Chapter Thirty-Nine

2.2K 33 1
                                    

Chapter Thirty-Nine

 Beautiful Beast.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  

I woke up having a splitting headache. Goodness! I drank too much last night, Didn't I? Dahan dahan akong tumayo at dire-diretsong tinungo ang CR. I feel so dizzy! Ang bigat sa pakiramdam! Damn, Hangover! Damn, Bacardi!

Naghilamos ako para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Pagkalabas ko ng CR ay nagulat ako sa nadatnan ko. Si Miggy, natutulog sa sofa at hirap na hirap na pinagkakasya ang sarili niya doon. Hindi ko siya napansin kanina before ako pumasok ng CR. Naalala ko, oo nga pala. Siya ang naghatid sa akin kagabi. Napangiti ako, mabuti na lamang at dumating siya. He is always good to me, bakit hindi nalang naging siya?

Tahimik akong lumapit sakanya at dahan dahang naupo sa tabi niya. He looks the same, pwera na lamang sa mga tumutubong bigote niya, he looks so stressed and depressed. Naaawa ako sa itsura niya, pakiramdam ko napapabayaan na niya ang sarili niya. Is it still because of me? Is it still because I left him?

Marahan kong hinaplos ang makinis niyang pisnge. I'm sorry, I wish I tried my best to love you... Pero ang pasaway kong puso, nahulog padin sa kanya, sa kanya na sinaktan ako. Ngumiti ako ng mapait. Si Miggy ang kaharap ko pero si Erwin padin ang nasa isip ko. Am I insane?

Nagulat na lamang ako ng biglang tumaas ang kamay ni Miggy at hinuli ang palad kong nakahawak sa pisnge niya. Nagising ko ata siya. I saw him smile "Ito palang ata ang magandang umaga ko simula ng iniwan mo ko." Minulat niya ang mga mata niya at ngumiti sa akin habang hawak pa din ang isang kamay ko.

Guilt. That's what I felt when I saw him smile. Kasi kahit nakangiti siya, hindi iyon umabot sa mga mata niya. Malayong malayo sa Miggy na masiyahin at palabiro. This is all my fault, I made this to him. And I hate myself for that. I really really do hate myself for hurting him before. Hindi dapat niya ito nararamdaman kasi napakabuti niyang tao, minus the fact the he was a playboy before pero sa akin? He did everything for me yet I cheated on him. 

"Don't feel guilty. Naiintindihan ko naman eh. Hindi mo naman kasalanan kung bakit hindi ka nahulog sa akin eh. I know its your heart. So lets just blame your heart. Aright?" Tumatawa tawang sambit niya ng makita niyang seryosong seryoso lamang akong nakatingin sakanya. Nakita niya sigurong nagiguilty nga ako kaya niya sinabi iyon. Pero ayokong maniwala sa sinasabi niya because the truth is, THIS IS ALL MY FAULT. Sinaktan ko siya, nagdesisyon ako ng basta basta kaya eto ako ngayon. Yun na nga siguro ang pinakatangang desisyong nagawa ko sa buong buhay ko, ang magmahal sa maling tao. Pero, shit lang. Papaano mo nga ba malalamang mali ang taong iyon para sa iyo kung bulag ka naman sa pagmamahal mo para sakanya?

Pinagluto ko si Miggy ng adobo kahit almusal pa lamang. Sa 4 years kasi naming magkarelasyon ay ni hindi ko man lang siya naipagluto ng kahit ano. Ni hindi ko man lang siya napagsilbihan. And looking back, remembering the days when we're still together, wala akong matandaang ginawa para sakanya.  It was all for me. I was so selfish back then, so damn selfish.

Ang dami niyang nakain, halos maubos niya ang laman ng rice cooker ko. Sabi niya sobrang sarap ko daw magluto bakit hindi nalang daw ako nag-chef. HAHA. Patawa siya, basic lang ang alam ko sa pagluluto at sobrang madali lang naman magluto ng isang simpleng adobo, tapos chef agad agad? Pero, natuwa naman ako ng sobra. Alam kong he's trying his hardest just to make me laugh. Alam niya kasing hindi ako okay.

"Tara, pasyal tayo! Tagal ko ng hindi nalilibot ang Baguio. Punta tayo sa strawberry fields, tapos pumitas tayo ng fresh strawberries. O kaya naman, punta tayo sa botanical garden." Masiglang pag-aya niya sa akin ng tapos na kaming kumain at maglinis ng pinagkainan. I am not in the mood to go out right now, I feel so down and so weak nadin dahil sa hangover pero dahil sa nakita kong excitement sa mga mata niya, nahiya akong tanggihan siya kaya um-oo na lang ako.

The Life Of A Gold DiggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon