Chapter 63

25.9K 694 49
                                    


Chapter 63: The war has begun
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Simula ng pasukin ko ang Journal Academy. Ang tanging nasa isip ko lang ay baguhin ito at tapusin ang kaguluhan na mayroon sa eskwelahan na ito. Kung sakaling, hindi ko man ito magawa ay aalis nalang ako rito pero hindi 'yon nangyari dahil nalaman kong pamilya ko pala ang nagpapatakbo ng eskwelahan na huling pinasukan ko. And the next thing I knew is the darkest secret of this academy.
     
      
    
 
Ang mga taong namumuno dito ay puno ng galit sa puso at gustong maghiganti sa isang taong sumira ng kanilang pamilya. He also killed my parents. Kidnapped my ex-boyfriend and tried to used him against me. My brother almost died because of him. He really wants to kill us. My whole family.
     
      
    
 
I want to think that all of this was just a dream but it's not. This is a reality. Gustuhin ko man na talikuran ang lahat ng 'to ay hindi ko pwedeng gawin. Siguro ito na talaga ang buhay na itinadhana sakin. Ang paghigantihan ang taong pumatay sa mga magulang ko.
     
      
    
 
I strip off my clothes and took a bathe. Hindi pa rin nawawala sa isip ko si Grandpa. Kung hindi ko ito maililigtas panigurado ako na hindi sila magdadalawang isip na patayin s'ya o hindi naman gamitin laban sakin katulad ng ginawa nila kay Ethan. Nang matapos ako maligo ay agad din akong nagpatuyo. Mayron nalang kaming dalawang oras para paghandaan ang pagsugod sa Galaxy Academy. Sigurado ako na naghahanda na rin ang iba ngayon.
     
      
    
 
Nagbihis na ako kaagad pagkatanggal ko ng bathrobe. A black fitted leather suit na may zipper bandang dibdib. I put a black lipstick on my lips and brushed my hair into a ponytail and pulled out two strands in the front. Sinuot ko na rin ang boots ko na pwede kong taguan ng mga patalim. Matapos kong magbihis, tumungo na ako kaagad papuntang JA Gangs Room.
     
      
    
 
Naabutan ko ang ibang m'yembro ng gangsters group sa loob at mukhang nagreready na rin ang mga ito. Lumapit sakin si Kurt na mukhang nababahala ngayon.
     
      
    
 
"May problema tayo." Hindi ko ito nilingon at patuloy pa rin sa pagtingin sa mga baril. "Ang daming security na nakabantay ngayon sa Galaxy Academy, kung sakaling pasukin natin ang lugar na 'yon panigurado ako na mahihirapan tayo na makalabas." Tumigil ako sa paghawak ng mga baril at nilingon s'ya.
     
      
    
 
"Hindi ako papayag na walang makakalabas ng buhay doon. Puntahan mo si Ethan. Isasama natin s'ya sa mission na 'to." Nagulat ito dahil sa sinabi ko.
     
      
    
 
"Sigurado ka ba na isasama mo s'ya?" tanong nito.
     
      
    
 
Tumango lang ako sakanya. Hindi na ito nagsalita at umalis nalang kaagad. Wala na ako sa wisyo para maawa pa sa iba. Gusto kong mailigtas ang lolo ko sa loob. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sakanya. Kung mamimili man ako sa kanilang dalawa ni Ethan, pipiliin ko s'ya kahit na ano man ang mangyari.
     
      
    
 
Ikinabit ko na ang belt ng mga armas at baril na gagamitin ko. Ipinasok ko na rin sa loob ng boots ko ang mga patalim. Sinabit ko na rin ang katana ko sa likod. Matapos ko maghanda ay lumabas na ako kaagad sa academy. Sobrang dilim ngayon sa hallway dahil isinara na muna ang academy.
     
      
    
 
I aimed my gun to the tree. Napangiti ako nang maasinta ko ang tinatarget kong barilin. Paulit ulit kong pinaputok ang baril at inisip na si Dexter Park ang punong 'yon.
     
      
    
 
Tumigil lang ako sa pagputok ng baril dahil sa pagharang ni Zach sa puno. Muntikan ko na nga itong mabaril, mabuti nalang ay nailihis ko na kaagad ang baril ko at napunta sa ibang direksyon ang bala.
     
      
    
 
"Handa na ang lahat." sabi nito. Pansin ko sa mga mata nito ang pag-aalala sakin. Tumango lang ako sakanya at agad na kaming lumabas ng academy. Naabutan ko ang iba na naninigarilyo habang ang iba naman ay sinusubukan ang mga armas at sandata nila.
     
      
    
 
Mukhang handa na talaga silang sumabak sa laban dahil lahat sila ay nagdesisyon na sumama sa amin ngayong gabi. Hindi ko ito pinilit at desisyon talaga nila na tulungan kami para iligtas si Grandpa. Lumapit sakin si Denise. 
     
      
    
 
"Kaninang umaga, naisip kong tumulong sa inyo. Kinuha ko ang Galaxy Academy History Book dahil nalaman kong nakalagay rito ang pangalan ng grupo ng mga GA Gangs. Nabasa ko sa pangalawang pahina na hinati ang bawat miyembro ng gang nila sa babae at lalaki. Ang pangalan ng grupo ng mga lalaki ay Black Night Armor habang sa babae naman ay Diamond Access." sabi nito.
     
      
    
 
"Gumawa kami ni Ate Denise ng isang bunutan at dito nakalagay ang bawat pangalan ng mga member ng gang nila at ang mabubunot n'yong pangalan. S'ya ang makakalaban n'yo mamaya." masayang sabi ni Danica.
     
      
    
 
"Nagawa n'yo pa talagang gumawa ng walang kwentang bunutan na 'yan?" naiinis kong tanong.
     
      
    
 
"Tumutulong lang kami sa inyo. Si Empress talaga ang nakaisip nito. Hindi raw s'ya mapakali kaya binilin n'ya samin ang bagay na ito." sabi ni Denise.
     
      
    
 
Sasabak nalang kami sa kamatayan kailangan may laro pa? Ano ba talaga ang tingin nila sa ginagawa namin? Naglalaro lang? Hindi ba nila alam na pwede kaming mamatay sa oras na pumunta kami doon. Inirapan ko nalang ang dalawa at nanahimik nalang sa tabi.
     
      
    
 
Pinaikot ni Danica ang isang kahon sa babae habang sa mga lalaki naman ay si Denise ang nagpaikot. Nagsimula na rin silang lahat na bumunot ng mga papel. Hindi na ako bumunot dahil alam kong ako na ang haharap kay Desiree. Ganon din naman sila Kurt at Zach sa kanila na sila Dennis and Simon.
     
      
    
 
Nang ipakita nila sa amin ang mga pangalan ng mga nabunot nila. Doon ko lang narealize na tama nga ang ginawa nila Denise at Danica. Mas maganda kung maghati hati kaming lahat dahil mas madali namin silang matatalo kapag ginawa namin 'yon.
     
      
    
 
"Maghihintay kami sa pagbalik n'yong lahat!" sabi ni Denise.
     
      
    
 
"Kayo rin. Mag-ingat din kayo rito."
     
      
    
 
"Ate bharb!" Nilingon ko si Danica. "Ipangako mo sa akin na babalik kayong lahat dito ah!" sabi ni Danica. Nginitian ko lang ito.
     
      
    
 
"Hindi ako nakakasigurado."
     
      
    
 
"K-Kung ganon. Pwede bang ipangako mo nalang sa akin na may makakabalik pa rito?" Narinig ko ang paghikbi n'ya. Magsasalita pa sana ako kaso mukhang may sasabihin pa yata ito. "Lalong lalo ka na..." pagpapatuloy n'ya.
     
      
    
 
Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Danica dahil sa totoo lang nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makaligtas si Grandpa at iba pang gangsters group kahit maging kapalit man nito ang buhay ko.
     
      
    
 
Bumukas bigla ang mga ilaw at nagulat ako nang makita ko ang iba sa mga simple students ngayon na papalapit sa amin. Nang makarating sila sa harap namin ay agad din silang yumuko lahat  habang may mga hawak na mga katana.
     
      
    
 
"Woah!" Hindi makapaniwalang sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Dude! Tignan mo si nerdy boy nandito!" sabi ni Clark habang pinapat ang ulo ng lalaking nasa gilid namin. Lumapit si Vince doon at kinuha ang katana ng estudyante. Nagulat ako dahil tinutok n'ya ang katana sa leeg nito.
     
      
    
 
"Vince!" saway ni Zach rito.
     
      
    
 
"Easy! Natutuwa lang ako na nandito ang favorite kong tuta!" masayang sabi ni Vince.
     
      
    
 
Inirapan ko lang ito at napailing. Nagtaka ako dahil may isang babae na pumunta sa harapan ko at lumuhod. "Young lady..." sabi nito habang itinataas ang hawak n'yang katana.
     
      
    
 
Tinitigan ko ito ng mabuti hanggang sa maalala ko kung sino siya. Ito yung babaeng nakasagutan ko noong araw na nag-confess sa akin si Kurt.
     
      
    
 
"Young lady. Ibinibigay ko po ang katana na ito upang magamit n'yo sa laban na haharapin n'yo ngayong gabi. Sana po ay tanggapin n'yo."
     
      
    
 
Ngumiti lang ako rito at tinanggap ang katana. Oo, may kasalanan s'ya sa akin pero hindi naman ako yung klase ng tao na mahilig magtanim ng galit sa taong nakaharap o nakaaway ko kaya natutuwa ako dahil kung sino pa ang nakaharap ko noon siya pa ang may lakas loob na pumunta sa harap ko ngayon. Nagpasalamat lang ako rito.
     
      
    
 
Tinignan ko ang mga gangsters group at halata sa mga mukha nila na nagsisisi sila sa mga ginawa nilang katarantaduhan noon. Hindi naman na ako nagtaka sa reaksyon nila dahil kahit ako magugulat kung bakit nandito sa harapan ko ang mga estudyante na binully ko at mas nakakatuwa pa doon sumasaludo silang lahat sa amin ngayon.
     
      
    
 
"Kailangan na naming umalis. Kayo na muna ang bahala rito sa ngayon." sabi ko kay Denise.
     
      
    
 
Tumango s'ya sakin. "Mag-iingat kayo."
     
      
    
 
Tumango lang ako rito. "Ate Bharb!" Tatalikod na sana ako kaso bigla akong tinawag ni Danica kaya nilingon ko muli ito. Sinalubong ako nito kaagad ng yakap at humikbi.
     
      
    
 
"Tumigil ka na nga sa kaartehan mo dyan! Wag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para iligtas ang lahat lalong lalo na si Grandpa."
     
      
    
 
Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha n'ya sa balikat ko kaya niyakap ko na rin ito.
     
      
    
 
"Wag ka na mag-alala. Magiging ayos din ang lahat pagkatapos nito. Hindi mo na kailangan pang umiyak dyan na parang may mamamatay."
     
      
    
 
"Paano kung may m-mangyari sa inyo? Alam mo naman ang mga GA Gangs marami silang pinaplano laban sa ating lahat. Paano kung mangyari ulit sa inyo yung katulad ng nangyari kila Daddy. H-Hindi ako ma---" Hindi ko na ito pinatapos ng pagsasalita at bumitaw ng yakap sakanya. Tinignan ko ito ng masama.
     
      
    
 
"Magkikita pa naman tayong muli kaya wag ka na umiyak na parang bata dyan. Pinapangako ko sayo na hindi mauulit ang mga nangyari noon. Magtiwala ka lang sakin." Tinignan ko ang mga mata n'ya kasabay non ang pagpunas ko ng luha na tumutulo ngayon sa pisngi n'ya. Nilingon ko sila Zach na ngayon ay pinapanood kami.
     
      
    
 
Tinanguan ko silang lahat at sinenyasan na mauna na sumakay sa loob ng van. Mabilis na silang kumilos kaya naglakad na sila ngayon papunta sa kanya kanyang van na sasakyan namin. Tinignan ko lang ang dalawang babae na nasa harapan ko at nginitian sila.
     
      
    
 
Bago ako pumasok sa loob ng van. Lumingon muna ako sa mga estudyante na nakatayo ngayon. Nginitian nila kaming lahat at itinaas ang mga katana na hawak nila.
     
      
    
 
"JA Gangs! Fighting!" sabay sabay nilang sigaw.
     
      
    
 
Gino's point of view.
     
      
    
 
Napatingin ako sa mga GA Gangs na nagsusugal ngayon sa gilid habang ang iba ay nagsisigarilyo at nagbabantay sakin. Ilang araw na ako nakatali sa upuan. Unti-unti na rin ako nanghihina dahil sa saksak ng kutsilyo sa hita ko. May mga pasa na rin akong natanggap mula sa mga suntok na natanggap ko kay Dexter Park.
     
      
    
 
Nalaman kong papunta na rito ang gangsters group para iligtas ako. Gusto ko silang pigilan na pumunta rito dahil hindi nila alam ang binabalak ng mga taong 'to. Nakapikit pa rin ako kaya hindi pa rin nila napapansin na gising na ako.
     
      
    
 
"Bakit parang ang tagal naman yata ng mga 'yon? Naiinip na ako!"
     
      
    
 
"Tumigil ka nga! Tamang magpahinga na muna tayo rito para naman may lakas tayo pagdating nila. Sigurado ako na pagod na pagod sila kakapractice para sa laban natin mamaya kaya madali natin sila mapapabagsak."
     
      
    
 
"Pinapasabi ni Master na mag-ingat tayo mamaya dahil may mga bomba sa bawat sulok ng academy. Sa loob ng chest nakatago ang bomba rito sa loob at 3 hours lang ang itatagal bago ito sumabog kaya kung ako sa inyo magplano muna tayo ngayon kung paano tayo tatakas mamaya sa mga 'yon na wala silang idea na sasabog ang buong academy."
     
      
    
 
Bomba? Wag mong sabihin na pasasabugin nila ang Galaxy Academy? Sarili nilang eskwelahan pasasabugin nila? Ganon na ba talaga kakitid ang utak ng mga taong 'to?
     
      
    
 
"Kung ganon, nasaan na ang mga estudyante?" tanong ni Jinro.
     
      
    
 
"Nilipat na sila sa kabilang academy kaya wala na tayo dapat ikabahala pa. Mas kailangan natin isipin kung paano tayo makakatakas sa mga kalaban natin mamaya na hindi nila nalalaman na may bomba sa bawat sulok ng academy."
     
      
    
 
Kailangan kong pigilan ang gangsters group para hindi sila mapahamak. Kailangan ko silang iligtas dahil ayoko na maulit ang mga nangyari noon. Hindi ako papayag.
     
      
    
 
"Lumabas na kayo! Paparating na sila rito."
     
      
    
 
"Good to hear! Kanina pa kase nangangati ang mga kamay ko para pumatay ng tao."
     
      
    
 
"Let's go! Hayaan n'yo muna ang matandang 'yan tutal tulog naman na yata."
     
      
    
 
Narinig ko ang mga kaluskos ng mga paa nila paalis ng bodega. Nang mapansin kong wala ng ibang tao pa rito sa loob. Dinilat ko na ang mga mata ko. Tinignan ko ang bawat sulok ng bodega para malaman kung saan nakalagay ang chest na sinasabi nila. Hindi naman malayo sa pwesto ko ang pinaglalagyan nito dahil isang metro lang ang layo nito sa akin at sigurado ako na sinadya nila 'yon. Kailangan kong makahanap ng paraan para makaalis dito dahil kailangan nila ako.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Tuluyan na kaming nakarating sa tapat ng academy. Umuulan ngayon sa labas pero kitang kita pa rin mula rito sa kotse ang mga taong nakabantay ngayon sa gate ng eskwelahan.
     
      
    
 
"What a coward man! Hiding from his puppets." naiiritang sabi ni Zach. Nilingon ko si Kurt.
     
      
    
 
"Simulan n'yo na." sabi ko rito. Tumango ito sakin at hinanda ang gagamitin n'yang sniper rifle.
     
      
    
 
Binuksan ko na ang sunroofs ng kotse. Doon s'ya pumwesto para barilin ang mga bantay ngayon sa labas ng Galaxy Academy. Sinimulan n'ya na ang pagpapaputok kaya isa isa na bumagsak ang mga bantay sa labas. Mukhang nabahala na kaagad ang iba at hinanap ang pinanggagalingan ng bala.
     
      
    
 
"Cleared. Pumasok na tayo." rinig kong sabi ni Kevin. Sa tatlong van na gamit namin sila Chloe, Kevin, at Kurt ang naka-assign para simulan ang pagpapatumba sa mga bantay ngayon sa labas ng academy nila Dexter Park.
     
      
    
 
Si Zach ang driver ng sinasakyan namin kaya sinimulan n'ya na ang pagmamaneho. Huminto kami sa gitna ng eskwelahan. Walang nakapaligid sa amin ngayon at sobrang linis ng paligid. Nauna na akong bumaba sa loob ng kotse at sumunod naman sila na isa-isang bumaba.
     
      
    
 
"Alam n'yo na ang gagawin. Kilos na!" utos ko sa mga ito. Agad na silang nagsitakbuhan. Tanging naiwan lang dito sa tabi ko ay sila Jeron, Zach at Kurt.
     
      
    
 
"Mag-iingat ka." sabi ni Zach. Tumango ako rito.
     
      
    
 
Umalis na silang dalawa ni Kurt at kami nalang ang tanging natitira ngayon ni Jeron dito. Sinilip ko si Ethan na ngayon ay nasa loob ng van. "I'm sorry kung dinamay pa kita rito." sabi ko.
     
      
    
 
"Alam mong hindi ka mananalo kay Dexter Park. Mapapahamak lang kayong lahat dito." 
     
      
    
 
"Hindi mangyayari 'yon dahil kasama ka namin. Kung sakaling mamamatay ka rito sa loob, ganon din ang mangyayari kay Dexter Park. Ginagawa ko ito para mailigtas ko ang mga kasama ko lalong lalo na si Grandpa."
     
      
    
 
Napangisi ito sakin. "Kung matalino ka, mas matalino s'ya. Hindi mo kilala ang matandang 'yon kaya hindi mo alam kung gaano s'ya kademonyo. Wag kang magpakampante."
     
      
    
 
Hindi ko na pinansin ang sinabi nito at nilingon nalang si Jeron. "Ikaw na ang bahala magbantay sakanya. Hahanapin ko muna si Dexter Park."
     
      
    
 
Tumango lang s'ya sakin. Sumilong ako sandali sa gilid dahil mas lalong lumalakas ang ulan at sinasamahan na rin ito ng kulog at kidlat. May napansin ako sa hindi kalayuan, ang daming bantay na nakapaligid sa harap ng isang silid at may mga hawak ito na mga armas. Bumukas ang main door ng silid at iniluwa nito sila Simon at Desiree.
     
      
    
 
"Desiree, bumalik ka!" sigaw ni Simon. Halatang hindi maganda ang takbo ng pag uusap nilang dalawa dahil sa itsura ni Desiree na puno ng galit.
     
      
    
 
"Leave me alone! You disgust me! Ginagawa mo kung anong gusto mong gawin kaya gagawin ko rin kung ano ang mga gusto kong gawin!" Tumakbo na ito papalayo. Hindi na ito sinundan pa ni Simon at tanging bumalik lang muli sa loob.
     
      
    
 
Ano kayang binabalak ni Desiree na gustong pigilan ni Simon?
     
      
    
 
Naisipan kong sundan nalang si Desiree dahil kailangan kong alamin ang ka-demonyohan na balak n'yang gawin. I can see her shadow on the wall. Pumasok ito sa silid kaya agad akong sumunod dito. Huminto si Desiree kaya napahinto rin ako. I silently move towards the side of the room. Sinilip ko ito at napapaligiran na s'ya ng grupo ng mga lalaki ngayon kasama si Dexter Park.
     
      
    
 
"Hindi ako papayag sa pinaplano n'yo! Kasama nila si Ethan ngayon at kapag pinagpatuloy n'yo pa rin na pasabugin ang eskwelahan, ikamamatay n'yo rin! Mag-isip nga kayo!" rinig kong sigaw ni Desiree.
     
      
    
 
Pasabugin ang eskwelahan? Kung ganon, binabalak nga nila kami patayin lahat ngayong gabi at ulitin ang nangyari sa mga magulang ko noon? Napapikit ako. I need to feed my anger. Hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko ngayon dahil nakasalalay ang buhay ko kasama ang mga kaibigan ko at si Grandpa.
     
      
    
 
"Desiree. Ano bang inutos ko sayo?"
     
      
    
 
Hindi ko kaagad narinig ang boses ni Desiree dahil biglang tumahimik ang paligid. Dahan dahan akong sumilip pero hindi ko natuloy ito dahil may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko. Unti-unti akong nahihilo dahil sa amoy hanggang sa mawalan na ako tuluyan ng malay.
     
      
    
 
Napamulat ako at inilibot ang paningin sa paligid. Napansin ko bigla ang manibela. Malabo pa rin ang paningin ko kaya hindi ko malinawan kung nasaan ako ngayon. Sa pagkakaalam ko may taong nagtakip ng panyo sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay. Sino ba ang taong 'yon?
     
      
    
 
Sa wakas, luminaw na ang paningin ko. Nasa loob ako ng kotse ngayon. Sinilip ko ang labas dahil walang tao rito sa loob. Ako lang ang mag-isa.
     
      
    
 
Napansin ko sa labas ang tatlong lalaki na nakatalikod ngayon. Mukhang binabantayan nila ako. Tinignan ko ang kamay ko para malaman kung may tali ba ito pero wala. Ilang oras na ba akong natutulog dito? Iyong iba? Nasaan na kaya ang ibang kasama ko? Ano na kayang nangyayari sa loob ngayon?
     
      
    
 
Dahan dahan kong binubuksan ang kotse pero hindi ko ito mabuksan. Mukhang nakalocked at hindi nila ako hahayaan na makalabas dito sa loob. Hinanap ko ang susi ng kotse upang paandarin nalang ito pero hindi ko rin nakita ang susi ng kotse. Dahan dahan kong kinapa ang hawak baril sa belt ko pero wala na ito rito.
     
      
    
 
Napailing nalang ako at dahan dahan kinuha ang mga patalim na nakatago ngayon sa boots ko. Wala na akong choice kundi basagin nalang ang salamin ng bintana. Gumawa ito ng ingay kaya napalingon sakin ang mga lalaki na nagbabantay sakin ngayon.
     
      
    
 
I made my move. Agad ko na ito pinagbabato ng mga patalim kaya isa-isa na silang tumumba. Lumabas na ako kaagad ng sasakyan at lumapit sa mga lalaki. Muli kong kinuha ang mga patalim ko kasabay ng pagkuha sa mga baril nito. Isa isa ko silang pinagbabaril para hindi na ito makasagabal pa sakin. Tinignan ko ang baril nito mukhang hindi aabot ng ilang tao ang mga bala.
     
      
    
 
Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon kaya kinuha ko ang phone ng isa sa mga lalaki para gumamit ng mapa. Hindi ganun kalayo ang eskwelahan sa kung nasaan ako ngayon. Kung sakaling pasabugin din ang eskwelahan ay hindi ako aabutin dito. Napansin ko na mahigit isang oras din akong nakatulog. Napaisip ako bigla. Ano na kaya kalagayan ng JA Gangs ngayon?
     
      
    
 
Itinago ko na ang phone sa bulsa ko at akmang maglalakad na sana kaso napahinto ako dahil naramdaman ko ang dulo ng baril na nakatutok ngayon sa ulo ko.
     
      
    
 
"Hindi ka pwedeng bumalik sa lugar na 'yon."
     
      
    
 
Mahigpit kong hinawakan ang baril ko. "Ako na ang nagsasabi sayo na ikamamatay mo kung bumalik ka pa sa lugar na 'yon."
     
      
    
 
Hindi ko man makita ang mukha nito pero nakikilala ko naman kaagad ang boses nito. "Sa tingin mo ba matutuwa ang lolo mo kapag nalaman n'ya na ang isa sa mga apo n'ya ay pinoprotektahan ang taong binabalak n'yang patayin?" nakangising tanong ko rito.
     
      
    
 
"Hindi ka ba natutuwa na pinoprotektahan kita laban sa kanila?"
     
      
    
 
Nang mapagtanto ko na hindi naman niya magagawang barilin ako humarap na ako sa taong 'to at tinitigan s'ya. "Hindi ko kailanman pinangarap na protektahan ng isang taong katulad mo. Nandidiri ako sa dugo mo. Nandidiri ako kapag nakikita ang mukha mo. Nandidiri ako sa mga kagaya mo. Patayin mo nalang ako kung binabalak n'yo rin naman patayin ang mga taong importante para sakin na nasa loob ngayon."
     
      
    
 
Ibinaba nito ang baril na hawak n'ya. "Isa-isa na silang pinapatay ngayon ng mga ka-gang ko. Kung hindi ka pa tatakbo pabalik sa loob baka hindi mo sila maabutan pa. Gusto ko iligtas ka pero ikaw na mismo ang tumanggi kaya wala akong magagawa kundi pabayaan ka nalang." Binaba nito ang hawak n'yang baril at itinago muli sa likod n'ya. Ilang segundo rin akong nakatitig dito at nagtataka sa kinikilos nito pero bumalik din ako kaagad sa wisyo nang maalala ko ang gangsters group.
     
      
    
 
Agad na akong tumakbo pabalik sa loob ng eskwelahan. Bumalik ako sa kinaroroonan ng van kung saan iniwan ko sila Jeron at Ethan. Nainis ako nang hindi ko na sila makita rito. Mukhang naunahan na ako ni Dexter Park.
     
      
    
 
Napahinto ako sa biglaang paglabas ng mga lalaki at pinaliligiran nila ako ngayon. They pointed their gun at me so before they could shoot me, kinuha ko na ang baril sa belt ko para patamaan sila ng bala. Lumingon ako sa kanan ko. Sa sobrang bilis nito hindi ko napansin na nagpakawala na ito ng bala. Mabuti nalang dahil agad akong nakaiwas. Binaril ko kaagad ito bago pa s'ya kumilos muli.
     
      
    
 
Kinuha ko ang patalim na nasa boots ko at itinapon 'yon sa lalaking nasa kaliwa ko na palapit sakin ngayon. Tumama sa kanang mata niya ang patalim kaya napaluhod ito at ininda ang sakit.
     
      
    
 
Dahan dahan akong tumayo at hinarap ang iilan pang mga lalaki ngayon. Pinagbabaril ko ang mga ito at binuhos sa kanila ang galit na nararamdaman ko ngayon. Nawalan na ito ng malay kaya napahinto na ako kasabay ng pagbagsak ng mga lalaki na nakapaligid sakin kanina. Halos lahat sila ay napatay ko na.
     
      
    
 
Maglalakad na sana ako kaso natigilan ako dahil may malakas na hangin na dumapo sa katawan ko. Kinabahan ako dahil doon. Naisip ko nalang bigla sila Zach. Agad akong tumakbo para hanapin kung nasaan silang lahat ngayon. Mukha na akong batang nawawala ngayon na tumatakbo para hanapin ang nanay n'ya.
     
      
    
 
Asan na ba sila? Saan ba sila dinala ni Dexter Park? ASAN NA BA ANG GANGSTERS GROUP?
     
      
    
 
"Bharbie...."
     
      
    
 
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Bigla akong natigilan dahil sa nakita ko. Nakita ko na umaagos ang dugo nito sa braso n'ya. Ang dami rin nitong pasa sa mukha at mga sugat. Nang bumagsak ito sa sahig, doon ko nakita ang limang kutsilyo na nakasaksak sa likod n'ya.
     
      
    
 
"PURPLE!" Dali-dali akong tumakbo palapit dito. Pinilit kong gisingin itong muli pero wala na akong maramdaman kundi ang mga lagkit ng dugo niya at malamig n'yang katawan.
     
      
    
 
"Hindi..." Hinawakan ko ang kamay nito para i-check ang pulso n'ya. Unti-unti na ito nanghihina sa pagtibok hanggang sa wala na akong maramdaman pa. "Purple! Gumising ka!"
     
      
    
 
Paulit ulit ko itong ginigising pero hindi na talaga ito gumalaw pa. Napapikit nalang ako at binitiwan ang kamay n'ya. Ang sakit makita na isa na sa mga gangsters group ang nabawas sa amin at wala manlang akong nagawa. Biglang pumasok sa isip ko ang iba pa. ASAN NA BA SILA?! Patay na rin ba sila? Si Zach? Si Kurt? Asan na sila? Ayos lang ba silang lahat? Ano bang gagawin ko? Natataranta na ako!
     
      
    
 
Magsisimula na sana ako ulit maghanap sakanila pero napatigil ako dahil biglang tumunog ang phone na hawak ko at nagflash sa screen ang mukha ni Desiree. Dali-dali ko naman sinagot ang tawag n'ya.
     
      
    
 
"Gago ka! Nasaan ang gangmates ko?!" sigaw ko rito. Narinig ko ang tawa nito.
     
      
    
 
"Akala ko ba inilayo ka na ni Simon? Hindi ba ayaw ka n'ya mamatay kasama ang mga 'to?"
     
      
    
 
Binuksan nito ang camera at kitang kita ko na ang lagay ng ibang gangsters group. Napatakip nalang ako ng bibig dahil nakita ko silang nakadapa ngayon sa sahig at halata sa itsura nila na nahihirapan ang mga ito.
     
      
    
 
"Siraulo ka talaga! Asan kayo ngayon? Ako ang harapin mo!" Hinarap nito ang camera sakanya at nakita ko ang pang-aasar sa pagmumukha n'ya.
     
      
    
 
"Bakit hindi mo nalang tanungin ang isa sa mga pinagkakatiwalaan mong kaibigan?" Napansin kong naglakad ito. Iniharap n'yang muli ang camera sa isa sa mga kaibigan ko na ngayon ay puno na ng pasa ang pagmumukha.
     
      
    
 
"Vince!" Nag-aalalang tawag ko rito.
     
      
    
 
"Tumakbo ka na. Iligtas mo na ang sarili mo."
     
      
    
 
"Anong takbo ang sinasabi mo dyan? Asan kayo? Sabihin mo sakin!" Bigla akong nakarinig sa kabilang linya ng pagbagsak ng mga upuan at mga taong nag-uubuhan sa background.
     
      
    
 
"SHIT! TELL ME! ASAN KA? ASAN KAYO?"
     
      
    
 
"RUN!! PAPATAYIN KA RIN NILA YOUNG LAD--"
     
      
    
 
Sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko sa hindi kalayuan kaya agad kong nabitawan ang cellphone dahil sa panginginig. Ibinaba ko na ang katawan ni Purple sa sahig at napayuko. Patawarin mo ako.
     
      
    
 
Tinakbo ko na ang lugar kung saan ko narinig ang tunog ng baril para malaman kung nandoon nga ba ang lahat. Pagdating ko, agad kong nakita ang gangsters group na binubugbog habang ang iba ay nakabulagta sa sahig. Halos napatigil naman ang lahat sa ginagawa nila at napalingon sa akin.
     
      
    
 
"You fcking shit!"
     
      
    
 
Zach's point of view.
     
      
    
 
Lahat ng bantay ngayon sa bodega ay nakabulagta na sa sahig. Mukhang lahat sila ay napatay na namin. Hingal na hingal ako na binitawan ang hawak kong sandata.
     
      
    
 
"Emperor!" Napalingon ako sa tinitignan ni Kurt at nakita namin si Emperor na nakatali ngayon sa isang upuan. Puno ng pasa sa mukha at may kutsilyo na nakasaksak sa hita nito. Hinang hina na rin ito. Tumakbo kaming dalawa para lapitan s'ya. Tinanggal ko ang mga tali na nakatali sa kanya para hindi s'ya lalo mahirapan.
     
      
    
 
"Kurt, Zach. Mabuti naman dumating na kayo. Mahigit dalawang oras nalang ang natitira at sasabog na ang buong lugar na 'to kaya kailangan natin makaalis kaagad." Natigilan ako sa ginagawa at sinilip s'ya.
     
      
    
 
"Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko.
     
      
    
 
"May mga bomba na nakakabit sa bawat sulok ng academy kaya kapag hindi pa tayo nakaalis sa eskwelahan na 'to sabay sabay tayong mamamatay rito. Ayoko ng mangyari muli ang nangyari sa mga magulang n'yo." Agad kong tinanggal ng mabilisan ang tali.
     
      
    
 
"Sa tingin niyo, hahayaan kong makatakas kayo?"
     
      
    
 
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Natigil ako sa pagtanggal ng tali at napatiklop ng kamao sabay tingin sa demonyo na nasa harapan namin ngayon.
     
      
    
 
"Tama ka! Walang tatakas dahil sabay sabay tayong mamamatay pero bago iyon gusto kong ikaw muna ang mauna!" sigaw ko saka sinapak ito.
     
      
    
 
Agad n'yang pinunasan ang dugo sa labi n'ya bago tumawa ng malakas. "Nag-aaksaya ka lang ng oras." Hinawakan nito ang kwelyo ng polo ko. "Hahayaan ko kayong makalabas pero sisiguraduhin kong hindi mo sila makakasama." Matapos n'yang sabihin 'yon ay agad na nitong binitiwan ang kwelyo ko. Humalakhak muli ito na parang demonyo.
     
      
    
 
"Asan ang mga kasama ko?!" sigaw ko.
     
      
    
 
"Dalawang oras nalang ang natitira kaya tiyak na hinding hindi mo na sila makikita pa."
     
      
    
 
"Isa kang demonyo!" Susuntukin ko sana s'yang muli kaso bigla akong pinigilan ni Kurt.
     
      
    
 
"Kailangan muna natin iligtas si Emperor ngayon bago natin hanapin ang iba."
     
      
    
 
"May araw ka rin sakin gago ka!" galit na sabi ko kay Dexter pero tinawanan lang ako nito at tuluyang umalis.
     
      
    
 
Lumapit kaming dalawa kay Emperor. Inakbay ko ang kanang braso n'ya sakin habang ang kaliwa n'yang braso ay naka-akbay kay Kurt.
     
      
    
 
"Hayaan n'yo na ako." sabi ni Emperor habang naglalakad kami palabas.
     
      
    
 
"Hindi po namin kayo pwedeng pabayaan tiyak na magagalit sa amin ang apo n'yo." sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Si Bharbie. Mas kailangan n'ya kayo ngayon kaya sige na, hayaan n'yo na ako."
     
      
    
 
"Mas kailangan n'yo po kami. Kayo ang naging pamilya naming dalawa ni Kurt pansamantala kaya hindi namin hahayaang mawala kayo basta basta. Kaya naman po namin sila hanapin kahit isang oras nalang ang natitira."
     
      
    
 
"Maraming maraming salamat sa inyong dalawa. Hindi ako nagkamali na kayo ang napili ko bilang hari at master ng Journal Academy." Ngumiti lang kami sakanya.
     
      
    
 
Habang naglalakad kami, bigla kaming nakakita ng isang babaeng nakabulagta sa sahig. Tinignan ko ang mukha n'ya ng mabuti.
     
      
    
 
"Purple..." sabi ni Emperor. Pumunta si Kurt sa kinaroroonan ni Purple para alamin ang lagay ng pulso nito. Lumingon ito sa amin at umiling. Agad akong nanghina dahil isa na ang namatay sa amin ngayong gabi at nag-alala dahil hindi ko alam kung nasaan na ngayon sila Bharbie.
     
      
    
 
"Surprise!" Lahat kami napahinto dahil sa boses na narinig namin kaya nilingon namin ang taong 'yon.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
"You fucking shit!"
     
      
    
 
Napalingon ako sa kinaroroonan ni Vince at nakita kong punong puno ito ng pasa sa mukha habang mayrong kutsilyo na nakasaksak sa braso n'ya. Halata sa mukha n'ya ang pagkadismaya dahil hindi ko sinunod ang utos n'ya. Binaling ko naman ang tingin sa The Fifth Lovers na ngayon ay nakahiga na rin sa sahig. Wala rito sila Tina at Abby kaya alam kong hiniwalay ito sa kanila. Tinignan ako ni Pink. Napansin ko ang dugo sa ulo n'ya. Pinalo ba siya ng baseball bat sa ulo?
     
      
    
 
Napaiwas ako kaagad ng tingin. Naaawa ako sa itsura nila ngayon. Hindi ko sila magawang tignan dahil lahat sila ay bugbog sarado. May saksak sa braso si Vince habang si Pink ay tumutulo ang dugo sa gilid ng ulo n'ya. Nakahiga sa sahig si Chloe at mukhang nabalian ang paa dahil mukhang nahihirapan ito na makatayo. Si Kevin naman ang daming pasa sa mukha na halos hindi ko na makilala dulot sa napakaraming suntok. Ganun din ang iba pa.
     
      
    
 
Pinilit ni Candice magsalita pero hindi ko marinig ang sinabi nito dahil walang boses na lumalabas sa bibig nito. Hirap na hirap s'ya at may gusto ito talagang sabihin sakin pero kahit anong pilit n'ya ay wala talagang lumalabas na boses sa bibig nito. Don't speak, Candice. Gusto kong sabihin sakanya ang katagang 'yan pero hindi ko rin magawang magsalita sa nakikita ko ngayon.
     
      
    
 
"Look, who's here..." sabi ng babae na nakatapak ngayon sa paa ni Patricia. Nakasuot ito ng sports bra na itim na tinernuhan ng itim na short. Nakasuot ito ng boots na abot hanggang tuhod.
     
      
    
 
Nandilim ang paningin ko sa nakikita kong ginawa n'ya. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit at lungkot. Tinignan ko sila ng masama isa-isa. Even if I tried to calm myself, hindi pa rin nag-wowork ito dahil gustong gusto ko na sila patayin lahat sa tuwing nakikita ko ang mga pagmumukha nila. Dahan dahan kong itinaas ang baril ko para magsimula na sana kaso nakarinig ako bigla ng boses na nagpatigil sakin.
     
      
    
 
"Subukan mong gumalaw! Tiyak na mamamatay ang taong 'to!" Napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Abby. Nilingon ko ito. Hawak hawak nito si Tina na ngayon ay tinututukan n'ya ng baril.
     
      
    
 
"A-Abby. W-Wag..." bulong ni Vince. Ramdam ko sa boses ni Vince ang sakit na nararamdaman n'ya. Alam kong hindi pa n'ya inaasahan na mangyayari ang lahat ng 'to. Siya ang dahilan kung bakit hindi namin sinabi ang tungkol sa pangtatraydor ni Abby sa aming lahat.
     
      
    
 
Nakatitig lang ako ngayon kay Abby. Gaya ng nangyayari kay Ethan, nararamdaman ko rin ang itim na aura na bumabalot sakanya ngayon. Hindi ito ang Abbigail na nakilala ko. Ibang iba ang mga titig n'ya sa amin ngayon. Puno ito ng galit, lungkot at pangangamba.
     
      
    
 
"Paano mo nagagawa sa amin 'to? Isa rin sa mga namatay ang mga magulang mo dahil kay Dexter Park kaya paanong ikaw ang traydor? Ano ang ginawa namin sayo para gawin mo 'to?" sunod sunod kong tanong. Kailangan kong magpanggap na walang alam sa nangyayari sakanya ngayon dahil alam kong manghihina lalo si Vince kung sakaling malaman n'ya ang tungkol sa nangyari kay Abby.
     
      
    
 
"Noong araw ba na kailangan ko ng masasandalan nandoon kayo? Ni wala manlang nga nagtangka na tanungin ako kung ayos lang ba ako! Kung kamusta na ba ako? Kung mabuti ba ang lagay ko? Wala kahit isa sa inyo ang lumapit at dumamay sa akin noong mga araw na kailangan ko ng kasama! Hindi niyo 'ko binigyan ng oras bilang kaibigan n'yo. Pakiramdam ko nalang palagi ay mag-isa ako!" sabi ni Abby. Hindi totoo lahat ng mga sinasabi n'ya. Alam ko ang tunay n'yang rason kung bakit nagagawa n'ya ang bagay na ito.
     
      
    
 
"Si Abby. Tingin ko isa na s'ya sa mga biktima ng proyekto ni Dexter Park dahil kahit anong gawin kong pagmamakaawa na bumalik s'ya sa atin hindi ko magawa. Paminsan minsan nakakausap ko ang kababata naming si Abby pero madalas hindi ko s'ya makilala. Parang nag-iiba s'yang tao." sabi ni Paul na ikinagulat ng mga council.
     
      
    
 
"Totoo ba ang sinasabi mong 'yan? Sigurado ka ba na isa na rin s'ya sa mga biktima ng project Demon's mind? Katulad ni Ethan?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Hindi pa ako sigurado pero may isa pang nasabi sakin si Abby kung bakit nandoon s'ya sa loob ng Galaxy Academy." Kumunot ang noo ko rito. "Sa pagkakaalam ko, buhay ang isa sa mga magulang ni Abby at hawak ito ni Dexter Park. Ginagawa n'ya ang bagay na ito para makuha ang nanay n'ya sa mga kamay ni Dexter Park pero wala kaming kasiguraduhan kung nagsasabi ba talaga ng totoo si Dexter o ginagamit n'ya lang talaga 'yon para makuha ang loob ni Abby."
     
      
    
 
Napahinto ako nang maalala ang mga sinabi ni Paul sa council tungkol kay Abby. Naaawa ako sakanya. Nakita ko kung gaano nahihirapan si Ethan sa nangyayari sakanya ngayon at pwedeng ganun din kahirap para sakanya na kalabanin at  saktan kaming lahat para lang mailigtas ang nanay n'ya palayo kila Dexter Park.
     
      
    
 
"Sa GA Gangs ko naranasan kung paano magkaroon ng totoong pamilya. Sa kanila ko naranasan ang pagmamahal ng isang kaibigan. Iniligtas nila ako sa kapahamakan habang kayo ay busy na busy sa paghahanda para sa paghihiganti. Ano bang mapapala n'yo sa paghihiganti n'yo na 'yan? Wala naman diba? Inilalagay n'yo lang sa kapahamakan ang mga taong malalapit sainyo." sabi ni Abby. Dahan dahan akong lumapit dito.
     
      
    
 
"T-Tama na. T-Tumigil ka na..." nanghihina na sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Hindi mo ba nakikita na nahihirapan ngayon ang taong importante para sayo matagal na? Tignan mo kung gaano nila binubugbog ang taong malapit sayo! Gumising ka nga, Pia Abbigail Lopez! Wag kang mabulag sa kasamaan nila!"
     
      
    
 
Napansin kong naluluha ang mga mata nito nang bumaling ang tingin n'ya kay Vince ngayon. Sa tingin ko, malaki ang chance na bumalik si Abby sa dati dahil kay Vince. "Hindi mo kayang makita si Vince na nakahilata ngayon sa sahig diba? At dahil 'yon sa nararamdaman mo sakanya matagal na. Hahayaan mo bang patayin nila si Vince?"
     
      
    
 
"E-Enough!" Nanginginig na ang mga kamay nito habang hawak ang baril. Tinignan ko si Tina at sinenyasan. Mukhang naintindihan naman n'ya ang nasa isip ko dahil dahan dahan itong tumango sakin.
     
      
    
 
"B-Bitawan mo na ang baril, Abby. Pakawalan mo na si Tina." Pilit na tumatayo si Vince pero hindi nito magawa at patuloy lang sa pagbasak dahil sa panghihina. Nakatitig pa rin si Abby sakanya.
     
      
    
 
"Tama na nga ang drama! Tapusin na natin ang eksena na 'to!" sigaw ng isang babae na nakatayo sa gilid. Agad nitong tinutukan si Tina.
     
      
    
 
"A-Abby. Tulungan mo 'ko parang awa mo na..." sabi ni Tina habang nanginginig sa takot.
     
      
    
 
"Ako na nga lang tatapos dyan since nakaisa na ako kanina!" sigaw ni Desiree at hinigpitan ang hawak sa katana n'ya. Agad akong tumakbo para sipain ito sa sikmura at hindi makalapit kay Tina kaso napahinto ako dahil sa kutsilyo na sumaksak sa hita ko. Nilingon ko ang taong naghagis ng kutsilyo sakin. Kasing tangkad ito ni Zach. Moreno at kulay gray ang kulay ng buhok. Ang dami nitong tattoo sa katawan.
     
      
    
 
"Thanks honey!" sabi ni Desiree. Tatayo sana akong muli pero may dalawang lalaki na humawak sakin kaya hindi ako makagalaw.
     
      
    
 
"Tapusin na natin 'to. Wala ng oras para magpaligoy ligoy pa." sabi ng lalaking 'yon at lumapit sa kinaroroonan ni Tina. Hinawakan n'ya si Tina at tinutok ang katanang hawak sa leeg nito. "JA Gangs, panoorin n'yo ang pagkamatay ng isa sa mga myembro n'yo." Dahan dahan n'yang nilalaslas sa harapan namin ang leeg ni Tina.
     
      
    
 
Tumatalsik ang dugo habang nilalaslas n'ya ang leeg nito. Wala itong awa sa ginagawa n'ya at tuwang tuwa pa silang lahat habang ginagawa ang karumal dumal na krimen na ito. Buong akala ko tapos na s'ya sa ginawa n'ya nang bitawan n'ya na ito pero sinaksak niya pang muli ang sikmura ni Tina. Tumulo ang mga luha ko nang bumagsak ito sa sahig. Wala akong naririnig ngayon at tanging nakatitig lang ako kay Tina na nag-aagaw buhay.
     
      
    
 
"YOU FUCKING JERK!" rinig kong sigaw ni Caz.
     
      
    
 
Tumakbo ito papalapit kay Ford. Sa sobrang bilis ng pangyayari bumagsak ito kaagad sa sahig dahil sa sunod sunod na pagputok ng baril sa dibdib n'ya. No! Hindi puwede! Isa isa na silang namamatay sa harap ko pero wala akong magawa kundi panoorin lang silang mamatay.
     
      
    
 
"Papatayin ko kayo." Halos hindi ko na makilala ang boses na lumabas sa bibig ko. Ramdam ko na mawawala na ako sa sarili ko ngayon at handa ng pumatay. Napansin ko ang takot sa mga mata nila ngayon pero muli itong napalitan ng halakhak.
     
      
    
 
"C'mon Bharbie! Puro ka lang naman salita! Tatlo na sa mga gangmates mo ang namatay pero wala ka pa rin nagawa! Dinala mo sila rito para ano? Hayaan na mamatay? Such a weak girl!" natatawang sabi ni Desiree.
     
      
    
 
Dahil sa sinabi nito, sinipa ko sa mukha ang isa sa mga nakahawak sakin kaya napaurong ito palayo. Tinanggal ko ang kutsilyo na nakasaksak ngayon sa hita ko at agad na sinaksak 'yon sa mata ng isa sa nakahawak sakin. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng paa ko ngayon dahil ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang kagustuhan ko na patayin silang lahat.
     
      
    
 
Kinuha ko ang baril na hawak ng lalaking may hawak sakin kanina at pinaputukan ang kinaroroonan nila Desiree. Hinatak nito ang isa sa mga kasamahan n'ya kaya hindi ko ito natamaan at tumama ang bala sa kasamahan n'yang 'yon.
     
      
    
 
"Ford!" sigaw ni Desiree dahil nakatutok na ngayon sa lalaki ang baril na hawak ko. So, that's his name. Ford? Kasintahan n'ya ba si Desiree?
     
      
    
 
Babarilin ko na sana ito pero nakaiwas ito kaagad. Kusa na kumikilos ang katawan ko at hindi ko ito magawang pigilan dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Naubusan na akong bala kaya pinaikutan nila akong lahat. Mas lalong dumami ang mga nakapalibot sa akin ngayon. Hindi ko na ito kakayanin kung ako nalang ang mag-isa. Kinuha ko ang katana na nasa sahig ngayon at ito nalang ang naisip na ipanglaban sakanila.
     
      
    
 
Isa-isa na sumugod ang mga tauhan nila Desiree kaya wala akong nagawa kundi kalabanin ang mga ito. Napahinto ako nang maramdaman ko ang paglaslas ng isa sa likod ko. I shifted my gaze to my left side. Ibinato ko sakanya ang katana at sumaksak ito sa sikmura n'ya. Hindi ko ininda ang sakit at pilit na kinalaban muli ang iba pa.
     
      
    
 
Kahit marami na akong napabagsak sa mga ito hindi pa rin sila nauubos. Pagod na ako na lumaban pa. Hirap na rin akong kumilos dahil puno na ako ng mga sugat ngayon. Unti-unti ko na nararamdaman ang hapdi ng sugat sa likod ko.
     
      
    
 
"Amazing Bharbie!" Napabitaw ako sa katana ko  nang matapos kong patayin ang mga tauhan nilang sumugod sakin. May lalaking dumating muli at hawak hawak nito ang isa sa mga taong nakilala ko sa Journal Academy.
     
      
    
 
Napaurong ang mga paa ko dahil sa nakita ko. Mas lalong nadagdagan ang galit sa puso ko dahil sa nakikita ko. Walang malay ang lalaki at punong puno ito ng paso ng sigarilyo sa katawan habang tumutulo ang dugo dahil sa mga laslas nito sa iba't ibang parte ng katawan n'ya.
     
      
    
 
"J-Jeron..."
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon