erwin. Wag na nating ipilit pa." This words came out of my mouth, kahit na hindi naman talaga ito ang gusto kong sabihin. I want to tell him what I really feel, pero nagtatalo ang isip ko. Hindi ako pwedeng bumalik na naman sa dating ako. Sa dating Hope na nagpakatanga sakanya. Nakita ko kung papaano napalitan ng kalungkutan ang mga mata niya. I'm sorry Erwin, I'm so sorry but I can't just forgive you because I still love you. Sometimes love is never enough.
I took a step backward. At tuluyan na siyang tinalikuran, nanginginig ang mga kamay kong tinahak ang daan patungo sa labas ng apartment ko, pumara ako ng taxi at dali daling sumakay doon. Pagkaupong pagkaupo ko pa lamang sa passenger's seat ay bumuhos na ang tila parang gripo kong mga luha. Damn, hanggang kailan ako iiyak ng dahil lang sakanya?
"Okay lang kayo, Miss?" Tila concerned namang tanong ni Manong Driver.
Nginitian ko lang siya at bahagyang tumango habang pinupunasan ang mga luha ko ng tissue. "Sa XO Superclub po tayo manong." Wala akong matatakbuhan. Umuwi na sila Chloie, ayoko namang tawagan si Mich dahil naiilang padin ako sa pagiging magpinsan nila ni Erwin. I will just go to the nearest bar. Malay mo, makalimot ako pansamantala?
6PM palang kaya kakaunti pa lamang ang tao sa loob ng bar. Masyado nga ata akong maaga? Pero wala akong pakeelam, I just need a drink right now. Diretso ang lakad ko patungo sa mga high stool chairs at naupo doon. "3 shots of Bacardi." Maikling sambit ko sa bartender at agad naman nitong pinrepare ang order ko.
Sunod sunod kong nilagok ang tatlong shot glass ng bacardi pagkadating na pagkadating pa lamang nito. Damn, ang pait. Pero mas mapait padin ang naranasan ko noon kay Erwin. Shizz! Bakit ko ba naiisip na naman ang lalaking iyon? I'm here to forget him.
Umikot ang sikmura ko ng maramdaman ko ang alak sa tiyan ko. Damn, hindi pala ako gaanong kumain kaya siguradong sasakit ang tiyan ko nito bukas. Bahala na nga, I just want to forget about everything right now.
Umorder pa ako ng 2 shots ng bacardi ng masimot ko yung tatlo. Geez, matagal tagal nadin pala nung huling beses akong uminom. Halos hindi ko na nga makilala ang ganitong mga lugar. I have isolated myself for 2 years thinking I was just fine.
Nakuntento ako sa salitang "Okay na", "Pwede na" . Hindi ko man lang tinanong ang sarili ko kung masaya naba ako sa lahat ng bagay. Yes, I am happy. I am happy with my work, and with my new set of friends. I am happy with my career. But damn it, alam ko noon pa man may kulang na pero hindi ko lang ito maamin sa sarili ko. Because I am too bitter to admit it. I am too hurt and mad because of what he did. But despite the fact that he made me feel so stupid, andito pa din ang walanghiyang pag ibig ko para sakanya.
Sh!t. I am crying again. This is so not happening to me. Akala ko okay na ako, akala ko nakalimutan ko na siya. "Bullsh!t!" Halos ibato ko ang shot glass na nasa harap ko sa sobrang galit at inis ko. Bakit ba ginugulo pa ng ako lalaking iyon? Hindi niya ba nakikitang okay na ako. The fvck, Okay na ako dito sa Baguio eh, bakit pa siya sumunod?! "I hate you, I hate you!!! I hate you so damn much!" para akong baliw na sumisigaw sigaw mag isa dito habang humahagulgol. Mabuti na lang talaga at malakas ang sound system dito kaya walang gaanong nakakapansin sa akin. Pwera na lamang sa bartender na umiiling iling na nakatingin sa akin. Sanay nadin siguro siya sa ganitong eksena.
Nilagok kong muli ng magkasunod ang dalawang shot glass na may lamang bacardi. Sana naman makalimot ako kahit ngayong gabi lang. I want to forget about everything, gusto ko ngang mabura nalang ang lahat ng alaalang meron kami ni Erwin just to ease the pain.
Pero ano nga bang ikinagagalit ko? He's here begging for me to come back to him, hindi ba yan naman ang gusto ko noon? I want him to beg, I want to see him cry because of me. Pero bakit parang ngayon mas nasasaktan pa ako kesa sakanya?
Nasapo ko ang ulo ko ng makaramdam ako ng pagkahilo. Gosh! Umiikot na nga ang paningin ko. Hindi na ako gaanong sanay sa pag inom ng alak kaya ang bilis ko nalang mahilo. "2 more shots of bacardi please..." Order kong muli sa bartender. I dont care kung malasing na ako ng tuluyan I just want to drink and forget.
"Stop this, Hope!" He paused. "Excuse me, hindi na siya oorder." Muli siyang nagsalita. This time he's referring to the bartender.
Nagulat ako ng nakaramdam ako ng mainit na palad na dumapo sa likod ko. Hinaplos niya ang likod ko na para bang inaalo ako. And then I realized that I'm still crying, kaya pala inalalo niya ako. Lalo akong napahagulgol dahil doon at tuluyan na siyang hinarap at niyakap. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya.
"Miggy!!!" I just cried on his shoulder at medyo gumaang naman ang pakiramdam ko. He hugged me habang hinahaplos haplos niya ang buhok ko. Mabuti na lamang at dumating siya. How did he find me?
"Hush now, Hope... Everything will be okay..." Malumanay niyang sambit habang patuloy padin sa paghaplos sa buhok ko. He knows everything, about me having an affair with Erwin while we're still in a relationship. Monica told him everything and naintindihan niya iyon lahat. He's a friend now, a good friend.
"No, Migz! Everything is a mess... I am a mess..." Umiiyak kong sagot sakanya habang nakasubsob padin sa balikat niya.
"No, no Hope. You are not. It's not your fault." Patuloy lamang siya sa ginagawa niyang paghagod sa likod ko hanggang sa tuluyan na akong kumalma.
Ilang sandali pa ay inalalayan niya na ako palabas ng bar. Naglakad kami patungong parking lot. Sabi niya ihahatid na daw niya ako and I gladly accepted his offer. Thank God, He came. Thank God, someone came.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang sumakay sa front seat. Medyo hilo na kasi ako kaya medyo hindi nadin ayos ang paglalakad ko. Ilang sandali pa ay sumakay nadin siya ng kotse at nagsimula ng magdrive.
"He already found you, didn't he?" Seryosong tanong niya ng magsimula na itong magdrive. I just smiled weakly, how did he know?
"Paano mo nalaman?" Walang kabuhay buhay ko namang tanong sakanya.
"Just look at yourself, siya lang naman ang nakakapagpagawa sa iyo ng ganyan." God, this man knows me too well. Oo na, tama nga siya. And I hate myself for that. Kasi bakit hindi nalang siya, eh di hamak na mas mapapanindigan naman niya ako kesa kay Erwin.
"Why don't you just come back to him, Hope. Kesa nahihirapan ka ng ganyan." Nilingon ko siya at kitang kita ko ang matinding panghihinayang sa mga mata niya. Na para bang ang gusto niya talagang sabihin ay "Why don't you just choose me, hindi naman kita pahihirapan ng ganyan eh". Sana nga ganun nalang kadali, na piliin ko nalang siya para hindi na ako nahihirapan ng ganito.
Ngumiti ako ng mapait. "I love him, but I don't love him enough to forgive him." sagot ko. I don't know what's happening to me. Basta ang alam ko lang, hindi ko siya kayang patawarin. Hindi pa ngayon. At hindi ko alam kung kailan ko siya mapapatawad. At kung mapatawad ko man siya, matatanggap ko pa kaya siya ulit sa buhay ko?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
COMMENT VOTE LIKE
Thanks!
Love, Ja
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomansaI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez