Chapter 52

29.1K 878 49
                                    


Chapter 52: That weird girl
     
      
    
 
Zach's point of view.
     
      
    
 
Nagising ako dahil sa pagkirot ng ulo ko. Sobrang bigat ng katawan ko. Inikot ko ang paningin ko para malaman kung nasaan ako ngayon. Paano ako nakauwi rito? Ang tanging naaalala ko lang ang mga oras na nasa bar ako umiinom mag-isa pagkatapos ay pinuntahan ako nila Vince sumunod non hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
     
      
    
 
"Gising ka na pala." sabi ni Vince. Pumasok silang tatlo sa kwarto. Bakit ba simula ng umalis si Bharbie sila na palagi ang bumubungad sa umaga ko?
     
      
    
 
"Alam mo ba kung gaano kalaki ang disgrasya na ginawa mo kahapon? Yung iba nalumpo tapos yung isa tabingi na yata ang ilong habang ang iba ay namaga ang nguso. Muntik mo na nga mapatay yung boss nila kung hindi ka pa namin napigilan." inis na inis na sabi ni Paul.
     
      
    
 
"Kamusta ang lagay nila ngayon?"
     
      
    
 
"Ayon 50-50 ang ilong ng isa. Mukhang kailangan na iparetoke." natatawang sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Wag kang mag-alala dahil ako na kumausap sa kanila at humingi ng tawad dahil sa ginawa mo." sabi ni Paul kaya tumango ako rito. Ayos naman na pala kaya hindi ko na dapat pang problemahin ang nangyari kagabi.
     
      
    
 
"Magbihis ka na dahil may ipapakita kami sayo." sabi ni Vince.
     
      
    
 
Kumunod ang noo ko rito. "Ano nanaman 'yan?"
     
      
    
 
"May magaganap na Journal students party mamayang gabi at sinabihan kami ni Master Gino na kailangan natin mag-ayos  dahil may importanteng anunsyo raw sila sa party mamayang gabi." sabi ni Paul.
     
      
    
 
"Seryoso ba kayo? Mamaya na kaagad magaganap iyon? Bakit parang biglaan?"
     
      
    
 
"Gaya mo, hindi rin namin alam." sagot ni Clark.
     
      
    
 
Tumayo nalang ako sa kama para maligo. "Antayin niyo nalang ako sa baba maliligo lang ako." Tumango lang silang tatlo sakin bago tuluyang lumabas. Hindi rin naman na ako nagtagal pa kaya matapos kong maligo ay bumaba na rin ako sa lobby ng condominium para puntahan sila.
     
      
    
 
Habang naglalakad, napansin namin ang mga estudyante na nakatingin sa bulletine board. Agad kong nilingon sila Clark na nasa likod ko.
     
      
    
 
"Anong meron?" tanong ko sa kanila. Nagkibit balikat lang silang tatlo.
     
      
    
 
"Mabuting tignan nalang natin." sabi ni Paul. Tumango nalang ako at lumapit sa bulletine board.
     
      
    
 
"Magsitabi nga kayo dyan!" inis na sabi ko dahil nagsisiksikan sila sa tapat kaya hindi kami makadaan.
     
      
    
 
Agad silang gumilid nang makita nila kami. Naglakad na kaming apat papunta sa harapan ng bulletine board. Nagtaka ako dahil may isang babaeng nakatakip ang mukha sa picture. Sino naman kaya siya?
     
      
    
 
"May dadating ba tayo na bagong pinuno?" tanong sa amin ni Clark pero nagkibit balikat lang kami ni Paul bago tumingin kay Vince na nakangiti ngayon.
     
      
    
 
"Finally! Makikilala na natin kung sino ba talaga siya." sabi ni Vince. Nagtaka ako sa sinabi nito. May nalalaman ba siya?
     
      
    
 
"Kilala mo ang babaeng 'yan?"
     
      
    
 
"What I mean is makikilala na natin kung sino ba talaga siya dahil mamayang gabi na magaganap ang special big event na sinasabi ni Master Gino. Hindi ba kayo natutuwa na tayo na ang pinakamalakas na fighter sa buong gangsters group?" sabi ni Vince.
     
      
    
 
Nalaman kong mananatili na kaming number one group dito sa Journal Academy at ang pangalawa ang Star Gazers. Matagal namin pinangarap na makarating dito sa dulo at ngayon makakamit na naming apat.
     
      
    
 
Tumalikod na ako sakanila at naisipang yayain na silang kumain kaya nauna na akong maglakad. Napahinto ako dahil may babaeng bumangga sakin kaya tinignan ko ito ng masama. Hindi ba siya tumitingin sa daan? Gaano ba karami ang mga tanga rito sa academy namin?
     
      
    
 
"Sorry." Hindi ito nakatingin sakin at tanging nakayuko lamang. May mask din siyang suot sa mukha at salamin. Light brown ang kulay ng buhok niya.
     
      
    
 
"Wag ka nga tatang---." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumakbo na ito kaagad palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
     
      
    
 
"Halika na dude." sabi ni Clark at inakbayan ako.
     
      
    
 
"Wag mo na patulan. Hindi naman yata sinasadya. Kumain nalang tayo dahil nagugutom na ako. Umiwas ka muna sa gulo mas masarap ang kumain kesa manggulpi." nakangiting sabi ni Paul habang tinatapik ang likod ko.
     
      
    
 
Naglakad na kaming tatlo pero napansin ko si Vince na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa pwesto namin kanina at parang malalim ang iniisip. Nilingon ko ito.
     
      
    
 
"Halika na." yaya ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin at tumango. Pumunta na kami sa canteen para kumain. Si Clark na ang nag-volunteer na mag order kaya humanap na kami kaagad ng table na makakainan namin.
     
      
    
 
"Sorry.."
     
      
    
 
Bakit ba sa tuwing naiisip ko ang boses ng babaeng 'yon. Unti-unti kong naririnig ang boses n'ya. Hindi kaya si Bharbie iyon pero bakit naman siya babalik dito? Sino naman ang babalikan niya?
     
      
    
 
"Ang lalim ng iniisip mo. Ano ba nangyari kahapon at naging gan'yan ka nanaman?" tanong ni Paul. Umiling lang ako rito.
     
      
    
 
"Wag mo na alamin pa. Tapos na kami at mukhang ayun na ang huling araw na makikita ko s'ya." sagot ko rito.
     
      
    
 
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. Ramdam ko ang pagmamahal n'ya noong ayos pa kaming dalawa pero iba ang lumalabas sa bibig n'ya. Paulit ulit n'yang sinasabi na wala siyang nararamdaman sakin pero iba ang nakikita at nararamdaman ko sa mga actions n'ya. Kung sakali man na totoo ang sinasabi n'ya, mukhang mas magaling siyang actress kesa kay Patricia.
     
      
    
 
"Sigurado ka ba dyan?" tanong ni Vince.
     
      
    
 
"Hindi ko alam. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan." sagot ko rito. Bumalik na sa table namin si Clark na dala dala ang mga pagkain kaya nag-umpisa na kaming kumain.
     
      
    
 
"Masyadong mabilis ang pangyayari. Siguro may mga bagay lang siya na hindi niya masabi sayo kaya nagawa niyang umalis nalang muna. Paano kung bumalik siya rito? Anong gagawin mo?" tanong muli ni Vince.
     
      
    
 
"Ano bang dapat kong gawin? Wala naman na kami diba?" sabi ko sabay subo ng chicken. Nalasahan ko bigla anghang nito kaya bigla kong iniluwa. Nagsitawanan naman silang tatlo kaya tinignan ko ito ng masama isa isa.
     
      
    
 
"Tarantado! May balak ba kayong patayin ako?" inis kong tanong sa kanila.
     
      
    
 
"Hindi naman kasi para sayo yan, Zy." sabi ni Vince kaya napapokerface ako. Kinuha nito ang isang plato at inilapag sa harap ko. "Ito ang sayo."
     
      
    
 
"Subo ka kasi ng subo dyan muntik ka nanaman tuloy namin dalhin sa clinic." sabi ni Paul na ikinatawa naman ng dalawa.
     
      
    
 
"Tigilan niyo na nga akong tatlo nakakawala kayo ng gana." Tumayo na ako kaagad at tumalikod sa mga ito.
     
      
    
 
"Saan ka naman pupunta?" rinig kong tanong ni Paul kaya lumingon ako rito.
     
      
    
 
"Sa impyerno. Sasama ba kayo ulit?" Umiling lang silang tatlo kaya agad na akong lumabas sa loob ng canteen para maglakad lakad na muna sa hallway. Habang naglalakad, nasalubong ko bigla si Kurt at lumapit ito sakin.
     
      
    
 
"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.
     
      
    
 
"Mukhang bumalik na ang dating Zach na kinakatakutan ng lahat ng estudyange rito sa Journal Academy." Napa-smirk lang ako rito.
     
      
    
 
"Pati ba ikaw natakot?" Natawa s'ya dahil sa sinabi ko kaya tinignan ko ito ng masama.
     
      
    
 
"Kailanman, hindi ako natakot sayo."
     
      
    
 
Nilapitan ko siya at tinignan. "Huling tao na hinamon ako nasa ospital ngayon at critical ang lagay. Wag mo 'ko subukan dahil hindi ko kayang habaan ang pasensya ko sa mga taong katulad mo na nagmamalakas."
     
      
    
 
Akmang aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko. "Gan'yan nga. Magyabang ka. Nawala lang siya bumalik ka na muli sa dati. Wala man rito si Bharbie pero sigurado akong hindi siya matutuwa sa ginagawa mo."
     
      
    
 
Nang banggitin n'ya ang pangalan ni Bharbie agad ko siyang sinapak sa mukha kaya bumagsak ito sa sahig. "Binalaan na kita pero hindi ka nakinig. Sinabi ko bang banggitin mo ang pangalan ng babaeng 'yon?" inis kong sabi rito.
     
      
    
 
Umupo siya at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi nito. "Nakakatawa ka. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa dinami dami ng pipiliin niya. Ikaw pa talaga."
     
      
    
 
Hindi ko pinakinggan ang sinasabi n'ya dahil alam ko na kapag pinansin ko ito. Mas malala ang aabutin n'ya. Ayoko siyang saktan dahil alam kong hindi gugustuhin ni Bharbie na malaman na sinaktan ko ang bestfriend n'ya.
     
      
    
 
Tumalikod na ako sakanya para maglakad na palayo pero muli siyang nagsalita na ikinatigil ko sa paglalakad.
     
      
    
 
"Paano kung siya ang nasa bulletine board?"
     
      
    
 
Lumingon ako rito para sagutin ang tanong n'ya. "Isa lamang siyang leader niyo na wala naman mataas na katungkulan dito sa academy kaya paano magiging siya ang babaeng nasa bulletine board? Pinili na n'yang umalis kaya kung babalik man siya rito wala na akong pakialam. Siya na mismo ang humiling sa akin na umalis na ako sa buhay niya kaya ayun ang gagawin ko simula ngayon. Tapos na kami ni Bharbie kaya kung gusto mo s'ya, kumilos ka na."
     
      
    
 
Umalis na ako sa kinaroroonan ni Kurt bago pa humaba ang usapan naming dalawa. Nagpunta ako sa smoking area. Naglabas ako ng isang kaha ng sigarilyo galing sa bulsa ko at kumuha ng isang stick. Habang sinisindihan ko ito, napansin ko ang isang babae na nagtatali ng sintas. Siya ang babaeng nakabunguan ko kanina. Hindi ako nagkakamali dahil sa kulay ng buhok nito. Bakit ba takot na takot siyang ipakita ang mukha niya?
     
      
    
 
Binuga ko ang usok at lumapit sa babaeng 'yon dahil mukhang tapos na ito sa pagsisintas ng sapatos. Humarang ako sa harap niya at sakto dahil sumabay ito sa pagtayo n'ya.
     
      
    
 
"Celebrity ka ba?" tanong ko rito.
     
      
    
 
Hindi siya umimik at tanging nakatitig lang sakin. Napansin ko na nakatuon ang atensyon niya sa hawak kong sigarilyo kaya kinuha ko ang isang kaha para kumuha ng isang stick at i-abot sakanya.
     
      
    
 
"H-Hindi ako naninigarilyo." sabi nito.
     
      
    
 
Dahil sa sinabi n'ya, inipit ko nalang ang isang stick sa tenga ko at muli siyang tinitigan.
     
      
    
 
"Bakit ka ba nakamask? May sakit ka bang malala o may tinataguan kang tao?"
     
      
    
 
"Huh? W-Wala! Naisipan ko kasing magtago na muna dahil nalaman kong may welcome surprise ang mga gangsters group sa katulad kong transferee." Napangisi ako dahil dun.
     
      
    
 
Nawala lang ako kagabi may bagong estudyante na muli rito sa academy. Kung sinuswerte ka nga naman. "Tanggalin mo ang shades mo. Gusto ko makita ang itsura ng bagong estudyante rito sa Journal Academy."
     
      
    
 
Lumayo ito sakin at umatras kaya tinignan ko s'ya ng masama. "H-Hindi pepwede."
     
      
    
 
Hinawakan ko ang braso nito ng mahigpit at itinapon ang isang stick ng sigarilyo. "Anong hindi pwede? Sinabi kong tanggalin mo."
     
      
    
 
"N-Nasasaktan po ako." Napahinto ako dahil sa boses n'ya. Binitawan ko kaagad ang braso nito dahil alam kong hindi ako nagkakamali.
     
      
    
 
"B-Bharbie?" takang tanong ko rito. Akmang kukunin ko na sana ang suot niyang salamin pero sinipa ako nito sa kalalakihan ko kaya napaluhod ako sa sakit.
     
      
    
 
Tumakbo na ito papalayo. "Fuck! Gago kang babae ka! Humanda ka sakin kapag nagkita muli tayo! Tangina, aray!" daing ko.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Nandito kaming tatlo nila Kuya steve at Sky sa labas ng pinto ng dorm ni Ate lucy. Balak na kasi namin bumalik ngayong umaga sa Journal Academy at dahil walang mag-aalaga kay Sky si Ate lucy muna pansamantala ang bahala rito. Salamat nalang dahil pumayag siya.
     
      
    
 
"Andyan na pala kayo." sabi ni Ate lucy pagkabukas ng pinto.
     
      
    
 
"Hindi na kami magtatagal ikaw na bahala kay Sky." sabi ni Kuya steve. Tumango nalang si Ate lucy sa kanya sabay ngiti.
     
      
    
 
"Ate Bharbie, iiwan niyo po ako?" tanong ni Sky. Lumuhod ako sa kanya para magkapantay kami.
     
      
    
 
"Babalik ako ulit sayo wag kang mag-alala dadalawin kita minsan dito kaya dapat good boy ka palagi kay Auntie ha?" tanong ko.
     
      
    
 
"Saan po ba kayo pupunta kasama niyo po ba si Kuya Zach pagbalik niyo?" tanong niya kaya ngumiti ako rito at tumango.
     
      
    
 
"Promise?" Ngumiti siya sakin at niyakap ako ng mahigpit nang tumango ako rito. "Yehey! Magpapakagood boy po talaga ako kay Auntie kaya sana po tuparin niyo ang pangako niyo sa akin ah?" masayang sabi nito.
     
      
    
 
"Sige na kailangan na naming umalis ni Uncle Steve mo." sabi ko at bumitaw ng yakap. "Ate lucy, kayo na po muna ang bahala sa kanya ah?"
     
      
    
 
"Oo, sige na! Baka malate pa kayo n'yan."
     
      
    
 
Ngumiti nalang ako kay Sky at sinenyasan na si Kuya Steve na umalis. "Malapit lapit lang tayo sa Journal Academy kaya handa ka na ba talaga?" Biglang tanong niya sa akin habang nasa loob kami ng elevator. Tumango lang ako sakanya dahil wala akong gana magsalita ngayon.
     
      
    
 
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Chloe. Buti naman nasagot niya kaagad ang tawag ko. "Young laaaaaaady!"
     
      
    
 
Inilayo ko naman kaagad ang phone sa tenga ko dahil sa boses niyang makabasag eardrums. "Hinaan mo nga lang boses mo pwede?"
     
      
    
 
"Sorry naman! Balita ko babalik na kayo rito mamaya. Bakit napaaga ka naman yata?"
     
      
    
 
"Mahabang kwento. I-reserve niyo ako ng isang kwarto sa private dorminatory. Papunta na rin kase ako dyan."
     
      
    
 
"Sige, young lady! Mag-iingat kayo!"
     
      
    
 
Binaba ko na kaagad ang linya at sumakay na rin kami ni Kuya sa loob ng kotse. Kinuha ko ang itim na mask na binigay ni Grandpa sakin kagabi para isinuot iyon. "Ilugay mo ang buhok mo para hindi mahalata ang black rose tattoo mo sa likod." sabi ni Kuya Steve habang nagmamaneho.
     
      
    
 
Gaya ng sabi niya, tinanggal ko ang tali ng buhok ko at kinuha ang salamin. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin ng kotse. 
     
      
    
 
"Perfect! Hindi na halatang ikaw 'yan maliban nalang kung makilala nila ang boses mo."
     
      
    
 
"Bilisan mo nalang magmaneho kuya dahil gustong gusto ko na humiga sa kama."
     
      
    
 
Ngumisi lang siya at mabilis na pinatakbo ang sasakyan. After a minute, nakarating na rin kami sa gubat kung saan nakatayo ang Journal Academy. Dire-diretso si Kuya Steve sa parking lot at hininto ang sasakyan sa gilid.
     
      
    
 
"Mauna ka na dahil hindi tayo pwede magsabay." sabi niya kaya tumango ako at lumabas ng kotse.
     
      
    
 
Nakakakaba naman pumasok sa loob dahil baka marami na ngayong estudyante sa hallway. Baka mamaya mapagkamalan nila akong outsider dahil sa itsura ko ngayon pero okay na rin para sakin ang ganito dahil baka makasalubong ko pa ang gangsters group sa daan at makilala nila ako.
     
      
    
 
Pagpasok ko sa Journal Academy, papunta na sana ako sa private dorminatory area kaso napansin kong may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa bulletine board. Ano naman kaya iyon?
     
      
    
 
Lumapit ako rito para tignan pero papunta palang ako may nakabangga na ako kaya napaurong ako. Nainis ako dahil sa katangahan niya kaya tinignan ko kung sino ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. Humingi lang ako ng tawad dito at iniwas na kaagad ang tingin sabay takbo papalayo.
     
      
    
 
Tama lang na hindi na ako magtagal pa sa harap nila dahil baka maisip nilang ipatanggal ang mask ko. Naglakad lakad nalang muna ako sa hallway ng academy. May mga nasasalubong akong estudyante na nagtataka kung bakit ganito ang itsura ko, yung iba naman ay pinagtatawanan ako.
     
      
    
 
Naka black tshirt lang naman kase ako at nakamaong na short tapos isama mo pa ang mask ko sa mukha. Nakasuot pa ako ng sunglasses. Hindi naman matirik ang araw. Sino ba hindi magtataka sa itsura ko diba?
     
      
    
 
Tumambay na muna ako pansamantala sa garden pero di nagtagal ay naboring na rin ako kaya umalis na ako roon. Napansin kong naapakan ko ang sintas ng rubber ko kaya umupo ako para ayusin. Sandali ko lang naman inayos ang sintas ko at agad na tumayo. Nanlaki ang mga mata ko dahil biglang sumulpot sa harapan ko si Zach.
     
      
    
 
"Celebrity ka ba?" tanong nito. 
     
      
    
 
Napansin ko ang hawak nitong sigarilyo. Hindi ba sinabi ko na sakanya na itigil n'ya na ang paninigarilyo? Ang tigas talaga ng ulo n'ya. Napakunot ang noo ko rito dahil inabutan n'ya ako ng isang stick.
     
      
    
 
"H-Hindi ako naninigarilyo." Iniba ko konti ang tono ng boses ko para hindi n'ya ako makilala.
     
      
    
 
"Bakit ka ba nakamask? May sakit ka bang malala o may tinataguan kang tao?"
     
      
    
 
Sinagot ko kaagad ang tanong nito pero mukhang mali ang naisagot ko sakanya kaya dahil doon ay pinatanggal n'ya sakin ang suot kong shades. Hindi ko pwede tanggalin ito dahil siguradong makikilala n'ya ako.
     
      
    
 
Umatras ako para lumayo rito kaya tinignan n'ya ako ng masama. "H-Hindi pepwede."
     
      
    
 
Mukhang nainis ito sa sagot ko kaya hinawakan n'ya ang braso ko at sa sobrang higpit nito ay napapikit ako. Hindi ko na kinaya pigilan ang sakit kaya napadaing na ako.
     
      
    
 
"N-Nasasaktan po ako." Napahinto ako dahil sa boses ko. Naramdaman ko ang pagbitaw n'ya sa braso ko at mukhang nagulat din ito ng marinig n'ya ang natural na tono ng boses ko.
     
      
    
 
"B-Bharbie?" Nang banggitin n'ya ang pangalan ko napansin kong kukunin nito ang suot kong salamin. Hindi n'ya ako pwede makilala kaya wala akong nagawa kundi sipain ang kalalakihan n'ya.
     
      
    
 
Naguilty ako bigla nang mapahiga s'ya sa sahig at iniinda ang sakit ng sipa ko. Ito na ang chance ko para tumakas kaya tumakbo na ako kaagad palayo para hindi n'ya ako magantihan pang muli. Hingal na hingal ako nang makarating ako kaagad sa building. Muntik na ako mahuli ng lalaking 'yon. Bakit ba palagi nagkakatagpo ang landas namin dalawa?
     
      
    
 
Napahinto ako nang mapansin ko na sila Chloe sa harap ng pintuan kung saan papasok papunta sa private dorminatory area. Hindi pwedeng pumasok ang mga gangsters group sa loob n'yan dahil ang pwede lang manatili rito ay ang mga may matataas na katungkulan dito sa Journal Academy.
     
      
    
 
Ang young lady, master, empress, emperor, dean, teachers and principal. Sabi rin ni Grandpa, nalilipat din ang mga gangsters group sa area na ito pero mangyayari lang 'yon kapag napatunayan na nila ang mga sarili nila at nabisaan na silang lahat. Lumapit na ako sa kanilang tatlo dahil ang mga tingin nila sa akin ay mukhang nagtataka sa itsura ko.
     
      
    
 
"Ang tagal naman yata ni mallows? Kanina pa siya tumawag sayo diba?" rinig kong sabi ni Kurt kaya napapokerface ako.
     
      
    
 
"Baka traffic lang." sabi ni Kevin.
     
      
    
 
"Pumasok na kaya kayo sa loob kesa dyan kayo nag-aantay." sabi ko kaya sabay sabay silang lumingon sa akin.
     
      
    
 
"Sino ka?" tanong ni Chloe.
     
      
    
 
Napa-tss nalang ako sa tanong ni Chloe. Lumapit ako sa pinto at agad na tinapat ang card sa scanner upang magbukas ang pinto. Nang magbukas ito ay pumasok na ako sa loob pero huminto muna dahil napansin kong nanatili lang silang tatlo na nasa labas.
     
      
    
 
Tinanggal ko na ang mask ko dahil wala naman tao sa paligid. Halata sa itsura nila ang pagkagulat. "Aantayin n'yo pa bang may makakita sa ating apat bago kayo pumasok dito?" tanong ko sakanila.
     
      
    
 
"M-Mallows..." bulong ni Kurt pero hanggang dito rinig na rinig ko.
     
      
    
 
"Nagpakulay lang ako ng buhok hindi niyo na ako nakilala. Isa pa, natanggal lang naman ang bangs ko tapos ganyan na kayo kung makareact? Nakakatampo kayo ah?"
     
      
    
 
Nang makapasok sila sa loob kusang nagsara ang pinto. Tumakbo si Chloe palapit sa akin at niyakap ako. "I miss you, Bharb!" sabi niya kaya napangiti ako.
     
      
    
 
"Dalawang araw lang tayo hindi nagkita tapos namiss mo kaagad ako?" natatawang sabi ko. Bumitaw na ako ng yakap sakanya.
     
      
    
 
"Bakit hindi mo manlang ba ako namiss?" naka pout na sabi niya.
     
      
    
 
"Hindi naman ako ganon kasama para hindi mamiss ang nerdy na tinulungan ko sa park noh." natatawang sabi ko.
     
      
    
 
Tumabi sa akin si Kevin at inakbayan ako. "Ang aga mo naman yata bumalik dito? Sabi na e hindi mo kami kayang tiisin." Siniko ko lang s'ya dahil sa sinabi n'ya.
     
      
    
 
"Baliw! Pumunta na rin ako rito para sumabay na sa event na gaganapin mamayang gabi dahil babalik na rin dito si Grandpa Gino especially si Grandma Jane."
     
      
    
 
"Special pala talaga ang event na iyon." sabi niya kaya tumango ako bilang sagot. Tumingin naman ako kay Kurt na ngayon ay nakatayo pa rin sa pinto. Nginitian ko lang siya pero siya blangko pa rin ang itsura. Ano bang nangyare dyan?
     
      
    
 
Niyaya ko na sila para tumungo na sa nakahandang kwarto ko. Habang naglalakad kami, tahimik lang si Kurt kaya nabahala ako rito. Tinignan ko siya at napansin ko ang pasa nito sa gilid ng labi n'ya. Napa-away ba siya? Tatanungin ko na sana ang tungkol doon pero napansin ko bigla ang mga tao na nakaabang ngayon sa harap ng lobby sa private dorminatory area.
     
      
    
 
Yumuko silang lahat sa akin. "Maligayang pagbabalik, Young lady!" sabay sabay na sabi nito. 
     
      
    
 
"Wow! Ilang araw kaya nila 'yan sinanay? Sabay sabay e!" natatawang sabi ni Kevin.
     
      
    
 
Napailing lang ako bago tignan si Sir Hillarious na ngayon ay nasa harapan ko na. "Ito ang card ng kwarto mo. Sinabihan kami ni Master Gino na i-abot sayo ito. Wag kang mag-alala dahil secured at safe ang magiging kwarto mo rito. May ilang oras ka pa para paghandaan ang party mamayang gabi. Masaya kami na bumalik ka."
     
      
    
 
Ngumiti lang ako kay Sir bago tanggapin ang card na inaabot n'ya sakin. Niyaya ko na kaagad ang tatlo pumunta sa kwarto ko. Mabuti nalang dahil lahat ng kwarto ay nasa first floor lang at nakakatuwa dahil pagkapasok namin ay bumungad kaagad sakin ang magandang view na makikita mo sa glass wall ng kwarto. Hindi ko alam na ganito pala kaganda sa loob nito. Ganito rin kaya sa kwarto ng iba? Excited na akong makita ang magiging kwarto nila Chloe.
     
      
    
 
"Napakaganda pala ng tanawin sa labas nito. Ang ganda ng kwarto mo!" tuwang tuwa na sabi ni Chloe. Tumango lang ako sakanya habang inilalagay ang salamin ko sa mini cabinet. Napansin kong nandito na rin sa loob ang maleta ko. Dinala na siguro ni Kuya steve rito kanina pa.
     
      
    
 
Nang makaupo ako sa sofa napansin kong nakatingin pa rin sa akin si Kurt hanggang ngayon. "Handa ka na ba talaga?" Umupo siya sa tabi ko.
     
      
    
 
Hindi ko siya sinagot at tanging umikot lang sa kwarto para hanapin ang first aid kit. Nakita ko naman ito sa cabinet ng cr kaya bumalik na muli ako sa sala at umupo sa tabi ni Kurt. Nakatitig lang s'ya sakin.
     
      
    
 
"Sino nanaman ba ang nakaaway mo?" tanong ko rito. Hinawakan ko ang mukha nito at hinarap sakin. Inilayo n'ya sakin ang mukha n'ya pero binalik ko lang din ito kaagad at ginamot na ang sugat n'ya.
     
      
    
 
"Sa tingin ko kailangan muna namin umalis ni Kevin para bumili ng makakain natin." Napahinto ako sa paggamot ng sugat ni Kurt dahil sa sinabi ni Chloe. Ngumiti lang silang dalawa sakin bago tuluyang lumabas ng kwarto.
     
      
    
 
Nang makalabas silang dalawa binalik ko ang tingin ko kay Kurt. "Ang aga aga nakikipagbugbugan ka. Sino ba ang tarantadong sumapak sayo?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Si Zach." tipid n'yang sagot. Napahinto ako sa paggamot sakanya.
     
      
    
 
"T-Tarantado nga." di makapaniwalang sabi ko. Natawa lang siya.
     
      
    
 
"Totoo bang babalik na rin si Empress Jane?" tanong niya bigla.
     
      
    
 
Napakunot noo ako. "Kilala mo na si Grandma?"
     
      
    
 
"Tatlo kami nila Chloe ang nakakakilala sa kaniya. Noong araw na simple student palang kami siya ang unang pinuno na talagang pinakilala ang sarili sa harap ng mga simple students kaya ginagalang talaga siya ng mga ito. Kakaiba nga si Empress Jane kay Master Gino."
     
      
    
 
"Ibang iba talaga siya kay Grandpa kung alam mo lang ang pinagdaanan ko kahapon tiyak na pagtatawanan mo talaga ako."
     
      
    
 
"Nakipaghiwalay ka na pala kay Zach?" biglang tanong n'ya sakin.
     
      
    
 
"Paano mo naman nalaman 'yan? Sinabi ba sayo ni Vince?"
     
      
    
 
"Kay Zach ko mismo narinig ang tungkol d'yan. Bakit ba nakipaghiwalay ka pa? Alam mo naman na babalik ka diba? Hindi naman solusyon ang pakikipaghiwalay." Ngumiti lang ako sakanya.
     
      
    
 
Tinapos ko na kaagad ang paggamot sa labi nito at tinakpan ng bandage. "Natalo kayo sa laban diba? Tinapos ko na ang relasyon namin dahil ayun naman talaga ang usapan. Isa pa, sa tuwing naiisip ko na napahamak s'ya dahil sa pagtatago ng pagkatao ko, nakokonsensya ako. Ayoko na muling malagay ang taong 'yon sa kapahamakan dahil lang sa malapit ang loob n'ya sa young lady ng academy."
     
      
    
 
Niligpit ko na kaagad ang first aid kit. "Kahit naman hindi ka malapit sakanya sigurado akong malalagay pa rin ang buhay n'ya sa panganib dahil pinasok n'ya ang academy na ito. Lahat naman tayo nasa panganib. Lahat tayo pwedeng patayin ng GA Gangs."
     
      
    
 
Napaisip ako bigla dahil sa sinabi ni Kurt. Alam ko ang ibig n'yang sabihin pero hindi ko pa rin talaga maiwasan sisihin ang sarili ko dahil muntik ng mamatay ang dalawang tao na malapit sakin sa kadahilan na ako ang young lady ng academy.
     
      
    
 
Someone's point of view.
     
      
    
 
Papunta ako ngayon sa Galaxy Academy dahil ang sabi niya sa akin pinapatawag ako ni Master Dex. Hindi ko rin alam kung tungkol saan 'to. Ang tanging nasa isip ko lang ay tungkol 'to sa magaganap na party sa Journal Academy. Pagkadating ko,  pumunta kaagad ako sa office niya at tumayo sa harap nito.
     
      
    
 
"Alam kong wala kang alam sa pagsugod ng gang sa Journal Academy bukas kaya pinatawag kita. Gusto kong tumulong ka sa kanila sa pagpatay kay Zach Yael Lee." sabi niya kaya bigla akong napako sa kinatatayuan ko. "Naaalala mo pa ba ang utang mo sakin? Kamatayan ni Zach ang gusto kong maging kabayaran non. Pagkatapos non, magiging malaya ka na. Katulad ng hinihiling mo sa akin na palayain ka."
     
      
    
 
Demonyo ka talaga, Dexter Park.
     
      
    
 
"Maari ka na umalis at bumalik na sa Journal Academy. Enjoy the party." Hindi ako yumuko rito at kusa lang lumabas ng office n'ya. Fuck you, Dexter Park! Pinagsisihan ko talaga na magkaroon ng utang na loob sayo. Sinusumpa kitang hayop ka.
     
      
    
 
Titiyakin kong mamatay ka talaga sa kamay ni Bharbie o di kaya naman ay sa mga kamay ko. Gagawin ko ang lahat para makaganti ako sayo. Sisiguraduhin kong hindi ka mananalo sa mga pinaplano mo. 
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon