Chapter 56

30.3K 858 52
                                    


Chapter 56: Gift
 

   
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Pumunta kami sa park at laking gulat ko dahil maganda pala rito. Hinatak ako ni Zach at pumunta kami sa mga kabayo. Nagrenta ito ng isang kabayo.
     
      
    
 
"Halika na, sumakay ka na." aya niya pero hindi ko gustong sumakay rito dahil natatakot ako.
     
      
    
 
Umiling ako sakanya. "Ikaw nalang!" sabi ko.
     
      
    
 
"Haish! Dalian mo na hindi naman ito magwawala eh!" naiinis na sabi niya.
     
      
    
 
"Kahit na! Ikaw nalang. Wag kang mag-alala dahil aantayin kita." sabi ko pero bago ako makaalis binuhat niya na ako at isinabay sa pagsakay sa kabayo.
     
      
    
 
"KYAAAA! AYOKO RITO ZACH!!" sigaw ko kaya natawa siya.
     
      
    
 
"Nandito ako wag kang mag-alala." bulong niya. Pinatakbo na niya kaagad ang kabayo kaya napayakap ako sa bewang niya. Kung alam ko lang na ito ang pinaplano n'ya hindi na sana ako sumama pa papunta rito.
     
      
    
 
"Itigil mo na please. Natatakot na ako, Zach." pagmamakaawa ko sa kanya.
     
      
    
 
"Yah!!" sabi niya habang patuloy lang sa pagpatakbo ng kabayo. "Hindi siya magwawala kung hindi ka magpapanic okay?" Kumapit nalang ako sakanya ng mahigpit dahil mukhang wala siyang balak na ibaba ako.
     
      
    
 
Inikot namin ang buong lugar at patagal ng patagal ay namamangha na rin ako at nawawala na ang takot ko. "Masaya ka ba?" tanong niya kaya tinignan ko ito.
     
      
    
 
"Sobrang saya ko." Ngumiti lang siya at pinatakbo muli ang kabayo. Mayamaya, natapos na ang oras namin kaya bumaba na kami sa kabayo at nagpaalam. May nakita kami na nagbebenta ng ice cream kaya lumapit ako doon para bumili.
     
      
    
 
"Bakit mo nga pala gusto ang strawberry flavor ng ice cream? Kapag pinapakain ka naman ng strawberry hindi ka kumakain."
     
      
    
 
Madalas ko kasing napapansin na strawberry flavor ang lagi niyang binibili kaya naisip ko na rin siyang tanungin.
     
      
    
 
"Hindi ko alam. Hindi ako kumakain ng strawberry pero ito ang paborito kong flavor ng ice cream. Yung vanilla, masarap ba? Habang kinakain mo siguro 'yan naaalala mo yung araw na nasa paligsahan tayo tapos kalaban natin sila Kurt. Ayan yung ice cream flavor na nakalagay sa abs ko diba? Gusto mo bang ulitin natin 'yon?" nang-aasar na sabi niya.
     
      
    
 
"Hoy! Sa tingin mo ba nagustuhan ko iyon? Nakakadiri kaya!" sabi ko at kumain muli ng vanilla ice cream.
     
      
    
 
"Kaya pala parang nabitin ka pa at gusto mo pang ulitin." pang-aasar niya kaya naman tinignan ko ito ng masama.
     
      
    
 
Dahil napikon ako, nginudngod ko sa kanya ang hawak kong vanilla ice cream at natawa dahil punong puno na ng ice cream ang bibig niya ngayon hanggang ilong.
     
      
    
 
"Para ka tuloy bata na may ice cream sa mukha!" tawang tawa ko.
     
      
    
 
"Ganyanan pala ahh." may pagbabanta na sabi niya kaya napabitaw ako sa apa ng ice cream ko at nginitian siya.
     
      
    
 
"Hehe! Babye!" sabi ko sabay takbo papalayo sakanya. Naramdaman kong hinabol n'ya ako kaya mas binilisan ko ang pagtakbo dahil alam kong hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakaganti.
     
      
    
 
Naghabulan kaming dalawa rito dahil sa gusto niyang makaganti. Napakaisip bata talaga kahit kelan. "Humanda ka talaga sakin kapag nahuli kita!" rinig kong sabi niya.
     
      
    
 
"Kung mahuhuli mo 'ko!" natatawang sigaw ko. Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Nang mapansin kong wala na siya sa likod ko  tumigil ako sa pagtakbo at lumingon. Nahagilap ko naman kaagad kung nasaan siya ngayon. Nakita ko siya sa tabi ng ilog kaya napangiti ako. Napansin kong may isang bulaklak na nandito sa tabi ko kaya kinuha ko iyon. Tumakbo ako palapit kay Zach at niyakap siya kaya napalingon siya sakin.
     
      
    
 
"Buti naman naisipan mo na lumapit sa akin?" sabi niya kaya bumitaw ako sa yakap at humarap dito.
     
      
    
 
"Wait lang! Wag kang magulo." sabi ko at inilagay sa gilid ng tenga niya ang bulaklak.
     
      
    
 
"Ano ba 'yang kalokohan na yan?" inis niyang sabi atsaka tatanggalin na sana ang bulaklak na nasa tenga niya pero pinigilan ko ito.
     
      
    
 
"Sabi sa akin ng iba kapag bagay daw sa isang lalaki ang bulaklak na pinitas ng kanyang girlfriend ibig sabihin habang buhay mo na siya makakasama." sabi ko habang inaayos ang bulaklak sa tenga niya.
     
      
    
 
"Kung ganon, bagay naman diba?" tanong niya kaya natawa ako dahil naniwala siya sa sinabi ko na hindi naman totoo.
     
      
    
 
"Para ka ngang bakla eh!" sabi ko at tumawa muli.
     
      
    
 
"Pero alam mo mas babagay ito sayo." sabi niya at kinuha ang bulaklak para isabiy 'yon sa tenga ko.
     
      
    
 
"Cute naman ako diba?" tanong ko sa kanya.
     
      
    
 
"Hindi kaya." sabi niya kaya napapout nalang ako.
     
      
    
 
"Hindi ka talaga marunong sumakay sa trip ko, ano?" sabi ko.
     
      
    
 
"Hindi ka cute dahil sobrang ganda mo." sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Dahil doon, nainis ako at hinampas ang kamay niya sa ilong ko. Hindi kase ako makahinga sa ginagawa niya.
     
      
    
 
"Kaya dapat lagi mong aalagaan ang girlfriend mo." sabi ko. Kinuha ko ang dalawang kamay niya at niyakap sa akin kaya naka backhug na siya sa akin ngayon.
     
      
    
 
"Aalagaan kita habang buhay."
     
      
    
 
"Talaga? Paano kung hindi naman pala tayo ang para sa isa't isa?" tanong ko.
     
      
    
 
"Hindi pwede iyon. Sakin ka lang." sabi niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
     
      
    
 
"I love you, bazy." Hinawakan ko ang kamay nito.
     
      
    
 
"Ang sarap pakinggan." sabi niya at sinubsob ang mukha niya sa balikat ko.
     
      
    
 
Ngumiti nalang ako dahil sa sinabi niya. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko s'ya ngayon at wala na akong dapat pang ikabahala dahil alam ko sa sarili ko na tapos na ang lahat. Wala na akong tinatago sa kanya at kaya na namin ipaglaban ang isa't isa hindi katulad noon na takot na takot akong mahulog sakanya.
     
      
    
 
"Nakikita mo ba iyon?" tanong niya sa akin habang tinuturo ang mga batang naglalaro kasama ang nanay at tatay nila. "Balang araw magkakaroon din tayo ng ganyang pamilya at sa panahong iyon hindi ko hahayaang masaktan kayo ng kung sino man. Ni hawakan ang mga anak natin hindi nila magagawa."
     
      
    
 
Hinawakan ko ang kamay niya na naka backhug sa tiyan ko. "Ganon din ako hindi ko rin hahayaang mawala kayo. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay." sabi ko at hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.
     
      
    
 
"Halika. Gumala pa tayo." sabi niya at  hinawakan ang kamay ko.
     
      
    
 
Ngumiti lang ako at hinawakan ang kamay niya. Naglakad kaming naka holding hands habang nakekwentuhan. Marami pa kaming sinakyan rito sa park. Sumakay kami sa malaking kabibe at sumunod naman ay kumain ulit sa malapit na restaurant. Pagkatapos, pumunta na rin kami sa may Botanical Garden. Habang naglalakad naisipan niyang bumili ng bike.
     
      
    
 
"Tara?" Tumango ako rito at agad na umangkas sa likod ng bike. "Hold tight!" Pinayakap niya sa tiyan niya ang mga kamay ko.
     
      
    
 
"Go!" utos ko sakanya.
     
      
    
 
Nagsimula na siyang mag bike at enjoy na enjoy ako rito ganun din naman s'ya. Minsan naman ay inaasar ko si Zach na bibitaw ako sa kanya kaya ayon tinitigil niya ang bike kaya natatawa ako. Habang nagbibike kami, nadaanan namin ang isang petshop kaya naisipan muna namin pumasok sa loob para tumingin ng mga aso at pusa.
     
      
    
 
"Bazy! Tignan mo oh? Ang cute nung tuta!" sabi ko sa kanya habang tinuturo ang tutang nasa loob ng kulungan niya.
     
      
    
 
"Gusto mo bang ampunin natin siya?" tanong niya pero umiling ako.
     
      
    
 
"Okay na si Bharsy para sa atin. Tara na!" Hinatak ko na siya palabas at kinuha ang strawberry sa bag ko.
     
      
    
 
"Kung pipilitin mo kong kainin 'yan. Wag mo na subukan pa dahil hindi ka rin naman magtatagumpay." sabi niya.
     
      
    
 
"Pero kumakain ka naman ng strawberry flavor diba? Kaya sige na!" sabi ko sabay abot sa kanya ng strawberry pero ayaw niya pa rin ito tanggapin.
     
      
    
 
"Gawin mong ice cream o kaya cake siguradong kakainin ko pa yan." sabi niya. Inirapan ko lang ito.
     
      
    
 
Napalingon ako banda sa kanan ko dahil nakita ko ang Lion's Head dito sa Baguio kaya hinatak ko si Zach papunta doon.
     
      
    
 
"Picture tayo doon!" excited na sabi ko at dali-daling kinuha ang phone sa bag ko.
     
      
    
 
"Picture nanaman? Nakakatamad! Ayoko!" sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.
     
      
    
 
"Pinagmamalaki mo pa talaga uung picture natin kanina na halos mukha kang tanga doon. Pangatlo palang naman natin 'to kaya pumayag ka na." sabi ko at hinatak siya.
     
      
    
 
"Haish! Fine!" sabi niya kaya ayon nag picture kami ng nag picture kaso lang mukha siyang ewan sa mga kuha dahil hindi manlang ngumingiti pero di bale nalang dahil baka mainis nanaman siya sa akin. Ang mahalaga may picture kaming dalawa. Pagkatapos, pumunta kami sa lugar kung saan may mga rides. Ayaw niya pa nga pumasok dito pero mabuti nalang dahil napilit ko siya. Tama lang 'yon dahil birthday ko ngayon kaya dapat lang manalo ako sakanya.
     
      
    
 
"Doon tayo sa tower dali!" yaya ko pero hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya.
     
      
    
 
"Ayoko." sabi niya habang nanginginig ang mga paa nito kaya natawa ako.
     
      
    
 
"Halika na!" sabi ko sabay hatak sa kanya. Mabuti nalang hindi ganun kadami ang mga tao kaya mabilis kaming nakakuha ng ticket.
     
      
    
 
"Are you ready?" tanong ko rito. Napansin  kong namumutla ito habang nakatitig sa rides. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at nginitian ito. "Andito naman ako kaya kapag natatakot ka higpitan mo lang ang paghawak sa kamay ko, okay?"
     
      
    
 
Tinignan niya lang ako at ngumiti ng pilit. Dahan dahan na tumataas ang rides na sinakyan namin at nagsimula na rin ang paghigpit ng hawak sa akin ni Zach. Mayamaya, nakarating na kami sa tuktok ng tower at bigla itong bumagsak pababa kasabay ng pinakamahigpit na hawak ni Zach atsaka ng malakas niyang sigaw.
     
      
    
 
Mangiyak ngiyak at pawis na pawis si Zach pagkababa namin kaya kinuha ko ang panyo ko para punasan ito. 
     
      
    
 
"Saan mo pa gustong sumakay? Malapit na gumabi kaya sige na mamili ka pa." sabi niya kaya ngumiti ako rito.
     
      
    
 
"Gusto kong sumakay sa roller coaster!" masayang sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
     
      
    
 
"Sa tingin mo ba makakaya kong sumakay doon pagkatapos maiwan ng kaluluwa ko sa tower na 'yon? Hindi! Ayoko!" Inirapan ko lang ito.
     
      
    
 
"Nagtatanong ka tapos kapag sinagot ko tanong mo hindi mo gugustuhin." sabi ko.
     
      
    
 
"Mabuting doon nalang tayo oh?" turo niya sa flying swing ride rito.
     
      
    
 
"Halika na!" aya ko kaya bumili na kami ng ticket at sumakay doon.
     
      
    
 
Habang nakasakay kami, nakita kong nakangiti si Zach habang umiikot ang swing na ito kaya napangiti nalang din ako kasi hindi siya natatakot. Sobrang dami pa namin sinakyan na mga nakakahilong rides at napilit ko rin ito sumakay sa roller coaster. Tawang tawa lang ako sa itsura n'ya dahil takot na takot ito pero habang tumatagal ay naeenjoy n'ya na rin kaya bumili ulit kami ng ticket para sa isang ikot.
     
      
    
 
Inabot na kami rito ng gabi at lahat ng tao ay pinapaalis na sa loob dahil maaga raw magsasara ito pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa kami lumalabas at nasa tapat lang kami ng carousel ni Zach ngayon.
     
      
    
 
"Close your eyes." Napakunot noo ako sa sinabi niya pero ngumiti lang ito. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at inantay si Zach magsalita ulit.
     
      
    
 
"Pagbilang ko ng pito, bubuksan mo na ang mga mata mo, okay?" sabi niya sa akin kaya tumango ako rito. Nagsimula na s'ya magbilang kaya inantay ko lang ito.
     
      
    
 
"Now, open your eyes." rinig kong sabi nito kaya binuksan ko ang mga mata ko kasabay ng pagbukas ng mga ilaw. Kitang kita ko rin ang ganda ng ferris wheel.
     
      
    
 
"Happy birthday!" bulong niya habang nakaback hug sa akin. Bigla niyang tinuro ang kalangitan na ngayon ay binabalutan ng maraming bituin sa kalawakan. Nagsimula ang pagputok ng mga fireworks kaya mas lalo akong natuwa.
     
      
    
 
"Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito kaya kung ano man ang gusto mo ay sinusunod ko pero hindi pa 'yan ang totoong regalo ko." sabi niya. Naramdaman kong may sinusuot ito sa leeg ko.
     
      
    
 
"Gusto kong alagaan mo ang necklace na 'yan dahil hindi lang 'yan basta necklace lang kundi tanda rin ito ng pagmamahalan nating dalawa."
     
      
    
 
Tinignan ko ang necklace na sinuot niya sakin. Napangiti ako dahil halos kapareho nito ang kwintas na ibinigay niya kay Sky pero mas makinang ito kumpara doon.
     
      
    
 
"Thank you!" sabi ko at tumingin sa kanya.
     
      
    
 
"Sana napasaya kita ngayong araw kahit na hindi ako kumain ng strawberry na favorite mo." sabi niya habang kumakamot siya sa ulo.
     
      
    
 
"Hayaan mo na iyon bumawi ka naman dyan sa fireworks show na yan." sabi ko at natawa.
     
      
    
 
"I love you..." malambing na sabi niya sabay halik nito sa noo ko.
     
      
    
 
"I love you more." Tumingkayad ako rito para yakapin s'ya.
     
      
    
 
Bumitaw rin kami kaagad at natawa sa isa't isa habang pinapanood ang mga magagandang fireworks na nagsisiputukan ngayon sa kalangitan. Ito na talaga ang pinakamagandang kaarawan na dumating sa akin dahil kasama ko siya buong araw. Hindi ko na yata pa kakayayanin kapag nawala siya sa buhay ko.
     
      
    
 
Ilang oras din kaming nanatili sa lugar na 'yon hanggang sa naisipan na namin mag check in sa isang hotel dahil hindi na rin kami makakabalik pa sa Journal Academy lalo na't gabing gabi na.
     
      
    
 
"12th floor, Room 12116 sir."
     
      
    
 
"Thanks!" sabi ni Zach at tinanggap na ang susi ng hotel room. Umakyat na kami sa kung saang floor ang room namin. Pagpasok namin sa loob, dire-diretsong humiga sa kama si Zach na parang pagod na pagod ito.
     
      
    
 
Tinignan ko ang buong kwarto at buti nalang may dalawang kama kaya komportable ito. Inayos ko muna ang sarili ko bago humiga sa kama at pumikit. "Bazy tayo lang naman dalawa ang nandito diba?"
     
      
    
 
Napalingon ako sa sinabi ni Zach at nakita kong nakangisi ito. Mukhang may binabalak ito na masama.
     
      
    
 
"Anong binabalak mo dyan huh?!" sigaw ko sa kanya habang napapaurong sa kama.
     
      
    
 
"Bakit kung makatingin ka dyan ay takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa ah?" nakangising sabi niya.
     
      
    
 
Aalis na sana ako sa kama kaso bigla nalang siya pumaibabaw sa akin dahilan para hindi ako makagalaw. "Ano ba Zach?!! Tigilan mo nga ako sa kamanyakan mo!" inis kong sabi at pilit na kumakawala sa kanya.
     
      
    
 
"Paano kapag ayoko?" Kumindat ito sakin.
     
      
    
 
"Bwisit ka! Sabing umalis eh!" Tinulak ko ito pero hinawakan niya ang kamay ko kaya wala na ako nagawa. Unti unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Mabuti nalang dahil tumunog ang doorbell kaya napalingon ito sa pinto. Tinulak ko ito para makatakas ako sakanya.
     
      
    
 
"Shit!" mura niya dahil bumagsak ito sa sahig.
     
      
    
 
"Ako na ang magbubukas." Tumakbo na ako papalapit sa pinto para silipin kung sino ang taong nag-doorbell.
     
      
    
 
Binuksan ko ang pinto, pagkabukas ko nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala namang tao. Pagtingin ko sa baba, may isang box na nakalagay rito. Mukhang para sa akin ang box na ito dahil nakasulat sa harapan nito ang salitang 'Happy birthday Bharbie' Lumapit si Zach sakin.
     
      
    
 
"Ano yan?" tanong niya at kinuha ang kahon. "Para sayo?" takang tanong nito. Kinuha ko sa kanya ang box at isinara na ang pinto.
     
      
    
 
Umupo ako sa kama para tignan ang box. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang binubuksan ang box.
     
      
    
 
"Buksan mo na baka galing kay Master 'yan." sabi niya at umupo sa tabi ko. Dahil sa sinabi n'ya, binuksan ko na ang kahon pero agad kong naitapon ito sa lapag dahil nakakita ako ng patay na pusa sa loob. May mga nakasaksak na karayom sakanya at isang kutsilyo na nasa tiyan nito.
     
      
    
 
"B-Bharsy..." bulong ni Zach kaya napalingon ako rito at sa pusa. Nagulat ako nang makita ko ang collar ng pusa kung saan nakalagay rito ang pangalan n'ya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang pangalan ng pusa ni Zach.
     
      
    
 
"H-Hindi.." Nanginginig ang mga boses ko at maging ang mga kamay ko ay sumasabay na rin.
     
      
    
 
Napaluhod si Zach at kinuha ang pusa. Tinanggal niya ang mga karayom na nakatusok dito at maging ang kutsilyo. Kahit na duguan na ang pusa pinipilit niya pa rin gisingin si Bharsy.
     
      
    
 
"Hindi! Hindi! Hindi pwede! Bharsy, no!" Umiiyak na sabi ni Zach at pilit na ginigising ang pusa. Lumuhod ako para magkapantay kami.
     
      
    
 
"Zach." sabi ko at niyakap siya.
     
      
    
 
"B-Bakit kailangan nilang idamay ang pusa ko? Bakit si Bharsy pa? Bharsy, gising! Bharsy!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na rin.
     
      
    
 
"Zach, I'm sorry." Niyakap ko ito ng mahigpit para pakalmahin pero alam kong hindi ito kakalma sa sitwasyon kahit na ano pang gawin ko.
     
      
    
 
"B-Bharsy..." humihikbi na sabi niya habang yakap yakap ang pusa. Habang nakayakap ako kay Zach nakakita ako ng papel na nakapatong sa gilid ng kahon kaya kinuha ko ito at binasa.
     
      
    
 
Umpisa palang 'yan at marami pang susunod. Maligayang kaarawan sayo, Bharbie Anne Safari.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon