Chapter One
Where's my baby?!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Nakaramdam ako ng init. Ang init sobra, ramdam ko na pinagpapawisan na ang likod ko. Tapos naka-kumot pa ako. Teka, bakit hindi familiar ang place na ito? Bakit wala ako sa condo ko?
Mabilis akong napatayo ng ma-realize kong wala nga ako sa sarili kong kwarto. Where am I? Hindi ko matandaan. Basta ang naaalala ko lang ay sobrang wasted ako kagabi at sobrang dami ng alak na ininom ko? What happened to me?
Ni-check ko ang damit ko, yun padin naman. Thank God I wasn't raped or anything! Ha!
Nagulat na lamang ako ng lumabas ang hot na hot na guy mula sa bathroom ng naka-tuwalya lang. Shet! Kitang kita ko ang mamasa-masang abs niya. Seryoso! Ang hot niya talaga! I can't help but drool.
Siya yung waiter kagabi sa bar ah. Si Erwin, how could I forget. Hindi ko nga makalimutan ang mukha niya buong gabi. There's something about him. Bakit andito siya? Bakit andito ako? Bakit?! Don't tell me.. Oh sht no!
"What are you staring at?" Huli! Eh, kasi naman eh, sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kanya. He is half naked. Tumutulo tulo pa yung mga butil ng tubig sa dibdib niya pababa sa abs niya. Shet! Ang manyak ko.
Pero, in fairness, ang sungit niya padin. Kung umasta akala mo kung sinong may ipagmamalaki.
Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng kwarto, pero ilang sandali lang ay bumalik din ito. This time naka-boxers shorts at naka-white sando na siya na hapit na hapit naman sa katawan niya. Mas lalong hot tignan. Bat ganun? Argh!
"What am I doing here?! Asan ako?! Don't tell me-" Sunod sunod ko namang tanong sakanya ng pagkabalik niya para narin mapagtakpan ang kakaibang init na nararamdaman ko. Don't get ne wrong, mainit talaga sa kwarto dahil electric fan lang ang nakasindi. Walang aircon!
"Don't even think about it. Hindi kita type." Diretsong sagot niya na parang nagpadisappoint naman sa mga insektong nagsasayaw sa loob ng tiyan ko. How rude!!! Nakakainis, for the first time in my life, may nagsabi sa akin ng ganun. Wala kayang tumatanggi sa ganda ko. Anong karapatan niya? Waiter lang siya for pete's sake! Bakit pakiramdam ko natapakan ang pride ko sa sinabi niya? Tsss!
"Hoy Excuse me ah! Hindi din kita type!!! Hindi ako pumapatol sa mga waiter!" Defensive ko namang sagot sakanya habang umiikot ang itim ng mga mata ko. Nakakainis! Ang yabang! Akala mo naman kung sinong gwapo, pero sabagay... Gwapo naman talaga siya. Pero that doesn't excuse him from being poor. And I hate poor people! Kasalanan nila kung bakit sila mahirap dahil hindi sila marunong gumawa ng paraan. Mga walang diskarte, at puro kamalasan lang ang dala! Nakakainis.
"At hindi din ako pumapatol sa mga kagaya mong lasenggera! Pati tuloy ako naperwisyo mo pa dahil jan sa kakainom mo!" Mas mataas na boses naman niyang pang sumbat sa akin. Psh! Ano nga ba kasing nangyari? Wala akong maalala.
"Sa sobrang kalasingan mo, iniwan kana ng mga kasama mo, dahil narin sa pag iinarte mo! Naiwan kang mag isa dun, hindi ko malinis ng maayos yung VIP room dahil nakahilata ka doon, wala tuloy akong choice kundi ang isakay ka sa kotse ko. Tulog na tulog kapa, hindi ko alam kung saan ka iuuwi kaya dito kita dinala!" Pasigaw niyang pagpapaliwanag. Yun lang naman pala. Bakit hindi niya kinontak ang isa sa mga tauhan ni Miggy, Hays! Saka may kotse pala ang isang to? That surprised me!
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez