Chapter Fifty-One
Consequences
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
It's our 3rd day here in Batangas. Andito padin kami sa rest house na iniregalo niya sa akin. Parang ayoko na ngang umuwi dahil sobrang ganda dito eh. Sobrang nagustuhan ko yung bahay, at yung beach, lalong lalo na yung buhangin. This is where I want to grow old, peaceful and relaxing. Walang stress, walang problema, basta magkasama lang kaming dalawa ni Erwin, kahit hindi na kami umuwi.
Kasalukuyan akong nagsa-sunbathing ngayon, habang namamangka si Erwin. Ang cute nga niyang tignan from here eh, I didn't know that boating is a good excercise pala and iyon pala ang palagi niyang ginagawa dito sa Batangas every morning para madevelop pa lalo ang hot and sexy body niya. My Gosh! I have a hot husband, I think I should keep an eye on him. Huh?
I saw him waved mula sa malayo habang namamangka siya. Sinuklian ko lamang siya ng isang matamis na ngiti. Ano ba yan? Ilang minuto ko lang siyang hindi nahahawakan pero pakiramdam ko miss ko na kaagad siya. Is this still normal?
Tumayo na lamang ako at nagpunta sa loob ng bahay para kumuha ng maiinom at miryenda na din namin ni Erwin. Pumasok ako sa kitchen at nagprepare ng sandwich, at juice. Palabas na sana ako ng biglang magring ang telepono sa loob ng may sala. Nagulat ako, hindi ko alam na may telepono pala dito. Hinanap ko kung nasaan yung landline at nakita ko nga iyon sa may living room.
Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko yung tawag o hindi. Hindi ko kasi alam kung tama bang sagutin ko iyon gayong hindi ko naman alam kung sino ang tumatawag, at isa pa, alam ko namang hindi para sa akin yung tawag na yun dahil alam naman nating lahat na hindi akin ang bahay na ito, before, I guess.
Patuloy lamang ito sa pagriring habang nakatingin lamang ako sa telephone. Ugh, what to do? Fine, sasagutin ko na. Dahil medyo nacucurious din ako. Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot.
"H-hello?" kinakabahan kong usal. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Medyo weird.
"Sino to? Bakit babae ang sumagot? Asan si Kuya?!" masungit at medyo pabalang na sagot ng babae na nasa kabilang linya. Kuya? Si Erwin ba? Omg, kapatid niya pa ata itong tumawag. Patay! Napakagat ako sa labi ko. Anong sasabihin ko? Alam kong ayaw nila sa akin, so ano ang gagawin ko?
"Ah.. E-eh."
"Mama! Si Kuya! Nasa rest house sa batangas pero may kasama siyang babae!" narinig kong sigaw niya sa kabilang linya, pero she is not referring to me. I guess she's referring to Erwin's mom. Oh my God, naiisip ko pa lamang ang mama ni Erwin ay natatakot na ako.
Ilang segundo pang natahimik sa kabilang linya bago muling may nagsalita. Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. "Hello?!" mataas at mataray ang boses niya nung nagsalita siya kaya lalo akong kinabahan. "Ikaw na naman ba?!" mas mataray niyang tanong. This time, mahahalata mo ngang galit siya sa boses niya. Ugh! Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, baka kasi kung bigla ko namang ibaba isipin niya ang bastos ko. What to do?
"A-ah... Ako po si Hope, Ma'am." Stupid. Anong klaseng sagot yun? Sa tingin mo ba gugustuhin niya pang malaman ang pangalan mo, samantalang galit na galit nga sa iyo ito. My God, Hope! You're so dumb.
"Alam ko kung sino ka, at alam ko nadin ang mga baho mo! I don't like you for my son. Sisirain mo lang ang buhay niya. At sinong niloko mo? Isa kang gold-digger. I'm sure pera lang ang habol mo sa anak ko! Magkano ba ang gusto mo?! Name your price, handa akong magbayad ng kahit magkano layuan mo lang ang anak ko!!!"
Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakatanggap na ganito kasasakit na mga salita. This is the first time! Hindi ako makapaniwala na sa mismong mama pa ng asawa ko maririnig ang mga salitang iyon. She is unbelievable! How can she say that? Wala siyang alam. Pero yun na nga eh, wala silang alam kaya madali silang makapanghusga. Hinding hindi ko pinakasalan si Erwin dahil sa pera niya, I love him. With or without his money.
"H-hindi po ako ganon, Ma'am. Mahal ko po ang anak ninyo..." nanghihina kong sagot sakanya. Gusto kong lumaban, gusto ko siyang sagutin. Dahil sa buong buhay ko, hindi ako nagpatalo, hindi ako nagpaapi ng ganito. Lumalaban ako, pero this time, pinigil ko ang lahat ng galit ko, dahil mama siya ng taong mahal ko. I should respect her, kahit pa hindi niya ako nirerespeto, kahit man lang bilang tao.
"Tama na ang arte mo! Kabisado ko na ang mga paganyan ganyan mo!!! Totoo pala ang sinabi ng kumare ko, magaling ka ngang mamingwit ng mga mayayamang lalaki. She's lucky at hindi naipakasal sa iyo ang anak niyang si Miguel. Pero, My Goodness... Hindi ko naman alam na kami naman ang peperwisyuhin mo!" natigilan ako sa sinabi niya. Erwin's mom and Miguel's mom know each other? At magkumare pa sila ah. I didn't know na pangit pala ang tabas ng dila ng mommy ni Miggy. Sa apat na taong relasyon namin ni Miggy, hindi kailanman tumutol o nakeelam ang mama niya. Pero ganito pala ang mga pinagsasabi niya? Unbelievable. Nakagat ko ang labi ko dahil sa pagpipigil ng nagbabadyang luha mula sa mga mata ko. No, wag kang iiyak Hope! Be strong!!!
Hindi ko naman alam kung papaano dedepensahan ang sarili ko. Totoo naman kasi ang mga sinabi ng mama ni Miggy tungkol sa akin. I am a gold digging bitch. Pero hindi na ngayon. I love my husband so much. So much that it hurts. Hindi ko alam kung papaano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa mismong nanay ng asawa ko. Hindi ko nga alam kung tama pa ba itong mga nangyayaring ito. Is this still normal? I mean how can they treat their son's wife like this? Shoot! Oo nga pala, hindi pa pala nila alam na kinasal na kami. Siguradong lalong magagalit ang mga iyon pag nalaman nilang kasal na kami. Hindi ko maimagine!
"Sinong kausap mo, Baby girl?" napatalon ako ng marinig ko ang boses ng asawa ko mula sa likod ko. Kinakabahan ko siyang tinignan at nakita kong pinupunasan niyang basang buhok niya ng isang puting tuwalya. Sasabihin ko bang nasa kabilang linya ang mama niya?
Binaba ko ang hawak kong phone at ipinatong na lamang sa lamesa ng hindi pa ito naibababa sa sobrang pagkataranta ko. Shoot! Baka may sinasabi pa ang mama niya. Bayaan na nga. "A-ah... Wala. Wrong number lang..." pagdadahilan ko. Ayoko nang sabihin pa sakanya ang mga sinabi ng mama niya. For sure, magagalit lang siya. Ayokong magkagulo na naman sila ng dahil sa akin. At isa pa, I don't wanna ruin the moment. Masaya kami dapat dito, dahil ito ang nagsisilbing honeymoon namin. I don't want this moment to end, kaya kahit nasaktan ako ng sobra sa mga sinabi ng mama niya ay pipilitin ko na lamang isantabi ang mga ito. Saka nalang namin haharapin ang problemang iyon. Pero for now, gusto ko munang namnamin ang mga sandaling ito na para bang wala kaming mga problema. Kahit ngayong linggo lang.
"Halika sa kitchen, nagprepare ako ng snack!" nakangiti kong yaya sakanya habang hinihila na siya pabalik ng kitchen. Smile Hope, Smile like nothing happened.
Pinilit kong maging masaya ng buong araw, pilit kong itinago ang mga isiping bumabagabag sa akin, kahit pa naiisip ko padin ang mga sinabi ng nanay niya. I'm sure pera lang ang habol mo sa anak ko! Patuloy na nageecho sa utak ko ang linyang iyon ng nanay niya. Naisip ko lang, mababago ko paba ang impression na yun ng nanay niya maging ng buong pamilya niya? I can't lose him, lalaban ako. Oo! At hindi ako susuko.
Pero partly, nakakapanghina, kasi ngayon ko lang napapagtanto... Ito ba ang consequences ng pagiging gold digger ko noon?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
COMMENT VOTE LIKE
Thanks!
Love, Ja
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez