Chapter 43

30.6K 843 12
                                    


Chapter 43: The Four Girls




Vince's point of view.




"Patawarin niyo po kami." sabi ng lalake na isa sa mga GA Gang habang binubugbog ito ni Clark.




"Ano? Wala akong naririnig! Akala ko ba matapang kayo mga gago?" sabi ni Clark at muling tinadyakan sa sikmura ang isa pang miyembro.




Yung isa ay nakatali lang sa upuan habang yung dalawang kaibigan ko tuwang tuwa sa pagpaparusa sakanila. Ako naman nanonood lang at hawak ang cellphone. Naka-video call kase rito si Zach at kitang kita ko ang pang-aasar sa pagmumukha n'ya.




"Zach naman! Pwede bang tumulong na ako? Naninigas na yung kamao ko rito!"




"Hindi pwede." Ngumisi siya sakin at kumagat muli ng mansanas.




"Psh! Samantalang favorite mo lang talaga silang dalawa kesa sa akin. Napaka-unfair talaga!"




"Concern lang ako sayo. Alam mo naman na ayaw kitang makita na napapagod diba? Ayoko rin masayang ang kagwapuhan mo na ipinamana ko sayo. Isa pa, magagamit mo rin 'yan mamaya sa GGW natin."




"Mas gusto ko na dugo ng kalaban naman ang dumadaloy sa kamao ko. Teka nga! Anong natin? Sasama ka talaga mamaya?" takang tanong ko rito. Hindi pa kase s'ya magaling tapos pinaplano n'ya na sumali mamaya.




"Hindi ko kayang magtagal dito sa ospital. Naboboring ako." Tinignan ko nalang sila Clark habang nagpapakasaya sa pambubugbog sa mga lalaki. Pinalo ni Paul ng baseball bat ang lalaking nakatali kaya napasigaw iyon sa sakit.




"Hindi niyo kilala ang kinalaban niyo." sabi ni Paul nang makabagsak sa sahig ang dalawang sugatan at duguan ngayon. Lumapit ako sa kanila para makausap ng mga lalaki si Zach.




"Sino sino ang mga leader sa G.A Gang na nag utos sainyo na gawin niyo ang bagay na 'yon bukod kay Simon?" tanong ni Zach.




"B-Bakit ko naman sasabihin iyon sa inyo? Ano ako tang---AGHHHHHHHH! PUCHA NAMAN!"




"SASABIHIN MO O PAPATAYIN KA NA TALAGA NAMIN NG TULUYAN?" sigaw ni Clark.




"S-Si Dexter Park..."




"Bukod pa sa kanya. Sino pa?"




"Blake, Ford, Dennis."




"Sino pa?"




"Desiree Hee."




"Desiree Hee? Sino siya?"




"Ang kapatid ni Simon sa labas."




"Sino pa?"




"Ayokong sabihin ang iba sa inyo dahil ayokong mapadali lalo ang buhay ko."




"Fuck! Gusto mo ba talaga mamatay?"




"May dalawang m'yembro ng JA Gangs na tauhan na ni Dexter Park ngayon. Isang lalaki at babaeng kakampi niyo na tumatraydor sa inyo. Kumikilos silang dalawa upang pagplanuhan ang pagbagsak n'yong lahat. Ang dalawang tao na iyon ay isa sa mga nagtatangkang pumatay sa Young lady niyo."




"Member sila ng JA Gangs? Kung ganon, may pinaplano silang patayin si Denise?"




"Denise?" Tumigil ito sandali at biglang humalakhak. "Nakakatawa, pati ba naman kayo ay nauuto ng Denise na iyon? Hindi naman talaga siya ang totoo--"




"TUMIGIL KA NG HAYOP KA!" sigaw ko. Hindi na ako nakapagpigil kaya sinapak ko na siya.




"Hoy Vince! Bakit mo pinatulog?" sigaw ni Clark at sinubukang gisingin ang lalaki.




"Masyado na siyang maraming sinasabi." Tinignan ko sa cellphone si Zach. "Pasensya ka na kung sinuway ko ang utos mo. Hindi na kasi ako nakapagpigil." Pinatay ko na kaagad ang video call dahil mukhang sesermunan na ako ni Zach.




Tinignan ko yung dalawa at sinenyasan silang umalis. Nangako ako kay Bharbie na hindi ko hahayaan na malaman ng G-Partler ang tungkol sa tunay na Young lady. Ayokong masira ang pinaplano niya kaya mas mabuti kung suwayin ko nalang ang utos ni Zach kesa malaman nila na hindi naman talaga si Denise ang totoong Young lady. Mukhang alam na ng GA Gangs kung sino talaga ang totoong Young lady kaya dapat lang na protektahan namin si Bharbie bago pa siya subukang patayin at galawin ng mga 'yon.




Bharbie's point of view.




Tumakbo na ako papasok papuntang gym dahil doon daw gaganapin ang GGW namin. Nang makapasok ako sa loob, nakita ko sila Kurt na nakaupo sa gilid kaya lumapit na ako kanila. "Mabuti naman at nandito ka na. Saan ka ba nanggaling?" tanong ni Chloe.




"Kagagaling ko lang sa bahay, pumunta na rin ako sa ospital para bisitahin si Denise." sabi ko.




"Si Denise ba talaga?" tanong ni Kurt.




"Si Denise ang pinuntahan ko dahil makakalabas na raw siya bukas ng umaga." Mukhang hindi sila naniniwala sa sinabi ko kaya nginitian ko ito.




"Nasa backstage na siya." sabi ni Kevin kaya napalingon ako sa likod. Napakagat labi nalang ako dahil nakita ko si Denise na nakaupo sa backstage.




"Umamin ka nga. Saan ka ba talaga galing? Bakit kailangan mo pa magsinungaling samin?" tanong sa akin ni Chloe. Lumingon nalang muli ako sa kanilang tatlo.




"I'm sorry kung nagsinungali---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil agad na pinutol ni Kurt ang usapan.




"Pag-usapan nalang natin iyan mamaya. 'Wag muna ngayon." sabi nito. Pansin ko sa boses niya ang pagkadismaya. Napabuntong hininga nalang ako bago umupo sa tabi ni Kevin. Nilingon ko naman si Chloe.




Umiwas ito ng tingin sa akin. Alam kong nagalit sila pero hindi ito ang tamang oras para mag-usap kami. Bibigyan ko nalang sila ng time mamaya para kausapin ako. Napalingon ako sa stage dahil nandoon na ang The Run Devil at The Hell. Sila kasi ang unang maglalaban ngayong gabi.




"Magsisimula na ang ating laban, umpisahan natin sa The Run Devil laban sa The hell. Goodluck everyone!" sabi ni Denise habang paika-ika pang naglalakad sa stage.




Si Sam at Kilmer ang unang naglaban. Ang hawak na sandata ni Kilmer ay isang kadena habang kay Sam ay isang katana. Tumakbo si Kilmer sa kanya upang umpisahan ang laban ginamit niya ang kadena upang iikot niya iyon sa paa ni Sam pero buti nalamang nakatalon si Sam kaya nakawala siya sa kadena.




Ngumisi siya kay Kilmer at sinugod siya nito gamit ang katana. Buti nalamang nasasalo nung kadena ang katana na iyon kaya hindi siya nasusugatan nito. Habang busy si Sam sa pag atake, mabilis na gumalaw si Kilmer upang pumunta sa likod nito kaya nang makarating siya sa likod ni Sam. Agad niyang sinakal ito gamit ang kadena kaya nabitawan nito ang katanang hawak niya.




Sumunod naman na naglaban ay sila Caz at Peter na ang hawak ay katana. Ganon din naman ang sandata na hawak ng kalaban nilang si Yohan. Nagsimula na ang laban nila dahil agad na kumilos si Caz. Sa nakikita ko ngayon ay halatang desperadong desperado talaga silang matalo ang isa't isa kaya hindi na ako magtataka kung magkakasugat ang isa sa kanila o dalawa man.




Kinuha ni Peter ang katana niyang bumagsak sa sahig dahil sa pagsipa ni Yohan sa kamay niya pero habang hawak niya 'yon agad na kumilos muli si Yohan. Umikot ito at sinipa ang katana papunta sa baba ng stage dahilan para tutukan niya si Peter. Ibig sabihin, hindi niya na dapat pang saktan muli si Yohan.




Muling sumugod si Caz kay Yohan pero dahil mabilis makiramdam si Yohan, agad itong lumingon para itama ang hawak niyang katana sa katana na hawak ni Caz. Nagkatinginan muna sila bago sipain ni Yohan si Caz sa sikmura kaya tumalsik ito pati ang kanyang hawak na katana. Kinuha ni Yohan ang katanang iyon para itapat ang dalawang katana sa dalawa niyang kalaban.




Ang sumunod na naglaban ay sina Law at Jeron. Ang hawak na sandata ni Law ay baril habang kay Jeron naman ay dalawang katana kaya naexcite ang lahat ng manonood.




"Shit! Exciting naman ng laro nila."




"Ang creepy parang magpapatayan na sila."




Nagsimula na magpaputok si Law ng mga bala pero agad naman pinapatalsik ni Jeron kaya habang naglalakad sila ay nagpapaputok si Law ng baril habang si Jeron naman ay patuloy lang sa pagtalsik ng bala.




Nang makalapit si Jeron sa kanya napatigil ito sa pagpapaputok. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Jeron at agad na siyang sinipa at tinadyakan sa sikmura. Pinunit pa nito ang gamit niyang polo kaya tuwang tuwa ang mga manonood dahil kitang kita na ang 6 packs abs nito.




"Ang hot!"




Natapos na ang laban ng TRD at TH kaya alam kong kami na ang susunod. Tumayo na kami at naglakad papunta sa stage habang pinapakinggan ang bulungan ng mga estudyante.




"Go Queen Bharbie!"

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon