Chapter Twenty
Sir Erwin Sungit.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
*Oh, thinkin' about all our younger years
There was only you and me
We were young and wild and free
Now nothin' can take you away from me
We've been down that road before
But that's over now
You keep me comin' back for more---
Nagising ako sa lakas ng ringtone ng cellphone ko. Sino na naman kaya ang istorbong tumatawag sa akin? Nakakainis naman. Kung kailan nakuha ko na ang tulog ko saka naman may iistorbo.
Pupungas pungas kong inabot ang cellphone ko sa may bedside table ko at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hello?!" Mataray kong pambungad.
Ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya. Tanging malalalim na pagbuntong hininga lamang ang naririnig. Sino ba ito? Tatawag tawag tapos hindi naman nagsasalita.
"Hello?! Sino ba kasi to?" mas masungit kong ulit ngunit wala padin sagot.
Padabog kong inalis sa tapat ng tenga ko yung phone ko at marahang tinignan kung sino ang tumatawag at nanlaki ang mga mata ko at nawala bigla ang antok ko ng makita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. OH MY GOD!
Sir Erwin Sungit
Dahan-dahan kong ibinalik ang phone ko sa tenga ko upang muli siyang harapin. Kahit na hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kung may dapat ba akong ipaliwanag, o kung may dapat ba akong ihingi ng paumanhin. O kung may dapat ba akong aminin! Hay, leche! Pwede ba Hope, compose yourself! You shouldn't be like that just because of him. He's nothing, he's nothing.
"What do you want?" Matapang kong tanong kahit na parang nanlalambot ang buong katawan ko ngayon sa sobrang kaba. Ano ba? Why am I so nervous?!
Hinintay ko ang pagsagot niya ngunit wala padin. Wala padin siyang imik.
"Hey! Ano ba? Why don't you talk?!" Naiirita kong tanong. Ang epal! Inistorbo ang pagtulog ko para lamang iparinig niya sakin ang mga buntong hininga niya! Ano kaya iyon?! Damn. Kung nakita ko lang talaga na siya ang tumatawag. Hinding hindi ko iyon sasagutin. Dapat hindi ko talaga iyon sagutin dahil on the process na ako sa pagiwas sakanya, halos 3 weeks na nung huli ko siyang makita, kaso too late! Dahil sa kagagahan ko, nasagot ko pa ang tawag niya. Tapos ngayon?! Eto! Hindi siya magsasalita. Bullcrap!
Nagpakawala pa siya ng isa pang malalim na paghinga bago ko siya narinig na magsalita.
"Sorry, I just want to hear your voice." Iyon lamang at mabilis na niyang ibinaba ang tawag. What the hell was that! Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako agad nakagalaw! Nakalagay padin ang cellphone ko sa tenga ko habang nanlalaki ang mga mata ko. He just want to hear my voice? What does that mean? Ibig sabihin ba noon ay namimiss niya ako.
Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Parang tanga na naman yung mga organisms sa loob ng tiyan ko at nagkakagulo na naman sila. Pakiramdam ko nagkakabuhol buhol na ang mga intestines ko sa sinabi niya. Pero hindi dapat! Hindi dapat ako lumambot. At hindi dapat ako kiligin! What the fudge! I cant feel this. Alam mong hindi pwede Hope! Huwag!
Pinilit kong alisin sa isipan ko ang mga sinabi niya pero parang may voice recorder dito sa utak ko at paulit ulit kong naririnig ang huling sinabi niya. Sorry, I just want to hear your voice. UGH!!!
Kinabukasan ay linggo, at dahil halos isang linggo din akong tambay sa bahay ay napagpasyahan kong magsimba na lamang. Oo, kahit napakasama kong tao at ubod ang pagkamaldita ko ay hindi ko padin nakakaligtaang bumisita sa simbahan once in a while.
Sa Quiapo, Church ko napagpasyahang magpunta. Ang sabi kasi ni Nanay dito daw sila unang nagsimba ng tatay ko. Wow ah! Nagsisimba pala ang mga kampon? Hahahaha.
Lumuhod ako at nagdasal. Matagal-tagal nadin akong hindi nakabisita dito sa Quiapo, Church. Ang dami ng nagbago. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang kausapin si Lord.
Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Inihingi ko iyon sakanya ng kalinawan. Siguro, kung ano man ang nararamdaman ko ngayon ay parte lamang ito ng mga pagsubok na inihahain niya sa akin para lalo akong tumatag. Alam kong kaya ko'to! Walang wala nga ito sa mga naranasan ko nung nawala ang nanay ko. Diba? Kaya, kayang kaya to! :)
Pagkatapos kong magdasal at magpasalamat ay umalis na din ako. Wala na naman akong mapupuntahan neto. Ang mga kaibigan ko din kasi ay busy padin sa kani-kanilang career. Nagkaroon nga ako ng trabaho, kaso hindi naman nagtagal. Yan tuloy, balik nga-nga ako!
Kapag bored ako usually laman ako ng mall, nagwawaldas ng perang hindi naman sa akin. Kaso ngayon, para bang wala ako sa mood. Para bang wala akong pakeelam sa pera. Para bang wala akong gana. Ano bang nangyayari sa akin? Dati dati, kahit mag isa ako basta may credit card ako hindi ako nababagot ng ganito. Pero ngayon, para bang iba na ang hinahanap ko. Hays, ano ba to?!
Sumakay nalang ako ng MRT at nagpasyang umuwi na. Grabe! Yung huling beses ko palang sakay ng MRT ay noong hindi pa kami ni Miggy. Nakakapanibago tuloy! Pati nga ako ay naninibago sa sarili ko. Papaano ba naman kasi, hindi ako iritable o nainis kahit na siksikan sa tren. Samantalang, kilalang kilala ako bilang isang maarte. Pero ngayon wala lang, ano bang nangyari sa dating Hope?
Pagkauwi ko sa bahay ay doon lamang ako nakaramdam ng pagod. Nakakapagod palang makipagsiksikan sa MRT noh? Nahiga ako sa sofa at nagpahinga. Kaso bigla namang tumunog ang doorbell ko kaya obligado akong tumayo upang pagbuksan kung sino mang istorbo yun.
Pagkabukas ko ng pinto, nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin.
Isang mahigpit na yakap.
"You stubborn, hard-headed girl... I missed you."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
COMMENT VOTE LIKE
Thanks!
Love, Ja
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
Roman d'amourI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez