Chapter 40

27.5K 840 46
                                    


Chapter 40: Decision
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Nandito ako sa kwarto ni Denise dahil ako ang nagbabantay. Kasalanan ko naman kase talaga kung bakit siya napahamak. Kung sana una palang pinigilan ko na siya magpanggap, hindi na sana siya napahamak pa.
     
      
    
 
"I'm sorry, Denise. I'm really really sorry..." sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
     
      
    
 
"Y-Young Lady." Agad ako napalingon nang marinig ko ang boses niya. Napangiti nalang ako nang makita kong gising na ito.
     
      
    
 
"Gosh! Thank god! Gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"M-Mabuti na ang pakiramdam ko. Young Lady, punasan mo nga muna yung luha mo. Hindi bagay sayo ang umiiyak." sabi niya sabay tawa.
     
      
    
 
"Tumigil ka nga! Nagawa mo pa talagang tumawa sa lagay mo na iyan. Baliw ka na rin talaga!" naiiyak na sabi ko.
     
      
    
 
"Mukhang napag-alala ko kayo ng husto dahil ayaw niyo tumigil sa pag iyak."
     
      
    
 
"Kahit na hindi tayo palaging nagkakasundo ayoko pa rin naman mapahamak ka. Sana nung una palang hindi na dapat kita hinayaan magpanggap edi sana hi---"
     
      
    
 
"Shhhhh! Young Lady, wala kang kasalanan dito sa nangyari. Ako ang may gusto na tulungan ka. 'Wag ka na nga umiyak wala ka naman nagawang kasalanan. Isa pa, hindi nga bagay sayo ang ganyan." sabi niya. Pinalo ko naman agad ang tiyan niya kaya ayon namilipit sa sakit.
     
      
    
 
"Sana talaga natuluyan ka nalang." Tumayo na ako sa upuan habang pinupunasan ang luha ko sa mga mata.
     
      
    
 
"Ayan ang kilala kong young lady." sabi niya na ikinatawa ko bigla.
     
      
    
 
"Wag kang mag-alala walong araw nalang ang pagpapanggap mo bilang Young lady ng Journal Academy dahil hindi ko na hahayaan pa na mapahamak kang muli."
     
      
    
 
"Bakit? Anong binabalak mo?" tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya.
     
      
    
 
"Magpapakilala na ako sa kanilang lahat. Sasabihin ko na sa kanila na ako ang tunay na young lady at hindi ikaw."
     
      
    
 
"Young Lady, kailangan kitang protektahan." Umiling ako sakanya.
     
      
    
 
"Ako ang young lady kaya dapat kayo ang pinoprotektahan ko at hindi ako ang dapat na pinoprotektahan niyo. Buong buo na ang desisyon ko dahil alam na rin naman nila na ako ang tunay na young lady kaya hindi mo na kailangan magpanggap pa. Magpagaling ka na dahil kailangan ka nila sa loob ng walong araw."
     
      
    
 
Tumango lang siya sakin at ngumiti.
     
      
    
 
"Lalabas lang muna ako saglit. May tatawagan lang." sabi ko. Tumango lang siya kaya agad na akong lumabas ng kwarto. Dinial ko naman kaagad ang number ni Zach dahil gusto ko itong makausap.
     
      
    
 
"Bazy? Napatawag ka?" bungad niyang tanong.
     
      
    
 
"Pwede bang sunduin mo ako ngayon sa ospital?" Umupo ako sa gilid at sumandal sa sandalan ng upuan.
     
      
    
 
"Pupuntahan kita pagkatapos ko asikasuhin lahat ng estudyante rito. Kamusta na si Young lady? Ayos lang ba siya?"
     
      
    
 
"Oo, ayos na ang lagay niya."
     
      
    
 
"Antayin mo ako. Papunta na ako dyan."
     
      
    
 
Pinatay ko na kaagad ang linya at agad na ipinikit ang mga mata. Natatakot ako sa magiging reaksyon n'ya kapag nalaman nito ang totoo pero kapag hindi ko naman ginawa, baka pati siya mapahamak.
     
      
    
 
"Gusto mo magkape?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Nakita ko si Tito Hans, kapatid siya ni mommy at doctor siya rito sa ospital. Siya rin ang nagligtas ng buhay ni Denise.
     
      
    
 
"Thank you, tito!" Tinanggap ko naman ang kape na inaalok niya.
     
      
    
 
"Ayos ka lang ba?" tanong nito.
     
      
    
 
"Naguguluhan lang po ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin dahil kahit gawin ko yung tama sigurado pa rin naman ako na may mapapahamak. Kapag ginawa ko ang mali, wala naman magbabago at ganun pa rin."
     
      
    
 
"Natatakot ka lang sa magiging outcome. And hindi naman magandang dalhin mo yan all through out. Kung positibo ka sa lahat ng bagay malalaman mo na ang lahat na nangyayari ay may dahilan. Gawin mo ang tama dahil sure naman ako na walang masamang mangyayari kung nasa tama ka kesa naman sa alam mo na ngang mali, gagawin mo pa rin. Mapapahamak ka na nga, itutuloy mo pa rin. Pagdating sa mga desisyon, hindi mo dapat pagdudahan ang isang desisyon na alam mong nasa tama ka dahil sigurado ako na maganda ang magiging resulta nito para sayo."
     
      
    
 
"Alam niyo naman po na ako na ang susunod na pinuno sa Journal Academy. Tama po ba na ipakilala ko na sa lahat na ako ang tunay na young lady nila? Paano po kung talikuran ako ng taong mahal ko dahil doon? Hindi ko po kayang mangyari iyon."
     
      
    
 
"Magkapatid nga kayo ni Steve dahil parehas na parehas kayo ng pinagdaanan ng kuya mo. Bakit hindi mo subukan sabihin muna doon sa taong mahal mo ang totoo bago mo ilantad sa lahat ang totoo? Ayun kase ang hindi nagawa ng Kuya steve mo kaya nagkaroon ng problema ang relasyon nila ni Lucy."
     
      
    
 
"Tito, natatakot ako..." sabi ko.
     
      
    
 
"Bharbie, kung totoong mahal ka niya patatawarin ka niyan sa pagsisinungaling mo sakanya. Hindi mo kailangan matakot dahil hindi naman siya ibang tao. Magtiwala ka lang sakanya pati na rin sa sarili mo."
     
      
    
 
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Mapagkakatiwalaan talaga si Tito Hans. Bata palang kami ni Kuya lagi na siyang nandito sa tabi namin lalo na kapag may problema kami.
     
      
    
 
"Doc, kailangan daw po kayo sa ER." Biglang lapit ng nurse sa amin. Tumango lang sakanya si Tito hans bago lumingon sakin.
     
      
    
 
"Ikamusta mo nalang ako kay Tito Gino at Kuya Steve mo." sabi niya bago tumayo. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Tinap niya muna ako sa balikat bago tuluyang umalis. Ininom ko nalang ang cafe na binigay niya at habang umiinom ako bigla kong naalala si Zach.
     
      
    
 
"Bakit kaya ang tagal niya?" Naglakad nalang ako palabas ng ospital. Naisipan kong doon ko nalang antayin si Zach pero habang naglalakad ako may lalaking nakahood ang bumangga sakin.
     
      
    
 
Agad naman ako nagtaka rito at nilingon ko ang lalaking iyon, nanlaki ang mata ko dahil siya yung lalaking nakalaban ko sa isla noong gabi na paalis palang si Grandpa.
     
      
    
 
"Sorry. Hindi ko sinasadya." sabi niya na ikinagulat ko.
     
      
    
 
"Nagkita na tayo before diba?"
     
      
    
 
"Hindi ka familiar sa akin. Ako nga pala si Simon." Inabot niya ang kamay niya sa akin pero tinignan ko lang siya habang nakakunot noo.
     
      
    
 
Nakakapagtaka kasi hindi niya ako kilala. Oo nga pala, nakamask ako noong gabi na iyon kaya hindi niya nakita ang itsura ko.
     
      
    
 
"Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko.
     
      
    
 
Nginisihan niya muna ako bago lumabas. Sumunod naman ako sa kanya at nang makarating kami sa gilid ng ospital doon ko na napagtanto na siya nga talaga ang lalaking iyon.
     
      
    
 
"Hindi ka pala makakalimutin. Hanggang ngayon, naalala mo pa rin kung sino ako. Ako nga pala si Simon, noong gabing iyon pinadala ako sa isla niyo para magbigay ng babala sainyo. Alam mo ang ganda mo pala sa personal." Lumapit siya sakin at hinawi ang buhok ko. Lumayo naman ako sakanya kaagad.
     
      
    
 
"Kung ako sayo pipiliin ko nalang na ikasal ka sa akin para wala na mapahamak pa. Sumama ka sakin at titiyakin kong hindi na kayo guguluhin kahit kelan ng pamilya ko." sabi niya kaya agad ko siyang nginisihan.
     
      
    
 
"Anong ginagawa mo rito? Plano mo bang patayin si Denise?" sabi ko sabay hawak sa kwelyo ng polo niya.
     
      
    
 
"Bakit ko naman gagawin iyon sa taong wala naman kwenta huh?" tanong niya kaya agad ko na binitawan ang polo niya at lumayo.
     
      
    
 
"So, anong ginagawa mo rito?!" inis kong tanong.
     
      
    
 
"Babalaan na kita. Simula ngayong araw sa tuwing makikita mo ako o masasalubong expect mo na may isang taong mahalaga sayo na mapapahamak. Yung taong iyon, nakakaawa ang magiging kapalaran niya. Mamamatay siya gamit ang napakatalim na kutsilyo sabayan mo pa ng sunod sunod na tagos ng bala sa katawan nito. Aagos ang mga dugo niya sa highway at ngayong oras na ito na mangyayari na iyon." parang demonyo na sabi niya.
     
      
    
 
"Anong sinasabi mo?!" nag-aalalang tanong ko.
     
      
    
 
"Zach. Yael. Lee. Bharbie, run. Run!" Nang sabihin niya iyon, humalakhak ito na parang nasisiraan na ang ulo.
     
      
    
 
"Asan si Zach?! Sabihin mo! Anong binabalak niyo sakanya?" galit na galit na sigaw ko habang hawak ang polo niya.
     
      
    
 
"Traffic ngayon kaya sure ako na maabutan siya ng mga tauhan ko. Goodluck nalang!" nang-aasar na sabi niya.
     
      
    
 
Dahil sa sinabi niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad ko na siyang sinapak bago tumakbo papalayo. Gusto ko pa siyang sapakin ng ilang beses kaso wala na akong oras para gawin iyon. May isang taong nanganganib ngayon kaya kailangan ko siyang unahin.
     
      
    
 
Sumakay ako sa kotse at agad na pinaandar iyon pabalik sa JA pero wala pa ako sa kalahati ng daan napahinto na agad ako sa pagmamaneho dahil sa traffic. Shit! Bakit ngayon pa?!
     
      
    
 
Kinuha ko nalang ang susi ng kotse at lumabas. Tinakbo ko ang highway para hagilapin kung nandito ba ang kotse ni Zach. Tinry ko na rin tawagan siya pero cannot be reached. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit na tagatak na ang pawis ko. Hindi ako pwedeng tumigil at magpahinga. Kailangan kong mahanap si Zach dahil ayokong mangyari sa kanya ang nangyari kay Denise. Sa oras na mapahamak ang lalaking iyon, hinding hindi ko sila mapapatawad.
     
      
    
 
"Bazy!" Napahinto ako sa pagtakbo dahil sa boses na narinig ko. Agad akong napalingon dito. Papalapit palang siya sakin pero hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil agad na akong tumakbo at hindi na inantay na makarating pa siya sa harap ko. Deretso ko siyang niyakap at doon na ako nakahinga ng maluwag.
     
      
    
 
"I'm glad your safe." hinihingal na sabi ko.
     
      
    
 
"Ayos ka lang ba? Pawis na pawis ka. Sino ba kasi nagsabi sayo na tumakbo ka? Masyado mo naman ako namiss. Ganon mo ba talaga ako kagusto?" natatawang sabi nito kaya mahina kong pinalo ang likod niya.
     
      
    
 
"Tumigil ka nga sa pang-aasar mo! Nag-alala lang ako sayo dahil baka kuhanin ka ng mga kapwa mo alien dyan sa paligid. Kapag nangyari iyon, hindi na kita makikita pa."
     
      
    
 
Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko pero hindi ko na pinansin iyon at hinigpitan nalang ang yakap sakanya.
     
      
    
 
"Kahit naman kunin nila ako hindi pa rin ako sasama sa kanila dahil mas gusto kitang kasama." Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko kaya agad kong pinunasan iyon para hindi niya mahalata pa.
     
      
    
 
"W-Wag kang aalis sa tabi ko. Ayokong mawala ka sa paningin ko." sabi ko rito.
     
      
    
 
"Ang clingy naman ng girlfriend ko." Ngumiti lang ako rito at hinampas ang likod niya. Sinubsob ko lang ang mukha ko sa balikat nito at hinigpitan ang yakap sakanya.
     
      
    
 
Simon's point of view.
     
      
    
 
Napangisi nalang ako nang makita ko silang dalawa na magkayakap ngayon sa gitna ng traffic. Ngayon, alam ko na kung anong kahinaan ni Bharbie. Napakadali lang pala niya utuin. Agad na akong tumalikod at bumalik na muli sa academy para ibalita kay Grandpa ang nalaman ko.
     
      
    
 
"Padaanin mo 'ko." sabi ko sa guard na nakabantay sa pinto. Binuksan niya iyon kaya pumasok na ako sa loob. Nakita ko kaagad si Grandpa na nakaupo habang hawak niya ang isang katana.
     
      
    
 
"Kumusta na ang pinsan mong si Kurt?" tanong niya sa akin.
     
      
    
 
Inutusan niya kase ako na tignan kung ayos lang ba si Kurt sa Journal Academy. Kahit naman papano ay inaalala pa rin namin siya kahit na mas pinili niya kampihan ang kabila kesa sa pamilya niya.
     
      
    
 
"Ayos lang naman siya. Mukhang tinalikuran niya na talaga tayo."
     
      
    
 
"Hayaan mo siya. Alam ko naman darating din ang panahon na magsisisi siya sa ginawa niyang pagtalikod sa atin." Magsasalita sana ako kaso agad siyang nagsalita muli. "Nasabi sa akin ni Jinro na pinuntahan mo si Bharbie."
     
      
    
 
"Pumunta nga po ako sakanya. Alam ko na po ang kahinaan ng babae. Kilala ko na po kung sino ang pangalawang target natin."
     
      
    
 
"Zach Yael Lee. 17 years old, the only son of Lee Family. Top student leader. Am I right Grandson?" Napahinto ako sa sinabi niya.
     
      
    
 
"Alam niyo na po pala."
     
      
    
 
"Nasabi na niya sa akin kahapon na may namamagitan sa dalawang iyon kaya kilala ko na talaga kung sino ang tinutukoy mo. Alam ko na rin na may namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi mo na kailangan pa ireport sakin ang tungkol d'yan."
     
      
    
 
"Ako na po ang bahalang pumatay sa taong iyon. Hindi ko po nagawang patayin si Denise pero sigurado po ako na tutuluyan ko na ngayon ang susunod na target natin."
     
      
    
 
"Ibibigay ko sayo ang mission na ito pero hindi mo papatayin si Zach dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para magsabay sabay silang lahat. Bugbugin mo lang siya at hayaang sumuka ng dugo. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin basta ipangako mo sa akin na hindi mo siya papatayin. Tatakutin lang natin sila lalong lalo na ang girlfriend n'ya."
     
      
    
 
"Pero lolo..." angal ko rito.
     
      
    
 
"Sumunod ka sa usapan alam mo naman siguro ang mangyayari kapag sinaway mo ang utos ko. Tapos na tayo mag-usap. Lumabas ka na ng kwarto ko dahil ang dami ko pang kailangan gagawin."
     
      
    
 
Yumuko nalang ako sa kanya at deretso na lumabas ng kwarto niya. Hindi ko man mapatay ang taong iyon ngayon pero sisiguraduhin ko na sa susunod ako mismo ang papatay sa kanya. Habang yung babae, makukuha ko rin ang atensyon niya balang araw. Maikakasal siya sa akin. Gusto niya man o hindi. Makukuha ko rin si Bharbie Anne Safari. 
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon