Chapter Forty-Nine

1.8K 21 2
                                    

Chapter Forty-Nine

Forever.

[Rated SPG]

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Nadisappoint ako ng maramdaman kong lumayo si Erwin. Akala ko pa naman honeymoon na eh. Hahahaha! Nakita ko siyang tumakbo papunta sa dagat at nakangiting tinitigan ako. Damn, he's perfect. Yung hugis ng mukha niyang perpekto. Yung kilay niyang makakapal, pero maganda padin ang pagkakakurba. Yung mga mata niyang singkit at mapupungay. Yung ilong niyang matangos at perpekto. At ang labi niya... Ang labi niyang mahirap tanggihan. Dahan dahan niyang tinanggal ang tshirt niya at ipinatong ito sa balikat niya. Bumalandra ang nababasang abs niya dahil sa malakas na alon. Darn! Basa nadin ang pants niya dahil hanggang tuhod na niya ang tubig. He's so hot!

Napangiti ako ng matanaw ko ang nakangiti niyang mga mata. Tahimik ko lamang siyang tinatanaw habang naglalakad siya patalikod papunta sa gitna ng dagat. "Let's go, baby... Ang sarap ng tubig!" sigaw niya habang ako ay nakatayo padin sa kung saan niya ako iniwan.

 "Malamig! Ano kaba? Baka magkasakit ka niyan!" Sigaw ko pabalik sakanya. Malamig naman kasi talaga yung hangin, at sobrang aga pa. Excited lang siya maligo?

"Halika na! Hindi naman magiging malamig kapag magkatabi na tayo eh." natatawa tawang sagot niya. Pervert! Sinamaan ko lang siya ng tingin pero sa huli ay wala din akong nagawa kundi ang tumakbo papunta sakanya. Hindi ko matiis e! Nakakamagnet ang abs niya. HAHA.

Nakangiti siya ng matamis ng makita niyang dahan dahan akong naglalakad patungo sakanya. Hindi ako mapakali sa tingin niya. I can see different emotions in his eyes. Love, Passion, Desire, Lust. I know, If we are going to do it now, wala na kaming magiging kasalanan sa mata ng diyos. We are already married. Napangiti ako sa mga naiisip ko, I am married. Finally married to the man I love. Parang kinikiliti ako kapag naiisip kong Mrs. Chavez na ako.

Marahan niyang inabot ang mga palad ko ng makalapit ako sakanya at pinagdikit niya ang mga katawan namin. Pinatalikod niya ako at pinaharap sa papaakyat na araw at niyakap patalikod. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at bumulong. "And so the moon and the star collides." marahan niyang hinalikan ang balikat ko. "I love you, Hope." malambing niyang dugtong.

I smiled, my sweetest smile habang tinatanaw ang langit. "I love you too, Erwin." naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. We stayed like that for a while hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

Naglakad na kami pabalik ng bahay ng maramdaman na namin ang init ng araw. Basa kami pareho dahil sa pagtatampisaw sa dagat. Agad namang isinuot sa akin ni Erwin yung tshirt niyang tuyo pagkaahon namin. Napangiti ako, ang gentleman at ang sweet. 

"You like pink huh?" Natatawa tawang sambit niya habang papasok na kami ng bahay. Nagtataka ko naman siyang tinignan. Pink? Nakita niya siguro ang confusion sa mga mata ko kaya inginuso niya ang bandang ibabang part ng katawan ko. Marahan ko namang ibinaba ang tingin ko at tinignan din ang tinutukoy niya at nag init ang pisngi ko ng mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya. OMG! Kitang kita ang pink underwear ko sa manipis kong puting dress dahil sa nabasa ito. 

"Pervert!" sigaw ko sakanya. Sasapukin ko na sana yung braso niya kaso mabilis siya tumakbo papasok sa loob. Walanghiya! Ang pervert talaga ng lalaking yun. Ugh! 

Hindi na ako nag-abalang habulin pa siya. Dahan dahan nalang akong naglakad papunta sa dinaanan niya. Umakyat siya sa itaas kaya umakyat nalang din ako. Masyadong malaki ang bahay kaya baka maligaw pa ako. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng bahay. Ang ganda talaga! I can't believe he gave me this house.

The Life Of A Gold DiggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon