Chapter 30

28.3K 889 22
                                    


Chapter 30: Show (2)     
      
    
 

Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Nakapokerface lang ako habang nandito sa stage habang yung escort ko naeexcite sa gagawin na show. Kanina, para s'yang tangang nakatulala pero ngayon sobrang laki ng ngiti at excited. Baliw na ba siya?
     
      
    
 
"Ang pangit mo kapag nakasimangot kaya ngumiti ka na dyan. Hindi ka ba masaya na ako ang naging escort mo?" ngiting asong sabi niya.
     
      
    
 
"Hindi ako naiinis dahil ikaw ang escort ko. Naiinis ako dahil sa show na 'to. Ano bang naisip niyang young lady at gumawa ng show na ganito? Isa pa, kailangan ba talaga nakatopless pa kayo? Nakakadiri kayang tignan." nandidiring sabi ko kay Zach.
     
      
    
 
"Just go with the flow." malamig niyang sabi.
     
      
    
 
Kung kanina, nakatali ang mga kamay nila pero ngayon hindi na. Anytime, pwede na sila tumakas kung kelan nila gusto pero mukhang nag eenjoy naman na lahat ng lalaki rito sa stage kaya wala kaming nagawa kundi mag-stay nalang dito.
     
      
    
 
Nang tumutok sakin ang pulang spotlight sakin hindi na ako tuluyang nakalabas dahil mapapahiya lang ako kapag hindi ko sinunod si Denise kasabay ko naman sa pagpunta sa stage si Pink kaya nakakapagtaka na puro myembro ng gangsters group ang napili except nalang kila Danica at Mercy.
     
      
    
 
Alam kong sinadya talaga ni Denise ang show. Sinadya niya na kami ang mapili para mapaglaruan niya kaming lahat pero hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung ano ba talaga ang balak niya sa show na ito.
     
      
    
 
Agad na nagsalitang muli si Denise at muling binuhay ang mga estudyante na disappointed sa mga napili kesyo unfair daw kasi puro gangsters group ang nakuha. Kung ganun sila na ang pumalit dito sa pwesto namin. Sa totoo lang, labag naman talaga sa loob namin na gawin ang show.
     
      
    
 
"Okay, let's start everyone! Alam ko kasing atat na atat na kayo malaman kung ano ba talaga ang magaganap na show rito. Una, haharapin ng mga challengers kung kaya ba nila na magpartner magkalapit ng 1 inch ang kanilang mukha na hindi umiiwas ng tingin at tanging nakatutok lamang sa mata ng kanyang partner na hindi magdidikit ang kanilang mga labi. Patagalan ang laro na ito at kung sino man ang matitira hanggang sa dulo ng laro sila ang ituturing na reyna at hari ng Journal Academy pero ang lahat ng matatalo ay may punishment na gagawin. Are you guys ready?" masayang sabi ni Denise.
     
      
    
 
May mga itinali sila sa mga bewang namin at hindi ko alam kung ano iyon. Mukhang itong tali ang kumokontrol sa amin upang magkalapit kaming dalawa sa isa't isa ni Zach. Pilit kong pinipigilan ito sa pag control pero hindi ko talaga siya mapigilan. Shit! I'm stuck!
     
      
    
 
Konting galaw nalang ay dadampi na ang mga labi namin sa isa't isa. Napalunok nalang ako at tumingin sa mga mata ni Zach. Bakit ba parang nang-aakit pa ang isang to? Baliw na ba siya? Hinahamon niya ba ako?
     
      
    
 
Fuck you Zach! Tigilan mo ang pagtitig sakin ng ganyan! Naiinis ako lalo baka hindi ko mapigilan at baka maha---Shit shit no! Ano bang pinag iisip ko? Mali! Maling mali Bharbie! Nakakadiri ang mga pinag-iisip mo kaya itigil mo 'yan. Tinignan ko lang si Zach na nakangiti ngayon habang nakatitig sakin.
     
      
    
 
Third person's pov.
     
      
    
 
Nang lumipas ang isang oras ay lima nalang na magkapartner ang natira sa laban. Sila Bharbie and Zach, Kurt and Pink, Candice and Clark, Vince and Abby, Kevin and Chloe.
     
      
    
 
"Maaari na kayong tumigil sa pagtitig sa isa't isa." sabi ni Denise. Agad na natanggal ang mga tali sa bewang nila kaya nakalayo na ito kaagad sa isa't isa. "Palakpakan natin ang mga natitirang challengers na sasabak sa pangalawa nating laro." sabi ni Denise dahilan para mapalingon ang lahat sa kanya.
     
      
    
 
"Wooh!! Gooooo Kurtpink!"

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon