Chapter 3

44.9K 1.4K 27
                                    


Chapter 3: Kurt Carreon
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria, napansin ko na nandidiri sa amin ang mga estudyanteng nakakasalubong namin. Napapakunot noo ako sa mga itsura nila. Ano bang meron? Bakit sila nandidiri?! May nakakadiri ba sa pagmumukha namin?
     
      
    
 
Habang busy ako sa pagiisip kung bakit ganiyan ang expression ng mga mukha nila. Hindi ko namalayan na may makakasalubong pala ako kaya nabangga ako sa taong iyon. Tinulak ako nito kaya napasalampak ako sa sahig. Iritado kong tinignan yung taong nakabangga ko, laking ko nang makita ang apat na babae na binugbog ko sa park kahapon. Halang nagulat rin sila ng makita nila ako. Tumayo na ako kaagad at hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanila.
     
      
    
 
"Dito ka pala nag-aaral?!"
     
      
    
 
Hindi ba obvious?
     
      
    
 
"Transferee ka noh?"
     
      
    
 
Bakit ang tanga nila magtanong?
     
      
    
 
"Bakit hindi ka sumasagot?"
     
      
    
 
Aalis na sana ako kaso biglang hinila ng isa ang buhok ko kaya napapikit ako sa sakit.
     
      
    
 
"Ayaw mong lumaban?"
     
      
    
 
Mas hinigpitan niya pa ang pagsabunot sakin kaya namilipit ako sa sakit. Kahit na kayang kaya ko silang patulan hindi ko pa rin ito gagawin. Lumapit ang isa sakanila at hinawakan ang baba ko.
     
      
    
 
"Matapang ka lang pala sa una."
     
      
    
 
Napakayabang talaga ng mga bruhang 'to. Hindi ba nila alam na isa ako sa mga kinakatakutan ng mga estudyante kapag pumapasok ako sa ibang eskwelahan? Tapos dahil lang sa kanila matatakot ako? Hell no!
     
      
    
 
"Girls. It's payback time."
     
      
    
 
Tumayo silang apat habang ako naiwang nakasalampak pa rin sa sahig. Lumapit sila sakin at hinatak ang buhok ko para kaladkarin paikot sa dorminatory area. Sobrang sakit at halos malagas na lahat ng buhok ko dahil sa ginagawa nilang apat. Napansin ko ang ilan sa mga estudyante na sumusunod sa amin. Wala ba silang balak tulungan ako?!
     
      
    
 
"Ano, kaya mo pa ba?!!"
     
      
    
 
Itinaas niya ang kamay niya upang mahatak ang buhok ko. Napakagat labi nalang ako upang hindi makasigaw. Tumakbo sila habang nakahawak pa rin ang mga kamay nila sa buhok ko. Buong akala ko tapos na ang pagpapahirap nila sa akin pero hinawakan ng dalawa ang kamay ko habang yung dalawa naman ay sinipa ako sa sikmura, dahilan para magsuka ako ng dugo. Ilang beses nila ginawa iyon bago ako bitawan.
     
      
    
 
Dahil sa panghihina, napaluhod ako sa sahig. Napansin ko na may kinuha silang baseball bat sa gilid at mukhang nasa baseball field na yata kami. Namilipit ako sa sahig nang paluin nila ng baseball bat ang mga paa at hita ko. Hindi ko maitayo ang paa ko dahil mukhang napilayan na at yung katawan ko nanghihina na rin. Inayos ko ang pagkakahiga. Ayoko isipin ng mga estudyante na kaya ko silang patulan dahil kapag pinatulan ko sila, baka maging dahilan iyon para mapatalsik nanaman ako sa eskwelahan.
     
      
    
 
"Ano, kaya mo pa?!"
     
      
    
 
"Mukhang baldado na ang isang 'to. Bakit hindi pa natin tuluyan?"
     
      
    
 
Kinuha niya ang baseball bat at papaluin sana ako sa likod pero may lalaking pumigil sa kanya. Hindi ko makilala kung sino iyon dahil unti unti na nanlalabo ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.
     
      
    
 
"Sana talaga, ayos lang siya."
     
      
    
 
"Tiyak ko naman na magigising rin siya maya maya kaya mabuting uminahon na muna tayong tatlo."
     
      
    
 
Minulat ko ang mga mata ko, nanlalabo ang paningin ko pero naaaninag ko ang puting pader. Sobrang sakit din ng ulo ko. Siguro dahil sa mga bruhang sumabunot sa akin. Kulang nalang kalbuhin nila ako sa ginawa nila kanina. Nakakainis!
     
      
    
 
"Ms. Safari. Okay ka lang po ba?"
     
      
    
 
Kinurap kurap ko ang mga mata ko hanggang sa unti-unti ko na rin sila nakikilala. Si Chloe. Si Kevin at ung lalaki na nagbigay sakin ng panyo kanina nung binuhusan ako ng juice. Napansin ko rin na may nurse sa gilid namin at ngayon ko lang napagtanto na nasa clinic kaming tatlo.
     
      
    
 
"Okay ka lang ba, Ms. Safari?" tanong ni Mr. Nagbigay ng panyo. Dahan dahan akong umupo pero nakaramdam ako muli ako ng pagkirot sa ulo ko. Humanda talaga silang apat sakin kapag ako na ang gumanti paniguradong hindi lang iyon ang gagawin ko sa kanila.
     
      
    
 
"Bharbie. Ayos ka lang?" tanong ni Kevin.
     
      
    
 
"O-Okay lang. Wag niyo kong alahanin kayang kaya ko sarili ko." Hindi naman makapaniwala si Mr. Nagbigay ng panyo dahil sa sinabi ko.
     
      
    
 
"Kung hindi kita tinulungan kanina paniguradong kanina ka pa nag-aagaw buhay sa ospital." Nagulat ako sa sinabi niya. Siya pala yung lalaking tumulong sa akin kanina? Sa dami ng mga estudyante kanina, siya lang talaga ang tanging tumulong sa akin.
     
      
    
 
"I-Ikaw 'yon?"
     
      
    
 
"Be careful, Ms. Safari. Hindi mo kilala ang mga iyon. Mabuti pang manahimik ka nalang kung gusto mo pang mabuhay."
     
      
    
 
Napangisi ako sa sinabi niya. Bakit? Sino ba ang apat na iyon? Bakit kinakatakutan sila ng mga estudyante? Isang sapak ko nga lang sa isa, tulog na. Palibhasa hindi niya alam kung paano ko pinabagsak ang mga iyon kahapon.
     
      
    
 
"Hindi mo lang alam kung ano nangyari kahapon. Kung nandon ka, mamamangha ka kay Bharbie." sabi ni Kevin. Mayamaya, nilabas ni Kevin ang phone niya at tumakbo palapit kay Mr. Nagbigay ng panyo.
     
      
    
 
"May ipapanood ako sayo, pare."
     
      
    
 
Napakunot noo ako kay Kevin. Ano naman kaya ang ipapanood niya sa lalaking iyan? Ilang minuto ko sila pinanood dahil tuwang tuwa yung dalawa at tanging si Mr. Panyo lang ang hindi makapaniwala. Natapos na siguro ang video kaya tinago na iyon ni Kevin.
     
      
    
 
"Seryoso? Nagawa mo ba talaga sa The four girls iyon?" Kung kanina, naiinis siya dahil nagyayabang ako. Ngayon naman, masaya siya dahil sa pinanood niya. T-Teka! Ano ba ang pinanood ng mga iyon? Sana pala tumingin manlang ako para nalaman ko.
     
      
    
 
"Huh?!"
     
      
    
 
"I'm Kurt Carreon." Nakipagkamay siya sa akin kaya tinanggap ko ito kaagad.
     
      
    
 
"Uhm. Hi! I'm Bharbie."
     
      
    
 
"Pero bakit kanina hindi ka lumaban sa apat n----" Tinakpan ko ang bibig niya dahil dumaan yung apat na lalaki na nang-aasar sakin kanina bago kami lumabas ng room.
     
      
    
 
"Hey Miss Transferee!" sabi nung nagtapon sakin ng juice.
     
      
    
 
"Bakit ang dami mong galos sa mukha?" tanong sakin ni Zach.
     
      
    
 
"None of your business." Mas pipiliin ko nalang na pumikit at sumandal sa sandalan ng kama kesa sagutin pa ang mga tanong nila.
     
      
    
 
"Hoy weak girl! Aminin mo, pinaglaruan ka kanina noh?!" sigaw nung nagsabi sakin kanina na weak daw ako.
     
      
    
 
Imblis na sagutin siya. Seryoso ko nalang siya tinignan at hinablot ang headphone na hawak ni Chloe at naisipan na mag soundtrip.
     
      
    
 
Zach point of view.
     
      
    
 
"Bro, samahan niyo na kase ako papunta sa clinic ipapagamot ko lang 'tong sugat ko." nag-iinarte na sabi ni Clark.
     
      
    
 
"Kaya mo naman gamutin iyan mag-isa, bakit kailangan mo pa pumunta sa clinic? Kasing liit nga lang iyan ng pakaw." sabi naman ni Vince.
     
      
    
 
"Sige na sumama na kayo!" pagpupumilit niya.
     
      
    
 
Dahil sa kaartehan ni Clark, wala na kaming choice kundi samahan siya kahit na alam kong nag-iinarte lang siya. Sigurado ako na hindi yung sugat niya ang dahilan kung bakit naisipan niya pumunta sa clinic kundi ung chix na nurse. Hindi niya ako maloloko.
     
      
    
 
"Pero bakit kanina hindi ka lumaban sa apat n----" Napalingon kami dahil sa boses ni Kurt at nakita namin si Bharbie na nakahilata sa kama habang nakapaligid sakanya sila Kurt.
     
      
    
 
"Hey Miss Transferee!" bati ni Clark kay Bharbie. Napansin ko ang mga band aid sa mukha n'ya. Mukha s'yang binugbog ng limang tao sa itsura n'ya.
     
      
    
 
"Bakit ang dami mong galos?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"None of your business."
     
      
    
 
"Hoy weak girl! Pinaglaruan ka kanina noh?!"
     
      
    
 
Hindi niya sinagot ang tanong ni Vince at pumikit lang. Hindi ko alam pero may nakikita akong kakaiba sa babaeng 'to. Familiar ang itsura niya sa 'kin at parang may kamukha siya na isa sa mga barkada ko. Hindi ko lang alam kung sino.
     
      
    
 
"Tara na nga. Nagsasayang lang tayo ng oras dito." sabi ni Paul. Naglakad na nga kami papunta kay Nurse Clara kaya agad na sila nag-usap ni Clark tungkol sa sugat niya. Naglalandian pa nga sa harap namin.
     
      
    
 
Hindi ko maiwasan na lumingon sa kinaroroonan ni Bharbie kaya naisip kong tanungin si Nurse Clara kung ano ba talagang nangyari sa kanya.
     
      
    
 
"Nurse Clara. Ano pong nangyari sa kanya?" Itinuro ko si Bharbie.
     
      
    
 
"Siya ba? Sabi ng mga kasama niya pinagtripan daw ng The four girls. Ang dami ngang sugat na natamo dahil kinaladkad siya mismo sa loob ng baseball field. Pinagpapalo rin daw 'yan ng baseball bat kaya hindi pa siya makalakad ng husto."
     
      
    
 
Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ng grupo ng The Four Girls. "Sila Patricia?"
     
      
    
 
Tumango ito sakin.
     
      
    
 
May ginawa bang masama si Bharbie sa kanila kaya nila nagawa iyon? Kilala ko ang apat na iyon hindi sila magsisimula ng gulo kung wala naman ginawang masama ang isang tao sa kanilang apat. Iniwas ko na ang tingin ko kay Bharbie nang napalingon sa akin si Kurt. Hindi na kami nagtagal pa sa clinic dahil nakaramdam na ako ng gutom kaya agad na kami dumeretso sa cafeteria para kumain.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Madaling araw palang pero naalimpungatan na ako dahil sa ingay na narinig ko galing sa labas ng kwarto. Tumayo na ako sa kama para tignan kung anong meron. Paika-ika pa rin ako ng lakad, hindi pa rin kasi magaling ang kaliwa kong paa dahil sa ginawa ng apat na iyon buti nalang nagamot agad ng nurse. Kinuha ko ang bakal sa gilid ng cabinet nang may narinig akong bulungan sa labas ng pinto.
     
      
    
 
"Bro, huwag ka ngang maingay baka mamaya magising pa si Bharbie dahil sayo."
     
      
    
 
Napakafamiliar ng boses na iyon. Sino naman kaya ang mga 'to? Ano bang kailangan nila?
     
      
    
 
"Ano ba! Wag kang magulo dyan!"
     
      
    
 
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at mabilis na nagtago malapit sa poste na nakaharang sa gilid ng pinto. Sumilip ako konti para silipin kung sino ang mga taong nasa kusina pero hindi ko pa rin sila makita dahil sa dilim. Lumapit ako malapit sa gilid ng kitchen. Unti-unti ko na rin sila nakikilala habang palapit ako ng palapit.
     
      
    
 
"Ano ba kasi ginagawa natin dito? Ano bang gusto mong makita?"
     
      
    
 
"Kung sino ba talaga si Bharbie."
     
      
    
 
"Huh? Tingin mo ba spy siya?"
     
      
    
 
Binuksan ko na ang lahat ng ilaw dahilan para magulat silang apat sa akin. "Anong ginagawa n'yong apat dito?!" inis kong sabi.
     
      
    
 
"Hi, Ms. Weak!" walang emosyon na sabi nung nagtapon ng juice sakin.
     
      
    
 
"Wag niyong ibahin ang usapan. Anong ginagawa niyo rito?" sigaw ko.
     
      
    
 
Nabitin ang tulog ko dahil sa kanila kaya dapat lang na masigawan ko silang apat. Hindi nila kilala kung sino ang iniistorbo nila.
     
      
    
 
"T-Teka nga! Sino ka ba para sigawan kami huh?" sigaw nung nagsabi sakin ng weak girl daw ako.
     
      
    
 
Sino rin ba kayo para pasukin ang dorm ko?
     
      
    
 
"Lumabas na nga kayo!" iritang sabi ko habang nakahawak sa noo ko.
     
      
    
 
"Hindi naman namin ginustong pumasok sa dorm mo. Kahit hindi mo kami palayasin, lalabas at lalabas pa rin kami." sabi nung tahimik palagi na lalaki. Dadaan sana ito sa bintana kaso tumigil ito at tumayo sa harapan ko.
     
      
    
 
"Buksan mo ang pinto." utos niya kaya napa-rolled eyes ako. Pumunta ako sa harap ng pinto at binuksan iyon para makalabas silang tatlo.
     
      
    
 
"Kung gusto niyong mag-imbistiga tungkol sakin wag na kayo pumasok sa dorm ko. Gumamit nalang kayo ng internet para imbistigahan ako dahil wala naman kayo makukuhang impormasyon dito sa loob ng dorm ko." pagpapaliwanag ko kaya lumabas na sila maliban kay Zach.
     
      
    
 
"May punishment ka bukas kaya humanda ka." Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Anong punishment sinasabi niya?! Hindi ba dapat sila ang magkaroon ng punishment dahil pinasok nila ang dorm ko ng walang paalam?
     
      
    
 
"Anong punishment ang sinasabi mo? Hindi ba dapat kayo ang mabigyan ng punishment dahil pinasok niyo ang dorm ko?!"
     
      
    
 
Napangisi siya sa sinabi ko kaya mas lalo akong nabwisit sakanya. "Hindi ordinaryong school ang pinasukan mo kaya normal lang para sa 'kin na bigyan ka ng punishment on your second day." Tinapik niya ang likod ko. "Kung ako sayo hindi na ako lalabas ng dorm bukas."
     
      
    
 
Magsasalita pa sana ako kaso agad na silang nawala sa paningin ko. Teka! Anong punishment?! Hindi ordinaryong school kaya normal lang na magkaroon ako ng punishment kahit wala naman akong ginagawang masama. Wait! Ang gulo! Nababaliw na ba ang isang iyon?!
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon