Chapter 57

30.5K 835 48
                                    


Chapter 57: First mission





Bharbie's point of view.




"Ang sarap!" sabi ko habang kumakain ng mangga. Yung tatlo naman ay nagtataka kung bakit napakatakaw ko ngayon sa mangga.




"Isang araw lang silang nagkasama ni Zach pero pagdating niya rito naglilihi na sa mangga. Alam niyo na?" sabi ni Kevin.




"May nangyari na ba sa inyo mallows?" gulat na gulat na tanong ni Kurt.




"Omygash! Hindi mo manlang ba nireserve muna 'yan sa kanya bago mo binigay?" sabi ni Chloe.




Ano bang pinagsasabi nila? Baliw ba sila para isipin 'yan? Kumakain lang ako ng mangga naglilihi na kaagad.




"Kapag ba matakaw sa mangga ibig sabihin buntis na?!! Tigilan niyo nga akong tatlo walang nangyari sa amin kagabi." Inirapan ko ang mga ito.




"Hays! Akala ko may nangyari na sa inyo excited pa naman na akong magkaroon ng inaanak." sabi ni Kevin kaya binatukan ko ito.




"Baliw ka na ba? Kahit na magkaanak ako hindi kita gagawin ninong noh!" sabi ko sabay kagat ng mangga.




"Tsk! Kahit na anong gawin mo at sabihin mo tiyak na kukunin ako ni Zach." sabi niya.




"Sino naman nagsabing siya ang magiging tatay ng anak ni Bharbie?" tanong ni Chloe. "Wala pa ngang kasal eh!" sabi niyang muli.




"Alam niyo bang nakikita ko na sa isip ko ang future nilang dalawa." sabi ni Kevin.




"Tukmol! Baka future niyo ni Chloe ang nakikita mo!" natatawang asar ni Kurt dito.




"Hoy! Tumigil ka nga dyan baka gusto mong sapakin kita?" sabi ni Chloe.




"O baka naman future niyo ni Pink ang nakikita ko." asar ni Kevin at kinindatan si Kurt na ikinasama naman ng tingin nito sa kanya.




"Si Rosas? Anong meron sa inyo?" tanong ko kay Kurt at kumain ulit ng mangga.




Kukuha na sana si Kurt ng mangga kaso pinalo ko ang kamay niya at inilayo ang mangga ko.




"Ang damot mo naman!" sabi niya.




"Tsk! Magkwento ka muna."




"Ganito kasi iyon, Bharb. Papunta kami sa canteen kahapon dahil nagutom itong si Chloe tapos pagpasok namin sa loob nakita namin na may kausap si Kurt na tatlong babae t---"




"Ganon talaga lapitin ako ng babae kaya anong magagawa niyo? Dapat naman talaga lapitan ang kaibigan niyo ng mga babae dahil bukod sa gentleman, gwapo pa!" sabi ni Kurt kaya sinipa ko siya. "Aray! Napaka amazona mo talaga!" angal niya habang hinihimas ang tiyan nito.




"Nagkekwento pa yung tao pinipigilan mo. Nahahahawa ka na kay Vince eh!" sabi ko.




Sinamaan lang ako ng tingin nito. "Whatever!"




"So, ayon na nga. Biglang lumapit si Pink kay Kurt tapos ang sumunod na nangyari may sinabi siyang 'This girl is officially my girlfriend' dahil doon umiyak yung babae na nagkakagusto sakanya at tumakbo palabas ng cafeteria. Lalapitan sana namin sila para i-congrats kaso bigla n'yang hinalikan si Pink kaya hindi na rin kami nakalapit dahil baka makaistorbo kami sa kanilang dalawa." kwento ni Kevin kaya tinignan ko si Kurt at binigyan siya ng mapanglokong ngiti.




"Hindi ko naman sadya iyon hindi ko rin alam kung bakit natripan kong halikan siya." sabi niya.




"Kahit kelan talaga, Kurt!" sabi ko at umiling iling.




Mayamaya, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Zach. "Kakauwi niyo palang kanina tapos nandito ka nanaman? Miss mo kaagad ang bestfriend ko?" nang-aasar na sabi ni Kurt.




"Hindi ako pumunta rito para lang sa kanya. May pinapasabi si Emperor. Pinapapunta niya tayong lahat ngayon sa gymnassium kaya tumayo na kayong apat dyan." sabi nito kaya inilagay ko sa lamesa ang plato na hawak ko at lumapit kay Zach.




"Meeting again?" tanong ko rito. Tumango lang siya kaya agad na kaming lumabas ng private dorminatory area.




Nang makarating kami sa gymnasium, naabutan namin ang mga butler sa entrance habang siya ay nakaupo sa trono nito na upuan at nasa tabi nito si Kuya steve na nakatayo. Napakunot ang noo ko rito. Nang makumpleto ang lahat ng gangsters group, isinarado na ang gymnasium at bumukas ang mga ilaw.




"Lahat ng may katungkulan dito sa academy ay lumapit sa akin." utos ni Grandpa kaya lumapit kami nila Kurt, Zach, Pink at Danica habang si Kuya Steve kanina pa nandoon sa tabi niya.




"Nitong mga nakaraang araw, kumilos na ang kabila kaya simula ngayong araw tayo naman ang kikilos." May inabot si Grandpa sa tatlong lalaki. "Kayong mga lalaki ang napili kong maging leader sa kanya kanyang mission na ibibigay ko sainyo habang ang mga tatlong babae naman ay ang pangalawang leader."




Lumingon sakin si Kurt. "Ikaw ang magiging partner ko sa mission." sabi n'ya sakin kaya napangiti ako rito. Nang mapalingon ako kay Zach ang sama ng tingin nito sakin kaya napakunot ang noo ko rito. Anong problema n'ya?




Inabutan kaming lahat ng card ng mga butler ni Grandpa. Magkakaibang kulay ang natanggap namin na card at ang natanggap ko ay kulay pula. Nakalagay rito ang mission na gagawin namin ng mga kagrupo ko.




"Hinati hati ko kayong lahat dahil bawat isa sa inyo ay kailangan maghanda sa darating na linggo dahil may mission kayong gagawin. Ito ang unang ganti na gagawin natin laban kay Dexter Park. Hindi ako papayag na maulit muli ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Magsimula tayo sa team ni Steven. Lahat ng may hawak na kulay itim na card ay pumunta ngayon sa harapan."




"Goodbye guys!" sabi ni Chloe bago pumunta sa harapan. Kung ganun, sa grupo s'ya ni Kuya steve napunta. Anim na tao ang tumungo ngayon sa harapan. Sila ay sina Chloe, Caz, Clark, Jeron, Aika, and Kylie. Ang partner ni Kuya sa mission na ito ay si Pink.




"Kayong walo ang mga tao na ipapadala ko sa illegal na business ng Park Family. Ang illegal business na ito ay matagal ng itinayo ni Dexter Park. Buong akala ko ay hininto niya na ang business na ito pero hanggang ngayon ay pinapatakbo n'ya pa rin pala at gumagamit ng mga babae para magpakalat ng mga sexual videos para ibenta sa mga foreigners. Ang mission n'yo ay mailigtas ang mga inosenteng tao sa loob na ginagamit ni Dexter sa business na ito. Bukod doon, dapat n'yong ipahuli ang mga taong namamahala sa loob ng malaking club na 'yon. Si Steven na ang bahalang i-discuss sa inyong lahat ang mga kailangan n'yong gawin sa mission na ito. Hindi kayo babalik dito sa academy hangga't hindi n'yo natatapos ang mission n'yo." sabi ni Grandpa.




Nang matapos n'yang sabihin sa unang grupo ang mission nito, pinapunta naman n'ya sa harapan ang pangalawang grupo na may hawak na kulay puting card. Si Zach ang tatayong leader sa grupo na ito habang ang kapares nito ay ang kapatid kong si Danica. Sila Kilmer, Paul, Sam, Kevin, Maja, Purple, and Tina ang mga kasama n'ya sa gagawin nilang mission.




"May gambling clubhouse ang Park Family sa Tondo. Hindi lang ito basta sugalan kundi nagkakaroon din ng bentahan ng mga droga sa loob. May mga celebrity na madalas na pumupunta rito para magsugal at bumibili ng mga droga sa loob. Ang clubhouse na ito ay sikat na sikat sa mga mamayaman na binebentahan ni Dexter Park ng droga. Hanggang ngayon, hindi pa rin nahuhuli ng mga kapulisan ang illegal na ginagawa ng mga ito dahil maging ang kinauukulan ay bumibili na rin ng mga droga rito. Ang mission n'yo ay pasabugin ang lugar at patayin ang mga taong babalaking humarang sa inyo. Si Zach na ang bahala sa mga gagawin n'yo sa mission na ito. Malaki ang tiwala ko sa grupo n'yo kaya wag n'yo sana akong biguin." sabi ni Grandpa na ikinagulat ko.




"Grandpa! Hindi pa sila handa sa mga gan'yang mission. Paano kung mapahamak silang lahat? Hindi natin nasisigurado kung mapagtatagumpayan nil--" nag-aalalang sabi ko.




"Hindi namin kayo bibiguin, Emperor." putol ni Zach sa pagsasalita ko. Baliw ba s'ya? Hindi ba n'ya naisip na pwede silang patayin sa loob ng clubhouse na 'yon? Paano kung may mga gobyerno na nasa loob? Alam kong hindi sila palalabasin ng mga taong 'yon sa loob.




"May problema ba apo?" tanong ni Grandpa sakin. Umirap lang ako rito at hindi na umimik pa. Wala akong choice kundi hayaan nalang dahil alam kong hindi ko sila mapipigilan.




Sumunod na tinawag ni Grandpa ang grupo namin. Si Kurt ang leader at ako naman ang kapartner nito kasama namin sa mission na ito ay sina Yohan, Vince, Peter, Law, Abby, Patricia at si Candice.




"Ang grupo n'yo ang susugod sa loob ng Galaxy Academy." Lahat ng gangsters group ay nagulat sa sinabi ni Grandpa. "Papasukin n'yo ang eskwelahan para pumasok sa private laboratory nito. Masyadong tago ang lugar na 'yon kaya kailangan n'yong alamin kung saan n'yo makikita ang laboratory nila. Itong laboratory na 'to ang tinatagong sekreto ni Dexter Park na sa oras na may taong nakaalam nito ay sisiguraduhin n'yang hindi ito makakalabas ng buhay. Mission n'yo na pasukin ang loob at alamin kung anong tinatago ng buong pamilya nila sa loob ng laboratory na 'yon dahil nasisigurado ko na kapag napasok n'yo ang laboratory, mas malaki ang t'yansa na mapabagsak natin ang pamilyang Park lalo na si Dexter Park. May pulang libro sa library kung saan nakadokumento lahat ng kakailanganin n'yong impormasyon na galing sa mga nakaraang m'yembro ng JA Gangs." paliwanag ni Grandpa.




"Paano kapag hindi namin nahanap ang laboratory kung nasa tagong lugar pala 'yon?"




"Ibig sabihin, hindi kayo karapat dapat na mapasama sa organization ng Journal Academy dahil nabigo kayo sa unang mission n'yo palang."




Hindi ko masasabi na mapagtatagumpayan namin ang mission dahil sigurado akong mahihirapan kami sa paghahanap kung saan nakatago ang laboratory nila pero mas mahihirapan kami dahil alam kong mas marami kaming makakalaban dahil mismong academy nila ang papasukin namin at hindi 'yon ganun kadali lalo na kung mahuli kami ni Dexter Park.




"Inexcuse ko na kayo sa lahat ng klase niyo dahil kailangan niyo maghanda ngayon lalo na ang mauunang grupo. Kinabukasan kayo na kaagad ang magsasagawa ng mission n'yo. Sa susunod na araw ang grupo ni Zach at huling araw naman ay grupo ni Bharbie. Kung sakaling, hindi niyo maisagawa kaagad ang mission n'yo. Isang araw pa muli ang ibibigay ko para matapos ito. Isa pa, ayokong gawin niyo ang bagay na hindi niyo naman mission. Walang tulungan sa ibang grupo. Naiintindihan n'yo bang lahat?" sabi ni Grandpa. Tumango lang kami. "Dismissed."




Lahat kami ay lumabas na sa loob ng gymnassium. Nagpaalam na muna ako kay Zach para kausapin ang team ko. Ganun din naman s'ya. Lahat kami ay nagkanya kanya para magkaroon ng meeting para sa gagawin naming mission.




"Pumunta tayo sa library at hanapin ang pulang libro na sinasabi ni Grandpa. Tiyak kong mga magulang namin ang gumawa ng mga dokumento na 'yon at baka mahanap natin ang lugar na 'yon gamit ang libro." sabi ko sa mga ito.




"Haish! Magpapakapagod nanaman ang isang gwapong katulad ko." sabi ni Vince kaya tinignan namin ito ng masama.




"Napakamalas namin dahil kasama namin ang katulad mo sa mission na 'to." sabi ni Abby sabay irap kay Vince.




"Aba! Ano bang problema mo sakin?" inis na sabi ni Vince rito.




"Itigil niyo na 'yan kung ayaw niyong masapak ko kayong dalawa dahil sa kaingayan niyo." awat ni Yohan sa dalawa.




"Ginagalit niyo abs ni Yohan eh!" sabi ni Peter.




"Tama na nga yan!" awat ni Candice.




"Tigilan n'yo na nga ang pag-aaway. Hindi nakakatulong sa mission natin 'yan." Sinamaan ko ng tingin ang dalawa. Tinignan lang nila ang isa't isa at sabay rin umiwas ng tingin na parang nag aaway na mga bata.




Napailing lang ako bago magpatuloy sa paglalakad papuntang library. Hindi ko alam kung anong klase ang libro na pinapahanap sa amin ni Grandpa dahil sa pagkakaalam ko maraming documentary book ang nakatago sa library namin kaya alam kong mahihirapan kami sa mission na 'to.




Nang makarating kami sa library, sobrang dami ng estudyante kaya kailangan namin sila palabasin para walang sagabal sa gagawin namin. "Vince, ikaw na ang bahala." utos ko kay Vince.




Tumango lang ito at agad kumilos para palabasin ang mga estudyante. Lumingon ako sa librarian at nilapitan ito. "Alam kong may alam ka kung saan nakalagay ang mga books about sa Galaxy Academy. Ituro mo sa 'kin 'yon."




Mukhang natakot siya sa tono ng boses ko kaya agad itong sumagot. "Sa dulo may apat na bookshelf. Doon nakalagay lahat ng libro tungkol sa GA Gangs." Lumingon ako kaagad kila Patricia para sabihan ito. "Simulan na natin maghanap." Tumango lang silang lahat at agad na nagsikilos.




Steve's point of view.




"Hindi tayo dapat mabigo sa mission natin kinabukasan kaya ihanda n'yo na ang lahat ng mga gagamitin natin. Bago ang lahat, kailangan natin alamin ang lugar ng boarding house na 'yon. Clark, magpapanggap ka ngayon na isang customer sa illegal site nila kung saan nakakakuha ng customer ang mga babaeng bitag ni Dexter Park. Ako na ang maglolocate ng location habang kavideo call mo ang babaeng 'yon. Ang iba sainyo ay ihanda ang sarili n'yo sa magiging mission natin. Hindi ito madali gaya ng inaasahan n'yong lahat." paliwanag ko sa mga ito.




Binuksan kaagad ni Clark ang laptop para gawin ang pinapagawa ko. "Kung sakaling makuha na natin ang location sa pamamagitan ng video call. Ako na ang bahala na maging bitag sa mission na ito." sabi ni Pink na ikinagulat ko.




"Hindi. Hindi mo pwedeng gawin ang bagay na 'yan. Wala na tayong oras." sabi ko rito.




"Meron pa tayong ilang oras na natitira kaya magagawa ko pang magpahuli sakanila. Sa ngayon, kailangan muna natin alamin ang lugar kung nasaan ang boarding house at kung paano ako makakapasok sa loob para magpabitag sa mga taong bantay doon." sabi n'ya.




Tinignan ako ni Chloe. "Tama si Pink. Kailangan natin ng taong bitag na makakapasok sa loob. Hindi tayo pwedeng basta basta nalang sumugod na hindi kabisado ang loob ng boarding house. Kailangan natin alamin ang lugar kung saan nila pinapasok ang mga babaeng bitag nila para mas madali natin sila mailigtas."




Napaisip ako sa sinabi ni Chloe at sumang ayon na rin kaya tumango ako rito. "Kung ganon, sige. Ako na ang bahalang maghanap ng taong bantay sa loob na malalapitan mo para makapasok ka."




Sinimulan na naming lahat ang mga pagpaplano namin at mabuti nalang nakatulong din ang video call para malaman ang location ng boarding house. Malayo ito sa Galaxy Academy at aabutin ng ilang oras ang byahe bago makarating kaya kapag wala si Dexter Park sa lugar na 'yon ay sigurado akong mas mapapadali kaming tapusin ang mission.




Nakakuha na rin ako ng tao na makakatulong sa amin pagpasok sa loob. Isa siya sa mga tauhan sa loob ni Dexter Park at mukhang matutulungan n'ya kami dahil may binabalak na rin pala ito na itakas ang isa sa mga bitag.




"Caz, Jeron, kayo ang magiging fighter na lalaban sa mga bantay na nasa labas habang sila Kylie at Aika ang tutungo kung nasaan ang mga biktima. Kaming dalawa ni Clark ang papasok sa loob para patayin ang mga pinuno na nasa loob. Si Pink ang magiging bitag at unang makakapasok sa loob ng boarding house. Chloe, ikaw ang magiging sniper at look out sa labas. Wag mo aalisin ang tingin mo kay Pink na nasa loob. Ikaw ang magbibigay ng signal sa amin kung kelan kami susugod."




Tumango lang silang lahat sa akin. "Mamayang madaling araw na natin sisimulan ang pagsugod kaya sumama kayo sakin para kumuha ng mga armas at iba pang gagamitin natin sa mission."




Nang matapos kami sa pagpaplano, dinala ko sila kaagad sa private dorminatory area at pumasok sa isang kwarto kung saan naroon ang mga armas na pwede namin pagpilian para magamit sa mission mamaya. Pumili si Caz sa mga throwable weapons habang si Jeron ay tumungo kung saan nakalagay lahat ng mga chains weapons.




Si Aika naman ay namili ng gagamitin n'yang bow at arrow mamaya. Si Kylie ay seryosong namimili sa mga swords habang si Clark ay tumungo kung nasaan ang mga baril na pwede n'yang gamitin, ganun din naman si Chloe pero ang hanap nito ay isang sniper rifle.




Ako ang tumungo sa lugar kung saan nandoon ang mga armors at iba pang equipment na kakailanganin namin. Nang matapos ang lahat sa pagpili ng mga gagamitin nila sa pakikipaglaban. Tumungo naman kami sa isang kwarto kung saan nandoon ang susuotin namin. Kumuha kami ng mga bulletproof vest at ang uniform namin na iniwan ni Grandpa para sa bawat grupo. Kulay itim ang kulay ng susuotin naming uniform.




Nang matapos kami sa pagkuha ng mga gamit ay agad na rin kami bumalik sa office ni Grandpa para sabihan ito sa pinaplano namin. Mabuti nalang dahil sumang-ayon din ito kaagad sa binabalak namin na pagsugod mamayang madaling araw. Hinayaan ko na muna ang lahat na magsanay gamit ang mga sandata na napili nila. Naisipan kong puntahan si Pink para i-abot ang lense na ipapagamit ko sakanya mamaya.




"Ano 'to? Para saan? Hindi ko na kailangan 'yan dahil maganda na ang blue eyes ko. Maaakit na sila rito." Kumindat s'ya sakin. Kinuha ko ang kamay nito at inilagay ito.




"Isang devices 'yan kung saan makokontrol mo ito gamit ang mga mata mo. Binigay ko 'yan sayo para magamit mo mamaya sa loob. Magagamit natin 'yan para sa ebidensya laban kay Dexter Park kung sakaling iharap man natin ito sa publiko." sabi ko rito. Mukhang namangha ito sa sinabi kaya agad n'yang isinuot 'yon.




"Oh my gosh! Ang ganda nito! Astig!" tuwang tuwa na sabi n'ya.




"Mahal 'yan kaya ingatan mo. Mag-ingat ka rin sa loob dahil ikaw ang unang papasok." Tumango lang s'ya sakin. Nagpaalam na ako rito para puntahan na muna sila Lucy at ipaalam dito na may mission akong gagawin.




THE NEXT DAY.




Alas dose ng madaling araw kami bumyahe papunta sa location kung nasaan ang boarding house. Lahat kami nakasuot ng itim na mask at salamin. Ibinaba ko na si Chloe kung saan siya pepwesto. Inabot ko rin dito ang mga kakailanganin n'ya na gamit habang isinasagawa namin ang mission. Nang makarating kami malapit sa boarding house, hinanda na ni Pink ang sarili n'ya bago makarating dito ang lalaking nakausap ko.




"Hi, ako si Lukas." Habang nakasandal kami sa van biglang may lalaking dumating. Mukhang ito na ang taong kausap ko. Matangkad ito at maraming tattoo. May isang stick ng sigarilyo sa tenga n'ya at mukhang gangster na gangster din ang datingan. "Sino si Steve sainyo?" tanong nito.




Lumapit ako kaagad dito. "Hi, ako ang taong kausap mo sa telepono." bati ko rito.




"Gaya ng usapan natin, ililigtas n'yo sila Mary Jane. Hindi sila pwedeng masaktan o mamatay."




Tumango ako rito. "Alam mo naman na siguro ang mangyayari kung sakaling mapagtagumpayan namin ito diba? Isa ka sa mga taong huhulihin ng mga pulis."




"Alam ko at napaghandaan ko na ang bagay na 'yan. Handa rin ako ilabas lahat ng mga nalalaman ko rito. Asan na yung babae? Ready na ba s'ya?"




Tinuro ko ang van kung saan nasa loob si Pink at inaayusan ang sarili n'ya. Sakto naman ang pagturo ko dahil bumukas ito at bumungad si Pink na mukhang binugbog ang itsura dahil sa gulo ng buhok nito at may mga pasa pa ito sa mukha pero mukhang gawa lang ito sa make up.




"Mukha naman handa na s'ya." sabi ko rito.




"Let's go, Lukas. Simulan na natin 'to." excited na sabi ni Pink na akala mo ay bata lang na excited pumasok sa isang amusement park.




Tinali muna ang kamay n'ya sa likod pero hindi ganun kahigpit. Pumasok naman na silang lahat sa loob habang kami ay bumalik sa van para panoorin ngayon ang video na nakadetect sa contact lense ni Pink.




"May bago tayong bitag tiyak na matutuwa si boss nito." Rinig kong sabi ni Lukas. Mukhang tinulak nito si Pink dahil nasubsob si Pink sa sahig.




"Dalhin n'yo na kaagad 'yan kay Yoshi para mabinyagan." natatawang sabi ng isang lalaki.




"Gago! Anong mabinyagan?!" inis na tanong ni Clark.




"Kumalma ka. Hindi tayo papayag na mahawakan nila si Pink. Sa ngayon, kailangan natin alamin kung saan nila tinatago ang bitag. Makakatulong din ito para malibang sila habang inuubos natin ang mga bantay." Nang dahil sa sinabi ko hindi na ito umimik at nanonood nalang.




Ilang minuto ang lumipas, nakita na rin namin ang mukha ng boss na namamahala sa boarding house. Kilala ko ang taong ito. Si Yoshi. Isang hapon na m'yembro ng GA Gangs. Mukhang sakanya ipinaubaya ni Dexter Park ang illegal na gawain na ito.




"Ang sexy ng bagong bitag. Magugustuhan 'yan ng mga customer natin." tuwang tuwa na sabi nito. "Dalhin n'yo na muna ang babae sa kinaroroonan ng iba pa. Ipapaalam ko 'to kay Master Dex dahil sigurado akong matutuwa sila sa bagong isda."




Nang sabihin ni Yoshi ang salitang 'yon. Hinanda na namin ang sarili dahil kapag nalaman na namin ang lugar kung saan itinago ang mga bitag, agad agad na rin kaming susugod sa loob. Kitang kita namin ang mga babaeng bitag sa video na walang kahit na anong suot. Lahat ito ay nakahubad. May mga teenagers habang ang iba ay matatanda na rin. Napatiklop ang mga kamao ko dahil sa kababuyan na ginawa nila.




"Tanggalin mo na ang saplot mo." rinig kong sabi ng lalaking may hawak ngayon kay Pink.




"Bakit naman kita susundin? Manyakis!"




"Chloe, ngayon na!" utos ko kay Chloe.




Nang makarinig kami ng tatlong putok ng baril agad na kaming lumabas sa loob ng van para pasukin ang boarding house. May mga tauhan na humarang sa dinadaanan namin pero pinagbabaril lang namin ito. Padami nang padami ang mga bantay sa labas kaya tinulungan ko na sila Kylie para makapasok ito sa loob.




May taong magtatangka na barilin si Aika pero mabuti nalang ay natamaan ni Chloe ito sa ulo kaya bumagsak ito. "Pumasok na kayong apat sa loob. Kami na ang bahala rito!" sigaw ni Caz habang nakikipaglaban.




Tumango lang ako sakanila. "Now!" sigaw ko.




Lahat ng mga tao na nagtatangkang pigilan kami ay pinagbabaril ko habang si Kylie naman ang sumasaksak sa iba pa. Si Aika ang pumapana sa mga taong nasa likod namin. Nang tuluyan kaming nakapasok sa loob. Inutusan ko na sila Kylie na pumasok na sa lugar kung saan nandoon si Pink para tulungan ito.




"Asan na ba yung mga gagong 'yon? Tangina n'yo! Lumabas kayo ngayon!" sigaw ni Clark.




"Tangina, sino kayo?!" sigaw ng isang lalaki nang makita kaming dalawa. Pinihit nito ang baril n'ya pero bago pa s'ya makabaril. Bumagsak na ito kaagad dahil agad ko itong naunahan.




Maraming lumabas na tauhan galing sa isang kwarto kaya muli kaming napalaban ni Clark pero agad din namin napatumba ang mga 'yon.




Hinanap namin ang lugar kung nasaan si Yoshi pero bawat nadadaanan namin ay may mga tauhan na sumusugod sa amin kaya kailangan na muna namin patumbahin ang mga ito.




Pink's point of view.




Nakarinig ako ng mga putok ng baril kaya agad na akong kumilos para pabagsakin ang mga bantay. Sinipa ko ang lalaki may hawak sakin sa likod at agad na pinatumba 'yon. Tinulungan na rin ako ni Lukas para pabagsakin ang mga taong nakabantay rito sa kulungan.




Kinuha ko ang mga armas na hawak nila at ginamit 'yon. Baril lang ang nakita ko kaya wala akong choice kundi ayon ang gamitin kahit na labag ito sa rule ng Journal Academy.




"Lukas, sa likod!" sigaw ko dahil may taong babaril sakanya. Nang yumuko ito agad ko na pinaputukan ng bala sa ulo ang lalaking babaril sakanya kaya bumagsak ito sa sahig. Nang maubos na namin ang mga bantay rito sa loob agad kong nilingon si Lukas.




"Alam mo ba kung saan nila nilagay ang susi?"




Umiling ito sakin. "Buong akala ko, dala na nila ang susi ng kulungan pero hindi pala. Mukhang natunugan nila ang pinaplano n'yo."




Napakunot noo ako rito. "Anong sinasabi mo?"




Magsasalita pa sana ito pero biglang bumagsak ito sa sahig dahil sa pagputok ng baril. "Lukas!" sigaw ko. Natakot naman ang mga babaeng bitag dito sa kulungan dahil sa pagdating ng isang lalaki.




"Hi, sweetie. Matalino kayo pero alam mo bang mas matalino kami?" natatawang sabi ni Yoshi.




"Ano bang sinasabi mo? Nagpapatawa ka ba?"




Tinutukan ako ng baril nito kaya nananatili lang ako nakatayo dahil kapag sinugod ko ito. May mga taong nasa likod n'ya na babaril sakin kaya hindi ako pepwedeng kumilos kaagad hangga't wala pa sila Steve.




"Gago rin talaga 'tong si Lukas. Kami pa talaga ang tatraydorin kaya ayan tigok na agad. Alam mo ba kung bakit biglaan nalang n'ya ginusto na traydorin ang grupo namin?" Kinuha nito ang baril na hawak ni Lukas kanina. "Dahil sa kapatid n'ya na naging bitag na rin namin." natatawang sabi nito.




May babaeng inilabas ang isang tauhan nito at naiiyak na ito sa takot habang hawak hawak pa rin s'ya ng mga kalaban. Hinawakan pa ng isa ang hinaharap nito sa harap ko mismo kaya napatiklop ang mga kamao ko.




"Marami na nagtangka na pasukin kami at iligtas ang mga babaeng 'yan pero wala ni sino man ang nagtagumpay. Sigurado ako na yung mga kaibigan mo sa labas. Hindi na sila makakaligtas dahil mas maraming ipinadala rito si Master Dex para tulungan kami."




"Wag kang maniniwala sakanya dahil nandito na kami sa likod mo. Hahanap lang kami ng t'yempo para makapasok." rinig kong sabi ni Kylie kaya nawala kahit papaano ang takot ko.




Lumapit sakin si Yoshi at dahan dahan kinuha ang baril na hawak ko. "Napakaganda mo. Alam mo bang excited na akong ibigay ka sa mga vip customers namin?" Tumawa ito nang sabihin n'ya ang mga salitang 'yon.




Ngumisi lang ako sakanya. "Hindi mangyayari 'yon. Gago!" Dinuraan ko ito sa mukha kaya napapikit ito dahilan para kumilos na rin sila Kylie. Sinugod na nila ang ibang tauhan at pinagsasaksak. Agad kong hinawakan ang kamay ni Yoshi para hindi nito maputok ang baril.




Mabuti nalang dahil napana ni Aika ang paa nito kaya napaupo ito sa sakit. Sinipa ko ang sikmura n'ya para mabitawan nito ang hawak n'yang baril kaya agad na ako kumilos para kuhain 'yon.




"Pink, sa likod mo!" sigaw ni Kylie. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang iba pang mga tauhan ni Yoshi na ngayon ay tinututukan kami ng baril.




"Walang gagalaw!" sigaw ng lalaki. Napapikit nalang ako dahil sa dami nila hindi namin sila kakayanin na tatlo ngayon.




"Tarantado kang babae ka!" sigaw ni Yoshi at agad na sinapak ako sa mukha kaya natumba ako sa sahig. Hindi pa ito nakuntento dahil pinagsisipa pa ako nito ng pinagsisipa. Nang tumigil ito dumura ako ng dugo sa sahig at tinignan s'ya ng masama. "Itali n'yo ang tatlong 'yan! Ngayo---"




Hindi natapos nito ang pagsasalita n'ya dahil bigla itong bumagsak sa sahig at may tama ng baril sa ulo. Sunod sunod na rin ang pagbagsak ng iba pa. Nilingon ko ang likuran ko at nakita ko si Steve habang nasa kabila naman ay si Clark.




Tinulungan ako nito tumayo. "Wala sana akong balak na patayin sila pero sinaktan ka ng gagong 'yan kaya tama lang na patayin s'ya." sabi ni Steve. Dahil sa tulong n'ya, agad na rin akong nakatayo. Binuksan ni Vince ang gate kung saan nakakulong lahat ng babae. Dumating na rin dito sila Caz at Jeron na may dala dalang bag.




"Ginawa n'yo ba ang pinapagawa ko?" tanong ni Steve sa mga ito. Napakunot noo ako.




"Oo. Ipasuot n'yo na sa mga babae yan bago tayo makalabas. Bilisan n'yo lang dahil baka may mga dumating pa na tauhan ni Dexter Park dito." sabi ni Jeron. Inabot namin ang mga dinala nilang mga damit. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ito pero mabuti nalang dahil naisipan ni Steve i-utos kila Jeron ang bagay na ito.




Nang matapos ang lahat, agad din kaming umalis sa lugar na 'yon bitbit ang mga bitag. Habang naglalakad palabas, napansin ko ang mga tauhan ni Yoshi na nakahilata sa sahig at mga walang saplot. Kung ganon, nagawa nilang hubarin lahat ng suot ng mga ito para ibigay sa mga babaeng bitag? Natawa lang ako nang maisip ko ang naisip na idea ni Steve.




"Anong tinatawa tawa mo dyan?" tanong nito sakin. Umiling lang ako sakanya.




"Magaling captain! Ang galing mo." bati ko rito.




styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon