Chapter 37

27.9K 904 27
                                    


Chapter 37: Spicy chicken
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Hanggang ngayon nakayakap pa rin ako kay Zach kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Napapikit nalang ako dahil narealize ko bigla ang mga sinabi ko. Dahan dahan akong bumitaw sa mga yakap at tumakbo na papalayo pero napahinto ako nang may humatak sa kamay ko.
     
      
    
 
"Hindi ako titigil sa ginagawa ko. Kung nahuhulog ka na, mas lalo ko pang ilalapit ang sarili ko sayo. Handa kitang saluhin. Wag mong isipin na matatalo ka sa laro dahil sa totoo lang kahit hindi pa nagsisimula ang laro, natalo na ako." Nakatitig lang ako sa mga mata nito at nagtama ang mga tingin naming dalawa.
     
      
    
 
Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko at parang nagkakarera nanaman ito. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko bigla sa taong 'to?
     
      
    
 
"Pumapayag na ako." sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.
     
      
    
 
"Pumapayag saan?" Napairap ako dahil sa tanong nito. Haish! Panira talaga siya ng moment!
     
      
    
 
"Bakit ba ang tanga mo?" bulong ko. Siya ba talaga ang magiging boyfriend ko? Lord naman! Ano bang ginawa ko para bigyan mo 'ko ng bagong lovelife na ganito kagulo?
     
      
    
 
Napabuntong hininga nalang ako bago magsalita, "Pumapayag na ako maging girlfriend mo."
     
      
    
 
Pagkatapos kong sabihin iyon, lumingon lingon muna ako para silipin kung may ibang tao ba na nandito, mabuti nalang dahil walang ibang tao na nakarinig sakin. Nakakahiya 'to.
     
      
    
 
Bigla siyang lumapit na may ngiti sa labi at hinatak ang kanang kamay ko para yakapin. Niyakap ko rin naman siya na may nararamdaman na ilang. Nawala rin iyon kaagad dahil habang tumatagal nagiging komportable na rin ako sa mga yakap niya.
     
      
    
 
"Hindi mo manlang ba babatiin ang boyfriend mo? Alam mo ba yung dahilan kung bakit umaga palang pinuntahan na kita sa dorm mo?" tanong niya kaya napabitaw ako ng yakap dito.
     
      
    
 
"Bakit naman kita babatiin. Birthday mo ba?" Tumango siya sakin at bumuntong hininga.
     
      
    
 
"Oo tapos sa araw ng birthday ko nakita ko ang girlfriend ko na kasama ang kaibigan ko. Saan ba kayo galing ha?" Napailing lang ako dahil sa sinabi niya. Pinagseselosan ba naman si kuya.
     
      
    
 
"Nagkasabay lang kami sa daan kanina kaya ayun inaya niya ako na isabay na ako papunta sa Journal Academy. Ang bait pala ng taong iyon. Ano nga ulit ang pangalan niya? Steve? Paano mo naging kaibigan ang tulad niya? Ang bait niya kase tapos ikaw walang modo."
     
      
    
 
"Kapatid siya ni Young lady. Siya ang leader ng G-Partler noon pero dahil sa isang babae binitawan niya ang Journal Academy. Wag na nga natin siya pag-usapan. Pumasok na tayo."
     
      
    
 
Pagkatapos n'yang sabihin 'yon hinatak niya na ako agad papasok sa loob ng academy. Pagkapasok na pagkasok namin agad namin nakasalubong ang mga estudyante kaya binitawan ko kaagad ang kamay niya.
     
      
    
 
Mukhang wala na yatang klase kaya nasa labas na silang lahat. Tinignan lang ako ni Zach at binalik ang paghawak sa kamay ko kaya hinayaan ko nalang ito.
     
      
    
 
"Hello king, happy birthday!"

"Hello King! Ang gwapo mo! Ganyan ba talaga kapag kaarawan?"

"Hello king happy birthday! Hello rin sayo Queen, napakaganda mo!"
      
    
 
Marami pang sumalubong sa aming dalawa na panay bati sakanya hanggang sa nasalubong namin si Abby na nakatulala ngayon sa kamay naming dalawa ni Zach kaya agad kong binitawan ang kamay niya at ngumiti kay Abby.
     
      
    
 
"Abby!" bati ko rito. Bumati naman siya pabalik sakin at tinignan ako ng nakakaloko. "Hi Zach! Anyways, wala pala akong regalo sayo. Babawi nalang ako next time. For now, happy birthday nalang." sabi nito kay Zach.
     
      
    
 
"Ayos lang iyon." sagot ni Zach.
     
      
    
 
"Mauuna na muna ako sa inyo ah? Bye! Take care! Enjoy!" sabi ni Abby. Nginisihan niya muna ako bago umalis. Humarap ako kay Zach at tinignan siya ng masama.
     
      
    
 
"Oh! Wag mo 'ko aawayin! Birthday ko ngayon ah!" sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay nito.
     
      
    
 
"Fine! Happy birthday nalang." Umirap ako.
     
      
    
 
"Huh? Hindi pepwede 'yan. Dapat yung girlfriend may regalo sa kaarawan ng boyfriend niya."
     
      
    
 
"Wait lang huh! Alam ko bang birthday mo ngayon? Kung sinabi mo sana sa akin kanina edi sana nabilhan muna kita ng regalo bago ako bumalik dito."
     
      
    
 
"Hayaan mo na. Nagbibiro lang naman ako. Kumain na tayo dahil nagugutom na ako. Inantay kase muna kita bago ako kumain." Bigla naman ako naguilty dahil sa sinabi niya, sana pala hindi ko na siya pinatayan ng phone kanina.
     
      
    
 
Nang makarating kami ni Zach sa canteen hinatak niya ang isang estudyante para orderan kaming dalawa. Nag-away pa nga kami kase pwede naman kami nalang ang mag-order ng pagkain dahil kami naman ang kakain kaso dahil wala akong regalo ang sabi niya lang sa'kin, ang regalo ko nalang ay yung hindi pagtanggi sa kung ano man gusto niyang gawin. Ang utak niya talaga kahit kelan.
     
      
    
 
"Orderan mo nga kami ng dalawang pasta." mayabang na utos nito sa estudyante.
     
      
    
 
"Grabe ka kung mag-utos! Ayoko ng pasta." sabi ko rito.
     
      
    
 
"Burger nalang dalawa." Tinignan ko siya ng masama.
     
      
    
 
"Mas lalong ayaw ko ng burger."
     
      
    
 
"Spaghetti nalang."
     
      
    
 
"Ayoko ng spaghetti."
     
      
    
 
"Ano po ba talaga ipapaorder niyo?" naiinis na sabi ng estudyante. Nginitian ko siya.
     
      
    
 
"Spicy chicken with two pieces of rice. Dagdagan mo na rin ng pineapple juice."
     
      
    
 
"Pero hindi ak---" Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita.
     
      
    
 
"Wag kang maingay dyan, pwede?" Tinignan ko ito ng masama. Umiwas lang siya ng tingin.
     
      
    
 
Umalis na yung estudyante at pumuntang counter para mag-order ng gusto namin. Tinignan ko lang si Zach na parang hindi mapakali dahil sa inorder ko.
     
      
    
 
"Wag mong sabihin sakin na hindi ka kumakain ng maanghang?"
     
      
    
 
"H-Huh? Kumakain ako noh!" sabi niya.
     
      
    
 
"Eh bakit para kang tanga dyan na hindi mapakali?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Wala. May naisip lang ako." sabi niya.
     
      
    
 
Napa-psh lang ako sakanya. Sumandal ako sa sandalan ng upuan. Ilang minuto rin kami nag-antay sa order namin.
     
      
    
 
"Ito na po ang order niyo." sabi ng estudyante at inilagay na sa lamesa lahat ng order namin ni Zach. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat. Ngumiti lang din siya sakin bago umalis.
     
      
    
 
Nagsimula na ako kumain pero habang kumakain napansin ko ang lalaking nasa harap ko ngayon na subo lang ng subo ng kanin na wala manlang ulam. Dahil doon, inirapan ko siya at tinignan ng masama.
     
      
    
 
"Baliw ka ba, huh? Anong saysay ng ulam kung 'di mo kakainin?" Hiniwaan ko siya ng fried chicken at tinapat sa bibig niya.
     
      
    
 
"Kumain ka na masarap 'to promise." sabi ko. Itinapat ko yung ulam sa bibig niya pero hindi manlang siya ngumanganga kaya napapokerface nalang ako. "Hindi ka ba kumakain ng chicken huh?" sabi ko.
     
      
    
 
"Hindi." sabi niya kaya agad kong ibinaba yung tinidor ng padabog at sumubo nalang muli ng pagkain ko. Ano bang problema niya? Parang ulam lang naman iyon tapos nag-iinarte pa siya.
     
      
    
 
"Haish! Pasalamat ka talaga!" Napangiti ako nang makita ko na derederetso niyang kinain yung maanghang na prito ng manok. Mukha tuloy siyang hindi nakakain ng isang linggo. Ang cute niyang panoorin.
     
      
    
 
Natawa lang ako sa ginagawa niya. Hindi na ako makahinga sa kakatawa dahil para talaga siyang patay gutom. "Bwakit kha bha twaawa ng thawa dyan?"
     
      
    
 
"Natatawa kasi ako sa mukha mo." Namumula na kasi siya. Siguro dahil sa anghang. Sino ba naman kasi nagsabing sunod sunurin niya iyon? Para talaga siyang tanga.
     
      
    
 
Uminom siya ng pineapple juice sa sobrang anghang pati yung akin ininom niya na. Ni hindi manlang nagpaalam. Kumain nalang muna ako at nang ibaling ko muli ang tingin ko sakanya, napansin ko na pulang pula ang mukha nito pati braso niya namumula na. Hinawakan ko ang kamay niya at doon ko naramdaman na sobrang init nito. Nanlaki ang mga mata ko bigla.
     
      
    
 
"Damn! Zach! Are you okay?!" nag-aalalang tanong ko. Tumayo ako upang lapitan siya dahil nakita kong nakahawak ito sa dibdib niya. 
     
      
    
 
"H-Hindi ako makahinga.."
     
      
    
 
"Huh? Anong hindi?" natataranta na sabi ko.
     
      
    
 
Bigla nalang siya nawalan ng malay buti nalang dahil nasalo ko ang ulo niya. Humingi ako ng tulong sa ibang estudyante buti agad nila akong tinulungan na dalhin si Zach sa clinic. Habang nasa hallway, nasalubong namin si Patricia kaya agad siyang nagtaka at sinamaan ako ng tingin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at sumunod na muli sa mga estudyante na ngayon ay bitbit si Zach. Naramdaman kong sumunod rin sa amin si Patricia.
     
      
    
 
Nang makarating kami sa clinic, agad chineck ng doctor si Zach. Nag-antay lang ako sa labas ng clinic. Maya maya pa, lumabas na rin ang doctor sa clinic kaya agad ko siyang nilapitan.
     
      
    
 
Napakunot ang noo ko sa kanya. "Ano pong nangyari sa kanya?"
     
      
    
 
"Mukhang na allergy siya dahil sa kinain n'ya. Kumain ba ito lately ng maanghang na pagkain?"
     
      
    
 
"P-Pinilit ko po siyang kainin yung spicy chicken. Hindi ko naman po alam na allergic pala ito sa maaanghang."
     
      
    
 
"Wag kang mag alala okay na rin naman ang lagay niya. Antayin nalang natin magising si Zach." Ngumiti lang ako sakanya at papasok na sana sa loob ng clinic pero hinawakan ni Patricia ang kamay ko kaya natigilan ako.
     
      
    
 
"Mag-usap tayo. Sumunod ka!" cold na sabi niya sabay alis. Binitawan ko nalang muna ang doorknob at sinundan si Patricia. Tumigil lamang siya sa paglalakad nang makarating kami sa likod ng clinic.
     
      
    
 
"Anong pag uusapan natin?" tanong ko.
     
      
    
 
"May namamagitan ba sa inyo ni Zach?" dire-diretsong tanong niya sakin.
     
      
    
 
Tinignan ko lang siya ng seryoso bago sumagot. "Ano naman kung meron?"
     
      
    
 
Umiwas siya saglit ng tingin pero agad naman bumalik ang tingin niya sa akin. "Ngayon palang sinasabihan na kitang layuan mo siya at tigilan."
     
      
    
 
"Inuutusan mo ba ako?" Tinaasan ko ito ng kilay.
     
      
    
 
"Mapapahamak lang siya kapag kasama ka niya. Katulad nalang kanina, ikaw ang dahilan kung bakit nasa clinic siya ngayon. Muntik na siyang mamatay dahil sayo kaya mas mabuti kung layuan mo na siya ngayon palang. Naiintindihan mo ba ako?"
     
      
    
 
"Wala akong alam tungkol doon. Hindi ko sinadya yung nangyari kanina kaya wag mo kong sisihin Patricia. Aksidente lang ang nangyari."
     
      
    
 
"Aksidente man o hindi. Nagkamali ka pa rin. Kung hindi mo sana siya pinilit kainin ang spicy chicken na iyon hindi siya mapapahamak."
     
      
    
 
"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang aksidente iyon? Hindi ko rin ginusto na mapahamak si Zach. Wag kang mag-alala. Hindi na mauulit ang nangyari na 'to. Kung sakaling, nagkamali man ako ngayon. Sa susunod hindi ko na hahayaan na masaktan muli si Zach. Hindi nan ako katulad mo, Patricia."
     
      
    
 
"Hindi mo pa rin ba kayang sundin yung rules natin dito sa Journal Academy?!"
     
      
    
 
Halata sa boses niya ang selos at galit.
     
      
    
 
"Rules? Hindi ba ex-boyfriend mo si Zach? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit hindi mo kaya sundin ang rules dito sa Journal Academy. Aminin mo nga sakin. May gusto ka pa rin ba sa boyfriend ko?" Nagulat naman siya sa sinabi ko.
     
      
    
 
"Paano mo 'yan nalaman? Anong sabi mo? Boyfriend mo? So, may namamagitan na nga talaga sainyo?" sunod sunod niyang tanong.
     
      
    
 
"Sinabi ni Zach sakin ang tungkol dito. Actually, gusto ko na sana ireport ang tungkol sainyo noon pero dahil ayaw ko siyang mapahamak, nanatili nalang ako na magpanggap na walang alam dahil kahit na gusto kong parusahan ka sa lahat ng ginawa mo sa akin hindi ko pa rin naman kayang mapatalsik dito si Zach."
     
      
    
 
"As far as I know. Ginagamit mo lang s'ya para tumaas ang posisyon mo rito sa academy. Ginagamit mo s'ya para matapatan mo ako at gantihan ako dahil sa mga ginawa ko sayo."
     
      
    
 
Ngumisi ako sa kanya at lumapit. "Gaya ng sabi ko, hindi ako katulad mo. Hindi ba ikaw ang gumawa n'yan sa kanya at hindi ako? Kaya ka nga nandyan sa pwesto mo ngayon dahil ginamit mo lang si Zach. Ginamit mo lang s'ya para sa posisyon na kung ano mang meron ka ngayon."
     
      
    
 
Nakita kong napalunok ito sa sinabi ko kaya tumalikod na ako at akmang aalis na sana pero napalingon muli ako nang magsalita siya ulit.
     
      
    
 
"Hindi kayo pwedeng magsama kaya kung ayaw mo siyang mapahamak layuan mo na siya ngayon palang. Kapag hindi ka pa tumigil irereport ko na kay Master Gino lahat ng alam ko tungkol sainyo para hindi na siya mapahamak pa dahil sayo."
     
      
    
 
Napapikit nalang ako at nagbuntong hininga. "Sa tingin mo ba matatakot ako sa sinasabi mo? Rules are meant to be broken kaya hindi mo 'ko matatakot sa kung ano man ang balak mong gawin. Gusto mo bang ihatid pa kita mismo sa tapat ni Master Gino?" Halata sa itsura nito ang galit at inis na nararamdaman n'ya kaya mas ginusto kong asarin pa ito.
     
      
    
 
"Sa totoo lang kaya hindi ako natatakot dahil narealize ko kung gaano kahalaga sa akin yung taong pinaglaruan, ginamit at sinaktan mo noon. Hindi na ako makakapayag na masaktan siyang muli ng mga taong katulad mo. So better luck next time, Ms. Patricia Sotes." Hindi ko na inantay pa ang isasagot niya sakin dahil tuluyan na ako umalis para puntahan si Zach. 
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon