Chapter Twenty-Three

2.5K 29 0
                                    

 Chapter Twenty-Three


Mga Haliparot.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

*Ting!* *Ting!* 

 

Ano ba?! Sino bang text ng text sa akin? Kanina pa yan ah! Istorbo! Natutulog pa ako eh.

*Ting!*

*Ting!*

*Ting!*

Literal na fina-flood na ako ng text messages nung sender, kung sino mang impakto yun! Nakakainis. Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh.

Hanggang sa tuluyan nang tumunog ang ringtone ng phone ko at may tumatawag naman ngayon. 

"Ugh! Istorbo!!!" Aburidong aburido ko namang reklamo kahit wala namang nakakarinig sa akin. Padabog kong inabot ang phone ko at tinignan kung sinong impakto ba ang tumatawag sa akin? Masasapak ko talaga to kung andito lang to!

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko ang hunk na hunk na picture ni Erwin sa phone ko. Siya pala ang tumatawag! Oh my God! Automatic na napatingin ako sa alarm clock ko at nakitang 6:30 AM na pala. OMO! Kaya pala kanina pa nangungulit, kanina pa ako late sa usapan namin.

Natataranta ko namang sinagot ang phone ko ng makita kong muling tumawag si Erwin.

"Hope!!!" Ayan na po, jusko! galit na naman ang dragon. Tsk, naiimagine ko na naman ang umuusok niya mga tenga at ilong.

  

"Ok, ok... Sorry. Hindi ako nagising sa inalarm mo. Sorry, boss. Eto na po. Maliligo na po." tuloy tuloy ko namang litanya sakanya. Alam ko na kasing sesermunan ako ng mokong eh, kaya inunahan ko na.

  

"What?! Maliligo ka palang?! It's almost 7 Hope! Alam mo namang may oras tayong hinahabol diba?" Ang usapan, 6AM aalis na tayo. My God, Hope!" At nagsimula na nga po siyang mangsermon. Sabi ko sainyo eh! Haha. Asar na naman po ang inyong beloved bossing.

Natataranta padin akong paikot ikot sa kwarto ko habang kinukuha ang mga damit na isusuot ko for today gamit ang kanang kamay ko habang ang kaliwang kamay ko naman ay hawak hawak padin ang phone ko na nakatapat sa tenga ko. 

The Life Of A Gold DiggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon