Chapter Nine
I passed out.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Lakad-takbo ang ginawa ko para lang maka-catch up ako sa mabilis na paglalakad ni Erwin. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, basta naglalakad lang siya. Pero sinundan ko padin siya para inisin. Pero parang ako ata ang iniinis niya. Papaano ba naman halos ikutin niya na ang buong mall! And this is the biggest mall in asia, malamang abutin ka ng ilang oras para malibot ang kabuuan nito.
Hingal na hingal na hingal na ako ng nakita kong tumigil siya at tinignan ako. Relax na relax pa ang mukha niya at walang bakas ng kahit na konting kapaguran. Ngumisi pa siya ng nakakaasar.
"Ano pagod kana?" Nakangisi niyang tanong sa akin sa tono ng pangaasar. Akala ko pa naman siya ang maiinis pero, wala. Sh!t, ako pa ang nanggagalaiti dito. Buti na lamang at airconditioned ang mall kundi naliligo na ako sa pawis by now.
Lumapit siya sa kinatatayuan ko habang nakangisi padin ng nakakaasar. "Okay ka lang?" And then he chuckled. Tumayo lang siya sa harapan ko habang nakasuksok ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. He's the most annoying man I have ever met, pero why am I so drawn to him?
"I hate you!" Wala sa sariling sigaw ko sakanya. Inis na inis na ako sa mga oras na ito. Magkahalong pagod, hingal at gutom ang nararamdaman ko. Paglakarin ka ba namang ng ilang oras ng walang lamang ang sikmura mo. I really hate him.
Hindi siya sumagot pero nakikita kong nagpipigil siya ng tawa. At nakukuha niya pa akong pagtawanan ah. Pero, y'know what? There's something with his smile, with his laugh. Para bang nanlalambot ako.
*sound of growling tummy*
Oops! Is that me? Sana hindi niya narinig yun, pero I was wrong. Narinig niya ang maingay kong tiyan at mas lalong humagalpak ito sa pagtawa!
"You should've said na gutom na gutom kana at wala kang pera kaya ka sunod ng sunod sa akin. Ni-libre sana kita!" Ugh. Annoying. Ako? Walang pera? Baka siya. At bakit siya tumatawa tawa ngayon, samantalang kanina sobrang sungit niya ah. Tignan mo tong baliw na to!
Pero bago pa man ako makasagot ay hinila na niya ako papasok sa isang japanese restaurant. Halos makaladkad ako sa paghila niya. Hobby niya ata talaga ang manghila nalang bigla bigla eh!
Iniupo niya ako sa isang upuan at bigla na lamang umalis. Saglit lang naman siyang nawala kasi pagbalik niya dala-dala niya na ang sangkatutak na pagkain. Iba ibang putahe. Merong sushi, sashimi, california makki, tempura, gulay, ramen at kung ano-ano pa. Seafood? Oh no!
Hinain niya sa harap ko ang lahat ng inorder niya. Nakakatakam pero kase... Hindi ako pwedeng kumain ng mga yan.
"Kain na! Gutom kana diba?" Masungit na utos niya habang iniaabot sa akin ang spoon at isang pares ng chopsticks.
"Ayoko nga-" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko. Papaano ba naman! Sinubo niya ang isang buong sushi roll sa bibig ko. OH MY GOD! Lagot na talaga.
"Kumain ka na lang jan! Ikaw na ngang nilibre, ikaw pang maarte." Sabi niya pa habang isinubo na naman niya ang isang buong california makki sa bibig ko. Hindi ko pa nga nalulunok yung isa eh, may kasunod na naman.
Nagsimula nadin siyang kumain. Ako naman, eto ngumunguya padin doon sa isinubo niya. Kumuha nalang din ako ng kanin saka tempura at kumain nalang din. Bahala na mamaya. Gutom na din naman ako eh, so go nalang ng go!
Tahimik kaming kumain. Nakakailang refill na siya ng kanin sa bowl niya, nakaka-lima na ata siya, ako naman nakakatatlo na din. Napagod yata kami ng sobra sa pagbabangayan at paghahabulan kanina kaya sobrang takaw namin ngayon.
Kaso, sa kalagitnaan ng pagkain ko nakaramdam na ako ng pagkahilo. Ugh! Bakit ang bilis naman ng epekto! Dapat mamaya pa to ah. Nanlalabo na ang paningin ko at sumisikip na ang dibdib ko. Sabi ko na nga ba hindi ko dapat pinairal ang katakawan ko eh. Nakakailang tempura na ba ako? 3, 4? or more? Hindi ko na mabilang.
"Oi, ayos ka lang? Sa sobrang katakawan mo ata, hindi kana makahinga jan. Ui!" Tila nang aasar pang tanong ng mokong. Ugh! Kasalanan niya to.
"Erwin, dalhin mo ko sa hospital." Nagawa ko pa iyong sabihin kahit na halos mahimatay na ako sa nararamdaman kong paninikip ng dibdib.
"Hahahaha! Bakit? Na-empatcho ka na ba sa sobrang dami ng nakain mo?" Damn, nakukuha niya pang magbiro. Nanghihina na ako. Para bang anumang oras ay babagsak nalang ako dito.
Uminom ako ng tubig kahit na halos hindi na ako makagalaw sa panghihina ko. Nakita naman ata niyang hindi na ako nakikipagbiruan kaya sumeryoso nadin ang mukha niya at mukhang nag aalala nadin siya sa lagay ko.
"Ano bang nangyari sayo?!" This time seryoso na talaga siyang nagtanong.
Tinignan ko lang siya. Hindi ako makasagot dahil narin siguro sa panghihina ko. Nagdidilim na ang paningin ko at sobrang hindi na ako makahinga.
"H-hope! Hope!" Eto ang huling narinig ko bago tuluyang nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay. I passed out.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
COMMENT VOTE LIKE
Thanks!
Love, Ja
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomansaI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez