Chapter 23

32.3K 932 38
                                    


Chapter 23: Meet her again
 

   
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Tatlong araw na ang nakakalipas nang matapos ang GGW. Wala pa rin kaming balita kung ano ang panibagong ranking. Ang sabi ng dean, ipopost nalang daw sa bulletine board ang resulta. Nang matapos ang mga activity namin, ilang araw muna ang lumipas bago kami bumalik sa Journal Academy.
     
      
    
 
"Akala ko may ibig sabihin ang paglike mo sa status ko sa facebook~" kanta ni Kurt habang nakatingin sa akin.
     
      
    
 
Dito niya naisip na tumambay sa dorm ko ngayon dahil wala pa raw kaming klase ngayon. Kinabukasan pa kase ang balik ng simple students kaya hanggang ngayon wala pa kaming klase. Naiinis na rin ako dahil kanina pa siya kumakanta. Ewan ko ba kung anong trip niya at tumambay rito
     
      
    
 
"Tumigil ka nga sa pagkanta. Nakakaburyo!" inis kong sabi.
     
      
    
 
"Ikaw at ako oh woah~ "sabi niya habang nakatitig sakin, "Tayo'y pinagtagpoo~"
     
      
    
 
Kinuha ko ang unan sa sofa at agad na binato sa kanya iyon. "Aray naman! Bakit ka ba namamato dyan? Kumakanta lang naman yung tao eh!" inis na sabi niya.
     
      
    
 
"Bakit ba kasi kanta ka ng kanta dyan? Ano bang meron ha?" sabi ko. Lumapit ako sa kanya para silipin ang phone niya.
     
      
    
 
"Wala naman," masayang sabi niya.
     
      
    
 
"Ano pa nga ba ang dahilan ng isang lalakeng masaya at kumakanta ng kung ano anong love songs..." sabi ko na may halong pang aasar.
     
      
    
 
"Ano bang pinagsasabi mo?"
     
      
    
 
Agad ko siyang tinulak ng mahina at mapangisi, "Inlove ka noh?" pang aasar na tanong ko sa kanya.
     
      
    
 
Bigla siyang namula. "H-Hindi ah! Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
     
      
    
 
Kiniliti ko siya sa tagiliran at tumawa, "Ayieeee! Inlove ang bestfriend ko. Sino ba ang babaeng napupusuan mo ha?" sinundot sundot ko pa ang tagiliran niya.
     
      
    
 
"H-Hindi nga sabi!" sabi niya habang kumakamot sa ulo.
     
      
    
 
"Sus! Napakadamot mo. Dyan kana nga!" inis na sabi ko at padabog na umalis sa harap niya. Minsan na nga lang magtanong ayaw niya pang sagutin.
     
      
    
 
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. "Alam mo kasi, Mallows. Ganito iyon.." sabi niya kaya nilingon ko siya. "Ano kasi eh.." sabi niya.
     
      
    
 
Siniko ko ang tagiliran niya at napakunot noo. "Ano?"
     
      
    
 
"Oo. Inlove ako pero hindi ko pwedeng sabihin sayo iyon kasi alam mo naman na bawal kami. Bawal maging kami dahil yung babaeng iyon halata naman na hindi niya ako gusto," sabi niya.
     
      
    
 
"Sino ba siya? Kilala ko ba?"
     
      
    
 
"Basta..."
     
      
    
 
"Haish! Sino nga?!"
     
      
    
 
"Tara labas tayo? Libre kita ice cream?" mabilis na yaya niya na halatang iniiba ang topic naming dalawa.
     
      
    
 
Tinignan ko siya ng masama. "Go yourself!" sabi ko sabay patay ng tv.
     
      
    
 
Bago pa ako pumasok ng kwarto. Hinatak niya na ako basta palabas ng bahay. Wala naman na akong nagawa kasi nasa labas na kami kaya hinayaan ko nalang siyang kaladkarin ako. Naglakad kami papunta sa canteen para kumain.
     
      
    
 
"Ayoko ng ice cream,"
     
      
    
 
"Mallows naman!"
     
      
    
 
"Oh bakit? Ayoko nga kumain!"
     
      
    
 
"Ayaw mo bang i-celebrate natin yung pagiging inlove ko?"
     
      
    
 
"Ano bang pakialam ko kung inlove ka o hindi?"
     
      
    
 
"Malay mo kapag niligawan ko yung taong iyon masagot niya ako kaya kumain na tayo,"
     
      
    
 
"Malay mo lang. Hindi mo naman sigurado na gusto ka rin ng taong iyon,"
     
      
    
 
"Okay. Basta tara na, kumain na tayo,"
     
      
    
 
"Eat yourself dude," Paglabas ko nasalubong ko bigla ang G-Partler kaya napatigil ako sa paglalakad.
     
      
    
 
"Hi Bharb!" bati nila Clark at Vince. Ngumiti ako sa kanila. Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad kaso pahakbang palang ako may humawak na sa braso ko at paglingon ko nakita ko si Kurt.
     
      
    
 
"Mallows! Halika na. Kumain na tayo, wag ka na magalit. Ililibre naman kita eh,"
     
      
    
 
"Mukhang may LQ?" natatawang sabi ni Clark.
     
      
    
 
"Pumasok na tayo," cold na sabi ni Zach at naunang pumasok sa canteen. Ang sungit naman ng taong iyon. Nilingon ko si Kurt.
     
      
    
 
"Ayoko nga sabing kumain. Busog ako!" inis kong sabi.
     
      
    
 
"Ang cute niyong tignan para kayong mag----" Hindi ko na hinayaan pa ituloy ni Vince ang sasabihin niya at pinutol agad.
     
      
    
 
"Isa ka pa! Wag ka nga makisali sa usapan. Hilig niyo manira ng araw,"
     
      
    
 
"Para kang lion araw araw. Try mo kaya gayahin nalang yung pusa ni Zach na halos kapangalan mo na," sabi ni Paul.
     
      
    
 
"Pwede bang wag mo itulad ang pangalan ko sa pusa ng siraulo mong kaibigan?" sabi ko.
     
      
    
 
Umiling lang siya sa akin bago tignan ang dalawa niyang kasama "Let's go." sabi ni Paul kila Vince. Nag ring bigla ang phone ni Vince kaya sinagot niya iyon. "Hello? Yes? Oo, nandito. Sige sige. Okay bye!"
     
      
    
 
Pinatay niya muna na ang linya bago tumingin kila Clark. "Dude, mauna na muna kayo may importante lang akong sasabihin sa kanila," sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Sige. Dito na muna kami. Kayong dalawa! Ayusin niyo ung gusot niyo ah? Goodbye love birds!" sabi ni Clark. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
     
      
    
 
"Anong sasabihin mo?" tanong ko kay Vince nang makaalis ang dalawa.
     
      
    
 
"Mukhang may sasabihin sayo si Denise kaya pinapatawag ka niya. 'Wag ko raw ipaalam sa iba kaya pinauna ko na muna yung dalawa," sabi niya. Tumango lang ako sa kanya.
     
      
    
 
"Kumain ka nalang muna mag isa." sabi ko kay Kurt. Agad na akong pumunta sa office para puntahan si Denise. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nakita kong nakaupo siya habang hawak hawak ang cellphone. Mukhang nagsosoundtrip.
     
      
    
 
"Anong meron?"
     
      
    
 
Agad siyang napalingon sa akin at tinanggal ang nakasalpak sa tenga niya. Umayos siya ng upo bago ngumiti sa akin. "You're here." sabi niya.
     
      
    
 
"Obvious ba?" Umupo ako para maayos kami makapag-usap. "Bakit mo ba ako pinapunta rito?"
     
      
    
 
Hindi niya ako sinagot at tuluyan lang siyang tumayo at may kinuhang malaking box sa gilid ng table. Binigay niya sakin kaya naman agad ako napakunot noo.
     
      
    
 
"Galing kay Master Gino pinapabigay sayo," sabi niya kaya tinanggap ko na.
     
      
    
 
Bakit kaya ako binigyan ng box ni Grandpa na parang regalo? Ano nanaman bang trip ng matandang ugod ugod na iyon at niregaluhan ako? Nang buksan ko ang box agad akong nagulat dahil may mga kutsilyo na lumabas dito. 1 inch nalang siguro sasaksak na iyon sa mukha ko.
     
      
    
 
Napakasiraulo talaga ng matandang iyon. Balak niya ba talaga akong patayin?!
     
      
    
 
Lumingon ako kay Denise na tawang tawa ngayon. "Kaya pala sabi niya sakin wag ko raw buksan, hayaan ko nalang na ikaw ang magbukas," Sinamaan ko siya ng tingin.
     
      
    
 
"Ano nanaman ba ang trip ni Grandpa?" inis na inis na tanong ko.
     
      
    
 
"Malay ko ba Young lady basta ang alam ko lang pinapabigay iyan ni Master Gino sayo," natatawa pa rin na sabi niya.
     
      
    
 
"Tuwang tuwa ka naman?" pokerface na sabi ko.
     
      
    
 
"Masyado bang halata?"
     
      
    
 
Inirapan ko lang siya bago tumayo. "Makaalis na nga!"
     
      
    
 
"Wait!" tawag niya. Nilingon ko naman ito na may halong pagtataka.
     
      
    
 
"Ano nanaman ba?"
     
      
    
 
"Tulungan mo naman ako rito," nakapout na sabi niya habang tinuturo ang mga papers na nakatambak sa gilid.
     
      
    
 
"At bakit naman? Binigay sayo ang gawain na iyan kaya bakit kita tutulungan?"
     
      
    
 
"Hindi naman kasi po dapat ako ang gagawa niyan dito dahil sa totoo lang hindi naman talaga ako ang tunay na Young lady kaya pwede po bang tulungan niyo na ako rito." mangiyak ngiyak niyang sabi.
     
      
    
 
Tumalikod ako sa kanya at nagsalita. "Mamaya nalang kita tutulungan marami pa akong ginagawa,"
     
      
    
 
"May transferee nga pala kanina. Isang babae. Nasa room 504 siya at katabi ang dorm mo kung gusto mo siyang makilala puntahan mo nalang,"
     
      
    
 
Tumingin ako sa kanya. "Binalaan mo ba siya sa gangsters group?"
     
      
    
 
"Para saan pa? Sigurado naman akong nakita niya na ang ranking niyo sa bulletine board," sabi niya.
     
      
    
 
"Pinost mo na pala?"
     
      
    
 
"Nalilito na ako sa mga papers kaya binabawasan ko na," Ngumiti lang ako sakanya.
     
      
    
 
Binuksan ko na ang pinto ng office at lumabas. Agad akong pumunta sa bulletine board para tignan ang resulta. Napansin ko ang isang babae na nakatayo sa harap ng bulletine board at mukhang tinitignan niya ang ranking. Lumapit ako sa bulletine board at tinignan ang naging resulta. Mukhang may nagbago na rin naman. Ngumiti ako dahil nasa pangatlo na kami nila Kurt.
     
      
    
 
Gangsters Group Warrior

(RANKING)

1) G-Partler

2) The Four Girls

3) Star Gazers

4)The Run Devil

5) The FiFth Lovers

6) The Hell
     
      
    
 
"Konting konti nalang pala ang paghihirap ko," sabi ko habang nakatitig sa bulletine board.
     
      
    
 
"WAHHHHHH! ATE BHARBIEEE? Omygash! Is that you?" Napalingon ako sa babaeng nasa gilid ko. Nagulat ako nang makita ko yung babaeng nakishare samin ni Kurt ng table sa isang fastfood.
     
      
    
 
Ano bang pangalan nito? Daniella? Danilyn? Dania? Haish! Nakalimutan ko na ang pangalan niya basta ang tanging naaalala ko lang ay ang first letter ng name niya ay D.
     
      
    
 
"Ikaw nanaman? Anong ginagawa mo rito ha?"
     
      
    
 
"Hindi po ba napatalsik ako sa dating school ko kaya naisipan kong lumipat dito. Wahhh! Ang saya saya ko pong nakita ulit kita!" Halata naman sa itsura niya na masaya siya.
     
      
    
 
Yayakapin niya sana ako kaso lang pinigilan ko siya, "Pwede bang wag ka lumapit lapit sa akin. Ang dami daming school na pwedeng pasukan bakit dito pa?!" sigaw ko sa kanya.
     
      
    
 
"Ano po bang meron sa school na ito? Bakit may ranking? Sino po ba ang mga iyan? Ayan ba yung mga sikat dito ate?"
     
      
    
 
"Ang dami mong tanong! Mabuti pang umalis ka na rito sa school at lumipat sa ibang eskwelahan. Sigurado akong mapapahamak ka lang dito," sabi ko.
     
      
    
 
"Concern ka po ba sakin? Naks! Concern siya!" nang aasar na sabi niya.
     
      
    
 
Tinaasan ko siya ng isang kilay at tinignan ng masama. "Wag mo nga ako tawaging ate dahil hindi kita kapatid. Hindi ako concern sayo ah. Binabalaan lang kita."
     
      
    
 
Nagpout siya sakin bago nagsalita. "Ang sungit mo pa rin talaga, Ate Bharbie,"
     
      
    
 
Ano bang pumasok sa kokote niya at dito naisipang mag transfer? Paano nalang kung mapahamak siya? Paano nalang kung paglaruan din siya ng gangsters group? Mukhang mahinhin pa naman siya at walang alam sa gulo. Napabuntong hininga nalang ako sa kanya bago hatakin ang kamay niya.
     
      
    
 
"Aray ko, ate! Nasasaktan po ako. Saan po ba tayo pupunta?"
     
      
    
 
"Manahimik ka na nga lang, pwede ba?"
     
      
    
 
Pupunta na sana kami sa office ni Denise kaso bigla namin nasalubong ang G-Partler. Napalunok ako dahil iba ang tingin nila sa batang kasama ko.
     
      
    
 
"Woah! Ikaw na ba ang transferee? Ang aga mo naman pala dumating dito miss," sabi ni Paul bago lumapit sa amin.
     
      
    
 
Wala pang klase pero mukhang may mapagtitripan nanaman sila. Bakit ba kasi dito pa talaga s'ya nag transfer? Ang dami dami na gumugulo sa isip ko tapos dumagdag pa talaga s'ya. Tinignan ko nalang silang apat at hinarangan si Danica para hindi nila ito malapitan.
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon