Chapter 44

32.4K 963 43
                                    


Chapter 44: Zachbie
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Papunta ako ngayon sa canteen dahil nakaramdam ako ng gutom habang nasa training kami. Yng tungkol sa GGW kahapon maayos naman ang lahat. Mabilis din natapos ang laban ng G-Partler at The Fifth Lovers.
     
      
    
 
"Miss. Isa ngang slice ng chocolate cake tapos dagdagan mo na rin ng coke-in-can." sabi ko.
     
      
    
 
Tumango naman siya sakin at agad na hinanda ang order ko. "Here's your order, miss. Enjoy your meal!" sabi niya.
     
      
    
 
Kinuha ko na yung tray atsaka naghanap ng mauupuan kaso wala na akong nakita dahil sa dami na ng estudyante rito. Napapout nalang ako at lalabas na sana nang biglang may tumawag sa akin sa gilid.
     
      
    
 
"Bharb! Dito ka nalang umupo oh?" sigaw ni Clark habang magkakasama silang apat. Ngumiti lang ako sakany at umiling.
     
      
    
 
"Lalabas nalang ako at doon kakain." Lalabas na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Vince at itinulak.
     
      
    
 
"Kailangan bang magkahiyaan pa tayo." sabi ni Vince. Pinaupo niya ako sa bakanteng upuan na kaharap ang inuupuan ni Zach.
     
      
    
 
"Sinabing ayoko nga eh! Bakit ba ang kulit niyo?" inis kong sabi.
     
      
    
 
"Bakit niyo ba iniiwasan ang isa't isa? Nag-away ba talaga kayo?" tanong ni Clark.
     
      
    
 
Tinignan lang siya ni Zach at sinamaan ng tingin. "Tumigil ka nga at kumain nalang dyan." sabi nito bago sumubo ng strawberry cake.
     
      
    
 
"Napaka-suplado talaga." sabi ni Clark kaya natawa nalang ako at umiling.
     
      
    
 
"Bakit sabay sabay kayo nag-breaktime? Wala ba kayong training?" biro kong tanong sa kanila at lumingon kay Paul. "At ikaw Paul bakit mo iniwan ang section 3C? Baliw ka na ba?"
     
      
    
 
"Pinabreaktime ko na rin sila kasi nagrereklamo na yung iba na pagod na kaya pumayag na ako dahil nagugutom na rin ako." Tumango lang ako sa sinabi n'ya.
     
      
    
 
"Kung hindi ka kakain umalis ka nalang pwede?" sabi ni Zach. Alam kong ako ang kinakausap niya kahit na hindi niya pa imention ang pangalan ko. Nainis ako sa sinabi nito kaya tinignan ko siya ng masama.
     
      
    
 
Nagalit ako kaya nagalit din siya sakin? Ano ba talaga gusto niya? Mag-away kami ng tuluyan dito? Imbis na sinusuyo niya ako ngayon, siya pa ang nagagalit. Bwisit!
     
      
    
 
"Magbati na nga kayo. Para kayong bata." tanong ni Vince.
     
      
    
 
"Hindi. Aalis nalang ako at lilipat nalang sa ibang table." Tumayo na ako para umalis sa table nila.
     
      
    
 
Hindi ko na hinayaan na hatakin pang muli ako ni Vince dahil nakita ko ang The Run Devil na kumakain sa katabi ng table nila kaya lumapit na ako sa tatlo at ngumiti.
     
      
    
 
"Pwede bang makitable sa inyo?" tanong ko.
     
      
    
 
"S-Sure!" sabi ni Yohan kaya naman umupo na ako sa tabi niya na kaharap nila Kilmer at Jeron.
     
      
    
 
Mukhang mali ang inupuan ko dahil nakikita ko ang pagmumukha ni Zach. Nasa likod lang kase nila Kilmer ang table nila. Kitang kita ko tuloy siya dahil nasa likod ng upuan nila Jeron at Kilmer sila Vince at Clark tapos nasa harap nila ang dalawa na si Paul at Zach kaya ngayon nagtama ang tingin naming dalawa ni Zach. Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya at binaling ang tingin sa TRD.
     
      
    
 
"Ituloy niyo lang ang pinag-uusapan niyo. Hindi naman ako makikinig at kakain lang."
     
      
    
 
"Queen, gusto mo bang mag milktea?" tanong sa akin ni Jeron.
     
      
    
 
"Hindi. Ayos lang sa akin itong coke. Isa pa, pwede bang wag mo na ako tawaging queen? Naiilang kase talaga ako." Ngumiti ako sakanya.
     
      
    
 
"Ayos na iyon, Queen. Ayoko kase isipin ng mga simple students dyan na napaka-unfair namin ng gangsters group dahil hindi ka namin ginagalang." sabi ni Kilmer.
     
      
    
 
"Pero kas--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinutol ni Yohan.
     
      
    
 
"Pabayaan mo na kami na tawagin kang Queen. Hindi ba ayaw mo na iniisip ng simple students na unfair kami sakanila?"
     
      
    
 
Itinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumusuko na. "Okay fine! Suko na ako kayo na ang panalo. Mamaya nalang tayo mag-kwentuhan dahil nagugutom na talaga ako." sabi ko.
     
      
    
 
"Sige. Enjoy eating!" sabay sabay na sabi nila kaya napangiti ako. Susubo palang ako nang may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko ito at tinaasan siya ng kilay.
     
      
    
 
"Sumama ka sakin." cold na sabi niya at hinatak na ako palabas ng canteen. Nasasaktan ako dahil sa higpit ng hawak niya pero hindi na ako nagsalita pa dahil naramdaman ko ang sama ng aura niya ngayon.
     
      
    
 
Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko magawa dahil sa sobrang higpit. Tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa elevator kaya agad ko siyang tinignan ng masama.
     
      
    
 
"Ano bang ginagawa mo ha?!" inis kong sabi sa kanya.
     
      
    
 
"Ikaw. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
     
      
    
 
"Ano bang kinagagalit mo?! Yung kagabi ba? Sinampal lang naman kita diba? Ano bang masama doon?" sunod sunod kong tanong.
     
      
    
 
"Alam mo bang hindi ako nakatulog dahil sa pagsampal mo sa akin? Wala pang babae na nakakasampal sakin. Ikaw palang. Sinampal mo ako dahil lang sa tumakas ako sa ospital. Seryoso ka ba?"
     
      
    
 
"G-Ginawa ko lang iyon dahil naiinis ako sayo! Naiinis ako dahil napaka-isip bata mo! Hindi ba nangako ka sakin na hindi ka aalis sa ospital? Nangako ka sakin na magpapagaling ka pero hindi mo ginawa."
     
      
    
 
"Okay! I admit. Nagkamali ako pero nagkamali ka rin. Ilang beses ko bang sinabi sayo na kaya ko na tumayo at makipaglaban pero hindi ka nagtiwala sa akin. Isa pa, imbis na magsorry ka sa ginawa mo mas inuna mo pa ang pride mo. Nagawa mo pa ngang kumain kasama ang The Run Devil."
     
      
    
 
"Excuse me?! Hindi ba dapat ako ang magalit sayo? Imbis na nilalambing mo ako at nagsosorry sa hindi mo pagtupad ng pangako mo nagawa mo pang unahin yung pride mo dahil lang sa pagsampal ko sayo." inis kong sabi at umiwas ng tingin sa kanya. "Napakababaw naman ng ikinagagalit mo."
     
      
    
 
Napalunok siya at umiwas ng tingin kaya nagsalita muli ako. "Hindi ko naman talaga sinasadya na gawin sayo ang bagay na iyon. Hindi ka kase nakinig sakin. Sobrang nag-alala lang ako sayo na mas lumala ang sugat na natamo mo kapag pinilit mong igalaw 'yan. Isa pa sabi ng doctor mo, kailangan mong magpahinga para gumaling ka na kaagad kasi sa oras na pinilit mong igalaw baka magkasakit ka. Gusto ko lang naman na gumaling ka kaagad pero nagalit ka da---"
     
      
    
 
Tumigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong hinalikan. Pilit ko naman siya tinutulak pero mas diniin niya pa ang halik niya sa akin. Natakot ako na baka pagbukas ng elevator ay may makakita sa amin kaya kumuha ako ng lakas para itulak siya papalayo.
     
      
    
 
"Ano bang ginaga--"
     
      
    
 
"Tama na. Gusto mo bang halikan ulit kita." sabi niya. Hinampas ko naman ang likod niya.
     
      
    
 
"Kapag may nakakita sa ating dalawa, ikaw ang tatanggap ng parusa lahat ah!"
     
      
    
 
"Actually, gusto ko nga 'yon. Gusto ko tuloy halikan ka ulit." Lumapit siya sakin ulit pero binantaan ko siyang lumayo gamit ang tingin.
     
      
    
 
"Isa! Tumigil ka na bago pa kita sipain dyan!"
     
      
    
 
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Hindi ka talaga mabiro." sabi niya.
     
      
    
 
Bumukas na ang elevator, mabuti nalang dahil walang tao sa hallway kaya agad kaming tumungo sa dorm n'ya. Tinignan ko siya at napansin kong maputla ang labi niya kaya kinapa ko ang leeg nito. Mainit. Sinasabi ko na nga ba.
     
      
    
 
"Huwag kang mag-alala ayos lang ako konting lagna--" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.
     
      
    
 
"Umupo ka muna dyan ipagtitimpla lang kita ng gatas."
     
      
    
 
"Gatas? Hindi na ako bata. Kape nalang, pwede?"
     
      
    
 
"Hindi pwede. Mag gatas ka para lumakas ka. Hindi nakakalakas ang pagkakape." sabi ko.
     
      
    
 
"Pero..."Nag-pout pa ito. Kahit na magpacute pa siya dyan hindi ako maaawa sa kanya noh.
     
      
    
 
"Tse! Tumigil ka!" sabi ko. Pumunta na ako sa kusina para ipagtimpla ito ng gatas.
     
      
    
 
Zach's point of view.
     
      
    
 
Bakit hindi manlang siya nakyutan sa ginawa ko? Nakalagay naman iyon sa binasa kong libro kagabi. Ang sabi kase sa libro na iyon, ang nakakapagpalambot ng puso ng mga babaeng kagaya ni Bharbie ay ang pagpapacute. Bakit hindi manlang siya nakyutan sakin? Hindi kaya nabawasan na kagwapuhan ko dahil sa pagbugbog sa akin ng mga G.A Gangs?
     
      
    
 
Bakit naman kase pumayag ako magpabugbog? Parang nabawasan tuloy ang pagkatao ko. "Here..." sabi niya at inilagay ang baso sa lamesa. Umupo siya sa tabi ko kaya inihiga ko ang ulo ko sa balikat niya.
     
      
    
 
"May sakit ako kaya dapat hindi ka aalis sa tabi ko at alagaan mo ako." mahinahong sabi ko.
     
      
    
 
"Caregiver mo ba ako?" Natawa ako rito.
     
      
    
 
"Girlfriend kita kaya dapat lang na alagaan mo ako."
     
      
    
 
"Hindi ka na bata para alagaan. Ganyan ka ba talaga magkagusto sa isang tao? Ginagawa mong caregiver?"
     
      
    
 
Natawa lang ako sa sinabi niya. "Kailan mo kaya aaminin na gusto mo rin ako?" tanong ko sakanya.
     
      
    
 
"Hindi ko alam."
     
      
    
 
"Hindi mo alam? Inaalagaan mo ako tapos hindi mo pa alam na gusto mo 'ko. Ganon ka ba talaga ka caring person huh?"
     
      
    
 
"Natatakot kase ako sabihin sayo ngayon."
     
      
    
 
"Bakit ba kase natatakot ka?"
     
      
    
 
"Dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa'yo." Napakunot ang noo ko rito at tinignan siya ng masama. "May iba ka bang nagugustuhan? Sino? Si Kurt ba? Baka naman isa sa mga The Run Devil ah? Kanina, kung makatitig sayo si Yohan parang may balak na landiin ka. Kung makangiti ka naman halos abot teng---"
     
      
    
 
"Tumigil ka nga! Kaibigan lang ang tingin ko kay Kurt. Isa pa, nilapitan ko lang sila Yohan kanina dahil naramdaman ko na parang ayaw mo ako mapalapit sayo. Wala akong nagugustuhan sakanila. Wag kang isip bata d'yan!"
     
      
    
 
"Kung ganun, bakit hindi ka pa sigurado?"
     
      
    
 
"Wag mo na tanungin ang tungkol dyan. Mabuti siguro kung lagyan ko nalang ng cream yung likod mo. Saan ba nakalagay?" Tumayo ito.
     
      
    
 
"Nasa kwarto ko." sabi ko kaya deretso na siyang pumunta sa kwarto at agad na bumalik dala dala ang cream.
     
      
    
 
Tinanggal ko naman ang polo ko at tumalikod sa kanya para lagyan niya ng cream ang mga pasa na nakuha ko dahil sa pagkakapalo.
     
      
    
 
"Bakit ba kasi napakatanga mo? Hindi mo manlang nilabanan. Nakakapagtaka na nabugbog ka nilang lahat. Sigurado naman ako na kayang kaya mo silang patumbahin lahat." sabi niya habang nilalagyan ng cream ang likod ko.
     
      
    
 
"Hindi ko sila kayang bugbugin dahil nakatali ang kamay ko tapos tinurukan pa nila ako ng gamot kaya nanghina ako. Sa tingin mo ba makakalaban ako?" naiinis kong sabi rito.
     
      
    
 
"Sana kasi tinawagan mo ako."
     
      
    
 
"Hindi naman ako napuruhan kaya wag mo na alahanin pa 'yon." sabi ko rito.
     
      
    
 
"Oo na po, Master." Napangiti nalang ako sakanya. "Hindi mo ba sila namukhaan? Dapat tinignan mo ang itsura ng mga taong iyon."
     
      
    
 
"Hindi na importante iyon."
     
      
    
 
"Sabihin mo na. Alam kong kilala mo sila kaya wag mo na itago sa akin."
     
      
    
 
"Si Simon Park."
     
      
    
 
Napatigil siya sa paglagay ng cream kaya lumingon ako saglit sa kanya para malaman kung okay lang ba siya. Bumalik naman na kaagad ang atensyon niya sa paglagay ng cream sa likod ko at muling nagtanong.
     
      
    
 
"Kilala mo ba siya?"
     
      
    
 
"Oo. Siya yung karibal ko."
     
      
    
 
Muling tumahimik ang pagitan naming dalawa. Magtatanong na sana ako sa kanya kaso bigla niya akong tinawag kaya napangiti ako sa kanya.
     
      
    
 
"Ano ba talaga ako sayo?" biglang tanong nito.
     
      
    
 
"Bakit mo ba tinatanong 'yan? Alam mo naman na kung ano ang isasagot ko."
     
      
    
 
"Gusto ko lang marinig."
     
      
    
 
"Ikaw yung babaeng hindi ko inexpect na gugustuhin ko. Hindi nga lang yata basta gusto lang itong nararamdaman ko."
     
      
    
 
Naramdaman kong napatigil siya sa paglagay ng cream kaya napalingon ako sa kanya at ngumiti. "Hindi na ako takot na maiwan muli dahil alam ko na hindi mo gagawin sakin ang bagay na iyon."
     
      
    
 
"T-Tama ka..." Rinig kong sabi niya. Nagpatuloy na siyang muli sa paglalagay ng cream.
     
      
    
 
"Hanggang kailan kaya ako maghihintay sayo?" Lumingon ako rito.
     
      
    
 
"Wag ka masyadong umasa. Malay mo hindi pala kita gusto." Napangiti ako sa sinabi nito.
     
      
    
 
"Hindi ko nararamdaman na wala lang ako sayo. Alam kong gusto mo rin ako." Humarap ako sa kanya para yung mukha ko naman ang malagyan niya ng cream. Tinignan ko ang mukha niya habang naglalagay ng cream. Ang ganda talaga niya lalo na kapag seryoso siya.
     
      
    
 
"Paano mo naman nasisiguradong gusto kita? Hawak mo ba ang puso ko?" tanong nito.
     
      
    
 
"Hindi ba talaga, Bazy?" tanong ko sa kanya kaya napatigil siya at tumingin sa akin pero umiwas din ito kaagad ng tingin.
     
      
    
 
"May hihingin akong pabor sayo."
     
      
    
 
"Ano naman iyon?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Gusto ko sana sa oras na mawala ako. Pwede bang wag mo muna ako hanapin? Isa pa, wag mo na rin akong antayin. Kalimutan mo nalang ako at isipin na parang isang bangungot mo lamang na nakilala mo ako."
     
      
    
 
Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Bakit parang nagpapaalam siya sakin ngayon?
     
      
    
 
"May binabalak ka bang umalis?"
     
      
    
 
Ngumiti lang siya kaya tinitigan ko lang ito at inaantay ang sagot niya sa tanong ko. "Ayan tapos na! Magbihis ka na." sabi niya.
     
      
    
 
Hinatak ko ang kamay niya ato iniupo siyang muli sa sofa. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Wag kang aalis sa tabi ko. Dito ka lang." sabi ko.
     
      
    
 
"A-Ano bang sinasabi mo? Hindi ako aalis. Magbihis ka na nga!" sabi niya. Mukhang naiilang ito sa sobrang lapit ng katawan ko sa kanya. 
     
      
    
 
Kinindatan ko ito at naisipan kong asarin. "Ikaw na magsuot. Nahihirapan akong galawin ang braso ko." Napansin kong namula ang pisngi niya.
     
      
    
 
"H-Ha? Ako? Tigilan mo nga ako!" Tinulak niya ako palayo sakanya pero mas lalo ko siyang isinandal sa sofa at tinignan ang mga mata niya.
     
      
    
 
Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya kaya napapikit siya. Napangiti nalang ako at pinigilan ang sarili ko na halikan siya. Tinitigan ko lang ang mukha nito at hinawi ang mga buhok na nakaharang dito. Nananatiling nakapikit pa rin siya kaya lumayo na ako rito para isuot ang polo ko.
     
      
    
 
"A-Eh!" nahihiyang sabi niya. Minulat niya na ang mga mata niya at umiwas ng tingin kaya natawa ako. Tinignan niya lang ako ng masama at tinaasan ng isang kilay.
     
      
    
 
"Namumula ka yata bazy?" natatawang sabi ko habang tinitignan siyang napipikon.
     
      
    
 
"A-Ano? H-Hindi kaya." Tumayo ito at mukhang di alam ang gagawin. 
     
      
    
 
"Hindi nga ba talaga?" tawang tawa na sabi ko.
     
      
    
 
"Pupunta muna akong cr." sabi niya. Nagulat ako dahil papunta siya sa way kung saan ang kwarto ko kaya pinigilan ko ulit siya maglakad.
     
      
    
 
"Bakit nanaman ba?!" sigaw niya.
     
      
    
 
"K-Kasi naman bazy..." nahihiyang sabi ko habang napapakamot ulo. "Nasa bandang kaliwa ang cr at wala sa kanan." pagpapatuloy ko habang nagpipigil ng tawa.
     
      
    
 
Napapikit siya saglit at agad tumakbo papuntang cr. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napahalakhak na ako dahil sa kanya.
     
      
    
 
"Wala palang gusto ah? Wag mo na lokohin ang sarili mo, Bharbie! Gagawin ko ang lahat para lang mapaamin ka!" Uminom ako ng gatas at umiling iling.
     
      
    
 
Kurt's point of view.
     
      
    
 
Nananatili lang akong nagpapractice rito sa shooting range. Nagpahinga muna kami ni Chloe ng pagtuturo sa mga simple students kaya nandito ako ngayon para mag-practice ng tamang paggamit at paghawak ng baril.
     
      
    
 
BANGGGGGGGGGGGGGG!
     
      
    
 
Bullseye! Kumuha muli ako ng bala at tumutok muli sa target. Ang ulo ang target ko kanina. Ngayon, ang leeg naman.
     
      
    
 
BANGGGGGGGGGGGGGGGG!
     
      
    
 
Napangiti nalang ako dahil tumama muli ito. Kumasa muli ako pero napansin kong may tao sa likod ko kaya napalingon ako rito. Nakita ko si Pink na nagsusuot ng mask at salamin.
     
      
    
 
Mayamaya pa, nakita kong kumuha na rin siya ng baril. "Nandyan ka pala, Rosas." sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Nakatutok lang siya sa target. Pinanood ko siya habang seryosong nagpapractice.
     
      
    
 
BANGGGGGGGGGGGGGGGG!
     
      
    
 
Tinignan ko ang tinatarget niya kaya bigla akong natawa. "A-Ano bang tinatawa mo dyan?" iritang sabi niya.
     
      
    
 
"Pfft! Wala." natatawang sabi ko. Inirapan niya lang ako at nagsimula ulit kumasa ng baril.
     
      
    
 
BANGGGGGGGGGGGGGG!
     
      
    
 
"Psh!" sabi niya dahil hindi nanaman natamaan ang gitna ng target kaya lumapit ako sa kanya.
     
      
    
 
"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ko.
     
      
    
 
"No thanks! Kaya ko na ito." sabi niya kaya nag kibit balikat nalang ako sakanya.
     
      
    
 
BANGGGGGGGGG!
     
      
    
 
"BULSSSEYEEEEEEE!" sigaw ko sabay lingon kay Pink. Napangisi naman siya sakin.
     
      
    
 
"Kayabangan.." sabi niya. Kinasa niya ung baril at mabilis na tinutok sa akin. "Mukhang kailangan ko na talaga ang tulong mo, Mr. Mayabang." sabi niya kaya napangisi ako.
     
      
    
 
"Mas inuna mo pa ang kaartehan. Magpapatulong ka rin pala sakin."
     
      
    
 
"May sinasabi ka ba?"
     
      
    
 
"Wala! Ang sabi ko lang po tutulungan ko na kayo bago pa magbago ang isip niyo."
     
      
    
 
Agad na ako pumwesto sa likod niya at hinarap siya. Nag-alinlangan akong hawakan ang mga kamay niya. Hindi siya nailang sa akin kaya nagsimula na akong hawakan ang kamay niya. Mukha tuloy akong nakaback hug sa kanya.
     
      
    
 
"Tumingin ka sa target hindi sa akin." birong sabi ko. Naramdaman ko kase na nakatingin siya sakin ngayon.
     
      
    
 
"Kapal!" pokerface niyang sabi kaya natawa nalang ako. Inayos ko ang kamay niya sa paghawak ng baril at bumulong sa tenga niya.
     
      
    
 
Tinuro ko sakanya kung ano ang tamang paghawak ng baril at tamang pagkasa. Sinubukan niya ibaril iyon pero hindi niya kinaya dahil sa recoil.
     
      
    
 
Napailing naman ako sakanya kaya hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa baril. "Grip tightly on the gun para hindi aangat ng sobra kamay mo when you shoot." Tumango naman siya sakin. Ginawa niya ang sinabi ko kaya tumama na sa target ang bala.
     
      
    
 
"Nice one..." bulong ko sakanya. Napangiti naman siya sakin.
     
      
    
 
"Ang target natin yung head. Tumingin ka lang sa target at hindi sa iba para hindi mo kung saan saan matama ang bala." sabi ko kaya tumango siya. Iniliko ko naman ung baril dahil nakita kong tabingi ito.
     
      
    
 
"Shoot!"
     
      
    
 
BANGGGGGGGGGGGGG!
     
      
    
 
Napangiti siya dahil tumama na ang bala sa ulo nung target. "Next. Neck." Dahan dahan kong binaba ang kamay niya.
     
      
    
 
"Shoot!" sabi ko.
     
      
    
 
BANGGGGGGGGGGGGGGGG!
     
      
    
 
Napangiti nalang ulit siya dahil tumama sa leeg ang bala kaya ngayon yung tiyan naman ang target namin.
     
      
    
 
"Stomach." Binaba kong muli ang kamay niya. Nginitian niya ako at bumalik ang tingin sa target. Nakatingin lang ako sakanya habang seryoso ito sa pag-shoot. Mayamaya pa, lumayo na ako rito dahil naiinitan ako.
     
      
    
 
"Kaya mo na iyan. Madali ka palang matuto." sabi ko.
     
      
    
 
"Salamat!" sabi niya. Pinanood ko lang siya habang nagkakasa ng baril.
     
      
    
 
BANGGGGGGGGGGGGGGGGG!
     
      
    
 
"Bullseye." Tinanggal ko na ang mask at salamin ko. Ngumiti ako sa kanya tsaka nilahad ang kamay ko.
     
      
    
 
"Ano iyan?"
     
      
    
 
"Kamay?" pilosopo kong sabi.
     
      
    
 
Inirapan n'ya lang ako. "Alam ko."
     
      
    
 
"Tara sa canteen?" yaya ko rito.
     
      
    
 
"Libre mo?" Tinanggal niya na ang mask at salamin niya.
     
      
    
 
"Sure!"
     
      
    
 
"Okay, Let's go!" Nauna na siyang lumabas kaya napangiti nalang ako. Yung babaeng iyon, hindi manlang tinanggap ang kamay ko. Umiling nalang ako at sinundan siya.
     
      
    
 
"Teka lang, oy!" sigaw ko rito. Hinabol ko siya hanggang sa magkasabay na kami sa paglalakad.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Naisipan muna namin ni Zach manood ng movie. Action movie ang napili namin. Gusto niya raw kasi malibang muna habang nandito kami sa dorm niya. Nakaupo kaming dalawa sa itim na sofa habang ang ulo niya ay nakapatong pa rin sa balikat ko. Tinignan ko ang mukha niya habang seryosong nanonood.
     
      
    
 
Bakit ba ang gwapo niya pa rin kahit nakapokerface siya? Lalo na kapag nakangiti siya lalo siyang gumagwapo.
     
      
    
 
"Akala mo ba hindi ko nararamdaman yung titig mo sa mukha ko?" mayabang na sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin rito.
     
      
    
 
"Manood ka na nga lang!" saway ko rito.
     
      
    
 
"Sige. Titigan mo nalang ulit ako." sabi niya kaya naman inirapan ko siya. "Nakakagutom naman." sabi niya kaya bigla nag-spark ang mga mata ko.
     
      
    
 
Ito na ang time para ilabas na ulit ang cooking skills ko. Ipagluto ko nalang kaya siya?
     
      
    
 
"Magluluto ako, Zach. Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya. Agad naman napaangat ang ulo niya.
     
      
    
 
"A-Ah...Bazy! Mabuting wag ka nalang magluto please?" mahinahong sabi niya.
     
      
    
 
"Bakit naman? Sabi mo diba masarap ako magluto kaya ipagluluto nalang kita." Tumayo na ako kaso lang hinatak niya ako muli paupo.
     
      
    
 
"Hehehe! Bazy naman baka kasi mapagod ka kaya wag ka nalang magluto, okay? Next time na tayo magluto na dalawa. Tuturuan pa kita lalo magluto kesa ikaw lang mag-isa sa kusina."
     
      
    
 
"Ayos lang naman sakin dahil ikaw naman ang ipagluluto ko." nakangiting sabi ko.
     
      
    
 
"Wag na nga baka mapagod ka pa. Mag-oorder nalang ako ng pagkain natin." Kinuha nito ang phone niya pero agad kong hinablot 'to.
     
      
    
 
"Ayos nga lang. Ako na magluluto."
     
      
    
 
"WAG NA NGA BAZY!" sigaw niya kaya napalingon ako sa kanya tsaka sinamaan siya ng tingin.
     
      
    
 
"Bakit ka sumisigaw?!" sigaw ko.
     
      
    
 
"Sumisigaw ka rin naman diba?!" sigaw niya.
     
      
    
 
"Ikaw ang nagsimula dyan eh!" sigaw ko.
     
      
    
 
"Haish! Mag-aaway nanaman ba tayo?" pokerface na sabi niya.
     
      
    
 
"Gusto lang naman kita ipagluto ng pagkain tapos ayaw mo pa."
     
      
    
 
"Ayoko nga kase na mapagod ka."
     
      
    
 
"Ayos lang naman na mapagod ako basta para sayo iyon."
     
      
    
 
"Gutom na gutom na kase ako. Kapag nagluto ka pa, matagal pa aantayin natin kaya next time mo nalang ako ipagluto. Ang sakit na kasi talaga ng tiyan ko." naiiyak na sabi niya.
     
      
    
 
Hindi naman na ako nakipagdebate pa dahil gutom na rin talaga ako kaya hinayaan ko nalang siya umorder ng pagkain.
     
      
    
 
"Zach Yael Lee. Mag-oorder ako. Oo, lahat ng pagkain dyan na masarap basta walang sili o kahit na anong maanghang. Bilisan niyo. Gutom na gutom na ako, please double time. Bye."
     
      
    
 
Napanganga nalang ako nang makita ko kung gaano siya kaangas kung umorder ng pagkain. "Pati ba naman sa pag-oorder gangster ka pa rin?" naiinis na tanong ko.
     
      
    
 
"Para matakot sila at mabilis na maidala rito ang pagkain dahil nagugutom na talaga ako."
     
      
    
 
"Hindi naman sila robot para magawa kaagad ang lahat ng order mo noh. Bakit ba ganyan ka?"
     
      
    
 
Dahil sa inis, tumayo ako at naisipan nalang pumuntang dorm para kumuha ng snacks namin mamaya.
     
      
    
 
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong niya.
     
      
    
 
"Kukuha ako ng snacks natin para mamaya." sabi ko sabay lakad palapit sa pinto.
     
      
    
 
"Bumalik ka kaagad ah?" Napalingon ako rito.
     
      
    
 
"Oo. Ngayon pa nga lang miss na miss mo na ako paano pa kaya kapag natagalan ako."
     
      
    
 
"Wow! Sino naman nagsabi sayo na mamimiss kita kaagad?" natatawang sabi niya kaya naman tumalikod na ako rito kaagad.
     
      
    
 
"Tse!" sabi ko sabay labas ng dorm niya. Bago ako makalabas narinig ko pa rin ang mga tawa niya. Bakit ba ako pumayag na maging boyfriend ang taong 'yon? Ang sakit niya sa ulo.
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon