Chapter 31

29K 967 59
                                    

Chapter 31: Queen and King
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
"Good morning Bharbie!"

"Hello! Queen Bharb!"

"Magandang umaga, Queen!

"Ang ganda mo po, Queen Bharb!"
     
      
    
 
Simula ng tangkilin kami ni Zach na Queen and King, ito na ang nangyari. Bago ako pumasok sa dorm kahapon binabati nila ako o kaya pupurihin tapos ngayon naman habang naglalakad ako papunta sa klase ganito pa rin ang nangyayari.
     
      
    
 
"Hello! Queen Bharbie!"
     
      
    
 
Tinignan ko si Vince ng masama at inirapan. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pero sinundan niya pa rin ako.
     
      
    
 
"Bharb naman naging queen ka lang snobber ka na. Wag ganon!" nang-aasar na sabi niya.
     
      
    
 
"Wala akong time para makipagbiruan sayo." sabi ko rito.
     
      
    
 
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
     
      
    
 
"Kay Denise. Panahon na para siya naman ang paglaruan ko." sabi ko.
     
      
    
 
"Sinasabi ko na nga ba hinding hindi ka magpapatalo kay Denise." sabi niya.
     
      
    
 
"Of course! Mas malakas ako sa kanya kaya humanda talaga siya sakin." Tumakbo na ako kaagad para pumunta sa office niya. Pinasok ko kaagad ito at nakita ko si Denise na nakangiti habang hawak hawak ang phone niya.
     
      
    
 
"Bharb." tawag niya sakin na hindi manlang tumitingin. Nakafocus pa rin siya sa cellphone niya.
     
      
    
 
Inilapag ko ang dalawa kong kamay sa desk niya na dahilan nang paglingon niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na siya natatakot sa akin ngayon. Hindi na siya gaya ng dati na basta basta nalang matutulala kapag kinakausap ko. Lagi niya na rin akong inaasar kaya alam kong sa titig ko ngayon hindi na siya natatakot.
     
      
    
 
"Fine. I'm sorry sa ginawa ko kahapon hindi ko naman talaga sadyang masama ka sa larong iyon. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang lalabas sa gym at hindi ko rin sinadya lahat ng nangyari sa larong iyon."
     
      
    
 
"Ah. Kaya pala lahat ng miyembro ng gangsters group ay kasali. What a coincidence!"
     
      
    
 
"Nagkataon lang na napili kayong lahat."
     
      
    
 
Nginisihan ko siya at pinakita ang isang katerbang mga papers. Nagulat nalang siya sa nakita niya dahil ang mga papers na iyon ay naglalaman ng mga assignments and activities ng mga simple students na kaklase ko. Ibinigay ko sa kanya ito dahil gusto ko na siya mismo ang gumawa ng lahat.vPasalamat nga siya dahil ayan lang ang nabigay kong parusa sa nakakadiring eksena na pinagawa niya samin kahapon.
     
      
    
 
"No way!"
     
      
    
 
"What? Baka nakakalimutan mo na ako pa rin ang Young lady rito kaya dapat mo akong sundin sa ayaw at sa gusto mo. Tama ba?" nakangising sabi ko.
     
      
    
 
"Okay fine! Gagawin ko na ang punishment mo, Ms. Young lady."
     
      
    
 
"Goodluck! Mauuna na ako may pasok pa kasi ako eh." asar kong sabi. Nginitian ko muna siya ng may halong pang aasar bago lumabas ng office.
     
      
    
 
Pagkalabas ko ng office, agad akong tumakbo papuntang room. Nang dumating ako, naabutan ko si Sir Aldrin na nagtuturo kaya agad siyang napalingon sa akin. Lagot!
     
      
    
 
"Goodmorning sir. I'm so---"
     
      
    
 
"Good morning, Ms. Queen Safari. Mabuti pang pumasok ka na sa loob ng klase." sabi niya na ikinagulat ko.
     
      
    
 
"Sorry I'm late..." mahinang sabi ko at hindi makapaniwala sa hindi pag sermon sakin ni Sir. Ano to?!
     
      
    
 
-
    
 
"Goodmorning, Sir Aldrin! I'm sorry i'm late."
     
      
    
 
"Get out, Ms. Safari! Kung hindi ka absent late ka naman sa klase. Ano ba talaga ang ginagawa mo sa buhay mo ha?!"
     
      
    
 
"I'm sorry sir." Papasok na sana ako sa loob kaso lang agad niya akong hinarangan.
     
      
    
 
"I. SAID. GET. OUT!"
     
    
 -
     
      
    
 
May sakit ba si Sir? Hindi niya ako pinagalitan sa 10 minutes kong late sa klase niya samantalang dati 5 mins lang akong late pinapalabas niya na ako pero ano 'to? Bakit ang bait niya bigla?
     
      
    
 
"Ms. Queen Safari?" tanong niya kaya naman agad na akong umupo sa upuan ko.
     
      
    
 
"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan mukha mo?" tanong ni Kurt.
     
      
    
 
"Para kang nakakita ng multo." sabi ni Zach.
     
      
    
 
"May sakit ba si Sir?" tanong ko sa kanilang dalawa kaya agad silang napapokerface "Oh bakit? May nasabi ba akong masama?"
     
      
    
 
"Bharb naman! Siyempre igagalang ka na ng mga teachers dahil isa ka ng queen dito sa Journal Academy." cold na sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Para saan pa ang utak mo kung hindi mo gagamitin. Ano iyan display?" cold na sabi ni Zach.
     
      
    
 
"Whatever!" sabi ko at inirapan silang dalawa. Nagtatanong lang naman ako bakit ang sungit nilang dalawa dinaig pa nila ang babaeng may red days. Ganyan ba talaga kapag nagkakaroon ng iba't ibang problema sa buhay? Haish! Ano bang pinag iisip ko? Mabuting makinig na nga lang. Inis!
     
      
    
 
Natapos na ang klase namin kaya naisipan ko nalang pumunta sa rooftop para magpahangin na muna. Dito nalang rin ako kakain para kahit papaano mawala ang sakit ng ulo ko. Habang paaakyat ako sa hagdan may narinig akong tugtog ng gitara.
     
      
    
 
Teka. May tao ba?
     
      
    
 
Umakyat ako sa hagdan dahil sa lalaking kumakanta. Sino kaya siya? Ang ganda ng boses niya.
     
      
    
 
~ Time will come the day we'll be together again.
    And all the waiting will be worth it for sure.
     
      
    
 
Nang makarating ako sa pinto ng rooftop nakita ko sa salamin ang isang lalaking kumakanta habang may hawak ito na gitara. Napangiti nalamang ako nang makilala ko siya. Marunong rin pala ito kumanta at tumugtog ng gitara? Hindi muna ako umalis sa pwesto ko at pinakinggan ko muna siya.
     
      
    
 
Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta habang ang lalaki ay hindi alam na may nanonood na pala sa kanya. Pumasok ako sa rooftop at lumapit sa kanya. Nakapikit pa naman siya kaya hindi niya pa rin ako nakita na umupo sa harap niya.
     
      
    
 
"I never thought---" Natigil lang siya sa pagkanta nang makita niya ako. "B-Bharb? K-Kanina ka pa ba dyan?"
     
      
    
 
"Ngayon ngayon lang. Ituloy mo lang ang pagkanta."
     
      
    
 
"Ayoko." nahihiyang sabi niya. Nilayo nito ang gitara na hawak n'ya pero binalik ko ito at tinignan siya ng masama.
     
      
    
 
"Ayoko." sabi niyang muli at umiwas lang ng tingin sa'kin. Kinuha ko nalang ang gitara na hawak niya.
     
      
    
 
Ano bang akala niya na siya lang ang nakakaalam ng tono ng kinakanta niya? Pwes! Nagkakamali siya Nginisihan ko muna ito bago ako nagsimula mag-string ng gitara at tinugtog rin ang Distance by Jireh Lim. Sinabayan ko na rin ng pagkanta gaya ng ginagawa niya kanina.
     
      
    
 
~ I never thought we'll be stronger.
   From sunlight to moonlight.
     
      
    
 
Puputulin ko na sana ang kanta pero nagulat ako nang pigilan niya ako at sinenyasan na tapusin at ituloy ang pagtugtog ng gitara. Nang sinimulan ko ulit ang pagtugtog ng gitara, sinimulan na n'yang kumanta na sinabayan ko na rin.
     
      
    
 
Natapos ang kanta kaya naman napangiti ako sa kanya at natawa. Napakunot noo lamang siya sakin. "Anong nakakatawa?"
     
      
    
 
Umiling ako, "Wala. Nakakatawa lang kasing isipin na si Zach Yael Lee na top student leader ng Gangsters Group ay kumakanta pala at may talent sa paggigitara. Nakakaturn on lang."
     
      
    
 
"So, natuturn on ka sakin?" nakangising tanong niya.
     
      
    
 
What?!
     
      
    
 
Napasimangot naman kaagad ako rito at inirapan siya. "Hoy! Hindi 'yon ang ibig sabihin ko."
     
      
    
 
"Just kidding. Sobrang sensitive mo."
     
      
    
 
"Whatever!"
     
      
    
 
Nanahimik siya kaya naisipan kong yayain nalang ito kumain pero ayaw niya kaya naisipan ko nalang muli magtanong sakanya.
     
      
    
 
"Seryosong seryoso ka kanina ha. Kanino mo ba dinededicate ang kanta?" seryosong tanong ko sa kanya.
     
      
    
 
"Wala ah! Ganon lang talaga ako kapag kumakanta."
     
      
    
 
"Weh? Totoo ba? Parang inlove e!" sabi ko.
     
      
    
 
"Wala nga. May iniisip lang ako."
     
      
    
 
Napapikit nalang ako at napangisi.
     
      
    
 
"This past few days parang sobrang drama mo yata? Ano bang problema?" seryosong tanong ko sakanya.
     
      
    
 
Seryoso niya naman akong tinignan at kinuha ang kamay ko para ilagay sa dibdib niya na dahilan ng pagkunot ng noo ko. "Nasasaktan kase ako..." sabi niya.
     
      
    
 
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o dapat ko siyang damayan sa problemang dinadala niya. Kitang kita ko kase sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman n'ya.
     
      
    
 
Bakit ba siya nasasaktan? Kanino? Hanggang ngayon ba mahal na mahal niya pa rin si Patricia? Hindi ba ang sabi nila Sister Lara ang tagal na ng magkahiwalay silang dalawa. Ganon nalang ba niya kamahal si Patricia kaya hanggang ngayon hindi niya pa rin makalimutan ang bitch na iyon. O baka may iba pang dahilan?
     
      
    
 
"Bakit ka naman nasasaktan?"
     
      
    
 
Napaiwas siya ng tingin dahil sa tanong ko. Mayamaya pa, bumalik muli ang tingin niya sa akin. This time, ang seryoso na ng tingin n'ya. "Everytime I saw you with him."
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon