Chapter 14

37K 1K 11
                                    

Chapter 14: The Hell
     
      
    
 
Zach's point of view.
     
      
    
 
Habang nakikinig ako sa matandang professor na nagtuturo sa amin ngayon. Napansin ko na bumubuo ng bola si Clark na gawa sa papel. Nagulat ang lahat  dahil binato niya iyon sa matandang professor. Gago talaga! 
     
      
    
 
Lumingon sa direksyon namin ang professor at sinamaan kami ng tingin. 
     
      
    
 
"Gago ka talaga, Clark! Galit na tuloy si tanda!" tuwang tuwa na sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Tigilan niyo iyan, G-Partler!" Galit na galit yung professor dahil sa ginawa ni Clark. 
     
      
    
 
"Bakit? Papaluin mo kami sa ulo o baka naman sa pwet?" nang-aasar na sabi ni Vince kaya muling nagtawanan ang mga kaklase ko.
     
      
    
 
"Magtigil kayo sabi!" walang magawa na sabi ng professor.
     
      
    
 
"Oh! Look that old man. Nag-transform na bilang goku," sabi naman ni Clark.
     
      
    
 
"Class, wag niyo nalang sila pansinin," Muling tumalikod ang professor sa amin. Bumuo muli ng bola si Clark at binato iyon sakanya.
     
      
    
 
"Boo! Takot! Weak! Walang kwenta! Ugod ugod na professor!" sigaw ni Clark.
     
      
    
 
Marami pa nang-aasar sa kanya kaso bigla kaming nakarinig ng malakas na kalabog. Lahat kami napalingon sa desk ni Bharbie na bumagsak. Tinignan niya ako ng masama. Oh? Anong ginawa ko sa kanya? Bakit ganyan siya makatingin?
     
      
    
 
"Sumusobra na kayo ah! Bakit ba ganyan mga ugali niyo? Hindi ba kayo tinuruan ng mga pamilya niyo na gumalang sa mas matatanda sainyo? Sabagay wala nga pala sa vocabulary niyo ang salitang iyon,"
     
      
    
 
Lumingon siya sa akin at ngumisi. "Isa pa, hindi na rin ako magtataka kung bakit ganyan kayo. Si Zach kase ang leader niyo," nang-aasar na sabi niya. Ano bang sinasabi niya?
     
      
    
 
"Kung sino man ang may ayaw sa klase ni Professor Forteza, pwede naman na kayo magsilayas dahil hindi niya kailangan ng mga walang modo na estudyante na katulad sa klase niya." Lumingon muli siya sakin.
     
      
    
 
Ako ba ang walang modo na sinasabihan niya?! Napatayo na rin ako kaya bumagsak na rin ang desk ko sa sahig. Lumapit ako sakanya.
     
      
    
 
"Bakit ba palagi mo 'ko dinadamay sa gulo? Tigilan mo na nga yung pagpapanggap na mabait ka. Gangsters leader ka pa naman tapos ganyan ka kung umasta. Hindi ka ba nahihiya?"
     
      
    
 
Lumingon sakanya ang mga estudyante nang siya naman ang magsalita. "Hindi ako nagpapanggap dito. Sino kaya yung nagpapanggap na loyal sa rule ng eskwelahan pero may tinatago pa lang kalandian?" Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya. 
     
      
    
 
Umiling lang siya na parang disappointed sa 'kin. Lumabas siya ng classroom kaya tumakbo ako para sundan siya. Bago pa siya bumaba ng hagdan agad kong hinawakan ang kamay niya. "Mag-usap nga tayo! Ano bang sinasabi mo?" sabi ko.
     
      
    
 
Nilingon niya ako sabay wasik ng kamay niya dahilan para matanggal ang pagkahawak ng kamay ko sa siko niya. 
     
      
    
 
"Alam mo kung anong sinasabi ko," Naguguluhan pa rin ako. Ano bang nalaman niya? Ano bang ginawa ko?
     
      
    
 
Tumalikod siya sa akin. Akmang pipigilan ko sana siya sa pagbaba ng hagdan kaso nagulat ako nang may nakita akong black rose tattoo sa leeg niya.
     
      
    
 
"Y-Young lady?" utal kong sabi.
     
      
    
 
Agad siyang napahinto sa paglalakad at humarap sa 'kin. Kumunot ang noo niya at tinignan ako ng masama. "Young lady?" takang tanong niya.
     
      
    
 
"I-Ikaw si Young lady?" utal ko pa rin na tanong. Halata sa mukha niya na nagulat siya sa sinabi ko. 
     
      
    
 
"Hindi ako si Young lady. Wag ka ngang tanga d'yan!"
     
      
    
 
"Patingin ng braso mo." sabi ko. Lumapit ako sa kanya pero lumayo siya sa 'kin.
     
      
    
 
"Ano ba, Zach?! Tigilan mo nga ako!"
     
      
    
 
"Ikaw ang young lady?"
     
      
    
 
"Hindi nga sabi eh! Ano ba?!"
     
      
    
 
"Zach!" Binitawan ko si Bharbie dahil biglang dumating si Vince. Ano nanaman bang ginagawa niya rito?
     
      
    
 
"Anong problema?" tanong ko.
     
      
    
 
"Si Young lady umamin na sa section natin," Nagulat ako sa sinabi niya. Nilingon ko si Bharbie at halata rin sa mukha niya na gulat na gulat siya.
     
      
    
 
"Si Young lady?" tanong ni Bharbie.
     
      
    
 
"Oo," sagot ni Vince. Nagpalitan sila ng tingin ni Vince na tila parang nag-uusap gamit ang mga mata nila. Iniwan ko nalang silang dalawa doon at tumakbo pabalik sa classroom. Naabutan ko ang isang babae na nasa harap ng whiteboard.
     
      
    
 
"Bakit hindi kayo sumusunod?" galit na sigaw niya.
     
      
    
 
Kung hindi si Bharbie ang young lady. Ibig sabihin, yung babaeng nasa harapan namin ngayon ang tunay na Young lady sa Journal Academy? Siya na ba ang hinahanap namin na si Anne? Si Anne na apo ni Master Gino at kapatid ni Steve?
     
      
    
 
"Simple lang. Hindi kami naniniwala sa sinasabi mo," mayabang na sabi ni Kilmer.
     
      
    
 
"Paano mo naman mapapatunayan na ikaw nga ang Young lady na hinahanap namin?" sabi ni Patricia.
     
      
    
 
"Dahil rito," Pinakita niya ang picture frame na nakita ko noon sa office ni Master Gino.
     
      
    
 
Lumapit ako para kunin ang picture frame na iyon. Ito nga iyon. Ito nga ang frame na nakita ko sa office ni Master.
     
      
    
 
"Sa tingin mo ba maniniwala kami sayo dahil lang sa frame?" natatawang tanong ko.
     
      
    
 
"Siyempre hindi lang iyan," Hinawi nito ang buhok niya sa leeg para ipakita ang tattoo na katulad kay Young lady at ni Bharbie.
     
      
    
 
Tinanggal niya rin ang harang na tela sa braso niya para makita ang maliit na nunal niya. Hindi ako makapaniwala. Inamin ba talaga mismo ng Young lady ang lihim niya?
     
      
    
 
Nagsitayo ang mga estudyante at lumuhod sakanya except samin ng G-Partler at Star Gazers.
     
      
    
 
"Ano? Magmamatigas pa ba kayo?"
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Anong nangyayari? Bakit nagpapanggap si Denise bilang Young lady? Sa pagkakaalam ko pinagpanggap ko lang siya bilang Bharbie at hindi bilang Young lady kaya anong rason niya para gawin 'yan? Atsaka, saan nanggaling ang picture at ang tattoo niya na hindi naman parang henna. Yung nunal na maliit, saan niya nakuha 'yun? 
     
      
    
 
"Hindi ka ba luluhod?" tanong niya sa 'kin. 
     
      
    
 
"Ano bang kalokohan 'to? Kahit kelan hindi ako luluhod sa kahit na sino. Wala akong pakialam kung ikaw nga ba si Young lady o hindi." cold na sabi ko.
     
      
    
 
Lumapit siya sakin at hinawakan ang baba ko kaya binasa ko ang nasa isip niya pero hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang dahilan niya para gawin 'to.
     
      
    
 
"Gumalang ka nga." 
     
      
    
 
Hinawakan niya ang balikat ko para paluhurin ako. Hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang nangyayari. Diba ako ang dapat yung nakatayo tapos siya ang nakaluhod sa 'kin? Bakit nabaliktad ang sitwasyon? Ako ngayon ang lumuluhod sa harap ni Denise.
     
      
    
 
Lumipas na ang ilang oras pero hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali. Kalat na kalat na rin ang tungkol sa nangyari kanina sa klase. Na-welcome na rin siya ng mga professors pati ng mga leader sa council.
     
      
    
 
"Ano ba talaga nangyayari?! Pakana nanaman ba ni Grandpa ang tungkol dito?"
     
      
    
 
"Bharb, wag mo munang isipin 'yan. Isipin mo na muna ngayon ang GGW. Tapusin na muna natin ang laban na iyon bago mo problemahin ang tungkol kay Denise," sabi ni Kevin.
     
      
    
 
"Pinagpanggap ko lang naman siya bilang ako pero sobra na yata na magpanggap siya bilang Young lady. Sinisira niya ang plano ko!" 
     
      
    
 
"Kumalma ka nga. Magsisimula na ang GGW. Halika na." sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Susunod nalang ako," Tumango ang dalawa sakin bago lumabas ng dorm ko. Naiwan si Kurt kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Mallows, susunod ako. Mauna ka na." 
     
      
    
 
"Are you sure?" paninigurado niya. Tumango lang ako sakanya. Agad naman na siya lumabas. 
     
      
    
 
Tama naman sila na dapat isipin ko muna ang GGW ngayon at wag munang isipin ang tungkol kay Denise pero hindi pa rin talaga ako mapakali.
     
      
    
 
Napabuntong hininga nalang ako at lumabas na ng dorm. At kung sinuswerte ka nga naman dahil nasalubong ko sa daan sila Denise at Grandpa. Nabunggo pa nga ako ni Denise kaya mas lalo akong nairita sakanya.
     
      
    
 
"Aray! Mag-ingat ingat ka naman!" sabi ko rito. Sa tuwing nakikita ko siya, nag-iinit talaga ang ulo ko. 
     
      
    
 
"Apo, pumasok ka na muna sa dorm mo at doon tayo mag-usap." sabi ni Grandpa.
     
      
    
 
Gaya ng sabi niya, bumalik nalang muna ako sa loob. Humarap ako kay Denise. Bakit ganiyan siya kung makatingin? Parang kanina lang halos gaguhin niya na ako sa ginagawa niya tapos ngayon umaasta siya na parang walang nangyari. Mas lalo tuloy nag-iinit ang ulo ko sa'kanya.
     
      
    
 
Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya at kinorner siya sa dingding. "ANONG PUMASOK SA ISIP MO PARA GAWIN IYON?!"
     
      
    
 
"Calm down. I'm just protecting you, Young lady."
     
      
    
 
"Pinoprotektahan? Ako? Sira ka ba?"
     
      
    
 
"Narinig ko kase ang usapan niyo ni Zach kanina. Muntikan ka na niya mahuli kaya naisipan ko na tulungan ka. Hindi ko naman sinasadya iyon." pagpapaliwanag niya.
     
      
    
 
"Ano naman pakialam mo kung mahuli niya ako? Kaya kong lusutan ang bagay na iyon. Hindi ko kailangan ng tulong mo."
     
      
    
 
"I'm sorry." Binitawan ko na kaagad ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at pilit na pinapakalma ang sarili ko. 
     
      
    
 
"Apo! Pwede bang makinig ka naman sa kanya?" sabi ni Grandpa.
     
      
    
 
"Ayoko! Kailangan ko na umalis," sabi ko.
     
      
    
 
"Bakit ba hindi mo muna intindihin ang sasabihin niya? Ikaw naman ang may gusto na hindi kita ipakilala sa kanilang lahat!" sigaw ni Grandpa.
     
      
    
 
"Pwede ba? Alam mo na ayokong pinapangunahan ako. Gusto ko na ako ang mamuno sa sarili kong desisyon at hindi ko kailangan ng kusang tulong galing sa ibang tao. Tumigil na nga kayo sa pagtatanggol sa taong iyan. Baka hindi niyo alam na hanggang ngayon, nandidiri pa rin ako dahil kadugo ko ang gumawa ng eskwelahan na 'to."
     
      
    
 
Bago ako umalis nakatanggap ako ng sampal galing sa kamay ni Grandpa. Ito ang unang beses niyang pinagbuhatan ako ng kamay. Ramdam ko ang sakit ng pisngi ko.
     
      
    
 
"Hindi ko na kaya pang tiisin ang pambabastos mo sa 'kin. Pinoprotektahan ko lang kayo. Hindi ko ginawa ang school na ito para lang sa kalokohan. Marami ka pang hindi alam kaya wag mo ako pagsalitaan ng ganyan!"
     
      
    
 
"Kabutihan nga ba talaga namin o sadyang hindi mo kase nagagawa ang bagay na 'to noong panahon niyo kaya ngayon hinahayaan mo maging malaya ang mga gangsters sa kung anong gusto nilang gawin."
     
      
    
 
"Sinabi na sa akin ni Master Gino ang totoong rason kaya makinig ka sakanya. Hindi niya basta basta lang gina—"
     
      
    
 
Humarap naman ako kay Denise. "Shut up! Hindi ka kasali sa usapan namin. Matuto kang lumugar!" sigaw ko rito. 
     
      
    
 
Nilingon ko muli si Grandpa. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa niyo sa 'kin ngayong araw. Gawin n'yo kung anong gusto niyong gawin, hindi ko na kayo pipigilan pa. Just do me a favor, pabayaan n'yo nalang din ako sa mga gusto kong gawin dahil ayoko sa lahat yung pinapangunahan ako." Tuluyan na ako lumabas sa dorm ko.
     
      
    
 
Sa laban ko nalang ibubuhos lahat ng galit ko ngayon kaya dumeretso na ako sa venue kung saan gaganapin ang GGW. Nang makarating ako, hinanap ko na kaagad ang Star Gazers.
     
      
    
 
"Goodluck satin, Bharbie." rinig kong sabi ni Sam. Hindi ko siya pinansin kaagad dahil hinahanap ko pa rin yung Star Gazers.
     
      
    
 
"Badluck." Nang makita ko sila sa dulo ay iniwan ko na si Sam at lumapit sa kanilang tatlo. Nakita ko naman sa pagmumukha ni Kurt na nag-aalala siya sa itsura ko.
     
      
    
 
"Bakit namumula 'yang pisngi mo?" tanong nito. Umupo ako sa vacant chair at tinignan ang council sa stage. Hindi ko na pinansin pa ang tanong niya dahil wala pa akong gana na magkwento lalo na't badtrip ako.
     
      
    
 
"Welcome gangsters!"
     
      
    
 
Nag-announce na kaagad ang professor sa harapan. Nasa amin na ang desisyon kung anong gagamitin naming sandata laban sa kabilang grupo. Pipili lang kami sa mga sandata na nakahanda sa gilid ng stage.
     
      
    
 
Unang maghaharap ang The Four Girls at The Fifth Lovers. Pumangalawa naman ang G-Partler at The Run Devil. Kami naman ng The Hell ang napili na huling maghaharap.
     
      
    
 
Tumayo ang mga representative na unang sasabak sa laban. Unang naglaban sila Patricia at Abby. Lamang si Patricia sa laban nila ni Abby kaya hindi nagawang lumaban ni Abby sa kanya. Walang nagawa ang limang babae sa laban nila dahil hindi nila kayang pantayan ang lakas ng pangalawang grupo kaya buong laban nila ay parang pinaglalaruan lang sila ng TFG. 
     
      
    
 
Ang G-Partler at The Run Devil naman ngayon ang naglaban. Unang naglaban sila Vince at Kilmer. Parehas sila ng armas na pinili at 'yun ay ang kadena. Unang sumugod si Kilmer kaya na-corner siya ni Vince gamit ang kadena. Inikot ikot ni Vince ang kadena sa katawan ni Kilmer kaya hindi na siya nakagalaw pa. Naging dahilan iyon para tapusin na kaagad ni Vince ang laban nila. 
     
      
    
 
Sumunod na naglaban sila Clark, Paul at Jeron. Katana ang gamit nilang tatlo. Si Jeron ang walang magawa sa laban ngayon dahil lagi siyang pinagtutulungan ng dalawa kaya marami rin siyang natamo na sugat buti nalang nakakailag siya kapag dibdib na ang target ng dalawa. Hindi na nagtagal ang laban nila at tinapos na rin kaagad iyon ni Clark. 
     
      
    
 
After non, si Zach at Yohan na naglaban. Katana din ang gamit ni Zach habang si Yohan naman ay baril. Nagpaulan ng bala si Yohan papunta kay Zach pero winawasik ni Zach ang mga bala na pumupunta sa kanya at binabalik niya iyon kay Yohan.
     
      
    
 
Nakakailing din naman siya roon hanggang sa nawalan na ng bala ang baril ni Yohan kaya tumalon si Zach gamit ang upuan na nasa stage dahilan para mapunta siya sa likod ni Yohan. Tinutok niya ang katana sa leeg ni Yohan hudyat na tinapos niya na ang laban.
     
      
    
 
Nanalo ang G-Partler kaya top group students pa rin sila hanggang ngayon. It's our turn kaya tumayo na kami at pumuntang stage. Naunang naglaban sila Caz at Chloe. Kinuha ni Chloe ang kadena habang si Caz ay kinuha ang baseball bat na nasa baba ng stage. Kumuha rin siya ng isang stringe na may laman na gamot. 
     
      
    
 
Sumugod na kaagad si Chloe. Sinipa niya si Caz sa sikmura dahilan para tumalsik ang mga armas nito. Tumalon rin si Chloe upang makuha niya ang armas na gamit ni Caz at itinusok yung stringe sakanya. Pinaikot ikot niya yung kadena sa katawan ni Caz hanggang sa matapos na ang laban nila.
     
      
    
 
Bago umakyat si Kurt sa stage lumapit siya sakin. "Familiar ang moves na iyon ah,"
     
      
    
 
Napailing nalang ako sakanya. Sila ang sumunod ni Law na magkakaharap sa stage. Kinuha ni Kurt ang isang dosenang bato na nakalagay sa gilid at isang katana habang si Law ginamit ang katana dahil mukhang may idea na siya sa gagawin ni Kurt.
     
      
    
 
Mabilis na pinagbabato ni Kurt ang mga bato papunta kay Law. Umiilag lang si Law sa mga bato na binabato ni Kurt hanggang sa naubos iyoj kaya naglaban nalang sila ng katana. Paulit-ulit na nagtatama ang mga katana nila kaya marami silang galos na natamo pero nanalo naman si Kurt sa laban na iyon.
     
      
    
 
Si Kevin at Peter na ang sumunod. Ginamit ni Peter ang katana habang si Kevin ay pana at nasa likod niya ang mga palaso. Nagpaulan si Kevin ng mga palaso na iniiwasan lang ni Peter. Paulit-ulit iyon nangyari hanggang sa natama ang isang palaso sa braso ni Peter na kinahina niya kaya bumagsak siya. Lumapit sa kanya si Kevin at tinutok ang pana sa mukha niya hanggang sa binitawan niya na yung arrow na akala namin sa mukha ni Peter babagsak pero tumama ito sahig.
     
      
    
 
Kinuha ko na ang katana at ang pana pati palaso nito. Lumapit ako sa stage. Nakita ko ang mga tao na excited na makita ang laban naming dalawa ni Sam. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Grandpa ngayon at kasama niya rin si Denise. Halata ang pag-alala ni Grandpa sakin pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Ang sama pa rin ng loob ko sa kanya dahil sa nangyari kanina.
     
      
    
 
Muntik na ako matamaan ng balang binitawan ni Sam. Buti nalang nakaiwas ako kaagad. Lumingon ako sa kanya at ngumisi. Ganon din naman siya sakin. Kinuha ko ang isang katana at tinakip ito sa mukha ko. Tumingin muli ako sa kanya kaya sinimulan na niya ang pag-ulan ng bala. Winawasik ko lang ang mga bala at paminsan minsan ay umiilag ako.
     
      
    
 
Napansin ko ang upuan sa gilid ng stage, naisip ko na pwede kong gamitin iyon para makatalon papunta sa likuran niya. Tumakbo ako palapit doon habang winawasik ang mga balang pinapaulan niya. Umakyat ako sa upuan at humawak sa bakal na nakaharang sa kisame.
     
      
    
 
Kumapit ako doon para kunin ang pana ko at isang palaso. Bullseye! Tumama iyon sa kamay niya kaya tumalon ako sa likod nito. Kahit na mabilis ko siyang pinana ng ilang beses nakaiwas pa rin siya. Nagulat ako dahil may tumama sa balikat ko. Isang maliit na karayom ang tumusok. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.
     
      
    
 
"Masakit ba?" nang-aasar na tanong niya.
     
      
    
 
Binitawan ko ang katana at dahan dahan kinuha ang karayom na nasa braso ko dahil nanghihina ako. Tumakbo siya at agad akong sinipa sa sikmura kaya tumalsik ako. Shit! Ang sakit non ah?! Lumapit siya sakin kaya tumalon ako para sipain din siya. Marunong din ako manipa, gaya niya noh.
     
      
    
 
Napaupo siya habang hawak hawak ang sikmura niyang sinipa ko. "Tsk. Weak!" sigaw ko sa kanya. Sinipa ko pang muli ang tagiliran niya sabay kuha ng katana na ginagamit ko. Mabilis kong tinutok ang katana na iyon sa leeg niya.
     
      
    
 
"I'm sorry, jerk! I won."
     
      
    
 
Natapos na ang laban kaya agad na kaming bumalik sa kanya kanya naming table. Nagsalita ang principal sa harapan para I-announce ang naging resulta ng laban at pagkatapos non tumayo na ang lahat maliban lang sa 'kin. 
     
      
    
 
Gusto ko munang mapag-isa kaya hindi muna ako sasabay sakanila. Mukhang napansin naman iyon ng star gazers kaya napalingon sila sa akin at sabay sabay tinawag ang pangalan ko.
     
      
    
 
"Mauna na kayong lumabas dahil gusto ko pang mag-stay muna rito,"
     
      
    
 
"Ano bang problema? Okay ka lang ba? Sasamahan nalang muna kita." sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Kurt please, gusto ko muna mapag-isa ngayon," Mukhang naintindihan naman niya ako kaya tumango nalang siya at naunang lumabas.
     
      
    
 
Nginitian ko lang sila Chloe at Kevin at sinabing sumunod na kay Kurt. Nang makaalis sila buong akala ko ay ako nalang ang naiwan mag-isa rito pero nagkakamali pala ako dahil may asungot na imbis lumabas ay lumapit pa sa table ko.
     
      
    
 
"Hey?" Lumingon ako sa taong iyon. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako.  
     
      
    
 
"Ano nanaman bang ginagawa mo rito?" iritadong tanong ko. Umiwas ako ng tingin sakanya dahil sa mga titig niya.
     
      
    
 
"May problema ka yata?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.
     
      
    
 
"So?" Ano bang pakialam niya kung may problema ako o wala?
     
      
    
 
"Naisip ko na pagkakataon ko na 'to para sirain lalo ang araw mo,"
     
      
    
 
"Tapos?" May kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay sa akin ang dalawang maliit na card. Card yata iyon o ticket? Hindi ko alam.
     
      
    
 
"Gusto mo mag-unwind?"
     
      
    
 
Kinuha ko ang ticket para tignan. Ticket siya sa isang bar. Jackson's Bar. Naguluhan ako kung bakit niya ako binigyan nito kaya napalingon muli ako sa kanya.
     
      
    
 
"Dalawa na ang binigay ko para kung gusto mo magyaya ng iba pa, may extra ticket ka. If you don't come. I'll kill you."
     
      
    
 
Binalik ko yung ticket sa kanya. "I'm not into parties."
     
      
    
 
"Sigurado ka bang ayaw mo sumama?"
     
      
    
 
"Ayoko. Lubayan mo na nga ako!" Nilapag niyang muli sa table yung dalawang ticket at nginitian ako.
     
      
    
 
"9:00 pm sharp. Aantayin pa rin kita sa bar."
     
      
    
 
Pagkatapos niyang banggitin iyon, tuluyan na siyang umalis sa harapan ko. Tinignan ko muli yung ticket na binigay niya sakin at tumingin sa pinto kung saan nakikita ko pa rin siyang naglalakad palayo.
     
      
    
 
Bakit niya ba ako ininvite na sumama sa party? Hindi naman kami ganun ka-close na dalawa. Tinapon ko nalang ang mga ticket na iyon sa sahig at uminom nalang ng juice.
     
      
    
 

styxichanty. 

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon