Chapter Fourteen

2.8K 37 0
                                    

Chapter Fourteen



Ano daw?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 


Nakangiti ako ng sobrang tamis pagkababa ko ng sasakyan ni Erwin. Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko. Nakangiti na naman ako ng walang dahilan. Siguro dahil nababaitan ako sa kanya. Ang bait niya padin kahit palagi kaming nag-aaway.

Quarter to 10 na nang makarating ako sa unit ko. Grabe! Pagod na pagod ako kaya tinamad nadin akong magluto ng dinner at natulog na lamang.

Kinabukasan, gumising ako ng 7AM. Naligo, kumain at nag-ayos. Nagsuot ako ng simpleng formal attire na usual na sinusoot sa opisina. Naglagay ng light make up. 9:30 umalis na ako sa bahay at 5 mins. before 10 nasa loob na ako ng opisina. Sakto!


Umupo na ako sa pwesto ko at ni-check ang mga bagong lagay na files doon. Puro mga folders na kailangang pirmahan ni Erwin. Ni-check ko na din yung schedule niya sa tab. At ang kawawa, lunch break lang ang pahinga. Puro mga business meetings ang a-attendan niya today hanggang 5PM. Tapos 7PM naman, naka-schedule ang dinner date with Megan. Who the hell is Megan? Siya kaya yung girlfriend niya or yung buntis na girl? Damn, eto na naman. I am meddling again! Masyado kasi akong curious sa buhay ni Erwin kaya kung ano-ano na lamang ang mga gusto kong malaman.

Ilang sandali pa ay dumating na si Erwin. Ang gwapo! Shocks. He's wearing his usual office attire. Ang pinagkakaiba lamang ay ang kulay ng longsleeves at tie niya. Pero, as usual... Super Gwapo pa din kahit na laging nakabusangot. Kagaya ngayon, busangot na naman ang mukha niya. But I still find him attractive! Ano daw? Ugh. I am not being myself today! Erase! Erase!


"Goodmorning Sir." Nakangiti kong bati sakanya. Malay mo mahawa siya sa smile ko at mag-smile nadin siya diba? Tumayo na ako at sumunod sa kanya papasok sa opisina niya para sabihin ang mga appointments niya for today. Hindi man lamang siya ngumiti sa bati ko, he just nodded. Psh, Sungit!


Pagkapasok sa loob ng opisina niya at nilapag niya agad ang body bag niya at naupo sa swivel chair niya. Ako naman ay sinimulan ng sabihin sakanya ang mga appointments niya.



"Sir, 10:30 to 12 po, you have an appointment with the japanese investors. Tapos po after that, you have 1 hour vacant for lunch. 1PM start po ng meeting niyo with Mr. Andrei Guttierez-" Hindi pa ako tapos magsalita ay pinigil kaagad ako ni Erwin sa malakas niyang sigaw.


"With who?!?!" Ewan ko kung sigaw nga iyon o OA lang talaga sa lakas ang pagtatanong niya. Nagulat ako doon ah!


"With Mr. Guttierez po, Andrei Guttierez of GS group of companies. Kinuha po nila tayo for their new resort na itatayo this coming October sa Subic." Mahaba ko namang pag-eexplain.

Nakakunot lamang ang mga noo nito tila galit at inis talaga siya na para bang may nasabi akong mali! Hala, ano na namang nagawa ko? Sinunod ko lang naman ang utos niya na sabihin ang mga appointments niya ah.


"Bakit hindi ako na-inform tungkol sa meeting na ito ng mas maaga?" Nakakunot noo pading tanong niya  Galit na galit ata siya. Ano nga ba kasing ikinagagalit niya?


"S-sir naman. Bakit naman ako ang tatanungin niya eh kabago-bago ko palang dito! Aba, malay ko! My Goodness!" Naiirita ko namang sagot. My God Erwin! Where's your logic? Alam naman niyang kasisimula ko lang kahapon diba?



"Watch your word, Hope!!!" galit na galit at inis na inis niyang sagot. Napatayo pa nga siya habang nahampas niya naman ang desk niya. 


The Life Of A Gold DiggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon