Chapter Forty-Six

1.8K 19 2
                                    

 Chapter Forty-Six

Nakapagtataka. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nilalamig ang mga kamay ko ng makarating kami sa Ancestral House nila sa Cavite. Oo nga at malamig ang panahon, pero nilalamig ang mga kamay ko hindi dahil sa klima kundi dahil sobrang kinakabahan ako.

Mahigpit na hinawakan ni Erwin ang kamay ko ng makababa na kami ng sasakyan niya. Manghang inilibot ko naman ang dalawang mata ko sa kabuuan ng Ancestral House ng mga Montenegro. Sobrang laki, elegante at may pagka-spanish ang style ng bahay. Ang ganda! 

Sabi ni Erwin, mas close daw sila sa mga relatives nila sa mother side dahil masyado daw matapobre ang relatives ng papa niya. At mostly, ang mga Chavez ay naninirahan sa America kaya halos taon taon ay puro mga Montenegro lamang ang mga kasama nilang magcelebrate ng mga ganitong okasyon.

"Let's go, Baby." nakuha lamang muli ni Erwin ang atensyon ko ng hilahin na niya ako papasok sa loob ng malaking pintuan ng mansyon na gawa sa kahoy. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng tumungtong ang mga paa ko sa marmol na sahig ng mansyon ng mga Montenegro. Goodluck talaga sa akin! It's time to meet the family! Haha.

"Iho! Andito kana pala? Pasok kayo!" Masiglang bungad sa amin ng matandang babaeng may dala dalang tray na naglalaman ng juice. Pinasadahan ako nito ng tingin at muling tinignan si Erwin ng nakangiti. Napangiti ako ng mapagtanto kong maganda ang naging impresyon nito sa akin. "Eto na ba ang nobya mo, Iho? Napakagandang bata naman pala talaga ni Hannah, ano?" Napawi ang ngiti ko ng marinig ko ang huling linya niya. Teka, kailan pa ako naging si Hannah?!

"Manang, hindi siya si Hannah. Hope po ang pangalan niya. Si Hannah, kaibigan ko lang yun." Kalmado pero halatang naiinis na paliwanag ni Erwin dun sa tinatawag niyang manang. Siya siguro ang kasambahay nila dito. Nakita kong napawi ang ngisi ng matanda at muli akong tinitigan ng may halong pagtataka.

"Ay, pasensya kana iho. Tumatanda na kasi ako. Pasensya kana, Iha." nginitian ko lamang siya ng matipid. Alam kong aksidente lamang ang nangyari, hindi niya kasi siguro ako kilala. Pero naiinis padin ako. Ikaw ba namang mapagkamalang ibang babae, tapos sa first love pa ng boyfriend mo. Psh!

The Life Of A Gold DiggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon