Chapter Twent-Eight
Everything's okay.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Kasalukuyan kaming nag-ggrocery ni Erwin sa pinakamalapit na mall sa apartment ko. Naubusan na kasi ako ng weekly stocks ko sa bahay kaya kailangan ko nading mamili ng konti. Ang sweet nga namin tignan eh, siya kasi ang nagtutulak ng push cart samantalang ako naman ang namimili ng mga bibilhin ko. Para kaming mag asawa. Hihi.
Nakakunot ako ng noo ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang bibilhin ko sa dalawang brand ng shampoo na hawak ko. Itong TRESemmé kasi ay mas mahal ng doble kesa sa Pantene. Eh TRESemmé naman kasi talaga ang brand ko pero since kailangan ko na talagang magtipid, nagtatalo ang utak ko kung iyon paba ang bibilhin ko. Eto nalang kayang pantene. Ugh, ang hirap pala ng nagbubudget.
Kinuha ko na lamang kung ano ang mas mura at inilagay na ito sa cart. Nakangiti namang nakasunod lang sa akin si Erwin. Mga isa't kalahating oras din ang tinagal namin sa supermarket. Hindi kasi ako sanay ng nagbabudget kaya medyo natagalan ako sa pagpili ng mga murang bilihin.
Nang matapos kaming mag-grocery ay nakaramdam ako ng gutom. Ugh, ang takaw takaw ko talaga!
"Baby boy... Im hungry na." Malambing kong sambit kay Erwin habang magkasabay kaming naglalakad palabas ng supermarket. Dala dala ni Erwin ang tatlong supot na pinamili ko habang isang maliit na supot lamang ang dala ko. Ayaw niya daw ako pagdalahin ng mga mabibigat. Aww, sweet diba? <3
"Hmmm, ganun ba? Sige, kain tayo. San mo gustong kumain? Sa Max, Or sa shakey's kaya?" Lahat na ata ng restaurant balak niyang banggitin. Eh, hindi ko naman gustong kumain sa kahit na saang resto eh. Gusto ko fast food lang. Hihi.
"Ehhhh. Ayoko... Treat ko naman po eh, dun nalang tayo." Pa-cute kong sagot sakanya habang nginunguso ko ang favorite fast food ko. Hihihi.
"MCDO? Na naman?" Tila natatawang tugon naman niya. Ehhh, favorite ko nga kasi mga pagkain sa mcdo. diba?
"Yes, baby boy! Favorite ko nga kasi diba?" Nakangiti ko namang sambit sakanya habang hinihila ko na siya papasok ng Mcdo. Madalang lang kasi akong makakain sa isang fast food noon, papaano ba naman ayaw ni Miggy sa mga fast foods kasi unhealthy daw, at madumi. Ewan ko ba dun! Palibhasa rich boy, pero rich boy din naman itong si Erwin diba?
Hay, naalala ko tuloy yung unang beses naming pagkakakita. Yung waiter siya, kaya akala ko talaga nun mahirap lang siya, maging mga kaibigan ko tuloy ay tingin sakanya ganun.
"Baby boy... Bakit nga pala nung una tayong nagkakilala sa bar, waiter ka? Akala ko tuloy poorlala ka." Curious kong tanong sakanya ng makaupo na kaming pareho at nakaorder nadin kami ng food. Buti nalang medyo mura pagkain dito, treat ko eh. Hehe.
"Eh kasi naman po baby girl ko ako ang may ari nung bar na yon, tapos nakulangan sa tao. Eh saktong available naman ako that night kaya ako na ang nag-sub dun sa kulang na tao. Kaya ayun." Pag-eexplain naman niya habang nilalantakan niya yung Mcnuggets na inorder namin. Napatango naman ako atsaka sinimulang kumain nadin ng kanin at fried chicken. Ang sarap talaga sa Mcdo!
"Ang sarap talaga!" Napalakas ang pagkakasabi ko non dahilan para mapatingin sa akin yung mga ibang kumakain. Tumawa naman ng tumawa si Erwin sa kinilos ko. Eh, bat ba? Masarap naman kasi talaga eh. Hmp!
"Para ka talagang bata, Hope. Ang buong akala ko talaga noon ang arte arte mo, at ang yabang yabang pa. Pero look at you... Ikaw ang pinaka-cute na childish na aged of 20 ang nakilala ko." Tumatawa tawang sambit niya sa akin habang nilalantakan ko naman ngayon yung chocolate sundae. Hihi. He find me cute pala, and childish? Ugh, di naman masyado. Hihi.
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez