Chapter 26

30.9K 967 64
                                    


Chapter 26: Half sister
     
      
    
 
Sam's point of view.
     
      
    
 
Binadtrip ako ng mga kagrupo ko kaya naisipan ko nalang maglakad lakad sa hallway ng academy kaso habang naglalakad bigla akong nakakita ng babae na umiiyak sa gilid. Tinanggal ko ang earphone na nakasalpak sa tenga ko at umupo sa tabi niya. Hindi niya yata ako napansin kaya inabutan ko siya ng panyo dahil doon agad siyang napalingon sakin. Tinignan niya ang panyo na inaabot ko saka ngumiti.
     
      
    
 
"S-Salamat..." Tinanggap niya ang panyo ko at ipinangpunas sa mga luha niya.
     
      
    
 
"Pinaglaruan ka nila noh?" tanong ko rito nang hindi tumitingin sa kanya.
     
      
    
 
"A-Ah kasi..." utal na sabi niya.
     
      
    
 
"Mukhang ikaw ang transferee." Tumango lang siya sakin at umiwas ng tingin "At wala ka pang alam tungkol dito sa Journal Academy?" Tumango lang siya ulit sakin. "Masanay ka na. Ganyan talaga sila rito lalo na kapag transferee ka. Kapag dumating ang pangalawang araw mo rito sa JA mabibigyan ka nila ng welcome punishment at kapag nabigyan ka nila ng punishment walang tutulong sayo kahit sino rito except nalang kung may mga tutulong sayong kasali sa gangsters group,"
     
      
    
 
"Sila ba ang mga taong matataas ang rango rito sa academy?"
     
      
    
 
"Oo tama ka. Kami nga iyon," sabi ko na dahilan na pagkagulat niya.
     
      
    
 
"Kabilang ka sa kanila? Kabilang ka sa mag uutos para parusahan ang mga bago rito?" inis na inis na tanong niya.
     
      
    
 
"Tama ka. Kabilang ako sa gangsters group pero hindi ko inuutusan ang mga simple students na paglaruan ang mga bagong estudyante rito. Gusto ko kasi ako mismo ang gumawa ng punishment welcome sa kanila pero hindi ko naman ginagawa madalas iyon. Never pa ako nanakit ng mga bagong estudyante dito sa JA tanging mga kagrupo ko lang talaga ang nananakit sa kanila," sabi ko kaya naman napangiti siya sa akin.
     
      
    
 
"Sinasabi ko sayo 'to para malinawan ka at hindi mo na rin ako pag isipan ng masama," sabi ko.
     
      
    
 
"I'm sorry..." sabi niya habang nakayuko.
     
      
    
 
"Kung lalo mong pinapakitang mahina ka hindi ka nila titigilan. Gawin mo kung ano ang nararapat mong gawin. Matuto kang ipagtanggol ang sarili mo dahil walang ibang magtatanggol sayo rito kundi ang sarili mo lang,"
     
      
    
 
Tumayo na ako kaagad. Pinagpagan ko muna ang pants ko bago tuluyang umalis pero napatigil ako nang maalala ko na hindi ko pa pala siya kilala. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.
     
      
    
 
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko.
     
      
    
 
"H-Ha?" tanong niya.
     
      
    
 
"Ang sabi ko anong pangalan mo?" sabi ko habang natatawa.
     
      
    
 
Natawa rin naman ito at nagsalita "Danica." nahihiyang sabi n'ya.
     
      
    
 
"Nice to meet you, Danica. You're so cute." Nginitian ko muna siya bago umalis.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
"Burp!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pag dighay ko. Tinignan ko ang dalawang lalaki nakatulala sa akin ngayon. "Sorry!" sabi ko sabay peace sign.
     
      
    
 
Natawa naman si Vince. Ano nanaman bang tinatawa nito? Nang-aasar ba siya?
     
      
    
 
"Kakain din pala nag inarte pa," sabi ni Zach.
     
      
    
 
"Napilitan lang ako kainin yung pagkain na niluto mo kasi gutom na gutom na talaga ako. Tutal nga, hindi masarap ang pagkakaluto. Nagsisisi tuloy akong nakain ko iyan,"
     
      
    
 
"Hay nako! Bahala nga kayong dalawa dyan. Aalis muna ako dahil hinahanap na raw ako ni Clark," sabi ni Vince at tuluyan lumabas ng dorm niya.
     
      
    
 
"Uuwi na muna ako," sabi ko pero pinigilan niya ako.
     
      
    
 
"Hindi. Dito ka lang," sabi niya.
     
      
    
 
"Ayoko. Uuwi na ako," sabi ko.
     
      
    
 
"Tsk! Gagamutin ko muna iyang sugat mo sa tuhod baka kasi magkaroon iyan ng infection." sabi niya.
     
      
    
 
Napatingin naman ako sa tuhod ko. Mukhang tama nga naman siya dahil may sugat nga ako sa tuhod ko. Nagasgas yata sa sahig kanina.
     
      
    
 
Hinatak niya ako at pinaupo sa sofa. "Dyan ka muna. Kukuha lang ako ng first aid kit." sabi niya at deretsong pumunta sa kwarto.
     
      
    
 
Anong meron? Bakit ganon nanaman kabait ang lalaking iyon? Kinagat ba siya ng kung anong hayop o baka sinapian siya ng mabuting espirito?
     
      
    
 
Dumating na si Zach na dala dala ang first aid kit. Lumuhod siya sa harap ko at kinuha ang kaliwa kong paa para gamutin. Tumingin ako kay Zach na sobrang busy habang ginagamot ang sugat ko.
     
      
    
 
Ang gwapo niya sana kung hindi lang masama ugali.
     
      
    
 
"Wag mo nga ako titigan baka mamaya mabalitaan ko nalang na isa ka na pala sa mga pumapangarap sakin."
     
      
    
 
Ito nanaman siya. Naghahanap nanaman ng away. Kayabangan! "Ang yabang mo!"
     
      
    
 
Ngumisi lang siya sa sinabi ko bago magsalitang muli. "Bakit? Wala bang chance na magkagusto ka sakin?"
     
      
    
 
"Bakit ko naman ako magkakagusto sa isang taong may sungay sa ulo?"
     
      
    
 
Sa sinabi kong iyon, tumingin siya sa akin saglit tapos tinutok muli ang atensyon sa tuhod ko. "Lagi nalang ba sungay ko nakikita mo?" Napaisip naman ako sa taning niya. Ano pa ba ang inaasahan niyang makita ko sa kanya? Wala naman na diba?
     
      
    
 
"Hindi mo ba napapansin na nagbabago na ako?" mahinang sabi nito.
     
      
    
 
Bigla naman ako natawa sa sinabi niya. Seriously? Siya magbabago? Impossible "Stop joking around." sabi ko.
     
      
    
 
Mga sandali lang ay bigla nanaman sumeryoso ang mukha niya. "Seryoso nga nagbabago na ako." sabi niya.
     
      
    
 
Agad naman ako napatingin sa kanya at nagkunot noo. "Gusto ko na magbago para sa babaeng gusto ko."
     
      
    
 
"Babae lang pala ang tulay para magbago ka noh." natatawang sabi ko.
     
      
    
 
"Seryoso ako, Bharbie." Tumingin siya sakin kaya napatingin na rin ako sa kanya.
     
      
    
 
"Sino ba ang taong iyon ha?" Tinitigan niya ako kaya nagtama ang mga tingin namin. Binabasa ko ang nasa isip niya pero hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating sa mga tingin niya.
     
      
    
 
Bumalik na muli ang atensyon niya sa sugat ko at ginamot ulit. "Wala ka na don."
     
      
    
 
"Tutulungan kitang magbago basta sabihin mo lang sakin kung sino ang gusto mo."
     
      
    
 
"Dapat ba kitang pagkatiwalaan?"
     
      
    
 
"Sa tingin mo dapat mo nga ba talaga ako pagkatiwalaan?!"
     
      
    
 
Ngumisi siya sakin bago magsalita. "Hindi."
     
      
    
 
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Dahil doon, sinipa ko siya kaagad kaya napaupo siya sa sahig at natawa pa ang gago. "Joke lang! Hindi ka naman mabiro dyan."
     
      
    
 
Natapos na ang paggamot niya sa kaliwa kong paa kaya kinuha naman niya ang kanan kong paa at ito naman ang ginamot. "Bakit ba gusto mo malaman?" inis niyang tanong.
     
      
    
 
Inangat ko ang ulo niya gamit ang buhok niya. "Gusto mong magbago diba? Bakit hindi mo muna kaya unahin baguhin ang pagiging suplado mo?"
     
      
    
 
Pinalo niya ang kamay kong nasa buhok niya kaya agad ko naman binitawan ito. Tinitigan niya lang ako kaya tinitigan ko rin siya.
     
      
    
 
"Well... kung gusto mo pala na mapasayo yung babaeng gusto mo. Bakit hindi mo nalang ako tulungan na tanggalin ang mga rule rito sa Journal Academy?"
     
      
    
 
Tinignan niya ako ng masama. "Of course not! Kahit kelan hindi ko gagawin na tanggalin lahat ng rules para lang doon," sabi niya kaya napasimangot ako.
     
      
    
 
"Bakit ba sobrang halaga sa inyo ng rules na iyon? Pwede naman palitan ng panibagong rules iyon hindi puro walang kwenta ang nakasulat doon."
     
      
    
 
"Hanggang ngayon hindi mo pa rin naiintindihan. Sabagay hindi mo naman talaga maiintindihan ang bagay na iyon dahil wala ka naman ibang inisip kundi alisin ang rule para sa mga simple students. Unang pasok ko rito kagaya mo rin ako. Walang pakialam sa rules at sa eskwelahan kasi sino ba naman matinong tao ang gagawa ng school para sa mga gangsters? Isang kalokohan diba? Pero habang tumatagal napamahal na ako at naiintindihan ko na rin kung bakit nga ba ako nandito ngayon. May mission ako rito na dapat tapusin kaya hindi ko hahayaan na sirain mo ang plano namin. Hindi ako papayag na baguhin mo ang rules na nakasanayan na naming lahat,"
     
      
    
 
Sa totoo lang parehas naman kami ng pinagdadaanan na dalawa pero kahit na ganun hindi pa rin tama na gamitin ang mga inosenteng tao para lang sa mission na binabalak ng school na ito. May ibang paraan pa para maisagawa ang mission na iyon at hindi dapat panatilihin yung walang kwentang pananakit sa mga simple students na nag-aaral dito sa JA.
     
      
    
 
Ngumiti siya sakin. "Tapos na ako. Mabuti pa siguro na hanapin nalang natin si Danica kesa mag stay rito sa dorm ni Vince. Hihingi rin ako ng tawad sa mga nagawa ko kanina para kahit papano makabawi manlang ako sayo."
     
      
    
 
Natawa ako rito. "Ikaw? Hihingi ng tawad sa kanya? Nagpapatawa ka ba?"
     
      
    
 
"Halika na baka magbago pa ang isip ko. Kaya mo na bang tumayo?" tanong niya.
     
      
    
 
Tumango ako sa kanya kaya tinulungan niya akong tumayo at lumabas kami ng dorm. Sinabi niya sakin na dinala raw nila Clark si Danica sa clinic kaya pumunta na kami doon kaagad. Nang makarating kami naabutan namin si Paul ang nakahiga sa kama.
     
      
    
 
"Anong ginagawa mo dyan? Bakit ikaw ang nakahiga? Nasaan si Danica?" tanong ni Zach.
     
      
    
 
"Danica? Sino iyon?" takang tanong ni Paul.
     
      
    
 
"Yung transferee." sabi ni Zach.
     
      
    
 
"Pinaglalaruan ng mga simple students. Ilang beses ko na siya pinigilan pero nagpupumilit pa rin siyang umalis kaya ayon napagtripan na ng mga simple students na inutusan ng ibang gangsters group para paglaruan." sabi ni Paul.
     
      
    
 
Tinignan ako ni Zach. "Hahanapin ko siya mag-stay ka nalang muna rito." sabi niya.
     
      
    
 
Hinawakan ko ang braso niya para pigilan. "Sasama ako." sabi ko rito. Bumuntong hininga lang siya at tumango. Nasaan nanaman ba si Danica? Palagi nalang niya ako pinag-aalala.
     
      
    
 
Danica's point of view.
     
      
    
 
Hindi ko na alam kung saan ako napadpad basta hinahabol ako ng mga lalaking hindi ko naman kilala kanina pa kaya takbo lang ako nang takbo para takasan sila.
     
      
    
 
"Anong ginagawa mo rito?" Agad akong napaatras dahil sa gulat. May sumulpot kase na nakamaskarang babae sa harap ko. Nakaitim siya at straight ang buhok. Medyo may kaputian din ito.
     
      
    
 
Hindi kaya isa siya sa mga gangsters group? Iba kasi ang aura niya pagdating sakin. Nakakatakot.
     
      
    
 
"Ah..." Tanging ayan lang ang nasabi ko.
     
      
    
 
"Danica Bartolome? Right?" tanong niya bago lumapit sakin. Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya. Nanginginig talaga ako sa takot. "Bakit takot na takot ka? Lumapit lang ako nanginginig ka na dyan."
     
      
    
 
"S-Sino ka ba?!"
     
      
    
 
"Nakakapagtaka naman. Bakit ba alalang alala sayo ang babaeng iyon? Kaano ano mo ba si Bharbie?"
     
      
    
 
"A-Ano bang pinagsasabi mo? Kilala mo si Ate Bharbie?"
     
      
    
 
Hinawi niya ang mga buhok ko. "Kilalang kilala ko siya. Yung Bharbie na malandi, pasikat at higit sa lahat basura." sabi niya.
     
      
    
 
"HINDI SIYA MALANDI!" galit na sigaw ko.
     
      
    
 
Dahil sa sigaw ko, nakatanggap ako sakanya ng sampal dahilan para mapaupo ako sa sahig. Lumuhod siya sa harap ko para magkapantay kami. Nginisihan lang ako nito.
     
      
    
 
"Sa pagkakaalam ko siga ka raw sa dati mong eskwelahan kaya napapatalsik ka pero bakit ngayon para kang maamong tuta na takot na takot?"
     
      
    
 
Tinignan ko ito ng masama. Sino ba talaga ang babaeng ito? Bakit parang ang laki ng galit niya kay Ate Bharbie?
     
      
    
 
Hinawakan niya ang baba ko bago ako tignan ng masama. "Alam kong kating kati ka na makilala ako but i'm sorry my dear. Masyado pang anghel ang tingin sakin ni Bharbie kaya hindi muna ako magpapakilala sayo. Anyways, siya ang tulay ko para makapasok ako sa mataas na trono sa Galaxy Academy kaya pwede ba kapag nakita mo ako manahimik ka nalang kung ayaw mong tuluyan kong patayin ang babaeng iyon. Naiintindihan mo ba?" banta niya.
     
      
    
 
"Nagpapakita ka ng kabaitan sa harap nilang lahat? Anong klase kang tao? Nakikipagplastikan ka para lang makamit mo ang nais mo?!" galit kong sabi.
     
      
    
 
"Hoy bata! Kung gusto mo pang mabuhay manahimik ka. Hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin sayo at hindi lang sayo, maging kay Bharbie pa man. Kung ayaw mo siyang mapahamak o kung sino man sa mga mahal mo sa buhay. Itikom mo 'yang bibig mo ah?" Ginulo niya ang buhok ko. "It's nice to meet you, Danica."
     
      
    
 
Tuluyan naman na siya umalis sa harapan ko. Napalunok nalang ako dahil sa takot. Sino ba ang babaeng iyon? Bakit ganun nalang siya kagalit kay Ate Bharbie?
     
      
    
 
"Danica!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. Nakita ko si Ate Bharbie tumatakbo kasama ang lalaking nagbato sakin ng upuan kanina.
     
      
    
 
Lumapit siya sa akin at lumuhod. "Hey! Are you okay? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.
     
      
    
 
"A-Ayos lang po." nakangiting sabi ko.
     
      
    
 
"Are you sure? Bakit namumula iyang pisngi mo? May sumampal ba sayo? Ang dungis dungis pa ng mukha mo. Tell me, anong ginawa nila sayo?"
     
      
    
 
Hinawakan ko ang mga kamay niya at napangiti. "Ate Bharbie, ayos lang po ako. Wala naman pong nangyari sa akin na masama. Sorry po sa abala." sabi ko.
     
      
    
 
Ngumiti s'ya sakin at niyakap ako. "Sa susunod wag ka ng aalis na wala ako sa tabi mo. Okay?" Tumango lang ako bilang sagot at niyakap siya pabalik. Bharbie Anne Safari is my half sister and now I got the chance to hugged her. I wish na sana makilala n'ya na ako.

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon