Chapter Sixty-Six
Day 1 in Manila
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -Hindi ko akalaing ganito kahirap ang pagsakay sa eroplano pagkatapos ng dalawang taon. Nakatitig lamang ako sa pintuan papasok sa private plane na pag aari ni Robert. Hindi ko maigalaw ang mga paa kong tila nag ugat na sa kinatatayuan ko.
Nauna nang sumakay dito sina Giovanni at Gianna while Robert is waiting for me sa hamba ng pintuan. He's stretching his arms trying to reach for mine. Kitang kita ko sa facial expression nito ang pag aalala at assurance, like he's telling me that everything will be okay. But hell no, I know it won't be.
Hindi ang pagsakay sa eroplano ang ikinakatakot ko. Takot ako sa lugar na patutunguhan namin. Pakiramdam ko masyadong maiksi ang dalawang taon para maghilom ang malalalim na sugat ko mula sa mga nangyari sa lugar na iyon.
1 month ago, I was so sure na nakamove on na ako sa lahat lahat. I even admitted to myself na wala na akong kahit anong nararamdaman para sa lalaking iyon. Pero ano ito? Paulit ulit kong pinagsabihan ang sarili ko sa isip ko "Hope, kaya mo yan. Its just Manila, you can do this."
"What the hell, Hope. We don't have forever just to wait for you. Its just a freakin' airplane ride!" it probably took a few minutes kung kaya't napalabas na din si Gianna ng eroplano para yayain na din ako. Kitang kita ko ang matinding iritasyon sa mukha niya. Nakita ko din si Giovanni likod niya na bahagyang piniligilan ang kapatid.
Huminga ako ng malalim, bago sinubukang igalaw ang tila naestatwa kong mga paa. I smiled weakly and reached for Robert's hand.
Buong biyahe ay natulog ang mga kasama ko. Ako lang ata ang gising habang inaabala ang sarili sa pagbabasa ng mga business deals namin over the past few months. Hindi ko hinayaang mabakante ang isip ko, para mawalan ng tyansang pumasok dito ang mga negative thoughts.
Sumakit na ang mata ko at nakakailang tasa na ako ng kape ng marinig ko ang piloto na pinapaalalahanan kaming isuot na ang aming mga seatbelts dahil maglalanding na kami anytime soon.
Naalimputangan silang lahat at bahagya pang nagulat si Robert nang makita akong inililigpit ang aking laptop at iilang tasa ng kape na kinuha naman ng flight attendant.
Nagsimula na namang manginig ang mga kamay ko habang kinakabit ang seatbelt. Kitang kita ko ang matinding pag aalala ni Robert. Pero wala din naman siyang nagawa dahil kailangan nadin niyang magseatbelt at maghanda para sa paglalanding namin.
Ilang minuto pa ang lumipas and our plane safely landed in Manila. Pero ang mga emosyon ko, safe pa ba?
Napansin ko ang nag aagaw na liwanag at dilim mula sa bintana ng condominium na titirhan ko. The windows are all wide and big, at kitang kita ko ang unti unting pagkabuhay ng ilaw mula sa mga skyscrapers sa payapang lugar na ito dito sa Manila. For a big city, Taguig seems like a peaceful place to me, and somehow calmed me.
Sinundo kami ng isang driver pagkalapag ng eroplano, at nauna akong hinatid ng mga ito dito sa condo unit na pag aari ni Robert. May mansyon sila sa bandang Cavite, pero napagpasyahan kong huwag nang tumuloy doon. Apparently, that house is Robert's gift to their mother, and I wanted to respect the memory of the house for them.
I am planning to get my own place anyway. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Bahagya kong nakikita ang repleksyon ko sa salamin ng mga bintana. Marahan kong hinaplos ang dulo ng buhok kong natural na kulot. My hair grew longer. This is my longest hair so far. Its a little over my hips. Maybe I should start with this.
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomantizmI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez