Chapter Twelve

2.7K 38 0
                                    

Chapter Twelve

His Secretary.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyari. Si Erwin na waiter? Isang CEO ng bigating kumpanya. OH MY GOD! As in, hindi ko alam kung anong gagawin ko noong mga oras na yon. Mabuti na lamang at professional ang pakikitungo niya sa akin. In-interview niya padin ako kahit na ilang beses kong ininsulto ang pagiging waiter niya. Kahit na lingid pala sa kaalaman ko ay napakayamang tao pala niya. 

Medyo na-guilty ako at nahiya sa kanya. Isa siya sa pinakabatang pinakamayaman sa bansa. 24 palang siya at isa na siyang CEO sa kumpanyang iyon. Hindi talaga ako makaget-over. Hindi ko lang maintindihan kung bakit naging waiter siya noong araw na yun sa bar na yon. Anong meron? Ugh!


Padabog kong inihiga ang katawan ko sa couch sa living room ng condo ko. Umuwi na lamang ako pagkatapos ng interview kahit pa hindi pa ako sigurado kung tanggap na ako sa kumpanyang iyon, hindi na ako nagpunta pa sa iba pang kumpanya. Parang nawalan ako ng gana. Tatawagan nalang daw nila ako kung natanggap man ako. Walang hiyang Erwin! Mukhang ayaw pa ata akong tanggapin kahit na sobrang nakakabilib naman talaga ang mga natapos ko. 

UGH! Edi wag niya akong tanggapin kung ayaw niya. Hindi ko kailangan ang kumpanya niya!

Ang aga aga pa! 1PM palang, pero wala na akong magawa dito sa bahay. Ano kaya ang gagawin ko? Kinuha ko ang Iphone ko at isa-isang tinawagan ang mga kaibigan ko. Kaso bigo ako. Si Chloie, may fashion show na inaayos. Si Monica naman, nasa Macau at sinamahan ang Daddy niya sa isang business meeting. At ang sikat na sikat na si prinsesa Soph ay nasa Las Vegas lang naman kasama ang kanyang rumored boyfriend  na sikat na artista din, nakausap ko lang ang PA niya. Iniwan pala sakanya ang phone niya. 


Now what? Nagpalit na lamang ako ng casual clothes at nagdecide na pumunta ng mall. Magwawaldas nalang ako ng pera!


Nagsuot lamang ako ng floral short shorts na pink at white hanging sando na pinartneran ko nalang ng white wedge. Hindi na ako masyadong nag-effort mag-ayos. Wala din naman kasi ako sa mood. Nagtaxi lang ako papunta sa greenbelt. 

Pagdating doon ay kumain muna ako mag isa sa isang mamahaling italian restaurant dahil wala pa akong tanghalian.

Pagkatapos ng aking late lunch ay dumirstso ako sa powder room ng restaurant. Naglalagay ako ng pink lipstick ng may babaeng buntis ang pumasok sa loob.

Maputi, bilugan ang mga mata, mapupula ang labi, mahaba ang straight brown hair niya at chubby ang cheeks niya. OH MY GOD! Siya nga. Siya nga yung babaeng nakita ko sa cellphone at picture frame sa bahay ni Erwin. Buntis siya! At sa tantya ko ay nasa apat o limang buwan na ito. 

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tumigil siya sa tabi ko at humarap sa salamin  para mag-apply ng face powder. Ang ganda niya! Kahit buntis siya ay maganda at tama lang din ang katawan niya. Ang amo ng mukha! Ang swerte ni Erwin, wait lang! Teka, buntis siya? Ibig sabihin ba nito ay magkakaanak na sila ni Erwin? Pero sa pagkakaalam ko ay hindi pa kasal ang CEO ng Chavez Builders Inc. 


Sa sobrang curiosity ko ay sinundan ko siya hanggang sa makalabas siya ng powder room ng hindi nagpapahalata. Baka kasama niya si Erwin, gusto ko lang maconfirm kung may relasyon nga ba talaga silang dalawa or mag-ex lang ba talaga sila. Whatever! Basta gusto kong malaman.

Nauna siyang lumabas ng powder room na mabilis pero pasimple ko namang sinundan. Naglakad siya patungo sa labas ng restaurant at sinalubong siya ng isang lalaki. Ibang lalaki! Hinalikan siya nito sa noo at agad namang kumapit yung babae sa mga braso nito at mabilis din silang umalis. 


"What took you so long wife?" Narinig ko pang tanong ng kasama niyang lalaki sa kanya habang papalayo sila. Wife? Mag-asawa na pala sila. Malamang, buntis na nga eh!

Hindi ko na sila sinundan. Malinaw namang hindi si Erwin ang kasama niya kaya malamang ay wala na silang relasyon ngayon. Pero bakit nakalagay padin ang litrato niya sa cellphone at bahay ni Erwin? Baka kapatid lang niya? Pero, OA naman kung gagawin niya pang wallpaper ng cellphone niya yun kung kapatid lang naman pala niya. 

Nilalamon na talaga ako ng curiosity ko. Hindi ata ako matatahimik hanggang hindi ko nalalamang ang buong storya. Pakiramdam ko may kinalaman ang babaeng iyon sa ugaling pinapakita ni Erwin. Pakiramdam ko malaking parte ang babaeng iyon sa buhay ni Erwin. I really want to know!!!


Sa sobrang inis at frustration kong malaman ang lahat tungkol doon ay naituon ko na lamang ang atensyon ko sa pag-sho-shopping. Siguro may dala akong 10 na malalaking paper bags na galing sa forever21, mango, topshop, aldo at kung saan saan pa. Naka 45 thousand pesos lang naman ako. Naku! Siguradong magugulat na naman niyan si Miggy pag nakita niya iyon.

Umuwi na ako ng mapagod ako at nagluto nalang sa bahay ng dinner. Parang ang sarap siguro magkaroon ng boyfriend na maalaga at laging may time para sa iyo noh? Si Miggy kasi, laging naka-schedule ang mga ginagawa sa buhay eh. Pati ako naka-schedule.

Nanunuod ako ng TV sa living room ng magring ang landline ko. Sino naman kaya iyon? Nakita kong 8PM na. Madalang lang tumunog ang landline ko ng ganito ka-late. Business ko lang kasi ginagamit ang landline ko. Sinagot ko na ito pagkatapos ng tatlong ring.


"Hello?" Sagot ko gamit ang pormal kong boses. Business nga diba?



"Hello, can I talk to Ms. Hope Dianara Cortez?" Goosebumps. Narinig ko kasing sinabi niya ang buong pangalan ko. At hindi ako pwedeng magkamali, si Erwin to. Anong kailangan niya?



"Yes, this is Hope." Tugon ko.




"I am the CEO of Chavez Builders Inc. and I would like to inform you that I am hiring you as my new secretary." Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Hired na ako, pero teka nga muna? Secretary?!?! Hindi ba't interior designer ang posisyong ina-applyan ko?





"Pero Erwin, nagkakamali ka ata, interior designer ang position na in-applyan ko. Hindi secretary..." Mariin ko namang tugon sakanya. Wala akong alam sa trabaho ng isang sekretarya!


"Take it or leave it! You may start tomorrow if you will take the job. That's all! Goodnight Ms. Cortez!" At padabog niya na ngang ibinaba ang telepono kahit na hindi pa ako nakakasagot. Ang bastos! Kakainis!

Papaano na yan? Will I accept his offer to be his secretary?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

COMMENT VOTE LIKE

Thanks!

Love, Ja

The Life Of A Gold DiggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon