Chapter 28

32.3K 959 32
                                    


Chapter 28: Friendship
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Si Kurt ang gumising sakin ngayong umaga dahil sabay na raw kaming papasok. Kanina pa nga kami naglalakad sa hallway pero itong isa tulala pa rin at hindi makausap ng maayos. Ano bang pinoproblema n'ya?
     
      
    
 
"Sobrang hirap pala talaga magtago ng sikreto noh?" parang tangang sabi niya habang naglalakad.
     
      
    
 
"Ano bang pinagsasabi mo? May problema ba?" takang tanong ko sa kanya.
     
      
    
 
"Bharb..." Tumigil siya sa paglalakad at nalungkot. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.
     
      
    
 
Mukhang ang dami dami niyang iniisip na problema ngayon. Ayoko naman siyang kausapin dahil mukhang ayaw niya pang sabihin sakin ang bagay na 'yon.
     
      
    
 
Hinawakan ko lang ang kamay niya at seryoso siyang tinignan. "What's wrong?"
     
      
    
 
Tumingin lang siya sakin at ngumiti. Alam kong pilit lang ang mga ngiti niyang 'yon dahil kilala ko na si Kurt. Alam ko na kung masaya ba talaga siya o malungkot.
     
      
    
 
"Bakit ba lagi mo nalang sinasarili lahat ng problema mo? Pwede bang magtiwala ka naman sa mga kaibigan mo."
     
      
    
 
"Natatakot kase ako na baka magalit ka sa akin kapag sinabi ko sayo."
     
      
    
 
"Kurt naman.."
     
      
    
 
Ngumiti siya sakin at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Can I hug you?" Tumango na lamang ako kaya agad niya akong hinatak at niyakap. Wala naman na akong nagawa kundi yakapin din siya pabalik. Sinubsob ko lang ang ilong ko sa balikat niya.
     
      
    
 
"I'm sorry..." mahinang sabi niya. Narinig ko iyon dahil malapit kami sa isa't isa.
     
      
    
 
Bilang kaibigan, nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan at kapag nakikita kong malungkot siya, nalulungkot din ako.
     
      
    
 
"Ang dami kong sikreto na hindi ko masabi sayo. Feeling ko sobrang unfair ko dahil ikaw pinagkakatiwalaan ako pero ako ni hindi kita mapagkatiwalaan pagdating sa mga iniisip ko. Sa dami ng tinatago ko hindi na ako naging mabuting kaibigan sainyong tatlo."
     
      
    
 
Pumikit ako at niyakap siya ng mahigpit dahil alam ko na kung anong sinasabi niya. Kagabi, bago ako pumasok sa kwarto agad nag vibrate ang phone ko.
     
      
    
 
Sino naman kaya tatawag ng ganitong oras? Kinuha ko ang phone para silipin kung sino ang tumatawag. Nang maopen ko ang phone bumungad sakin ang pangalan ni Denise kaya sinagot ko ito.
     
      
    
 
"Pumunta ka ngayon sa office may importante akong sasabihin sayo."
     
      
    
 
"Ano?"
     
      
    
 
"Make it fast!"
     
      
    
 
Agad niyang binaba ang tawag kaya kumaripas na ako ng takbo dahil halata sa boses ni Denise na importante talaga ang sasabihin niya sa 'kin. Sobrang lakas din ng pagtibok ng puso ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagtakbo ko o dahil sa sasabihin ni Denise. Nang makarating ako sa office, agad kong binuksan ang pinto at umupo sa upuan na nasa harap ng table niya.
     
      
    
 
"Ano bang sasabihin mo? Pinapunta mo pa talaga ako ng ganitong oras?"
     
      
    
 
"Sa tingin ko hindi muna natin dapat pagkatiwalaan si Kurt."
     
      
    
 
Napakunot noo ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi niya? Si Kurt? Anong kasalanan niya at bakit hindi namin siya pwedeng pagkatiwalaan? Wala naman akong nakikitang rason para hindi ito pagkatiwalaan.
     
      
    
 
Pinakita niya sakin ang isang libro at binuksan iyon sa page 21. Nakita ko ang picture ni Kurt and other  information about him.
     
      
    
 
"Mukhang may koneksyon siya sa Park Family." sabi nito.
     
      
    
 
"May koneksyon? Anong pinagsasabi mo?"
     
      
    
 
Gulong gulo na ako sa sinasabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin? Sinasabi n'ya bang tinatraydor kami ni Kurt? Ang gulo!
     
      
    
 
"His full name is Kurt Park Carreon then ayon sa research ko ang mother nito ay si Mandy Park. Nalaman ko rin na siya ang  pangalawang anak ni Dexter Park."
     
      
    
 
Bigla naman nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ba siya nagkakamali?
     
      
    
 
"Akala ko nagkamali lang ako pero tama ang research ko. Nakita ko rito sa member list ng gangsters group ang information ni Kurt. Tama ang nakita ko sa internet, isa siya sa pamangkin ni Dexter Park na pumatay sa daddy mo." sabi nito.
     
      
    
 
Hindi. Hindi pepwede 'to. Ayokong isipin na sa bawat araw na kasama ko si Kurt, tinatraydor niya lamang ako. Impossible. Hindi naman sapat ang evidence na nakuha niya para pagbintangan si Kurt na  traydor. May tiwala ako sakanya.
     
      
    
 
"Aware ako na naging mabuti siyang kaibigan sayo pero sa tingin ko mas mabuting kilalanin mo muna ang taong iyon dahil hindi natin alam kung totoo ba siya sa 'tin o tinatraydor niya lamang tayo."
     
      
    
 
"Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Sobrang hirap para saken na pag isipan siya ng masama." mahinang sabi ko. Nanghihina ako dahil sa nalaman ko parang gusto kong maniwala at hindi maniwala sa sinasabi ni Denise.
     
      
    
 
Dapat bang harapin ko ang kaibigan ko at paghinalaan siya na isang traydor o dapat bang pagkatiwalaan ko pa rin ito at alamin kung ano ang dahilan ng pagpasok n'ya rito kesa sa Galaxy Academy na pagmamay-ari ng lolo niya?
     
      
    
 
"Paano kung ang sikreto mo ay ang dahilan ng pagkawala ng tiwala sayo ng mga kaibigan mo? Itatago mo pa rin ba 'yon?" tanong ko sa kanya at kumariwas ng yakap.
     
      
    
 
"Hindi ko alam. Nahihirapan ako."
     
      
    
 
Napapikit ako saglit at agad na tumingin sa itaas. Ayokong nakikitang nasasaktan ang mga kaibigan ko dahil sakin. Hindi ko rin kayang pag isipan ng masama si Kurt. Ayokong isipin na traydor siya dahil alam kong hindi n"ya kayang gawin sakin 'yon. Hindi n'ya ako tatraydorin. Alam kong may ibang rason pa ito kung bakit siya nandito sa Journal Academy at kung bakit ako nito tinutulungan.
     
      
    
 
"Don't cry..." Hinawakan ko ang baba niya at itinaas ito. Tinignan ko ito sa mga mata niya.  Then I saw pain.
     
      
    
 
"If it's difficult for you to talk about it. It's all right. Hindi mo naman kailangan sabihin sakin ngayon basta nagtitiwala pa rin ako sayo kahit na anong mangyari."
     
      
    
 
Ayoko siyang pilitin kung ayaw niya pang malaman namin ang lahat ng sekreto niya. Mapasama man o mapabuti iintindihin ko pa rin siya dahil kaibigan ko siya. Tinignan ko ito at sinampal ng mahina na dahilan ng pagtawa ko.
     
      
    
 
"Ang drama mo!" natatawa kong sabi.
     
      
    
 
"Naguguilty lang ako. Ayokong may tinatago sainyo lalo na sayo."
     
      
    
 
"Naiintindihan naman kita. Wag kang mag alala, mag aantay ako." Hinawakan ko ang kamay n'ya bago tumuloy sa pagsasalita. "Alam ko sa ngayon hindi mo pa kayang sabihin kaya okay lang sakin kung itatago mo muna ang tungkol dyan basta kapag handa ka na. Nandito lang ako para makinig sayo. Okay?" nakangiting sabi ko.
     
      
    
 
"Maraming salamat, mallows." Hinigit ako nito payakap. Malaki ang tiwala ko kay Kurt. Hinding hindi niya magagawa ang iniisip ni Denise tungkol sakanya. Kung sakali man na nagkakamali ako, ako mismo ang gagawa ng paraan para pigilan si Kurt sa posibleng maging mission niya rito sa academy.
     
      
    
 
Chloe's point of view.
     
      
    
 
"Hoy!" Napalingon ako sa taong nasa likod ko at nakita ko si Kevin na nakangiti sa akin. "May sasabihin sana ako."
     
      
    
 
"Ano naman iyon?" tanong ko. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
     
      
    
 
"I think i'm falling inlove with you." seryosong sabi niya kaya nagulat ako. Ano bang pinagsasabi nito?
     
      
    
 
Nakita ko naman na ngumisi muna ito sakin bago tumawa. "Biro lang!" sabi niya.
     
      
    
 
"Fuck you!" sabi ko rito. Iniwas ko lang tingin ko sakanya sa sobrang inis.
     
      
    
 
"Yung bibig mo nga." cold na sabi niya.
     
      
    
 
"Ikaw naman kasi nag umpisa." Inirapan ko lang siyang muli.
     
      
    
 
"Alam mo minsan napapaisip ako. Ano bang connect ng romantic relationship sa gangsters group at pinagbabawal nila sa lahat ng members?" tanong niya.
     
      
    
 
"Dahil ang pakikipagrelasyon ay hadlang sa lahat ng plano ng school. Pinagbabawal 'yon sa gangsters group dahil sabi ni Master Gino na lahat ng member ng gangsters group ay dapat nakatutok sa darating na gang fight kaya ayaw n'yang hayaan ang bawat member na makipagdate sa kapwa member dahil pwedeng makahadlang 'yon sa pinaplano n'ya."
     
      
    
 
"Sobrang unfair naman. Paano nalang kung may magustuhan ang isang miyembro ng gangsters group? Makakaya pa rin ba nila pigilan ang nararamdaman nila?" tanong ulit ni Kevin.
     
      
    
 
Napalingon ako sa kanya at tumango. "Makakaya nila iyon kung iisipin nila ang kapakanan ng eskwelahan." sagot ko sa kanya.
     
      
    
 
"Ngayon palang gusto ko na tuloy mag quit sa group." biglang sabi n'ya. Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil doon.
     
      
    
 
"Seryoso?" inis kong tanong.
     
      
    
 
"Hindi ko na kaya pumasok sa grupong ito para akong nasa impyerno. Naiinis na ako at nabobored sa gangsters group kaya ayoko na talaga." sabi niya.
     
      
    
 
"Then quit."
     
      
    
 
Napalingon kaming dalawa sa nagsalita at nakita namin sila Kurt at Bharbie na mukhang disappointed sa sinabi ni Kevin.
     
      
    
 
Napatayo kaming dalawa ni Kevin at lumapit sa kanilang dalawa. "Hindi mo na kaya sa impyernong pinasok nating apat? Now go! Quit to my group!" pokerface na sabi ni Bharbie.
     
      
    
 
Shit! Nakakatakot s'ya. Punong puno ng galit na may halong lungkot ang nararamdaman n'ya ngayon at dahil 'yon sa mga sinabi ni Kevin. Alam kong disappointed si Bharbie dahil sa pagkakaalam n'ya ay gustong gusto talaga namin magawa ang planong pinaplano n'ya rito sa school pero ngayon narinig n'ya mismo galing sa bibig ni Kevin na sumusuko na ito. Valid naman siguro 'yon para magalit s'ya rito.
     
      
    
 
"Ano ka ba! Nagbibiro lang naman ako kay Chloe. Inaasar ko lang s'ya. S'ya lang naman kase dapat ang gagalitin ko kaso nandyan pala kayo." sabi ni Kevin at ngumiti kay Bharbie na nakapokerface lang.
     
      
    
 
"Not funny." Inirapan lang s'ya ni Bharb kaya lumapit na ako sa kanila para awatin.
     
      
    
 
"Tama na nga 'yan! Ang dapat nating gawin ngayon ay magpakasaya! Walang away na magaganap, okay?" sabi ko sa kanila.
     
      
    
 
"Magpakasaya?" tanong nilang tatlo.
     
      
    
 
"Tara cut?" nakangising aya ko sakanila. Gusto kong maging masaya muna ang araw namin ngayon kasama ang isa't isa. Pansin ko kase lahat sila stress.
     
      
    
 
"Game!" sabi ni Kevin at inakbayan si Bharbie "Tara, Young lady?" nakangising aya nito. Ngumiti lang si Bharb sa kanya at siniko siya palayo.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
"Ito na ba ang pagpapakasaya na gagawin natin? Kung ganito lang, sana pumasok nalang pala ako." reklamo ni Kevin.
     
      
    
 
Nakaupo lang kase kami ngayon sa field dahil sa katahimikan ng lugar lahat kami ay nakatulala. Wala na kasing mga estudyante na gumagala rito dahil lahat sila ay nasa klase na. Mayamaya, tumakbo si Kevin at may kinuha sa gilid.
     
      
    
 
"Ano nanaman gagawin ng isang 'yon?" tanong ni Chloe.
     
      
    
 
Bumalik si Kevin na may dalang apat na watergun kaya agad ako napangisi. Tumayo ako at binigay niya sakin ang isa at ang iba naman ay kila Chloe at Kurt.
     
      
    
 
"Wala akong gana." sabi ni Kurt at nilapag ang watergun kaya naman tinignan ko ang dalawa at sinenyasan "T-Teka, anong balak niyo?" utal na tanong niya.
     
      
    
 
"One two three..." bilang ni Chloe kaya nag tinginan kaming tatlo.
     
      
    
 
"SUGOOOOD!" sigaw ko. Pinagbabaril namin si Kurt ng watergun kaya ayon basang basa na siya ngayon.
     
      
    
 
"Tama na! Hoy! Kapag ako gumanti sa inyo!" sigaw nito.
     
      
    
 
"Haha! Edi gumanti ka!!" sigaw naming tatlo. Agad itomg tumakbo sa gilid ng field para kunin ang mahabang hose na ginagamit ng mga nagtatrabaho na taga linis dito sa field.
     
      
    
 
Nagulat kaming tatlo nang buksan n'ya iyon kaya nagsitakbuhan kami nila Kevin pero huli na dahil agad nitong itinapat sa amin ang dulo ng hose dahilan para mabasa kaming lahat. Agad kaming tumakbo sa likod n'ya para basain pa ito gamit ang watergun pero inikot niya ang hose para itinapat muli iyon samin.
     
      
    
 
Nagsitawanan lang kaming apat habang nagbabasaan. Para kaming bata na naglalaro sa isang palaruan at walang iniisip na problema. Sobrang sarap sa pakiramdam na kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon at narealize ko na kapag kasama mo pala sila mawawala ang mga problemang iniisip mo. Sa buong buhay ko, ngayon lang muli ako nakaranas na magkaroon ng kaibigan na totoo at talagang mapagkakatiwalaan kaya hinding hindi ako makakapayag na may makasira sa pagsasama naming apat. Friends is one of the most important recipe in our life kaya kung sakaling mawala man sila, parang nawalan muli ako ng isang pamilya. 
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon