Chapter Thirty-Seven

2.3K 32 2
                                    

Chapter Thirty-Seven

Naalala ko na naman.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Whaaaat?! mag-pinsan sila?!" Tila hindi makapaniwalang sigaw nila ng maikwento ko sakanila ang lahat ng nangyari kani-kanina lang sa elevator maging ang pagiging magpinsan ni Michelli at Erwin. Andito na ako sa penthouse, dito tumutuloy ang tatlong bruha at mamayang hapon ay aalis nadin sila pabalik ng manila.

"Oo nga, pinsan ni Mich yung lalaking yun. Michelli's surname is Montenegro, and Erwin's middle name is Montenegro too." Pag-explain ko namang muli. Ayaw kasing maniwala ng mga bruha! My Goodness, kahit ako hindi pa masyadong nag sisink in sa akin na all this time, may secret connection pa din pala ako sakanya ng hindi ko man lamang nalalaman.

"This must be fate. Pinagtatagpo talaga kayong dalawa." Napatingin naman ako kay Chloie sa sinabi niya. Just OH MY GOD! Coming from a playgirl, seriously?

"Tigilan mo nga ako, Chloie! This is just coincidence. This things happen." Inirapan ko naman siya. Pero naiisip ko, is this really fate? 

"I knew it. Sabi ko na nga ba't hahanapin at hahanapin ka nyan eh." Seryosong sambit naman ni Monica habang tila malalim ang naiisip niya. "Hope, why don't you just give him a chance to explain... Hindi naman ata tamang ganun ganunin mo lang yung tao. Just let him explain, wala namang mawawala kung pakikinggan mo yung tao diba? Ikaw nadin naman ang may sabi, na wala na at ayaw mo na sa tao. Then, atleast let him explain." Mas seryosong dagdag pa niya.

"I don't know, Nics..." Napabuntong hininga na lamang ako habang iniisip ang mga sinabi sa akin ni Monica. Give him a chance to explain? The fvck, hindi pa nga siya nageexplain tunaw na ang galit ko, papaano pa kaya kapag ginamitan niya ako ng mabulaklak niyang mga salita. This is not going to work!

Nagkibit balikat na lamang silang tatlo at iginalang na lamang ang kung ano mang maging desisyon ko. Maaga pa kaya nagdecide kaming sabay sabay nalang maglunch sa isang restaurant na malapit lang sa hotel. Masaya kaming nagkwentuhan at kumain, namiss namin ang isa't isa! Grabe! 

Tawa lang kami ng tawa dahil pinagkukwentuhan namin ang mga kabalbalan namin nung college. Sumakit nga ang tiyan ko kakatawa eh. Atleast, kahit papaano nakalimutan ko yung gag*ng yun. 

"Hope, mamimiss ka namin ulit. Sa susunod kasi, ikaw naman ang dumalaw sa Manila. Pwede? Abuso kana eh, usong umuwi!" Hapon na nga. Ang bilis ng oras! Uuwi na ang mga bruha kong kaibigan. At eto na naman si Sophia, magpapaalam na nga lang, magtataray pa. Haha. She kissed my cheek, nagpapaalam na nga sila. Huhu.

"Hope, think about what I said okay? Goodluck!" Hindi padin niya nakalimutan iyon. -.- Pero sabagay may point naman kasi siya. Siguro kailangan ko lang pakinggan ang side ni Erwin. Para magkapeace of mind na ako. Well, I'll think about it. Bineso niya na ako.

"Bye, Sis! Ingat lagi ah. Maintain mo yang ganda mo... I like it!" Pagpapaalam naman ni Chloie na bumeso nadin sa akin. 

"Bye Guys! Ingat kayo sa biyahe... Promise, next time ako naman ang bibisita sainyo." And then bumaba na ako ng kotse ni Monica, nagpahatid nalang ako sa bahay. Wala kasi ako sa mood bumalik sa shop. Makikita ko na naman kasi si Mich at maaalala ko na naman na pinsan niya si Erwin. Hays.

Kinawayan ko sila ng makababa na ako hanggang sa tuluyan ng makaalis ang kotse nila. Alone, again. Hays. Nakakalungkot din pala minsan pag mag isa ka. Lalo na at tumatanda na din ako, I just can't believe I'm 22 and I'm turning 23 next week. Darn, magbibirthday na naman ako mag isa. Tumalikod na ako at naglakad papasok sa gate ng apartment ko.

"Ay kabayo-" Geez, halos atakihin ako sa puso ng biglang may sumulpot sa harap ko. Sa sobrang gulat ko nga ay muntik na akong matumba. It was a dog, white japanese spitz dog na lumabas galing sa isang side ng apartment ko. Gosh! Where did this dog came from? Papaano ito nakapasok sa loob ng bakuran ko? 

Lumapit sa akin yung aso at parang kilalang kilala niya ako dahil inaamoy amoy niya ang legs ko at dinidila-dilaan pa. Ew, gross! Buti nalang mahilig ako sa mga aso. Medyo malaki na yung aso, hindi na siya puppy pero ang cute cute niya padin. Umupo ako para mahawakan ko siya. Hinaplos ko ang mga balahibo niya. Ang cute cute talaga! Sino kayang may ari nito? 

Nilaro laro ko lang siya hanggang sa makita kong may nakasabit sa leeg niyang kulay silver. "Amour?" Basa ko sa nakalagay sa necklace niya. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong ito yung asong binigay sa akin ni Erwin. This is my dog, Amour. My god! Papaano napunta dito to? Malamang, sino pa ba ang magdadala nito dito. Bubuhatin ko na sana si Amour ng biglang may nagsalita.

"Namiss ka niya..." Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses niya sa likod ko. Damn it, here he goes again. Hindi niya ba talaga ako titigilan. Dahan dahan kong binitawan yung aso at tumayo. Pero hindi ko padin siya hinaharap. "Namiss din kita.." At nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. He hugged me from my back. Darn! Nanlalambot ako, parang gusto ko siyang harapin at yakapin din. Pero, pinigil ko ang sarili ko. No, Hope! No! Just keep on hating him. Just hate him.

Akmang tatanggalin ko ang pagkakayakap niya sakin ng mas lalong niya itong hinigpitan. "Just let me hug you for a while. It's been two years, Hope. Two long painful years... I just missed you so damn much." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He missed me this much? I feel the same, kung alam lang niya. Pero, hindi. Hindi pwede, kailangan kong pangalagaan ang ego ko. 

Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang marahang pagdampi ng labi niya sa balikat ko. I was wearing a floral tube dress kaya lantad na lantad ang mga balikat ko. Nakuryente ang buong katawan ko sa ginawa niya. Damn it, he's still so powerful to me. Geez!

"I asked your friends kung saan kita matatagpuan, pero hindi nila sinabi sa akin. Kung saan saan ako naghanap. Sa probinsya mo noon, sa mga college friends mo, at kung saan saan pa. Pero wala, papaano ko nga naman makikita ang taong ayaw magpakita." Nagsalita siyang muli habang hindi padin umaalis sa pagkakayakap sa akin. So totoo pala? Na hinahanap niya ako noon kela Nics. Naalala ko na naman tuloy ang lahat lahat, parang kahapon lang. Tinakbuhan ko siya, iniwan ng ganun ganun na lang. Naalala ko na naman, pati yung sakit. Naalala ko na naman.

"After a year, I stopped looking for you. Naisip ko, kung para sa akin ka talaga, you would come back to me... Pero, you never came back. That's when I lost all my hope." Kung ganoon, isang taon niya akong hinahanap? Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko nanghihinayang ako, nanghihinayang ako kung bakit hindi kami pinagtagpo noong mga panahong hinahananap niya ako.

"And then... I saw your pictures from my cousin's facebook account. Magkaibigan pala kayo ni Michelli. And right then and there, I called her and boom! She told me where you are that's why I am here." bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at dahan dahan akong iniharap sakanya. Nagtama ang mga mata namin, at dumaloy ang kakaibang kuryente sa buong katawan ko. Damn it, wala padin nagbago. Ganito pa din ako ka-patay na patay sakanya.

 "I love you, Hope. I love you more than anything else in this world. So, please... Please, come back to me." Nagdiwang ang lahat ng insekto sa loob ng sikmura ko. I bit my lower lip para pigilan ang pag angat nito. Dont smile, Damn it! Hindi ko na ata kayang tiisin ang mokong na ito. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

COMMENT VOTE LIKE

Thanks!

Love, Ja

Ps. Dedication po ay para sa mga nagbabasa ng story na ito. You can request if you want a dedication. :)

The Life Of A Gold DiggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon