Chapter Sixty-Seven
Beast
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -I tried to act normal, nang parang walang nangyari. Pilit kong sinusubukang maging normal ang mga facial expressions ko ng kausapin ako ng stylist at yayaing i-wash na ang buhok ko.
Natataranta man ang buong sistema ko ay pinilit kong huwag ipahalata sakanila na apektado ako sa presensya nilang dalawa.
Kumabog ang dibdib ko ng makitang nakaupo sila sa isang couch na nadadaanan papunta sa sink kung saan babanlawan ng stylist ang aking buhok. Ugh, for the love of christ! Bahagya pa akong napamura ng makitang maging si Charity ay mataman na ding nakatingin sa akin. Magkahalong gulat at iritasyon ang nakikita ko sa mga mata niya, samantalang purong galit lamang ang nakikita ko sa mga mata ni Erwin. Wow, he's mad. Siya pa talaga ang may ganang magalit.
I rolled my eyes and confidently walked past them. Hindi nakatakas sa pang amoy ko ang parehong pabango ni Erwin noong magkasama pa kami. Oh my god, why do I have to even notice that?!
Saka lamang ako nakahinga ng maluwag ng makarating na kami sa isang silid kung saan naroon ang sink. Habang hinuhugasan ang buhok ko ay hindi ko mapigilang hindi murahin ang dalawa sa isip ko. Naiinis akong isipin na nagsasaya at nagpapakasarap silang dalawa the whole time, samantalang nagdusa ako mag isa. I cant help but feel bitter. Sa lahat lahat ng sakit na pinagdaanan ko, heto sila, naglalandian lang na parang wala silang inagrabyado at nasaktang tao.
"Ma'am, are you okay?" nag aalalang tanong ng baklang stylist na naghuhugas sa buhok ko. Hindi namalayang nanginginig na pala ako. Hindi ako nanginginig dahil inaatake ako ng anxiety attacks ko, nanginginig ako dahil sa galit.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. I'm okay." while I tried my best to calm myself. I stayed inside that room for a few minutes, hoping na paglabas ko ay wala na sila doon.
And to my relief, both of them are gone when I went back to my seat. Thank God...
The stylist went on with his job and continued styling my hair. Gusto ko na lamang itong matapos, dahil lubos na nanghina ang tuhod ko sa mga nangyari. Dala nadin siguro ng pagod.
Pagkatapos na pagkatapos ay nagbayad na ako, hindi na ako nag aksaya pa ng panahon tignan ang sarili ko sa salamin para icheck kung maayos ba ang gawa ng stylist.
Dala dala ang mga pinamili ay dali dali na akong lumabas ng salon para umuwi. Nakapag book nadin ako ng grab kanina habang tinatapos ng stylist ang buhok ko. I'm sure the car is already waiting outside.
Lakad takbo ang ginawa ko pagkalabas na pagkalabas palang ng salon. Ewan ko ba, i feel paranoid, thinking someone might follow me. Kahit na alam ko namang wala, dahil siguradong naglalandian pa yung dalawang iyon somewhere.
I arrived home safely, saka lamang talaga ako nakahinga ng maluwag at napanatag ng maisara ko ang pinto ng condo ko.
Halos maubos ko ang laman ng isang buong pitsel, at hindi ko na nga nagawang kumuha pa ng baso. I sighed, I cannot run like this forever. I want to be freed. Yung tipong wala nakong takot na lumabas at makasalubong sila sa kung saan. Gusto kong pukpukin ang ulo ko ng kung anong matigas na bagay, para makalimutan ko nalang ang lahat.
For a while, tumunganga lamang ako sa lamesa habang nakatingin sa pitsel na pinag inuman ko. Nagulat na lamang ako ng marinig ko ang door bell. Napairap na lamang ako, wala namang ibang pwedeng bumisita dito kundi si Robert, unless sinabi nito sa assistant ko kung saan ako nakatira.
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomansaI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez