Chapter 11

40K 1K 21
                                    


Chapter 11: Danica Bartolome
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Lumipas ang ilang araw matapos akong sugurin nila Mickey rito sa Journal Academy. Wala naman nagbago dahil pagkatapos mangyari lahat ng iyon. Back to normal na ulit kami. At ngayon, nasa loob ako ng klase dahil may special test kami kay Professor Hilarious. Lahat ng cellphone namin ay kinuha na muna pansamantala. Habang nasa klase, biglang nagsalita ang prof kaya lahat napahinto sa pagsagot.
     
      
    
 
"Students. I have to go out for a minute. Walang aalis dito kundi lagot kayo sakin. Kukunin ko lang ung record book,"
     
      
    
 
"Yes sir," sagot naming lahat.
     
      
    
 
Lumabas na siya kaya nagpatuloy nalang kaming lahat sa pag-eexam. Nagkaroon ng pagbabago sa sitting arrangement namin ngayon para masigurado na maiwasan ang pangongopya sa mga kaklase.
     
      
    
 
Si Chloe nasa unahan, tapat ng teacher's table. Si Kevin naman, nasa likuran sa gilid. Si Kurt naman, nasa pangalawang upuan bago maabot niya si Chloe. For short, nasa gilid siya ng pinto at nasa unahan. Habang ako nasa pangatlong row ng upuan sa gitna. Ang mga katabi ko ngayon si Clark sa bandang kanan at si Yohan sa bandang kaliwa.
     
      
    
 
Nang makalabas na si Professor Hilarious nagkagulo gulo na ulit except sa amin na mga nagtetest pa rin. Bumalik si Patrick sa pwesto namin, yung nangolekta ng phone. Lumapit siya sa upuan ni Clark at inabot ang isang phone. May tumatawag yata.
     
      
    
 
"Hello Mom!" sigaw niya. Sa ingay niya na iyon habang kausap niya yung ate niya 'raw' sa phone napalingon ako sa kanya.
     
      
    
 
"Yes. Of course. I love you!!"
     
      
    
 
"Can't you take that outside?!" inis kong sabi sa kanya.
     
      
    
 
Tumingin lang siya sakin at ngumisi "Okay. I already hang up now," sabi niya at binaba niya na ung phone saka inabot ulit iyon kay Patrick.
     
      
    
 
"Mind your own business,"
     
      
    
 
"You're not the only one here. Stop being bother and take it outside,"
     
      
    
 
"Tss,"
     
      
    
 
"Yes. Of course. Love you. What a silly."
     
      
    
 
"Is it because you don't have a mother?"
     
      
    
 
Tinignan ko siya ng masama at tumayo kaya bumagsak ang table na pinapatungan ng ballpen at test paper ko.
     
      
    
 
"What did you just say?!"
     
      
    
 
"Hey Bharbie! Can you quiet? For god sake!"
     
      
    
 
Napalingon ako kay Pink na umaarte na parang siya ang kausap ko. Lumapit ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.
     
      
    
 
"Gangsters Group Students stick together huh?"
     
      
    
 
"Kasama ka rin doon,"
     
      
    
 
"No. I'm not. Simple Student lang ako,"
     
      
    
 
Napatayo na rin siya dahil sa sinabi ko. "Dati! Hindi na ngayon kaya itigil mo na pagpapanggap na mabait ka kasi lahat naman tayo may tinatago rito,"
     
      
    
 
"Yeah right!" Lumapit ako sa tenga niya. "Oo, lahat tayo may tinatago kaya wag mo akong angasan dahil baka ipakita ko mismo rito sa school ang video na nangyari sa park. Kung ayaw mo mapahiya sa kanilang lahat manahimik ka nalang dyan,"
     
      
    
 
Umalis na ako sa harapan niya kaya naiwan siyang tulala na nakatayo doon. Inayos ko na muli ang table ko at kinuha ang test paper pati ballpen ko sa sahig. Nag-umpisa nalang ulit ako sa pagsagot. Ilang minuto ang lumipas bago bumalik si Professor Hilarious. Mabilis kaming natapos kaya maaga siyang nag-dismissed. Natapos na akong kumain sa cafeteria kaya nandito lang ako sa hallway ng school at nakasandal sa puno. Gusto ko sanang gumala ngayong araw kaso wala akong kasama kaya wag nalang siguro muna.
     
      
    
 
"Hey!" energetic na energetic na sabi ni Kurt habang may dala na dalawang coke in can at umupo sa tabi ko. "Oh!" inabot niya sakin ang isang lata. Tinanggap ko sa kanya iyon dahil nauuhaw na rin ako.
     
      
    
 
"Thanks!" sabi ko. Tumingin siya sakin saglit bago tumingin sa mga ulap.
     
      
    
 
"Kapag umalis ba ako mamimiss mo ako?"
     
      
    
 
"Ano bang pinagsasabi mo?"
     
      
    
 
"Sabi ko halimbawa kapag umalis ako riyo, malulungkot ka ba o iiyak ka? O baka naman matutuwa ka?"
     
      
    
 
"Uhm. Malulungkot? Hindi eh. Iiyak? Hindi rin. Tatawa? Hindi rin,"
     
      
    
 
"So, anong mararamdaman mo?!"
     
      
    
 
"Galit siguro,"
     
      
    
 
"Bakit naman galit?"
     
      
    
 
"Dahil ano.."
     
      
    
 
"Ano?"
     
      
    
 
"Dahil tinuring na kitang bestfriend ko rito tapos aalis ka nalang bigla. Ni hindi pa nga natin nagagawa ang mission na maging top group students dito sa Journal Academy tapos iiwan mo na kami."
     
      
    
 
Napangiti siya dahil sa sinabi ko.
     
      
    
 
"Wag kang mag-alala hindi naman kita iiwan. Kahit anong mangyari nandito lang yung bestfriend mo para sayo," Ngumiti ako sakanya at tumango tango.
     
      
    
 
"Nakakabagot naman. Paano kaya kung pumasyal pasyal muna tayo?"
     
      
    
 
"Sure. Saan mo ba gustong pumunta?"
     
      
    
 
"Kahit saan basta hindi ako maboboring,"
     
      
    
 
"Mall nalang mag-shopping na rin tayo,"
     
      
    
 
"After class." sabi ko.
     
      
    
 
"Masyado ng gabi iyon. Siguradong hindi tayo papalabasin,"
     
      
    
 
"Mas lalo naman ngayon. May klase pa tayo,"
     
      
    
 
"Madali lang naman 'yan eh. Trust me!" Inakbayan niya ako at kinindatan.
     
      
    
 
Hinatak niya ako bigla kaya hindi na ako umangal pa dahil alam kong hindi ko naman ikakapahamak 'to. Kasama ko si Kurt at kapag kasama ko siya siguradong safe ako. Nagulat ako dahil tumigil kami sa office ni Lolo. Pinigilan ko siya na pumasok baka kasi may kausap si Grandpa sa loob pero hinatak niya pa rin ako kaya wala akong nagawa kundi magpahatak nalang sa kanya.
     
      
    
 
"Kurt? Bharbie? Anong ginagawa niyong dalawa rito?"
     
      
    
 
Pagkapasok namin sa loob, nakita namin si Grandpa na kausap ang G-Partler. Meeting again? Sigurado ako na tungkol nanaman 'to sa punishment nilang apat.
     
      
    
 
"Nandito po kami para magpaalam lumabas ng school. Magshoshopping lang po kami,"
     
      
    
 
"May klase pa kayong dalawa,"
     
      
    
 
"Master. Saglit lang naman. Nakakabagot na kasi rito," Tinignan ko si Grandpa.
     
      
    
 
"Here," Inabot niya ang ID na ipapakita sa guard para makalabas kami. Kinuha iyon ni Kurt bago magsalita.
     
      
    
 
"Thanks Master! Maiiwan na po namin kayo," Hinawakan muli ni Kurt ang kamay ko at hinatak palabas ng office. Kinaladkad lang ako ng kinaladkad ni Kurt papuntang parking lot. Infairnes, ang sakit niyang manghatak.
     
      
    
 
"Saan kayo pupunta?!" Pagdating namin, sinalubong na kaagad kami ng guard.
     
      
    
 
Masyado silang mahigpit sa mga estudyante sa loob pero sa outsider, tatanga tanga.
     
      
    
 
"We're going out."
     
      
    
 
"Where's the ID's permises?"
     
      
    
 
"Here." Pinakita ko sa kanya ang ID na binigay ni Grandpa. Tinaasan ko siya ng kilay. "Any stupid questions?"
     
      
    
 
Binuksan niya na yung exit para makalabas kami. Bago ako tuluyang lumabas, tinignan ko yung guard. "I'm the grand daughter of the owner of this academy kaya kung ayaw mong matanggal sa trabaho. Wag na wag mo kong pagbabawalan lumabas, huh? Walang makakaalam na sinabi ko sayo 'to kundi malalagot ka sakin. Kung gusto mo itanong mo nalang kay Grandpa or Master Gino kung totoo nga ba ang sinasabi ko o hindi,"
     
      
    
 
Hinatak ko na si Kurt papunta sa kotse ko. Wala raw siyang kotse kasi bantay sarado siya sa bahay nila kaya hinatid lang siya rito.
     
      
    
 
"Ako nalang magmamaneho. Namiss ko 'to eh," sabi niya.
     
      
    
 
Hinagis ko sa kanya ang susi at nasalo naman n'ya iyon. "You're good huh?"
     
      
    
 
"Wala eh. Magaling talaga ako," kibit balikat niyang sabi.
     
      
    
 
"Yabang! Mas magaling pa rin naman ako sayo noh," Pumasok na kami sa loob ng kotse at agad na nagseatbelt. Lumingon ako sa kanya.
     
      
    
 
"Talaga lang huh?"
     
      
    
 
"Yes because i'm the daughter of Mr. Daniel Safari and Sabrina Gonzales, the black belter in taekwondo and granddaughter of Gino Safari, the Master of Journal Academy,"
     
      
    
 
"Hindi ba uso sayo pagiging humble?"
     
      
    
 
"Hindi. Mag-drive ka na nga lang dyan. Naiinip na ako!"
     
      
    
 
Ngumisi lang siya sakin bago magmaneho. Tahimik lang akong nakatingin sa side mirror hanggang sa makarating kami sa mall.
     
      
    
 
"Chocolates..." sabi ni Kurt habang namimili kami sa supermarket ng mga snacks.
     
      
    
 
"Mukha kang chocolate," pokerface na sabi ko.
     
      
    
 
"Ikaw nga. Kababaeng tao walang hilig sa mga candy's and chocolates,"
     
      
    
 
"Nakakadiabetes kasi 'yan,"
     
      
    
 
"Hindi ka naman lagi kakain niyan. Bahala ka basta ako bibili ako niyan." Kumuha pa siya ng kung ano anong sweets na pagkain.
     
      
    
 
"Mallows! Try mo kaya itong kainin," sabi ko. Tinuro ko ang tsisirya na nasa gilid.
     
      
    
 
"Sige kumuha ka na rin niyan," Natuwa ako dahil kahit hindi siya kumakain ng tsisirya, pumayag pa rin siya na bilhin ko iyon.
     
      
    
 
Naghanap lang kami ng naghanap ng mga pagkain hanggang sa magsawa kami. Pumunta kaming counter para bayaran na lahat ng napamili namin.
     
      
    
 
"Ihahatid ko muna itong lahat sa kotse tapos pupunta tayong fastfood para kumain," sabi niya. Tumango nalang muna ako sa kanya at nag-antay sa tapat ng puregold.
     
      
    
 
Mayamaya pa, nakabalik na rin si Kurt kaya dumeretso na kami sa Jollibee para kumain.  Habang kumakain kaming dalawa, may babaeng lumapit sa table namin kaya napalingon ako rito.
     
      
    
 
"Hello! Can I join with you guys? Wala na kasing bakanteng tables eh?" request na sabi ng babae.
     
      
    
 
Umiwas ako ng tingin. "No/Sure!" Napalingon ako kay Kurt na sumang-ayon sa gusto ng babae.
     
      
    
 
"Sige. Sorry nalang sa abala. Aalis na ako," Parang nangongonsensya pa ang tunog ng boses niya.
     
      
    
 
"Hey! Kawawa naman paupuin na natin," bulong ni Kurt.
     
      
    
 
"Napakadaming upuan diyan bakit satin pa makikishare? Duh!" sabi ko. Umiwas na ako ng tingin sakanya. Naramdaman ko ang pagsipa sakin ni Kurt sa ilalim ng mesa kaya napalingon kaagad ako sa kanya.
     
      
    
 
"Miss. Pwede ka ng maki-upo," walang gana na sabi ko kaya napangiti ang babaeng iyon at umupo sa tabi ko.
     
      
    
 
"Uhm. Ako nga pala si Danica Bartolome. I'm 1—" I cut her off.
     
      
    
 
"Sinabi ko maki-sit ka lang sa table namin at hindi makipagkilala," pokerface na sabi ko sabay kain ng spaghetti .
     
      
    
 
"Pagpasensyahan mo na yung bestfriend ko ah. Ganyan lang talaga 'yan kapag walang magawa. Nagsusungit," sabi ni Kurt sa babaeng Danica raw ang name.
     
      
    
 
"Ayos lang po. Sanay naman po ako sa mga masusungit na babae kasi po yung ate ko magkasing ugali po sila. Ate, kuya, ano nga po pala name niyo?"
     
      
    
 
"None of your business,"
     
      
    
 
"Ehhhhh! Ate dali na po!" Tinignan ko siya ng masama dahil naiirita ako sa pagiging pabebe niya.
     
      
    
 
"Wag ka ngang feeling close dyan! Hindi naman tayo close." masungit na sabi ko.
     
      
    
 
"I'm Kurt Carreon and she's my bestfriend Bharbie Anne Safari. Nice meeting you, Danica." sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Hello po Kuya Kurt!" sabi niya kay Kurt. Ngumiti lang sakanya si Kurt. Lumingon siya sa akin. "Hello Ate Bharbie." masayang bati niya.
     
      
    
 
"Don't call me ate. I'm not your sister." sabi ko sabay inom ng tubig.
     
      
    
 
"Ate ngiti naman dyan oh?" Tuwang tuwa pa siya habang sinasabi iyan.
     
      
    
 
"Kung gusto mo akong ngumiti. Aalis ka rito at lilipat ng ibang table. If kung gusto mo rin naman na hindi kita sinusungitan. Finish your food and don't you dare to talk to me again." Uminom ako ulit ng softdrinks.
     
      
    
 
Buti naman natahimil na siya dahil sa sinabi ko. "Ilang taon ka na nga pala ulit, Danica?" tanong naman ni Kurt.
     
      
    
 
"16 years old, Kuya Kurt."
     
      
    
 
"Wag mo na ako tawaging kuya dahil konting edad lang naman agwat nating dalawa. 18 years old palang ako," sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Tatawagin ko pa rin po kayo na kuya. May girlfriend ka na po ba?" tanong ni Danica.
     
      
    
 
"Wala pa," sagot naman ni Kurt.
     
      
    
 
"Pwede mag-apply?" nagbibirong sabi naman ni Danica.
     
      
    
 
"Seriously?!" Iritang sabi ko. Nag-peace sign lang siya sa 'kin.
     
      
    
 
"Kayo po, may boyfriend ka na po ba?" biglang tanong niya sakin. Sumubo lang ako ng burger at hindi siya pinansin.
     
      
    
 
"Ang sungit niyo pala talaga. Gusto ko lang naman po makipagkaibigan." nakapout na sabi niya. Tinignan ko siya ng masama.
     
      
    
 
"I don't talk to strangers, okay? Nandyan naman si Kurt. Siya nalang ang kausapin mo dahil wala akong gana makipag-usap sa taong hindi ko naman kilala."
     
      
    
 
"Noted. Kuya, saan po kayo nag-aaral?" tanong niya bigla kay Kurt. Bakit ba ang ingay ng babaeng 'to? Wala bang oras na hindi siya mag-iingay?
     
      
    
 
Haish. Kainis!
     
      
    
 
"Journal Academy. Ikaw?" tanong ni Kurt.
     
      
    
 
"Wala po akong school na pinapasukan ngayon. Pinatalsik po kase ako sa dati kong eskwelahan,"
     
      
    
 
"Huh? Bakit naman napatalsik ka?" tanong ni Kurt.
     
      
    
 
"Masyado raw ako palaaway. Actually, hindi naman po talaga ako yung may kasalanan kung bakit nagkaroon ng pasa ang classmate ko. Pinagtulungan lang nila ako,"
     
      
    
 
"Alam mo kung ano ang mas dahilan nila kung bakit ka nila pinatalsik? Simple lang. Napakaingay mo! At feeling clo-- hmp! Ano ba?!"
     
      
    
 
Tinignan ko si Kurt ng masama. Tama bang takpan niya yung bibig ko habang nagsasalita pa ako? Inirapan ko lang siya at hanggang matapos kaming kumain nagkekwentuhan pa rin sila ni Danica.
     
      
    
 
"Ang sarap!" sabi nitong si Danica pagkatapos niyang kumain.
     
      
    
 
"Ngayon, pwede ka ng umalis."
     
      
    
 
"Sige po. Thank you sa pagpapaupo sa akin at pakikinig sa mga chika ko," Yumuko siya sa aming dalawa ni Kurt.
     
      
    
 
"Pauwi ka na rin ba?" tanong ni Kurt. Tumango sa kanya si Danica at ngumiti.
     
      
    
 
Tumingin sa akin si Kurt, "Tara, balik na tayo sa school. Sigurado akong inaantay na rin tayo ni Master," Umiwas lang ako ng tingin sakanya. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.
     
      
    
 
"Let's go." aya ko rito. Ngumiti sakin si Danica pero hindi ko siya pinansin.
     
      
    
 
"Danica, sabay na tayo," rinig kong sabi ni Kurt sa babaeng iyon.
     
      
    
 
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ko kay Danica basta iba ang pakiramdam ko kapag nadidikit ako sa kanya lalo na kapag naririnig ko ang boses niya.
     
      
    
 
"Sakay na,"
     
      
    
 
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa parking lot at nawala na si Danica sa paningin namin. Nang makasakay na kami sa loob ng kotse, lumingon ako kay Kurt dahil hindi niya pa rin iniistart ang kotse.
     
      
    
 
"Are you okay? Bakit ganon ka kay Danica? Mabait naman siya ah?" sunod-sunod niyang tanong sakin.
     
      
    
 
"May nararamdaman akong kakaiba sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano 'yon. Sa tingin mo, may ibig sabihin ba itong nararamdaman ko?" tanong ko sakanya. Tumingin siya sa manibela bago lumingon sakin.
     
      
    
 
"Baka isa si Danica sa mga nakaaway mo dati?" Umiling ako sa kanya.
     
      
    
 
"Hindi. Sigurado ako na ngayon ko lang siya nakilala pero familiar ang itsura niya sakin. Tuwing lumalapit siya at kinakausap ako parang may nararamdaman ako na kakaiba. Ayokong maguilty kapag sinusungitan ko siya pero pinapangunahan ako ng nararamdaman ko kaya naguguilty ako na ewan basta ang gulo!"
     
      
    
 
Magsasalita pa sana siya kaso nag-ring ang phone niya kaya napatingin kami rito. Nagulat ako nang makita ko ang pangalan ni Grandpa kaya imbis na siya ang sumagot, ako na ang sumagot ng tawag.
     
      
    
 
"Hello. Pwede mo ba ibigay sa apo ko ang phone may gusto lang kumausap sakanya."
     
      
    
 
"Grandpa, it's me. Why are you calling?"
     
      
    
 
Hindi siya sumagot. Maya maya pa may nagsalita na sa kabilang linya. "Hi Anne! Ako nga pala si Vince gusto lang namin marinig ang boses mo. Pwede ba?"
     
      
    
 
Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Vince. Punyemas! Ano nanaman bang ginagawa ni Grand?!
     
      
    
 
"Hi Anne. Humingi kase kami ng permission kay Master Gino para marinig ang boses mo. Kung sakaling busy ka man ngayon, saglit lang naman 'to. Kahit hi or hello lang ang sabihin mo."
     
      
    
 
This time, si Clark naman ang nagsalita. Tinignan ko si Kurt at pinindot ang mute sa phone. "Sino 'yan?" tanong niya.
     
      
    
 
"Ang G-Partler. Gusto nilang marinig ang boses ko,"
     
      
    
 
"Kung ganon ibahin mo nalang siguro yung tono ng boses mo ngayon." Tumango ako sa kanya. Tinanggal ko na ang pagkakamute at sinagot ang sinabi ni Clark.
     
      
    
 
"Anong kailangan niyo?"
     
      
    
 
Hindi ko alam kung maayos ba ang kinalabasan ng pag-iba ng boses ko pero sa tingin ko ay ayos na 'to. Kita ko naman na nag-thumbs up sa 'kin si Kurt.
     
      
    
 
"Nice to meet you, An---"
     
      
    
 
Hindi ko na pinatapos si Zach sa pagsasalita dahil ayoko sa lahat tinatawag ako gamit ang second name ko. Kinakilabutan ako. Lalo na kung si Zach ang tumatawag sakin non.
     
      
    
 
"Call me, young lady." Binaba ko na kaagad ang phone. Pinatay ko ang phone ni Kurt at kinuha ang simcard. Pinutol ko ito sabay tapon sa bintana.
     
      
    
 
"Mallows naman. Simcard ko iyon!" sigaw ni Kurt kaya nilingon ko siya.
     
      
    
 
"Bumili ka nalang ng bagong sim," Hindi na siya umangal pa at agad na kumalma sabay tango. Natawa ako sa reaksyon ng mukha niya pero pinigilan ko iyon dahil seryoso ang itsura niya.
     
      
    
 
"Mabuting umuwi na tayo. Kailangan na natin magpahinga," cold na sabi niya.
     
      
    
 
Tumango lang ako sa kanya. Nag-start na siya magmaneho kaya nag-seatbelt na ako. Napaisip muli ako sa naramdaman kong kakaiba kay Danica kanina.
     
      
    
 
Sino ka ba talaga ang babaeng iyon?
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon