Chapter 39

30.2K 825 33
                                    


Chapter 39: First Target




Bharbie's point of view.




"HOY! ZACH YAEL LEE! ANONG GINAGAWA MO RITO?!" gulat kong sigaw nang makita ko si Zach.




Sino ba naman hindi magugulat kung pagmulat ng mga mata mo bumungad kaagad sa paningin mo yung boyfriend mo at napakalapit pa ng mukha nito sayo. Oo, inaamin kong kami na nga pero kahit na ganun hindi pa rin naman siya pwedeng pumunta rito ng ano mang oras.




"Good morning, bazy!" bati n'ya sakin.




Ano nanaman bang pakana ng lalaking 'to at tinawag akong bazy? Ano naman ang meaning non?




"Bazy mo mukha mo! Lumayo ka nga!" Tinulak ko siya palayo pero nag-killer smile lang s'ya sakin bago nagsalita.




"Hindi ka pa naliligo diba? Let's take a bath together." yaya n'ya kaya kinilabutan ako rito.




"HOY! BALIW KA NA BA? NAKADRUGS KA NOH? SINONG SUMAPI NA ESPIRITU SAYO AT GANYAN KA?" sigaw ko.




Bago ko pa siya itulak palayo, hinatak niya na ako papasok sa banyo sabay tulak sakin sa bathtub. Bago pa ako mag react sa ginawa niya, binuksan niya na kaagad ang shower kaya basang basa na ako pati pajama ko.




FUCKKKK!




"FUCK YOU ZACH!!" Bakit ba kasi naisipan ako paglaruan ng isang 'to?!




Mas lumakas ang halakhak niya kaya binigyan ko siya ng masamang titig. Ang aga aga niyang mang-asar. Hindi ako nagpatalo sakanya kaya agad kong kinuha ang shower at tinutok sa mukha niya.




"Bharb!!" sigaw nito. "Tumigil ka nga!"




"Okay fine!" natatawang sabi ko at binalik ko na kaagad ang shower. Nang lumingon ako kay Zach, nagulat ako dahil agad niya akong tinulak sa pader kaya dalawa na kami ngayon naaagusan ng tubig.




"Dahil sa ginawa mo, mukhang mapipilitan tuloy akong sumabay sayo sa pagligo."




What did he say?!




"Siraulo! Umalis ka nga rito! Layaaaas!" Tinulak ko siya palayo pero dahil dakilang makulit siya lalo pa siyang lumapit sa akin.




"Bazy..." seryosong sabi niya sabay halik sa noo ko. "I love you." Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Napansin ko na unti unting nagkakalapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Ilang inch nalang mahahalikan niya na ako kaso...




"Ate! Andyan ka ba? Tulung- GOSH! KYAAAAAAA!"




Natulak ko si Zach palayo kaya bumagsak ito sa bathtub na punong puno na ng tubig. Tinignan ko nalang si Danica na namumula.




"Anong ibig sabihin nito? ARE YOU TWO MAKING OUT?!" gulat na tanong nito.




"Fuck! Of course not!" sagot ko rito.




"Hi Danica! Tama ka gagawa sana kami ng baby kaso lang dumating ka naudlot tuloy." sabi ni Zach bago tumayo. Kumindat siya sakin kaya napanganga nalang ako doon.




"S-Sige, pasensya na po. Mukhang kailangan ko na pong umalis para matuloy niyo na yung naudlot." sabi ni Danica. Tumakbo na ito kaagad palayo. Tinignan ko si Zach at sinuntok siya sa mukha kaya ayon napapikit sa sakit.




"Bazy naman! Ang sakit non ah? Pasalamat ka mahal kita!" Hawak hawak pa rin nito ang pisngi niya na sinapak ko.




"Layaaaas!" sigaw ko. Hinatak ko ang polo niya at hinagis siya palabas. Sinarado ko na kaagad ang pinto pero narinig ko pa rin yung malulutong na tawa ni Zach.




Third person's pov.




"Nabalitaan ko rin na nagkakamabutihan na po si Bharbie at Zach Yael Lee. Kailangan na natin gumawa ng paraan. Mukhang nagiging panatag na silang lahat."




Natawa si Master Dexter na ngayon ay nakaupo sa isang table. Mukhang hindi siya makapaniwala dahil sa nabalitaan niya. "Yung top student?" tanong niya sabay hithit ng sigarilyo. Tumango lang ako rito.




"Humanda ka. Mamayang umaga, kikilos na tayo. Sino nga pala ang Young lady na kinikilala nilang lahat?"




"Her name is Denise." Pinatay muna niya ang yosi nito sa ash tray bago tumayo.




"Siya ang first target natin." Tipid siyang ngumiti sakin bago kunin ang baril nito.




"Tignan lang natin kung magiging panatag pa rin sila kung sakaling mapatay natin ang babaeng impostara na iyon. Tawagin mo ang apo ko dahil kayong dalawa ang magsasagawa ng mission na ito."




Tumango lang ako sakanya bago lumabas ng office nito. Mukhang ito na yung simula ng totoong laban na gusto ko at pinaka inaantay ng lahat. Lumapit ako sa lalaking nakatalikod at tinawag ito.




Bharbie's point of view.




"Kumain na tayo." sabi ni Zach habang naka apron ito na akala mo ay isang chef.




"Ano iyan?" Sinilip ko ang pagkain na hinahain niya sa lamesa.




"Pagkain lang naman bazy." Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong meaning ng bazy na tinatawag niya sakin.




"Ano bang meaning ng bazy? Baliw ka na ba? Bharbie ang pangalan ko hindi bazy."




"Bharbie Anne Zach Yael." sabi niya na ikinakunot ng noo ko.




B-Bharbie. A-Anne. Z-Zach. Y-Yael. BAZY.




Tumingin lang ako sa kanya na may halong pagtataka sa kinikilos niya ngayong araw. Ganito ba talaga siya kapag inlove? Bazy? Gosh! Ang korny n'ya.




"Kumain na nga lang tayo." sabi ko at deretso na umupo sa upuan. Nagsimula na akong kumain. Natigilan lang ako sa pagsubo nang mapansin ko na nanatili pa rin siyang nakatulala sa akin at nakangiti.




"Ang ganda talaga ng bazy ko. Sana talaga tuluyan ka na maging akin." nakangiting sabi niya. Muntik na ako mabulunan sa sinabi niya kaya uminom na ako kaagad ng tubig.




"Gutom lang 'yan, Zach." sabi ko sabay iling.




"Hindi ako nagbibiro." sabi niya.




"Ang korny naman kasi ng bayzey bayzey na iyan. Pwede bang wag mo kong tawagin gamit ang nickname na iyan. Hindi ka manlang ba nandidiri o kinikilabutan ha?" sabi ko sabay subo. Umupo siya sa tabi ko tsaka nagsimula na rin kumain.




"Masyado ba talagang corny? Hindi naman eh. Ang cute kaya! Bazy! Bazy! Bazy!" tawang tawa niyang sabi. Napa 'psh' nalang ako sa kanya bago sumubo ng pagkain.




Habang kumakain, biglang pumasok si Danica sa dorm ko kaya napatigil kami sa pagkain at nilingon siya.




"Buti naman po tapos na kayo gumawa ng ba---" Sinamaan ko ito ng tingin at hindi pinatapos sa pagsasalita.




"Shut up! Hindi nga kami gumagawa ng baby kanina!" sigaw ko kay Danica. Binato ko yumg hawak kong tinidor sakanya buti nalang naiwasan niya iyon at agad na lumapit sa amin.




"Sorry na ate!" sabi niya. Mga ilang minuto natapos na rin kami ni Zach kumain kaya naisipan na naming tatlo lumabas ng dorm.




"Gangsters group. Go to my office now."




Sigurado akong boses ni Denise iyon. Ano naman kaya ang gagawin namin sa office niya? Meeting nanaman ba?




"Tara, pumunta na tayo." sabi ni Zach.




Tumango ako sakanya at nilingon si Danica. "Mauna ka na bumaba baka kasi malate ka sa klase mo. Sige na!" Gaya ng sabi ko, sinunod niya ako at agad na umalis.




Nang makarating kami ni Zach sa office ni Denise nagtaka ako dahil lahat ng gangsters group ay may hawak na papel. Tinignan ko sila Kurt na ngayon ay nakaupo sa gilid. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi nito.




"Para saan naman ito?" tanong ko sa taong nasa tabi ko ngayon na si Kurt.




"Hindi ko alam." sabi niya habang nakatitig ito kay Zach. Hindi ko nalang pinansin iyon at binasa nalang ang nakasulat sa papel.




Gangsters Group
Operation: Be a Martial Arts Instructor
Sections List

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon