Chapter 1

87K 2K 57
                                    


Chapter 1: The story begin


Bharbie's point of view.


"Hello! Maganda kong apo." Tahimik akong nasa kwarto nang biglang pumasok sa loob si lolo na nakasuot ng pang hiphop na sumbrero. Sumayaw sayaw pa ito na akala mo ay isang teenager. Napailing nalang ako sakanya bago tumutok muli sa laptop.





"Pwede bang lumabas muna kayo sa kwarto ko? Aware naman po kayo na busy ako ngayon sa paghahanap ng lilipatan ko na school diba?" Umupo siya sa dulo ng kama ko at seryoso itong tumingin sa 'kin.





"Kelan ka ba kase magtitino? Ilang beses ka na bang napatalsik sa iba't ibang eskwelahan?"





"Hindi naman ako ang laging may kasalanan sadyang napapasama lang ako sa gulo ng mga kaklase ko." Ixius Academy, ang korni ng name pota. Ayoko nito. Nag-scroll down pa ako. Dela Cruz Academy. Kilala ni Grandpa ang may-ari nitong school kaya ayokong pumasok dito dahil bukod sa ang panget ng name ay hindi rin gaano kaganda ang pagpapatakbo nila. Tama ba na ipangalan sa eskwelahan na ipinatayo nila ang last name ng buong angkan? Gosh!





"Alam mo kung buhay pa siguro mga magulang mo siguradong hinding hindi ka na makakatikim ng magandang pag-aaral dahil dyan sa ginagawa mo." Napangiti ako sa sinabi n'ya kaya napalingon ako rito.





"Really? Good idea! Maganda 'yon! Iwas sakit ng ulo at iwas sa tuition fee. Ayaw mo ba nun, Grandpa? Wala ka na pag-aaralin pa." Napansin ko na nadismaya s'ya sa sinabi ko dahil bumuntong hininga ito bago lumabas ng kwarto.





Nginuya ko nalang ang bubble gum na kinuha ko sa galon at nag-focus nalang muli sa ginagawa ko. Bata palang ako hindi ko na maintindihan kung bakit nga ba ganito ang buhay na kinasanayan ko. Nasanay ako na may mga nakakaaway at nakabubugbugan kaya palagi akong napapatalsik ng eskwelahan pero hindi ko naman kasalanan kung bakit ako napapatalsik dahil sila naman ang nagsisimula ng gulo.





Sa totoo lang, si Daddy ang nagturo sa akin kung paano mag-martial arts at gumamit ng iba't ibang armas pero hindi nagtagal namatay rin ito kaagad. Bata palang ako namatay na ang parents ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkamatay nila. Sa tuwing tinatanong ko naman sila Grandpa ang sinasagot lang nila sakin ay hindi ko ito pwedeng malaman.





Kahit na gustong gusto ko malaman ang nangyari noon wala pa rin akong magawa dahil ayaw nila sabihin sa akin ang totoo kaya wala akong choice kundi manahimik at intindihin nalang sila. Bakit kase hindi ko pwedeng malaman ang pagkamatay ng mga magulang ko? Anak naman nila ako kaya dapat lang malaman ko ang tungkol doon. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba sila o baka naman hindi rin talaga nila alam.





Habang nag-sscroll ako, may napansin ako na pangalan ng isang academy. Journal Academy. Interesting diba? Maganda ang name at mukhang matatalino pa ang mga estudyante dahil sa pangalan ng school. Mukhang dito na ako sa school magbabagong buhay.





"Grandpa!!" sigaw ko. Narinig ko kaagad ang pagkalabog ng sahig galing sa labas hanggang sa bumukas na ang pinto at iniluwa nito si lolo na nakasuot ng bonnet na pangbata.





Napakachildish niya talaga.





"Why apo?" tanong niya.





"Nakapili na ako ng school. Journal Academy ang papasukan ko. I-enroll n'yo na ako kaagad dahil excited na akong pumasok muli. Alam mo naman siguro na ayokong naiinip." utos ko rito. Mukhang nagulat ito sa sinabi ko kaya napakunot noo siya.





"Journal Academy? Wag na dyan! Marami pa naman school na pagpipilian."





"I badly want that school. Isa pa, kelan pa kayo kumontra sa mga desisyon ko?" Sa ilang taon ko nakasama si Grandpa ni hindi s'ya kumontra sa mga gusto ko, as in ngayon lang talaga.





"E kase naman apo! Gusto mo bang malayo ako sayo?" Nakapout n'yang tanong sa 'kin.





"What do you mean?"





"Malayo ang school na 'yon. Sigurado ako na hindi kita mabibisita o mapupuntahan manlang." Kahit na magkasama kami sa bahay ay bihira rin naman kami magkita kaya anong pinagkaibahan non kung sakaling malayo ako sakanila?





"And what's the issue? Maganda nga 'yun eh! Hindi na kita makikita na suot suot ang mga damit na pang teenager or pang one year old lang."





"Kahit kelan ka talaga na bata ka! Osya! Lalabas na ako at tatawagan ko ang kapatid mo para siya ang kumausap sayo." Matapos n'yang sabihin 'yon ay tuluyan na s'yang lumabas ng kwarto ko.





Ano naman bang pakialam ni Kuya Steven sa papasukan kong school? Sigurado naman ako na sanay na rin siya na wala akong permanenteng eskwelahan. Akmang tatayo na sana ako kaso napaisip ako bigla. Bakit kaya alam ni Grandpa ang tungkol sa academy na 'yon? Sikat ba 'yon? Kung sikat ang school na iyon, bakit ayaw niya ako papasukin doon? Weird old man.





Umiling nalang ako at naisipan na mag-ikot na lang sa village. Kinuha ko muna ang rubber shoes ko para isuot pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Lalapitan ko sana si Grandpa para magpaalam kaso nakita ko siya na may kausap sa phone. Hindi na ako nagpaalam sa kanya kasi mukhang seryoso siya habang nakikipag usap sa phone kay Kuya Steven.





Sinuot ko ang headphone na nakasabit pa kanina sa leeg ko at nagplay ng music. Naglakad lakad lang ako sa loob ng village hanggang sa may napansin akong pinagkakaguluhan ng mga tao kaya naisipan kong silipin kung anong mayroon doon. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ang isang grupo ng mga babae na ginugulpi ang nag-iisang babae sa loob ng park tapos yung mga tao todo video pa.





Mga walang utak! May ginugulpi na nga sa harapan nila hindi pa nila tinutulungan tapos nagawa pa talagang i-video. Anong mangyayari kapag napuruhan ang ginugulpi? Ititigil nila ung video at doon na nila ito tutulungan?





Stupid persons.





Agad akong lumingon sa tabi ko dahil napansin ko ang lalaki na natataranta habang nakatingin sa babaeng nakasalampak ngayon sa sahig.





"Hoy!"





Lahat sila napalingon sa akin at napatigil sa kanya kanya nilang ginagawa pati nga yung grupo ng mga babae na nambubugbog sa isang babae na nakasalampak sa sahig ay nakatingin na rin sa akin. Hindi ko inintindi ang mga bulungan nila. Ang tanging ginawa ko lang ay nginuya ang bubble gum na nasa bibig ko tapos kinalbit ko ang headphone sa leeg habang nakapamulsa sa dalawa kong bulsa. Lumapit na ako kaagad sa kinaroroonan nila.





"Excuse me! Who are you?" sabi ng isang babae na nakakulay pula. Mukha na itong patay dahil sa kaputian ng balat n'ya. Mahaba ang buhok at coca cola ang hugis ng katawan. Lumingon ako sa likuran para tignan yung lalaki na kanina pa natataranta. Nginisihan ko siya.





"Tulungan mo." Halata ang pagkagulat niya sa sinabi ko pero mukhang natakot yata sakin kaya tinulungan niya na kaagad yung babaeng kanina pa ginugulpi. Bumalik ang tingin ko sa apat na babae na bumubugbog kanina sa mahinang babae at halatang inis na inis sila sa ginawa ko.





"What are you doing bitch?" sabi naman ng isang babae na nakakulay puti. Mukha s'yang barbie pero ang ugali ay parang mangkukulam. Maputi rin ito pero hindi katulad ng naunang babae na akala mo ay nakalunok ng isang libong gluta.





"What am I doing? Uhm. I don't know."




Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon