Chapter 48

28.4K 913 72
                                    


Chapter 48: I'll be there




Zach's point of view.




Nang makabili ako ng ice cream agad akong tumakbo pabalik sa park para hindi matunaw kaagad ang ice cream. Mabuti nalang dahil wala masyadong tao sa store kaya agad din akong nakabili. Binilisan ko na rin ang pagtakbo dahil sigurado akong inaantay na ako ni Bharbie sa park, mainip pa iyon doon. Mainipin pa naman ang babaeng iyon kaya madaling magtampo.




Bigla ako napakunot noo nang makarating ako sa park. Hindi ko kase nakita si Bharbie sa pwesto namin kanina. Lumingon ako sa paligid ko para hagilapin siya. Saan naman kaya siya pumunta?




"Miss, nakita mo yung babaeng nakatayo rito kanina?" tanong ko kaso umiling lang siya sakin bago umalis.




Hinagilap ko kung nasaan siya pero hindi ko talaga ito makita. Inikot ko na rin ang buong park pero hindi ko pa rin s'ya nakita. Nasaan na ba yung babaeng 'yon? Pinaprank niya ba ako? Bumalik ako sa lugar kung saan ko ito iniwan kanina. Buong akala ko, makikita ko siyang muli sa lugar na 'yon pero wala ng tao rito ngayon.




Tinignan ko ang hawak kong plastic at mukhang natutunaw na ang ice cream na pinabili niya sakin. Agad kong kinuha ang cellphone para tawagan ito pero nakailang tawag na ako, ring lang ito ng ring. Kung kanina ay kalmado pa ako pero ngayon bumibilis na ang tibok ng puso ko. Kung sakali man na siya ang isunod ng mga GA Gangs, hindi na talaga ako magdadalawang isip na patayin silang lahat.




Tinawagan ko na kaagad si Vince para alamin kung nakabalik na ba si Bharbie sa dorm niya. "Zy? Napatawag ka?" tanong nito.




"Nakabalik na ba si Bharbie sa academy? Napansin mo ba siyang nakauwi na dyan?"




"A-Ano? Hindi mo na ba siya kasama?" Napapikit nalang ako sa tanong niya at pinigilan ang sarili ko na sigawan ito.




"Pwede bang silipin mo nalang sa dorm niya kung nandun siya?! Tangina! Kinakabahan ako! Bigla nalang siyang nawala kung saan ko siya iniwan kanina. Hindi niya rin sinasagot ang tawag ko."




"Kumalma ka. Sige, titignan ko. Ibababa ko na muna ang linya. Tatawagan nalang kita ulit."




Nang ibaba niya ang linya ay napaupo nalang ako sa bench para pakalmahin ang sarili ko. Agad kong sinubukan muling tawagan si Bharbie pero ganun pa rin ring lang ng ring. Bharbie, bakit mo ba ako pinapakaba ng ganito?




"Sagutin mo na, please." naiiyak na sabi ko. Muli kong tinawagan ang number niya pero wala pa rin sumasagot ng tawag ko. Napahawak nalang ako sa bibig ko at nag-isip. Ano bang nangyari sakanya? Ayos lang ba siya? Tangina naman.




Agad kong sinilip ang phone ko dahil bigla itong nag-vibrate. Unknown number. Sino naman ang taong 'to?




From: 0964*******

I'm sorry, Zach. Patawarin mo ako.




Bigla muli tumunog ang cellphone ko kaya binuksan kong muli ito dahil baka yung unknown number nanaman ang nagpadala ng message pero nagkamali ako dahil kay Vince nanggaling ang message.




From: Vince

Dude, asan ka ngayon? Pupuntahan ka namin. Hindi ko na nakita ang mga gamit ni Bharbie. Nasabi na rin sakin ni Denise na nag-drop out na raw si Bharbie sa university natin. Maging sila Kurt walang alam tungkol dito.




Nakatitig lang ako sa message ni Vince at hindi na pinansin ang basang pumapatak sa phone ko ngayon. Drop out? Umalis siya ng hindi nagpapaalam sakin? Ayun ba ang ibig sabihin ng message ni Vince?




"I love you..." Ngayon ko lang narealize ang tingin niya sakin kanina. Malungkot ang mga mata niya at parang nagpapaalam ito sakin.




Kung ganun, yung ice cream.




Tinignan ko ang hawak kong plastic na may lamang ice cream sa loob. Pinabili niya ba ako nito para hindi siya mahirapan na iwan ako?




Lumakas ang patak ng ulan at tila parang sasabay ito sa pagpatak ng luha ko. Mas lalong bumuhos ang ulan pero naiwan lang akong nakaupo sa bench at iniisip ang dahilan kung bakit siya umalis ng hindi manlang nagpaaalam sakin.




"Hindi. Hindi ako naniniwala. Pinaprank nanaman nila ako. Mga gago talaga!" Hinagis ko ang ice cream sa sahig. Nakipagpustahan pa siya sakin na tatalunin ko sila bukas kaya hindi ako naniniwala na umalis na siya. Hindi totoo 'yon.




Alam kong hindi niya ako iiwan dahil alam kong mahal niya ako. Kahit hindi niya sabihin iyon alam kong mahal na mahal niya ako. Hindi niya ako kayang iwan na hindi nagpapaalam. Hindi.




Bharbie's point of view.




Nakarating na kami nila Kurt sa mansion kaya agad kaming sinalubong ni Manang para kuhain ang gamit ko. Nagpasalamat ako sa mga butler namin at hinayaan silang kunin ang gamit ko.




"Manang, iwan niyo po muna kami saglit." sabi ko rito kaya naman tumango lang siya sa akin bago umalis. Nilingon ko silang tatlo.




"Paano ba 'yan? Ilang araw ko kayo hindi makikita mga alipores ko." natatawang sabi ko.




Nakatitig lang silang tatlo sakin kaya napakunot ang noo ko sa mga ito. "Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo? Hindi ka ba mahihirapan?"




Tumango ako kay Kurt. "Wag kayong mag-alala. Babalik din naman ako kaagad. Hindi rin magtatagal 'to."




"Kahit na ilang araw ka lang mawawala alam namin na mahirap pa rin para sayo 'tong pinaplano mo. Paano kung hindi ka niya tanggapin ulit? Alam mo naman ang pinagdaanan niya sa ex-girlfriend niya diba?" sabi ni Kevin. Napahinto ako dahil sa sinabi nito. Hinampas ni Chloe ang braso niya. "Aray! Nagsasabi lang ako ng totoo noh!"




"Hindi ka nakakatulong! Manahimik ka nalang!"




"Tatanggapin ka pa rin non. Hindi ganun kabilis pero naniniwala akong maiintindihan niya rin kung bakit hindi mo nasabi sakanya ang tungkol dito. Wag mong isipin ng isipin ang mga mangyayari sa susunod na araw. Magpahinga ka at libangin mo lang ang sarili mo sa tuwing nalulungkot ka." sabi ni Kurt kaya napangiti ako.




Tumango si Chloe. "O kaya kapag naboboring ka o nalulungkot, tawagan mo lang kami. Pupuntahan ka kaagad namin."




Ngumiti lang ako sa kanila dahil sa mga sinabi nito. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kaibigan. Yung i-checheer up ka sa tuwing malungkot ka. Kung hindi ko pinasok ang Journal Academy hindi ko sila makikilala at magiging kaibigan. Isa rin sila sa mga dahilan ko kung bakit gusto kong protektahan ang eskwelahan na iyon laban sa GA Gangs.




"Nandito lang kami para sayo, Young lady! Hinding hindi ka namin iiwan. Paglilingkuran ka namin habang buhay." sabi ni Kevin na ikinatawa ko.




"Talaga ba?" natatawang sabi ko. Tumango lang ito sakin at nag-thumbs up. "Kung ganon dapat matalo niyo bukas ang G-Partler. Okay ba 'yon? Kapag hindi, lagot talaga kayo sa 'kin."




"Kung sakaling matalo namin sila bukas. Hindi ba ang kapalit non ay tapos na ang pustahan niyong dalawa?" tanong ni Chloe. Tumango ako rito. "Sigurado ka na ba talaga dyan?




"Ano ka ba! Ayos lang na matapos ang pustahan naming dalawa noh. Gusto ko rin kase na ipanalo ang grupo natin laban sa grupo nila. Ayokong matalo kayo. Gusto kong maabot niyo yung gusto natin abutin simula ng sumali tayo sa gangsters group. Pagbutihan n---" Nagulat ako dahil bigla akong niyakap ni Chloe.




"Goodluck sa pagbalik mo, Young lady." Kumariwas rin siya kaagad ng yakap sakin kaya nginitian ko ito.




Mayamaya pa, nagpaalam na sila na bumalik sa academy dahil baka mahalata ng iba na wala ako doon pati na rin ang mga member ko. Ayoko naman na madamay pa sila rito sa mga pinaplano ko.




Gusto ko sana kumain na muna pero hindi ako mapakali kaya naisipan ko nalang pumunta muna sa loob ng kwarto at humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa phone ko na kanina pa nakakatanggap ng messages galing kay Zach. Binitawan ko ang phone at bumuntong hininga.




"Basta dyan ka lang, okay? Saglit lang ako."




Nakabalik na kaya siya sa academy o nandun pa rin siya at naghahanap sakin sa park?




"Tumigil ka nga! Hindi ka pa sigurado diba?"




Inamin ko na nga sakanya ang nararamdaman ko tapos hindi pa rin siya naniniwala sakin. Kahit kelan napakatanga talaga ng lalaking iyon. Hindi niya ba naisip na hindi ako sigurado noon pero ngayon nagbago na 'yon dahil alam ko na ang totoong nararamdaman ko sakanya.




"I love you more bazy. Antayin mo ako rito dahil may ibibigay pa ako sayo."




Nang maalala ko iyon, bigla nalang bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Tinignan ko ang phone ko dahil may message nanaman.




From Zach:

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon