Chapter Forty-Two
Master.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hinatid ako ni Mich sa apartment ko para makapagpahinga na. Hindi ko nakayanan ang mga nalaman ko kaya hinang hina talaga ako. Sobrang tamlay ko, pakiramdam ko namatay ang kalahating parte ng katawan ko. Awang awa ako sa mga sinapit ni Erwin noong iniwanan ko siya. If only I gave him a chance to explain his side noong mga panahong hinahanap niya ako kela Nics.
Ano na kaya ang buhay naming dalawa kung hindi ako nagpadala sa galit ko? Kung hindi ko siya iniwanan nung gabing iyon. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. Sising sisi ako. Sising sisi sa lahat ng mga kagagahang ginawa ko.
Pero nasaktan lang din naman ako ah. Biktima lamang ako ng maling akala. Kung sinabi naman niya sa akin noon na ako ang mahal niya, hinding hindi naman ako aalis sa tabi niya eh.
Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam. =_____=
"Are you gonna be okay? Uuna nako, Ara." Tinapunan ko ng tingin si Mich na ngayon ay nakatayo na at nag aayos na para umalis. Sinamahan niya kasi ako ng ilang oras pa dahil hindi ako tumitigil sa pag iyak.
"Ok na ako, Mich. Salamat sa lahat." I smiled weakly. Linapitan ko siya at mahigpit naman ako nitong niyakap. Geez, naiiyak na naman tuloy ako.
"Talk to him. Aright? He's just waiting for you." Malumanay niyang sambit habang hinahaplos ang likod ko.
"Yes, Mich. I will."
Maaga akong nagising kinabukasan upang magpunta sa Hotel na tinutuluyan ni Erwin. Sa Montemayor Royale din pala siya tumutuloy. Nag-taxi ako patungo doon at nagmamadaling tinungo ang front desk. May iilang nakakakilala pa sa akin pagpasok ko pa lamang dahil nga nagtrabaho ako dito noon ng halos isang taon. Nginitian ko na lamang sila ng matipid.
"Ara, ikaw ba yan? Laki ng ginanda natin ah." That was Hazel. Dati siyang chamber maid dito sa hotel, pero ngayon ay nakapwesto na siya sa front desk bilang receptionist. Naging close kami nung mga time na dito pa ako nagtatrabaho pero nawalan nadin kami ng communication ng umalis ako dito.
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez