Chapter 62

29K 845 46
                                    


Chapter 62: Proposal
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng maganap ang mission nila Zach. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming alam kung nasaan si Grandpa Gino. Marami na rin ako natatanggap na mga pictures niya pero hindi namin ito magamit para alamin ang location kung saan s'ya dinala ni Dexter Park.
     
      
    
 
Palagi akong nasa office ni Grandpa para hanapin ang kasagutan kung saan nila dinala ito at itinago. Ilang beses na rin kami nagbabantay sa mga tauhan ni Dexter Park pero palpak din naman lahat dahil wala pa rin kaming makuhang impormasyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na ako makakain ng maayos sa nangyayari.
     
      
    
 
Sinubukan ko na kausapin si Ethan dahil baka sakali na alam n'ya kung saan dinala si Grandpa Gino pero hindi pa rin ito makausap ng maayos. Hindi na rin tumatalab dito ang gamot na ibinibigay ni Tito Hans sakanya kaya napagkasunduan muna namin s'yang ikulong na muna sa isang kwarto kahit na mahirap para sakin gawin 'yon wala akong choice dahil hindi ko rin s'ya pwede ibalik kay Dexter Park. Hindi pa sa ngayon.
     
      
    
 
"Young Lady."
     
      
    
 
Tumigil ako sa pag scroll dahil sa boses ni Vince kaya napalingon ako rito. Nagtaka ako dahil nakita ko s'yang may hawak na kahon.
     
      
    
 
"Ano 'yan?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Inabot lang sa akin ng guard para ipaabot sayo." Inilagay n'ya ang kahon na 'yon sa table kaya tumayo ako para silipin ang nilalaman ng kahon.
     
      
    
 
"Hindi ako sigurado pero mukhang galing ito kay Dexter Park." Muli kong tinignan ang kahon.
     
      
    
 
Ano nanaman bang nakalagay rito? Patay na daga o baka naman patay na ipis? Ilang hayop pa ba ang balak nilang patayin? Binuksan ko ang kahon, bumungad sa aming dalawa ang red velvet cake. May card na nakalagay sa gilid ng box kaya kinuha ko ito dahil napansin ko ang nakasulat dito.
     
      
    
 
"Isang buhay maraming kapalit. Dugo aagos sa sahig, maghanda upang magwagi." basa ko sa nakasulat. "Ngayon, nasisiguro ko na galing nga kay Dexter Park ang cake na ito."
     
      
    
 
"Bakit naman n'ya tayo binigyan ng cake?"
     
      
    
 
"Papuntahin mo ang lahat ng gangsters group dito. Kailangan ko silang makausap." Agad siyang tumango sakin at tumakbo palabas.
     
      
    
 

Kinuha ko ang kahon na 'yon para silipin ang gilid nito. Napansin kong may isang papel na nakadikit dito kaya kinuha ko ito at binuklat.
 

   
      
    
 

Kung gusto mo pang makitang buhay ang lolo mo. Pumunta kayong lahat mamaya sa Galaxy Academy. 8:00 pm. See you soon, Bharbie!

- Dexter Park
 

   
      
    
 
Agad akong nagpunta sa bintana at sinilip ang nasa gate. Nakita ko rito si Simon. Mukhang inaasahan nito ang pagsilip ko sa bintana dahil kumaway muna ito sakin bago s'ya tuluyang sumakay sa kotse at umalis.
     
      
    
 
"Good morning, Young lady!" Agad akong napalingon sa gangsters group na kararating lang ngayon kaya isinara ko na ang kurtina ngbintana at muling bumalik sa pwesto ko kanina.
     
      
    
 
"Buti naman nandito na kayo. Bawat grupo magsama sama." Sinunod naman nilang lahat ang utos ko. Tinignan ko sila isa isa para malaman kung may kulang ba sa kanila.
     
      
    
 
"Asan si Zach?" tanong ko dahil hindi ko ito nakita.
     
      
    
 
"Umalis siya kaninang umaga. Hindi namin alam kung saan siya pumunta."
     
      
    
 
"Okay. Magsisimula na ako." Napabuntong hininga muna ako bago nagsalitang muli. "Kaya ko kayo pinapunta rito dahil may isang death threat nanaman akong natanggap galing sa GA Gangs. Binigyan nila tayo ng isang kasunduan. Kung gusto raw natin mailigtas si Grandpa kailangan natin pumunta sa Galaxy Academy mamayang gabi. Hindi ako sigurado sa mga posibilidad na mangyari pero nakasalaylay ang buhay ni Grandpa rito at maging buhay natin."
     
      
    
 
"Pero hindi pa tayo handa na harapin ang ganitong laban dahil ang iba sa atin hindi pa gaano sanay sa paggamit ng sandata." sabi ni Sam sabay lingon kay Danica.
     
      
    
 
"Don't worry, kaya ko naman lumaban." sabi ni Danica.
     
      
    
 
"Hindi ka sasama, Danica." Napalingon ito sakin.
     
      
    
 
"Ate Bharb, mas okay na sumama ako sainyo kesa tumunganga lang dito. Kahit na mapahamak ako ayos lang basta maligtas natin si Grandpa."
     
      
    
 
"Hindi kita pwedeng isama. Bukod sa hindi mo pa kaya, kailangan mo bantayan si Grandma Jane ngayon sa mansion. Mas mabuti kung nandoon lang kayong dalawa. Mahigpit naman ang security sa mansion kaya alam kong safe kayo doon. Wag mo ng ipilit pa na isama ang sarili mo mamayang gabi dahil mahihirapan ka lang."
     
      
    
 
Umiwas lang s'ya ng tingin sakin at walang nagawa dahil sa mga sinabi ko. "Walang kasiguraduhan kung makakabalik pa tayong lahat ng buhay sa academy kaya kung hindi n'yo kayang sumama, malaya kayong humindi. Nasa inyo ang desisyon kung sasama kayo sa amin mamayang gabi. Hindi ko kayo pipilitin kung hindi pa kayo ready."
     
      
    
 
Tumingin lang sila sakin at mukhang pinagiisipan ang mga desisyon. "Marami pang oras at mayroon pa kayong anim na oras para pag isipan ang magiging desisyon n'yo. Dismissed."
     
      
    
 
Pinalabas ko na silang lahat sa office para makapagisip isip na rin ako sa gagawin namin mamayang gabi. Napabuntong hininga ako bago umupo at tinitigan ang cake na nasa table ngayon. Mayamaya, biglang tumunog ang phone ko kaya napalingon ako rito. Kinuha ko ito at bumungad ang pagmumukha ni Zach.
     
      
    
 
"Napatawag ka?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Pumunta ka sa dorm ko."
     
      
    
 
"Huh? Ano naman gagawin ko dyan?"
     
      
    
 
"Pumunta ka nalang kailangan pa bang magtanong?"
     
      
    
 
"May gagawin pa ako. Ikaw nalang ang magpunta rito sa office ni Grandpa dahil may importante akong sasabihin sayo ngayon."
     
      
    
 
"Pupunta ka o pupunta ka?" Halata sa boses nito ang pagkairitado kaya wala na akong nagawa kundi umirap nalang.
     
      
    
 
"Okay fine. I'm coming!" Pinatay ko na ang linya at agad na umalis sa office. Malapit lang naman ang office ni Grandpa sa secret dorminatory kaya mabilis akong nakarating. Agad kong pinindot ang doorbell at mabuti nalang dahil binuksan n'ya rin ito kaagad.
     
      
    
 
"Ano bang trip mo at pinapunta mo ako? May meeting tayo kanina pero hindi ka manlang pumunta."
     
      
    
 
"Galing kasi akong mall kanina para sunduin ang batang 'yon na adik na adik sa ice cream." sabi niya sabay turo sa batang kumakain ng ice cream sa kusina. Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil nakita ko ang batang ito.
     
      
    
 
"Hello Ate Bharb!" masayang bati nito sa 'kin kaya mabilis akong lumapit papuntang kusina.
     
      
    
 
"Sky..." Paulit ulit kong pinisil ang ilong nito.
     
      
    
 
"Noona. Stop pinching my nose!" angal niya at agad na lumayo sa 'kin. Napapout nalang ako sabay lingon kay Zach.
     
      
    
 
"Why? Hindi ko yan tinuruan!"
     
      
    
 
"Bakit mo nga pala sinundo ang batang 'yan?"
     
      
    
 
"Napapansin ko kasi na parami na ng parami ang mga problema mo kaya gusto kong bawasan 'yon kahit na ngayong araw lang na kasama mo kaming dalawa. Right Sky?" sabi ni Zach sabay lingon kay Sky.
     
      
    
 
"Yes! Ang sabi rin ni Kuya Zach tuturuan n'ya tayo mag bake kaya pumayag ka na please?" Ngumiti lang ako dahil sa pag-pout nito sakin.
     
      
    
 
"Wala naman na siguro akong dapat ikatanggi pa diba?" Nag-apir lang silang dalawa. Napailing nalang ako dahil sa mga inasta nila.
     
      
    
 
Vince's point of view.
     
      
    
 
Umiinom lang ako sa rooftop habang pinagiisipan kung dapat pa ba akong magpaalam sa pamilya ko o hindi na dahil hindi naman na nila ako inaalala pa. Isa pa, kahit naman may mangyari sa aking masama wala silang pakialam. Mas mahalaga pa rin para sa kanila ang pagpapatakbo ng kompanya kesa sa anak nila.
     
      
    
 
"Dude. Are you okay?"
     
      
    
 
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kurt na may hawak na dalawang bote ng beer.
     
      
    
 
"Halata bang problemado ako ngayon?" Kinuha ko ang beer na hawak niya at ininom 'yon.
     
      
    
 
"Wag kang mag-alala karamay mo 'ko." sabi niya sabay inom ng beer.
     
      
    
 
"Ang malas talaga natin sa pamilya." walang gana na sabi ko habang pinapanood ang mga estudyante na naglalakad sa hallway.
     
      
    
 
"Bakit hindi mo nalang kaya samahan ang taong iyon kesa mag-emote ka rito?" sabi ni Kurt sabay turo sa baba.
     
      
    
 
Nilingon ko ang babaeng tinuturo n'ya at tinitigan ko ito ng mabuti. Si Abby pala ang babaeng 'yon. "Ang ganda n'ya talaga." bulong ko. Mukhang narinig ni Kurt ang sinabi ko dahil narinig ko ang tawa nito.
     
      
    
 
"Bakit kase hindi mo aminin 'yang nararamdaman mo? Tutal ilang taon na rin naman kayong magkakilala." Hindi ko inintindi ang sinabi n'ya dahil napansin ko si Abby na inaayos ang takong ng sapatos n'ya. Mukhang nasira yata ang sapatos nito. Uminom muna ako ng beer sabay tapon nito sa gilid.
     
      
    
 
"Sino ba kase nagsabi na magtakong siya?" inis kong sabi. Tinapik ko na muna ang balikat ni Kurt bago tumalikod sakanya.
     
      
    
 
"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong nito kaya napalingon muli ako sakanya.
     
      
    
 
"May tutulungan lang ako." Napailing lang s'ya sakin kaya agad na ako naglakad pababa ng rooftop. Pagdating ko sa ground floor, pumunta ako sa counter at nakita ko si Katie doon.
     
      
    
 
Lumapit ako rito at nginitian s'ya. "Hi Katie!"
     
      
    
 
"Hello Vince!" bati nito sakin pabalik.
     
      
    
 
"Meron ka bang extrang sapatos dyan? Kahit sandals ayos na." Mukhang magkasize naman sila ni Abby kaya siya nalang ang pinuntahan ko.
     
      
    
 
Ayoko na rin kase istorbohin pa sila Candice at Bharb para lang sa sapatos. Sigurado akong aasarin lang nila ako kay Abby.
     
      
    
 
"Uhm, yes! Here!" Inabot n'ya sakin ang isang box at mukhang bago lang ito. "Kakabili ko lang n'yan pero mali kase size na nakuha ko baka magkasya sakanya kaya ito nalang ang ibigay mo." Binuksan ko ang box at bumungad ang isang pares ng sandals. Color pink ito at mukhang hindi masakit sa paa kapag gagamitin. Nginitian ko si Katie.
     
      
    
 
"Thank you Katie!" Kinuha ko na ang sandals at tuluyang lumabas. Agad akong lumapit kay Abby na hanggang ngayon namomoblema pa rin sa takong n'ya. Lumuhod ako sa harap n'ya para tanggalin ang sapatos. Inalis ko ang kamay n'ya doon kaya napatingin s'ya sa 'kin.
     
      
    
 
"Anong ginagawa mo?" rinig kong tanong nito.
     
      
    
 
"Tinutulungan ka." walang ganang sagot ko. Sinuot ko sa kanya ang sandals na binigay ni Katie. Mabuti nalang dahil saktong sakto ito sa paa n'ya.
     
      
    
 
"Saan mo nakuha 'yan? Sa mga babae mo?"
     
      
    
 
"Wag ka na magtanong, pwede? Alam mo bang sa dinarami rami na pwede kong pagtuunan ng pansin. Ikaw pa ang napili ko?" Umiwas ako ng tingin sakanya dahil sa hiya.
     
      
    
 
"I'm sorry. Nabigla lang kasi ako. Bakit ka pa kasi nandito? May pamilya ka pa naman. Bakit di mo sila puntahan?"
     
      
    
 
"Parang hindi mo naman kilala ang pamilya ko. Alam mo na mas importante sakanila ang kompanya namin kesa sa buhay ko." Tumalikod na ako rito dahil alam ko na kung saan mapupunta ang usapan naming dalawa.
     
      
    
 
Maglalakad na sana ako palayo pero hinawakan niya ang kamay ko. "Vince! Ano ka ba naman!" Tinignan n'ya ako ng masama kaya napakunot ang noo ko rito.
     
      
    
 
"Ano bang pakialam mo kung hindi ko sila pupuntahan? Wala ka naman na pakialam sa mga tao diba? Kaya hayaan mo na akong gawin ang gusto kong gawin."
     
      
    
 
"Mabuti ka nga may pamilya ka pa e! Hindi ka katulad ko na nag-iisa rito sa mundo. Hindi ka katulad ko na lumaki na walang kasama. Hindi mo ba alam na sobrang swerte mo dahil nandyan pa sila at pwede mo pang mayakap o makausap? Pwede pa silang humingi ng tawad sayo. Pwede pang magbago ang lahat. Paano kung tuluyan na silang mawala sayo? Paano kung talikuran ka na nila ng tuluyan? Alam mo bang naiinggit ako sa mga katulad mo. Naiinggit ako kase may pamilya pa kayo na makakausap at mahahagkan pero ako ni isa sa mga pamilya ko hindi ko na kailanman makikita at makakasama dahil wala na ang mga parents ko. Ganon ka kaswerte alam mo ba 'yon?"
     
      
    
 
Bigla akong natulala sa sinabi ni Abby. Napansin ko na tumulo ang mga luha sa mga mata nito kaya agad ko itong nilapitan dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon.
     
      
    
 
"I'm sorry." Ako na ang nagpunas ng luha nito. "B-Bakit ka ba umiiyak? Tumigil ka na nga baka kung ano pa isipin ng mga tao rito sa paligid. Nakakahiya!"
     
      
    
 
"Naiiyak ako kase napakatanga mong anak! Tinitiis mo lang palagi ang pamilya mo! Alam ko naman na hindi nila kaya na wala ka sa buhay nila. Ang selfish mo!"
     
      
    
 
"Okay, pupuntahan ko na sila. Wag ka na umiyak." Tinakpan ko ang mukha nito dahil alam kong ayaw n'ya na pinagtitinginan ng mga tao. "Pero samahan mo ako. Hindi ko kase kayang harapin sila mag-isa ngayon."
     
      
    
 
Hindi ako sinagot nito at humikbi lang. Hinayaan ko muna s'ya kumalma bago ko alisin ang mga kamay ko sa mukha n'ya. Napangiti lang ako sa sobrang cute n'ya ngayon. Karamihan sa mga gangsters group hindi alam na matagal na kaming magkakilala ni Abby at close rin ito sa pamilya ko noong bata palang kami pero nawala ang closeness namin simula nung pumasok kami rito sa Journal Academy.
     
      
    
 
Siya ang unang umiwas sa akin at hindi ko alam ang dahilan kung bakit n'ya ako nagawang talikuran pero habang tumatagal pinipilit kong ibalik lahat ng 'yon dahil lahat ng mga pinagdaan n'ya noon ay ako ang kasama n'ya kaya hindi ko kaya na basta basta lang itapon lahat ng 'yon.
     
      
    
 
Gaya ng sabi ko, sinamahan n'ya ako papunta sa bahay namin sa Makati. Ilang buwan din ako hindi nakabisita rito at wala pa rin pinagbago. Tahimik pa rin s'ya hanggang ngayon kaya alam kong wala silang dalawa rito. Noong bata palang ako palaging tahimik sa bahay namin dahil laging wala ang mga magulang ko.
     
      
    
 
Ako lang at ang mga katulong ang nandito. Minsan kasama ko sa paglalaro sila Zach kasama namin si Abby pero kapag umaalis sila ay bigla nalang din tatahimik ang buong mansion. Nakakalungkot lang isipin na hanggang ngayon ganito pa rin ang sitwasyon dito kaya nakakawalang gana talaga na balikan ulit ang bahay na ito.
     
      
    
 
"Halika. Pumasok na tayo." aya ni Abby. Pinigilan ko ito dahil papasok na ito kaagad sa loob.
     
      
    
 
"Parang walang tao sa loob kaya mabuti siguro kung sa susunod nalang tayo bumisita ulit."
     
      
    
 
"Haish! Meron 'yan, ano ka ba? Tara na!" Hindi na ako nakapalag pa dahil hinatak na ako nito papasok sa loob. Nakita ko sa salamin ang pagbaba ni Manang Lena sa hagdan at mukhang s'ya ang magbubukas ng pinto.
     
      
    
 
Halata sa itsura nito ang pagkagulat nang makita n'ya ako kaya ngitian ko lang ito. "Young Master! Mabuti naman po bumisita na kayo! Jusko! Ang gwapo n'yo pa rin! Siguradong matutuwa ang mommy mo nito!" sabi ni Manang Lena. Ngitian ko lang s'ya. "Ay! Ma'am Abby? Ikaw na ho ba 'yan? Bata pa po kayo noong huli tayo nagkita. Napakaganda n'yo po talaga!"
     
      
    
 
"Nasaan po sila Mommy?" tanong ko rito. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Manang at mukhang nabahala dahil sa tanong ko.
     
      
    
 
"Nasa itaas lang s'ya. Alam mo bang ilang araw na itong hindi kumakain. Nag-aalala kase ang mommy mo sayo. Hindi n'ya alam ang gagawin n'ya kung paano ka pababalikin dito sa mansion kaya nagpapasalamat ako dahil bumalik ka na."
     
      
    
 
Inaya kami ni Manang Lena umakyat dahil nasa kwarto raw nakakulong palagi si Mommy. Hindi ko alam na ganito na pala kalala ang sitwasyon n'ya sa loob ng mansion.  "Pumasok po kayo, Young master." sabi ni Manang Lena. Tinignan ko lang si Abby bago tuluyang pumasok sa loob.
     
      
    
 
Nang makarating kami sa harap ng pinto, nakita ko kaagad sila ni Daddy. Pinipilit s'ya nitong pakain pero mukhang ayaw n'ya talaga. Mas tumanda ang itsura ni Mommy kesa dati. Pansin ko kase na mas pumayat ito. Nagulat ako ng tapikin ako ni Abby at ngumuso kila Mommy.
     
      
    
 
"Sige na! Lapitan mo na!" bulong na sabi niya.
     
      
    
 
"I can't..." Tinaasan n'ya lang ako ng kilay kaya napabuntong hininga nalang ako. Dahan dahan ako pumasok sa kwarto ni Mommy at mukhang napansin n'ya ako kaagad dahil napalingon ito sakin.
     
      
    
 
"Oh my ghod! Vince, anak!" Napalingon si Daddy sakin dahil sa sinabi ni Mommy.
     
      
    
 
Agad tumayo si Mommy at tumakbo papalapit sakin. Naramdaman ko ang higpit ng mga yakap n'ya sakin. Dahan dahan ko tinapik ang likod nito dahil narinig ko ang paghikbi n'ya.
     
      
    
 
"Thank god! You're back!" Humagulgol ito habang nakayakap sakin. Napansin kong nakatingin na rin sa aming dalawa si Daddy. Ngumiti lang s'ya sakin at tumango. "Anak ko! Patawarin mo 'ko sa lahat ng pagkukulang ko sayo."
     
      
    
 
Sa tuwing nagsasalita s'ya nararamdaman ko ang pagpatak ng luha n'ya sa damit ko. Hinayaan ko lang ito na umiyak habang inilalabas ang sama ng loob n'ya. Naguilty ako bigla dahil mas inisip ko ang nararamdaman ko kesa sa nararamdaman nilang dalawa. Napakaselfish ko pala talagang anak. 
     
      
    
 
"Kumusta nga pala ang pag-aaral mo sa Journal Academy, anak?" tanong ni Daddy habang nasa kalagitnaan kami ng hapagkainan.
     
      
    
 
Niyaya na kase nila kami na kumain dahil sinabi ni Mommy na ipagluluto n'ya kami ng makakain namin at habang kumakain hindi ko maiwasan na matuwa dahil matagal ko rin hindi natikman ang luto ni Mommy.
     
      
    
 
"Ganon pa rin naman po." sagot ko.
     
      
    
 
"Abby, anak. Kumain ka pa, okay? Masarap 'yan. Mabuti naman dahil hanggang ngayon ay magkasundo pa rin kayong dalawa." sabi ni Mommy.
     
      
    
 
"Paano mo natiis na makasama ang anak namin?" nagbibirong sabi ni Daddy kaya natawa ako rito.
     
      
    
 
"Actually, mahirap po talaga intindihin ang anak n'yo pero mahalaga na rin talaga sakin si Vince kaya hindi ko po s'ya talaga magawang iwan." sabi ni Abby na ikinalingon ko sakanya.
     
      
    
 
Hindi naman talaga s'ya nagsisinungaling dahil kahit nagawa n'yang iwasan ako noon. Hindi pa rin n'ya talaga ako magawang iwan ng tuluyan.
     
      
    
 
"Siya rin po talaga ang nagpumilit sakin na pumunta rito. Sa totoo lang, hindi ako pumayag pero sadyang malakas talaga si Abby sa akin kaya wala akong nagawa kundi pumayag. Alam mo kung gaano kalakas ng babaeng 'to sakin, Dad!"
     
      
    
 
Natawa lang sakin si Daddy habang si Mommy ay nakatingin sa akin. "Mom, kumain pa po kayo. Nangayayat na po kayo ng sobra dahil sa stress."
     
      
    
 
Nilagyan ko pa ng ulam ang plato n'ya. "Masaya ako dahil magkakasama tayong lahat ngayon. Dalasan n'yo ang pagdalaw n'yo ni Abby rito ha?"
     
      
    
 
"Sure ma." Nilingon ko muli si Abby at inakbayan ito. "Alam niyo naman po siguro na hindi ako matitiis ng babaeng 'to dahil bata palang kami gustong gusto na n'ya ako." masayang sabi ko.
     
      
    
 
Napaurong ako dahil bigla niya akong siniko kaya napabitaw ako ng pag-akbay sa kanya. Grabe talaga pagka-amazona nito. "Noon po 'yon. Bata palang ako ng mga araw na 'yon at hindi ko pa po alam ang pinagkaiba ng matino sa playboy." sabi n'ya kaya tinignan ko ito ng masama.
     
      
    
 
"Tama na 'yan. Magkapikunan pa kayong dalawa. Ano ba ang ipinunta niyo ritong dalawa?" tanong ni Daddy.
     
      
    
 
"Gusto ko lang po sana magpaalam sa inyo dahil mamayang gabi po gaganapin ang pagsugod namin sa GA Gangs dahil kailangan namin iligtas si Emperor." sabi ko dahilan ng pagkagulat ni Mommy.
     
      
    
 
Mayroon na silang alam sa mga nangyari sa Journal Academy noon dahil naging m'yembro rin si Mommy ng JA Gangs noon pero inilipat s'ya ng lola ko ng eskwelahan dahil masyado itong mapanganib kaya hindi n'ya na naabutan pa ang mission na ginanap noon. Nagpapasalamat nalang din ako dahil hindi kasama si mommy sa nangyari noon.
     
      
    
 
"Anak naman. Wag ka na sumama sa mission na 'yan. Alam mo naman delikado diba?" nag-aalalang sabi ni Mommy.
     
      
    
 
"Nangako na ako sa kanilang lahat na lalaban ako. Wag po kayong mag-alala dahil uuwi rin naman po ako rito ng ligtas. Kayang kaya namin ang laban na ito." Hinawakan ko ang kamay ni Mommy para hindi na ito mangamba pa.
     
      
    
 
"Vince. Tama si Tita. Sa tingin ko mas mabuting wag ka nalang muna sumama mamayang gabi." Biglang sabi ni Abby kaya napalingon ako rito.
     
      
    
 
"Bakit naman? Ayaw mo bang tulungan kita sa paghihiganti mo?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Ayoko kase na mapahamak ka at may malaman tungkol sakin." Naguluhan naman ako sa sinabi nito. Binitawan ko ang mga kamay ni Mommy at nilingon si Abby. Nakatitig lang s'ya sa mga mata ko kaya kitang kita ko ang takot na nararamdaman n'ya ngayon.
     
      
    
 
Hindi ko pa rin magawang umiwas ng tingin sa kanya dahil ramdam kong may tinatago s'ya sa akin at gusto n'ya itong sabihin pero may bagay na nagpipigil dito. Matagal ko ng kilala si Abby at kapag may nagbabago sa kilos n'ya isa lang ang ibig sabihin non. May tinatago s'ya o may nagawa itong kasalanan. Ang mga ngiti n'ya ngayon. Iba sa mga ngiti n'ya noon. Ayun ang nakakapagtaka.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Tatlong oras na rin ang nakalipas simula ng dalhin ni Zach dito si Sky. Marami na rin kaming nagawa. Nakapanood ng movies na iba't ibang genre like cartoons, action, horror tapos naisipan din namin kumain ng ice cream at maglaro. Wala rin silang ginawa kundi magharutan at dahil sa pagod nagutom kami kaya nagluto si Zach ng makakain namin ngayon.
     
      
    
 
"Yey! My favorite food!" masayang sabi ni Sky habang hawak hawak n'ya ang tinidor at kutsara. Halatang takam na takam na s'ya sa pritong manok na niluto ni Zach.
     
      
    
 
"Kumain ka na alapaap tapos mamaya pupunta tayong ospital. Doon ka namin ihahatid ni Ate Bharbie mo." sabi ni Zach.
     
      
    
 
"Pupunta po tayo kay uncle?" masayang sabi ni Sky.
     
      
    
 
"Oo kase hindi ka pwedeng mag stay rito dahil marami pa kaming ginagawa ni Kuya Zach mo kaya sila Uncle Steve mo muna ang magbabantay sayo ngayon."
     
      
    
 
Tumango lang s'ya samin. Pinanood ko nalang muna si Sky habang kumakain. Ayoko siyang madamay sa gulo kaya hangga't maaari ilalayo ko muna s'ya kila Dexter Park. After namin kumain, agad agad kaming nagtungo sa ospital. Hindi naman masyadong malayo ang ospital kaya agad agad kaming nakarating doon.
     
      
    
 
Naabutan namin si Kuya Steve na pinapakain ni Ate Lucy ng lugaw ngayon. "Nakakaistorbo ba kami?" tanong ni Zach. Napailing lang si Kuya bago ngumisi.
     
      
    
 
"Uncleeeee!" sigaw ni Sky at agad na tumakbo palapit kay Kuya. Agad s'yang binuhat ni Zach para tulungan ito na ipatong sa lap ni Kuya.
     
      
    
 
"Kumusta ang napakakulit kong pamangkin?" tanong ni Kuya Steve.
     
      
    
 
"Ayos lang naman po ako. Ikaw po?"
     
      
    
 
"Ayos lang naman si Uncle kasi nandito si Auntie Lucy." pabulong na sabi ni Kuya pero rinig na rinig naming lahat kaya agad s'yang hinampas ni Ate Lucy dahil sa kahihiyan.
     
      
    
 
"Umayos ka nga!" sabi ni Ate lucy kaya natawa kaming dalawa ni Zach.
     
      
    
 
"Bakit? Nagbibiro lang naman." sabi ni Kuya habang hinihimas ang braso n'ya na pinalo ni Ate Lucy.
     
      
    
 
"Teka lang! Ano bang ginagawa n'yo ritong dalawa?" tanong ni Ate Lucy.
     
      
    
 
"Gusto lang sana namin magpaalam." sabi ni Zach. Halata sa itsura nila ang pagtataka dahil sa sinabi nito.
     
      
    
 
"Gusto namin bago kami umalis mabilinan muna namin kayo kay Sky. Mamayang gabi na kasi kami pupunta sa Galaxy Academy kaya hindi namin masisiguro kung makakabalik pa kami rito. Gusto ko rin na kapag may nangyari man samin dalawa ni Zach wag niyong pabayaan si Sky."
     
      
    
 
"Teka! Handa na ba talaga kayo?" nag-aalalang tanong ni Kuya Steve.
     
      
    
 
"Matagal na kaming handa sa laban na ito kaya wala na kaming magagawa kundi harapin si kamatayan." nagbibirong sabi ni Zach. Agad siyang binatukan ni Ate Lucy. Natawa ako dahil doon.
     
      
    
 
"Bharbie. Alam mong hindi ko kakayanin na sumama ngayon dahil hindi pa ako ganon kagaling. Hindi rin ako papayag na basta ka nalang umalis na hind---" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Kuya dahil nandito si Sky.
     
      
    
 
"Ayos lang ang lahat. Trust me. Gusto kong gawin ang lahat mailigtas lang si Grandpa." Ito lang ang tanging nasabi ko. Umiwas lang ng tingin si Kuya at mukhang hindi pa rin ito pumapayag na umalis ako mamayang gabi pero wala s'yang nagawa kundi hayaan nalang ako.
     
      
    
 
"Ate, bakit po parang namamaalam kayo?" tanong ni Sky kaya nilapitan ko ito. Hinagod ko ang buhok n'ya. 
     
      
    
 
"Pwede mo bang ipangako sa akin na hinding hindi ka magpapasaway sakanila?"
     
      
    
 
"Hindi naman po ako naging pasaway e!" Natawa ako sa sinagot nito at dahan dahan tumango.
     
      
    
 
"Pwede mo rin bang ipangako kay Ate Bharb na hinding hindi mo wawalain ulit ang kwintas na 'yan?" Tumango ito sakin.
     
      
    
 
"Pangako po."
     
      
    
 
"Good to hear that."
     
      
    
 
"Saan po ba kayo pupunta ni Kuya Zach?"
     
      
    
 
Lumapit din naman sa tabi ko si Zach at hinarap si Sky. "Pupunta kami sa disneyland."
     
      
    
 
"Maganda po doon diba? Hindi po ba ako pwedeng sumama doon? Gusto ko rin pong makapunta sa disneyland." sabi ni Sky.
     
      
    
 
"Sa susunod isasama ka namin sa disneyland pero sa ngayon kami na muna ni Ate Bharbie ang pupunta at maiiwan ka muna kila Uncle Steve." sabi ni Zach.
     
      
    
 
"Okay po pero babalik naman po kayo agad diba?" tanong n'ya ulit. Tumango si Zach dito. "Oo naman babalik kami." sabi ni Zach. Ngumiti lang ako rito.
     
      
    
 
Tinitigan ko ng matagal si Sky habang kinakalikot nito ang kuko n'ya. Pwede kase na ito na ang huling araw na makikita ko s'ya kaya gusto kong alahanin ang bawat anggulo ng mukha n'ya.
     
      
    
 
"Goodbye, Mommy Bharb!" Nagulat ako nang tawagin akong mommy ni Sky habang papasok kami ng elevator ni Zach kaya nilingon ko ito.
     
      
    
 
"Goodbye, Sky!" Nginitian ko ito at kinawayan hanggang sa magsara na ang elevator.
     
      
    
 
Dexter's point of view.
     
      
    
 
Hindi na ako makapag-antay dahil ilang oras nalang ang natitira darating na ang mga bisita namin. Gusto ko na makita na isa isa silang namamatay sa harap ko mamayang gabi. Nagkamali sila ng binangga muli. Hindi ako papayag na makaganti sila sa nagawa ko noon.
     
      
    
 
"Master, nailipat na po namin lahat sa kabilang eskwelahan ang mga inuutos n'yo." sabi ni Jinro.
     
      
    
 
"Yung mga bomba?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Nailagay na rin po namin sa bawat sulok ng academy." sabi ni Dennis.
     
      
    
 
"Good work boys! Antayin n'yo nalang ang signal ko mamayang gabi." Tumango lang sila sakin.
     
      
    
 
"Asan sila Desiree at Simon?" Kanina ko pa hindi nakikita ang dalawang 'yon.
     
      
    
 
"Hindi po namin alam. Ang sabi nila samin may pupuntahan silang dalawa. Hindi nila sinabi samin kung saan."
     
      
    
 
"Kahit kelan yung dalawang iyon mga walang pakinabang. Sige na, lumabas na kayo!" Nang makalabas na silang dalawa tinignan ko nalang ang picture ni Bharbie. Sisiguraduhin kong walang matitira sa inyong lahat patatahimikin ko na kayo para wala ng humadlang pa sa mga pinaplano ko.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Nagtaka ako dahil hininto ni Zach ang sasakyan sa tapat ng park. Usapan namin na deretso na kami sa Journal Academy dahil padilim na ng padilim. Nauna itong bumaba sa sasakyan at binuksan ang pinto ng passenger seat kung saan ako nakaupo.
     
      
    
 
"Bakit tayo nandito?" takang tanong ko rito.
     
      
    
 
"Maaga pa naman. Magpalipas muna tayo ng ilang minuto rito." sabi n'ya sakin kaya tumango lang ako sakanya. Bumaba na ako ng sasakyan at s'ya na ang nagsara ng pinto.
     
      
    
 
Tumungo kami sa may seasaw at naisipan na maupo ron. Hindi ako mapakali dahil iniisip ko pa rin ang mga mangyayari mamayang gabi. Lalong lalo na si Grandpa. Hindi talaga s'ya mawala sa isip ko dahil hindi ko alam kung okay lang ba s'ya. Kung pinapakain ba s'ya ng maayos ni Dexter Park. Gusto ko na talaga makita ang lolo ko. Gustong gusto ko na s'ya mabawi sa kanila.
     
      
    
 
"Ang lalim nanaman ng iniisip mo." sabi ni Zach. Bumalik ako sa katinuan dahil dito.
     
      
    
 
"Ilang oras nalang pupunta na tayo sa Galaxy Academy kaya hindi ako mapakali dahil parang may nakabara sa dibdib ko ngayon. Sobrang kinakabahan talaga ako." Tumayo ito sa seasaw at lumuhod sa harap ko.
     
      
    
 
"Sisiguraduhin ko na walang mapapahamak na kahit sino man sainyo. Maililigtas natin si Emperor at makakabalik tayong lahat dito. Pangako 'yan." pagpapakalma n'ya pero hindi pa rin talaga nawawala ang bigat sa dibdib ko ngayon.
     
      
    
 
"Paano kung maulit muli ang nangyari noon? Paano kung may mamatay? Paano kung may mga masaktan? Hindi ko gugustuhin mangyari 'yon lalo na kung isa sa mga gang natin ang mapahamak."
     
      
    
 
"Maging ako kinakabahan sa mga posibleng mangyari pero hindi tayo dapat magpalamon sa takot at kaba na nararamdaman natin. Kailangan natin maging matatag dahil sigurado ako na maisasagawa natin ang laban na 'yon kung magiging positibo tayong dalawa." sabi ni Zach.
     
      
    
 
Bumuntong hininga s'ya at yumuko. May nilabas itong box. Binuksan n'ya ito sa harap ko at nakita ko ang singsing.  Nagpopropose ba siya sakin ngayon?
     
      
    
 
"Alam kong hindi ito ang tamang oras para gawin itong proposal. Sa totoo lang maging ako kinakabahan sa mga mangyayari kaya naisip ko na gawin itong proposal para kung sakali man na may mangyari sa akin, naipakita ko sayo kung gaano ako kaseryoso sa ating dalawa." Ngumiti ito sakin at pinunasan ang luha sa mga mata n'ya.
     
      
    
 
"Alam mo noong una kitang makita hindi na maalis sa isip ko ang itsura mo. Sobrang ganda mo kase noong araw na 'yon. Mas lalo akong namangha dahil sa katapangan mo kaya naisip ko na pagtripan ka at gaya ng inaasahan ko hindi mo ako basta hinayaan lang sa pantitrip ko sayo at nilabanan ako hanggang sa napansin ko na unti-unti na pala akong nahuhulog kaya niyaya kita bilang girlfriend ko. Ang buong akala ko hindi mo sasakyan ang trip ko pero mukhang ginusto mo rin naman yatang maging girlfriend ko kaya 'di ka na tumanggi pa." Napapokerface ako dahil sa huling sinabi nito.
     
      
    
 
"Hindi na kita naligawan dahil ayon lang ang paraan ko para maging girlfriend ka. Noon palang naghihinala na ako sayo at naisip ko na ikaw ang young lady na hinahanap namin pero dumating si Denise kaya akala ko nagkamali ako. Noong araw na umalis ka narealize ko na hindi ko na pala kaya na wala ka sa tabi ko. Nalaman ko pa kay Kurt na ginamit mo lang ako para maging top student. Hindi naman ako kaagad naniwala sa sinabi n'ya dahil gusto kong marinig 'yon mula sayo kaya noong araw na nagkita tayo sa isang mall, tuwang tuwa ako pero hindi ko inaasahan ang mga lumabas sa bibig mo hanggang sa dumating ang araw na ipinakilala mo ang sarili mo bilang young lady. Doon ko narealize na hindi mo mga talaga ako ginamit para maging top student ka rito sa academy dahil mataas na talaga ang posisyon mo kaso mas pinili ko pa rin ang mainis sayo dahil itinago mo sakin lahat ng 'yon. Hindi ko na rin naman napigilan ang sarili ko dahil nakita na kitang nasasaktan. At ngayon, sasabak nanaman tayo sa panibagong mission. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Hindi ko rin alam kung magiging successful ang mga plano natin." Tinignan niya ang kahon na hawak niya. Ngumiti s'ya sa akin at muling nagsalita.
     
      
    
 
"Bharbie, alam kong marami pa tayong dapat na pagdaanan pero natatakot kase ako na mawala ka sakin at mawala ako sayo." Ramdam ko ang kaba na nararamdaman n'ya dahil nanginginig ang mga boses nito. "Will you please take my hand and be the person who I want to grow old with my life forever? Will you marry me?"
     
      
    
 
Hindi ko magalaw ang mga kamay at paa ko. Ni hindi rin ako makapagsalita. Nagulat ako dahil sa pagbukas ng mga ilaw sa paligid. Napakaganda.
     
      
    
 
"Bharb..." Ngumiti ako rito at tumango. "Yes, Zach! Of course! I will marry you!" Niyakap ko s'ya dahil sa tuwa. Agad din naman akong bumitaw sa yakap naming dalawa. Kitang kita ko ang saya sa mga mata n'ya habang sinusuot n'ya sakin ang singsing.
     
      
    
 
"I love you bazy."
     
      
    
 
"I love you more bazy."
     
      
    
 
Mas lalong nadagdagan ang rason kung bakit gusto ko mapagtagumpayan ang mission na ito. Hindi kami pwede mabigo mamayang gabi laban kila Dexter Park.
     
      
    
 
Buhay laban sa kamatayan.

Liwanag laban sa kadiliman.

Kabutihan laban sa kasamaan.
     
      
    
 
Ito na ang simula ng laban namin para sa kalayaan ng lahat. Lalaban ako kahit kamatayan pa ang maging kapalit nito dahil ayon ang tungkulin ng isang young lady na katulad ko.
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon