Chapter 6

39.8K 1.1K 32
                                    


Chapter 6: Grandpa
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Kasalukuyan ako ngayon nasa loob ng library at naghahanap ng mga babasahin para mamaya. Gusto ko rin kasing magbasa muna para mawala ang stress ko. Dahil simula nung lumipat ako rito sa Journal Academy, hindi na ako makatulog ng maayos. Tahimik akong naghahanap kaso bigla akong nakarinig ng ingay galing sa likuran.
     
      
    
 
"Ibibigay mo o ipapatanggal kita sa trabaho?" sigaw ng lalaking nakatalikod habang kinakausap yung librarian. Binitawan ko muna ang libro na hawak ko bago naglakad papunta sa kanila. Nakilala ko naman ang lalaking iyon. Si Vince Tan, ang kaibigan ni Zach.
     
      
    
 
"I-Ibibigay ko na." sabi ng librarian. Ibibigay niya na sana yung record nitong library kay Vince kaso pinigilan ko ito at inagaw ang record book.
     
      
    
 
"Ang library ginawa para makapagbasa ang mga estudyante sa tahimik na lugar at hindi naman siguro tama na nagsisigaw sigaw ka rito sa loob,"
     
      
    
 
"Weak girl?" gulat niyang tanong. Napangisi siya bago magsalita, "Wag ka na makialam, pwede ba? Mabuti pang umalis ka nalang rito dahil wala ka naman alam sa pinag-uusapan naming dalawa," bantang sabi niya.
     
      
    
 
Tinignan ko siya ng masama. "Kung hindi ka lang nag-ingay edi sana hindi ako manggugulo sa usapan niyo," sagot ko. Halos lahat ng estudyante na nasa library nasa amin na ang atensyon.
     
      
    
 
"Kinakalaban mo ba ako?! Ako na myembro ng G-Partler?!" sabi niya.
     
      
    
 
Hindi ko ba siya pwedeng kalabanin? Ano naman kung miyembro siya ng G-Partler? Dapat ko ba siyang katakutan dahil sila ang top students dito? Kahit na top students sila hindi ko pa rin sila katatakutan. Kung ang ibang estudyante natatakot sa kanila. Pwes! Hindi ako katulad ng mga iyon. Ibahin nila ako.
     
      
    
 
"Vince. Hindi porke nasa rank 1 kayo ay dapat na namin kayo katakutan," mahinahong sabi ko sabay lapit sa kanya, yung tipong 1 inch nalang ang pagitan naming dalawa. "Tandaan mo hindi lang kayo ang makakaapak sa rank 1 dahil sisiguraduhin kong mapapalitan din namin kayo sa pwesto na 'yan," Bumalik na ako sa bookshelf dala dala ang record book na kinukuha niya sa librarian at naghanap muli ng libro. Nang makahanap na ako ng libro, nilisan ko na kaagad ang library at iniwan siyang nakatulala.
     
      
    
 
Ilang oras ang lumipas nang malaman ko naging issue pala sa academy ang tungkol sa naganap sa library kanina pero mas lumala iyon dahil biglang nag-announce ang dean na pagsasama samahin na ang gangster group sa iisang section. Dahil doon, nandito kami ngayon sa detention. Sa kadahilanan na nilabag namin ang isang rule. Hindi kami ang nagsimula ng gulo dahil ang G-Partler naman talaga ang nagsimula nito, nadamay lang kaming lahat. 
     
      
    
 
"Hoy!"
     
      
    
 
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang apat na miyembro ng G-Partler na nakatayo sa harap naming apat na nakaupo sa upuan. Homeroom namin ngayon kaya malaya kaming gawin kung anong gusto namin.
     
      
    
 
"Pakisabi nga sa kanila, Chloe. What do they want?" sabi ko habang naglalaro ng minecraft.
     
      
    
 
"Makipaglaban kayo sa amin." Napahinto ako sa paglalaro dahil sa sinabi ni Zach.
     
      
    
 
"Kami? Kami mismo ang niyayaya niyo? Wow! Ganon na ba kami kalakas ngayon para hamunin ng top group sa gangsters group?" mayabang na sabi ko.
     
      
    
 
"Hindi kami nagbibiro, Bharbie." sabi ni Clark.
     
      
    
 
"Wag na. Dadating din naman tayo sa puntong 'yan," sabi ni Kurt habang nakatutok sa cellphone niya. Naglalaro ng color switch.
     
      
    
 
"Sinabing tumayo kayo dyan," sigaw ni Zach kaya napatayo na ako sa inis kaya bumagsak ang upuan ko.
     
      
    
 
"Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang ayaw namin? Gusto mo pa bang englishin ko? Fine! I really don't want to have a stupid fight with a jerks group name, G-Partler. Like you! You! You! and You! So please! Get lost!" naiiritang sabi ko habang isa isa silang tinuturo. Akmang sasapakin na sana ako ni Zach kaso lang may humawak sa kamao niya at napalingon ako rito. Si Kurt.
     
      
    
 
"Subukan mo siyang saktan baka makalimutan kong leader ka nila," sabi ni Kurt. Sobrang sama ng tingin niya kay Zach ngayon.
     
      
    
 
Nakakatakot. Kahit ako natatakot sa kanya. Halata ang pagkagulat ni Zach sa inasta ni Kurt. Pipigilan ko na sana silang dalawa dahil baka magkaroon pa ng gulo pero nagulat ako dahil bigla akong sinakal ni Abby at isinandal ako sa pader, dahilan para hindi ako makahinga.
     
      
    
 
Gusto ko siyang sipain pero hindi ko kaya. Nanghihina ako tapos hawak pa nila Candice at Maja ang paa ko tapos si Aika at Tina naman hawak hawak ang mga kamay ko. Hindi na ako makahinga sa ginagawa nila. Hindi rin ako matulungan nila Kurt dahil hawak si Kevin ng The Hell tapos si Chloe ay hawak ng The four girls at si Kurt hawak ni Clark, Paul at Vince. Habang ang The Run Devil ay may sariling mundo. 
     
      
    
 
"T-Tama na, hindi ako makahinga!"
     
      
    
 
"Welcome to hell, Bharbie! Masyado ka na kasing pabida." sabi ni Abby. Mas diniinan pa niya ang paghawak sa leeg ko. Nakita ko na pumapasag na si Kurt kaya lang hindi siya makaalis.
     
      
    
 
Tinignan ko ng masama si Abby. Kapag nakalaya ako sa mga kamay nila sisiguraduhin kong hindi ko bibitawan ang leeg niya hanggang sa mapatay ko siya. Papikit na ako nang naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig. Nakita ko ang principal sa pinto na nakapamewang sa harapan namin. Ang sama ng tingin niya at para niya kaming kakainin ng buhay.
     
      
    
 
"GANGSTERS! DETENTION NOW!" sabi niya bago tuluyang umalis. 
     
      
    
 
"Fuck! Nadamay pa kami." rinig kong sabi ni Kilmer. Nauna na umalis ang ibang grupo habang ako naghahabol pa rin ng hininga. Agad naman ako nilapitan nila Kurt.
     
      
    
 
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?"
     
      
    
 
"K-Kurt, okay lang ako," sabi ko. Dahan dahan naman ako tumayo. Inalalayan nila akong tatlo papunta sa detention.
     
      
    
 
Sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina lalo lang ako nababanas dahil muntik na akong mamatay sa ginawa nila sakin. Mabuti nalang talaga dumating ang principal kung hindi paniguradong ibuburol na ako mamaya.
     
      
    
 
"Gangsters, nakakalimutan niyo yata na may rules tayo na kapag walang klase niyo lang gagawin ang mga katarantaduhan niyo pero bakit pinagtutulungan niyo kanina ang Star Gazers?"
     
      
    
 
"Homeroom nalang po 'yun tapos na ang klase at iniwan na kami ng prof,"
     
      
    
 
"Shut up, Clark! Pinatapos niyo na muna sana ang klase bago kayo gumawa ng gulo,"
     
      
    
 
"Sila ang nanguna!" turo ni Kevin kila Zach.
     
      
    
 
"Anong kami? Kung sipain kaya kita!" sabi ni Paul.
     
      
    
 
"Subukan mo siyang sipain. Sasapakin kita!" sabi ni Chloe.
     
      
    
 
"Ang tapang mo na ah! Lagot ka sakin mamaya," sabi ni Clark
     
      
    
 
"Subukan mo saktan si Chloe, malalagot ka sa 'kin!" sabi ni Kevin.
     
      
    
 
"Ang sweet niyo namang dalawa." sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Totoo naman sila ang nanguna dahil yung rank 1 sa gangsters group hinamon ang nasa pang limang grupo. Hindi nila matanggap na tinanggihan namin sila kaya ganon nalang sila kagalit kanina. Habang ang iba naman ay masyadong nainsecure dahil natalo sila ng newbie." sabi ko.
     
      
    
 
"What did you just say?!" naiinis na sabi ni Abby. 
     
      
    
 
"I'm just saying the truth, Miss." Tinignan lang ako ng principal at halata sa mukha niya ang pagkadismaya sa mga ginawa namin. 
     
      
    
 
"Alam niyo ba na magagalit si Master dahil sa ginawa niyo? Para kayong mga bata." 
     
      
    
 
"Wala naman si Master dito kaya malaya kaming gawin ang mga gusto namin gawin." sabi ni Zach.
     
      
    
 
"I'm so disappointed to you, Mr. Lee."
     
      
    
 
Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil nakita ko si Lolo na nakatayo sa pintuan habang masama ang tingin niya sa amin. Teka! Anong ginagawa niya rito? Anong ginagawa ni Grandpa rito sa J.A?! Paano siya nakapasok dito?
     
      
    
 
"Magsialis na kayo. G-Partler and Star Gazers, maiwan kayo." sigaw ni Grandpa. Bago sila umalis ay yumuko muna sila sa harap ni Grandapa.Gaya ng utos niya, kami nalang ang natira rito. Tumayo ang G-Partler at nag-bow kay Grandpa.
     
      
    
 
"Good afternoon, Master Gino." pagkasabi ng pangalan ni Grandpa nagsitayuan ang mga kagrupo ko. Gaya ng G-Partler, ganon rin ang ginawa nila.
     
      
    
 
"I'm sorry for what I said, Master." sabi ni Zach. Natulala nalang ako dahil mukha siyang maamong tuta na humihingi ng tawad sa amo niya. 
     
      
    
 
Napalingon silang lahat sakin na parang inuutusan akong mag-bow. Ayoko nga! Ayokong mag bow sa harap ni Lolo. Nakikita ko palang ginagawa nila ay kinikilabutan na ako. 
     
      
    
 
"Okay lang," cold na sabi ni Grandpa. First time ko yata siyang makita na nag-seryoso ng ganto?
     
      
    
 
"Magsiupo na kayo," utos niya ulit na sinunod naman nilang lahat. Umupo siya sa pwesto ng principal kanina.
     
      
    
 
"Anong ginawa niyo? Bakit kayo nag-aaway? Zach? Bharbie?"
     
      
    
 
"Kilala niyo na po siya, Master?" tanong ni Zach.
     
      
    
 
"Sinabi sakin ng principal na siya ang bagong leader na nakatalo kila Abby,"
     
      
    
 
Nakatingin sakin si Grandpa na walang emosyon. Marunong naman pala siya mag seryoso. Bakit hindi niya magawa iyan sa mansion? 
     
      
    
 
"Sino po ba kayo? At bakit parang kagalang galang kayo sa paningin nilang lahat. Gusto ko na tuloy maging katulad niyo dahil napapaamo niyo ang mga masasamang damo na nasa harapan ko." Tinignan ako ng masama ng G-Partler. Ngumisi lang ako sa kanilang apat.
     
      
    
 
"Siya ang may-ari nitong school. Isa siya sa mga lihim na tayo tayo lang nakakaalam,"
     
      
    
 
"What?!" Napasigaw na tuloy ako ng wala sa oras. Si Grandpa ang may-ari nitong school?! Is this for real?!
     
      
    
 
"G-Partler. Lumabas muna kayo. Kakausapin ko lang muna ang bagong grupo,"
     
      
    
 
Sumunod naman ang G-Partler kay Grandpa. Sinenyasan niya na rin ang principal na lumabas. Nang isara na nila ang pinto tinignan ko ng masama si Grandpa. Binigyan lang niya ako ng nakakalokong ngiti.
     
      
    
 
"Mallows. Wag mo ngang ganyanin si Master," sabi ni Kurt kaya napalingon ako sa kanya. "Masama daw 'yan magalit kaya kapag pinatulan mo 'yan tiyak na malalagot ka,"
     
      
    
 
Nginisihan ko lang siya bago nilingon si Grandpa. Nairita ako nang makita ko nanaman yung ngiti niya. Hindi talaga ako makapaniwala na siya ang tinutukoy nilang Master nitong school.
     
      
    
 
Napapokerface nalang ako kay Kurt.  "Bakit naman ako matatakot sa lolo ko?" tanong ko.
     
      
    
 
Dahil sa sinabi ko, natulala lang si Kurt except sa dalawa dahil alam naman na nila ang tungkol sa amin ni Grandpa. Naguguluhan pa rin si Kurt hanggang ngayon. Ang slow talaga kahit kelan.
     
      
    
 
"Hello apo ko!" Kung kanina, para siyang mangangain ng tao. Ngayon naman, para siyang batang tuwang tuwa habang tumatalon.
     
      
    
 
"Tumigil ka nga sa kakatalon mo, Grandpa! Pinapahiya mo 'ko sa mga kaibigan ko,"
     
      
    
 
"Wow! Alam niyo ba na kayo lang ang tinuring na kaibigan nitong apo ko? Sa totoo lang wala talaga siyang kaibigan na kahit sino sa dati niyang school dahil palagi niyang sinasabi na wala siyang oras makipagplastikan sa mga tao na nakapaligid sa kanya. At ngayon na nalaman ko na may mga kaibigan siya rito. Natutuwa ako." sabi ni Lolo.
     
      
    
 
"Teka?! Lolo mo ang Master nitong school?" sigaw ni Kurt kaya nag-death glare ako sa kanya.
     
      
    
 
"Kapag may nakarinig sa'yo sa labas. Sisiguraduhin kong makakatikim ka talaga sakin,"
     
      
    
 
"Sabi ko nga tatahimik na ako,"
     
      
    
 
Tumingin ako kay Grandpa. Bigla ko nanaman naalala na siya ang may-ari nitong school. Ibig sbabihin siya ang nagpatayo ng academy. Agad ko syang binigyan ng masamang tingin.
     
      
    
 
"Apo, bakit?"
     
      
    
 
"Ano po bang pumasok sa isip niyo para gawin ang siraulong eskwelahan na ito?!"
     
      
    
 
"Apo naman, wag kang magalit kay Lolo. Naisip lang naman namin iyon ng papa mo dahil gusto namin maging masaya ang mga gangsters. Hindi katulad namin na puro bawal sa school na pinapasukan namin dati kaya wag kang magalit sakin,"
     
      
    
 
"Grandpa?! Seriously?!" sigaw ko. "Hindi mo alam kung gaano nahihirapan ang mga simple students dito sa school. Nakakaawa sila! Hindi mo ba naisip na baka makulong kayo dahil sa ginawa niyong kalokohan?"
     
      
    
 
"Ilang araw ka palang dito pero ang laki laki na ng pinagbago mo. Iniisip mo na ang kalagayan ng ibang tao." Ngumiti ito sa 'kin.
     
      
    
 
"Apo, hindi naman namin kasalanan na maging under ang mga simple students dito hindi naman namin ginustong pumasok sila rito. School of Gangster lang naman ang school na 'to at dahil makulit sila hinayaan ko nalang na mag-aral sila rito. Gusto nila maging under kaya no choice kundi hayaan nalang sila. Pwede naman sila sumali sa gangster group pero hindi nila ginagawa at hinahayaan lang na maging puppet sila sa school na 'to." 
     
      
    
 
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Nainis ako sa mga lumabas sa bibig niya kaya agad akong lumabas ng office. Ganun ba talaga sila kabored ni Daddy kaya naisipan nalang nila na ipagawa ang academy na 'to? Nahihirapan ng sobra ang mga simpleng estudyante rito dahil sa ginawa nila tapos sasabihin nila hindi nila sinasadya? Gosh! Tinuturuan nila ang mga estudyante na manakit at pumatay ng tao. 
     
      
    
 
"Damn it!"
     
      
    
 
Sinipa ko ang bote ng coke in can na nakalagay sa gilid. Mukhang nainis ang may-ari kaya napalingon siya sa 'kin. Nagulat ako nang makilala ko siya. 
     
      
    
 
"Z-Zach?!" Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon. 
     
      
    
 
"Shit! Ano bang problema mo? Alam mo bang pinabili ko pa iyan sa nerd kanina tapos itatapon mo lang?" Bumalik ang tingin ko sakanya nang marinig ko iyon. 
     
      
    
 
Tama ba yung pagkarinig ko? Inutos niya pa sa estudyante ang pagbili ng pagkain niya? Hindi ba niya kayang bumili mag-isa?
     
      
    
 
"Talaga bang tamad kang tao ka? Kailangan bang i-utos mo pa sa iba ang iinumin mo? Parang ang lapit lapit lang ng cafeteria ah?"
     
      
    
 
Mas lumapit ito sakin. "Ano naman sayo? Bakit ba ang init ng ulo mo?"
     
      
    
 
"Kasi wala kang kwenta,"
     
      
    
 
"What are you saying?!"
     
      
    
 
"Ang sabi ko napakademonyo mong tao,"
     
      
    
 
"Ako demonyo? Siraulo ka ah!"
     
      
    
 
"Hindi ako siraulo. 'Wag mo nga akong itulad sayo!" Tatalikod na sana ako para iwan siya pero napatigil ako dahil sa mga sinabi niya.
     
      
    
 
"Habang tumatagal mas nasisiyahan ako sayo. I swear, hinding hindi ko hahayaan na maging tahimik ang buhay mo rito sa loob. Starting this day, you're my toy." Ngumisi pa ito sakin at parang nang-aasar kaya mas nag-init ang dugo ko sakanya. 
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon