Chapter 13

38.4K 1K 13
                                    


Chapter 13: Special event 
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Mukhang may event mamaya dahil lahat sila may hawak na maskara. Yung iba naman ay nakasuot na. Umupo nalang ako sa bench para hindi sila pansinin. May tatlong tao na nakasuot ng maskara na lumapit sa 'kin kaya napakunot noo ako kung sino sila at kung anong balak nila.
     
      
    
 
"Young lady. Pasensya ka na sa gagawin namin,"
     
      
    
 
"Anong pinagsasabi mo?"
     
      
    
 
"Sorry. Inutusan lang kami ni Master Gino,"
     
      
    
 
Tatayo na sana ako kaso agad nila akong pinalo ng baseball bat sa likod kaya bumagsak ako sa sahig. Bago ako mawalan ng malay, nakita ko na tinanggal ng isa sakanila maskara na suot nito kaya nakilala ko kung sino ang taong iyon.
     
      
    
 
Nang magising ako napansin ko na nasa madilim ako na kwarto at tanging bintana lang ang nagbibigay ilaw rito. Tinignan ko ang katawan ko. Hindi ito ang suot ko kanina. Bakit naka evening gown na ako?
     
      
    
 
"Gising ka na pala," sabi ni Chloe.
     
      
    
 
"Bakit ako nandito?" sabi ko.
     
      
    
 
"Sorry nga pala sa pagpalo ni Kurt sayo kanina," sabi niya.
     
      
    
 
"Kasama kayo doon?" sabi ko.
     
      
    
 
"I'm sorry, Young lady. Don't worry, chineck ka na ng mga nurse sa clinic at sinabi nila na ayos ka lang naman daw."
     
      
    
 
"Ano nanaman bang pakana ni Grandpa at pinagawa sainyo ang bagay na 'to? Pwede naman niya ako papuntahin nalang sa office niya," 
     
      
    
 
Tatayo na sana ako at lalabas na pero hinarangan niya ako sa daan. Nagulat nalang ako ng umikot siya at sinipa ako sa sikmura kaya tumalsik ako sa kama.
     
      
    
 
Ano bang problema ng babaeng 'to at bigla bigla nalang siya naninipa. Ang sakit non, huh?!
     
      
    
 
"Pasensya na, Young Lady. Hindi kita pwedeng pakawalan,"
     
      
    
 
"Ano bang pinagsasabi mo, Chloe?"
     
      
    
 
"May importanteng event ngayon at hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ang mga nalalaman ko."
     
      
    
 
Nang matapos siya magsalita bumukas lahat ng ilaw sa kwarto kasabay non ang pagpasok nila Grandpa, Kevin at Kurt na may dalang katana, baril at mga kutsilyo. Nakangisi sakin si Kurt na parang may gagawin siyang masama. Napaurong ako sa kama dahil sa mga tingin nila hanggang sa nahulog ako. Pagtayo ko may naghagis sakin ng kutsilyo pero buti nalang nakailag ako kaagad. Ano bang nangyayari sa kanila? Sinapian ba sila ng demonyo kaya sila nagkakaganyan?
     
      
    
 
"Nice one. Mallows." sabi ni Kurt.
     
      
    
 
So, siya ang nagbato nun?! 
     
      
    
 
Siraulong bestfriend! Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon.
     
      
    
 
"My turn, Young lady."
     
      
    
 
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sunod sunod na pagbato ni Kevin sakin ng mga kutsilyo. Buti nalang mabilis ang mga galaw ko. Sa bawat bato niya, nakakailag ako. Kapag nasasalo ko ang kutsilyo binabato ko rin iyon sa kanya pabalik pero binabalik niya rin sakin ang pagbato. Hanggang sa matapos na siya kaya naghabol ako ng hininga dahil sa pagod at kaba. 
     
      
    
 
"My turn apo.." sabi ni Grandpa. Kinuha niya ang isang katana.
     
      
    
 
"Catch!" Hinagis niya sa 'kin ung katana na pumaikot ikot muna bago ko masalo.
     
      
    
 
Tumingin ako kay Grandpa na pumapalakpak. Kinuha niya na ang baril na hawak ni Kurt at tinutok sakin iyon. Unti-unti ko naman naintindihan ang mga ginawa niya. Binigay niya sakin itong katana para maging sandata ko sa kanya. Ito ang ginagawa namin palagi sa mansion. 
     
      
    
 
"I'm ready." sabi ko.
     
      
    
 
Agad na nagsimula si Grandpa magpaulan ng bala. Sa bawat kasa niya pinapatalsik ko lahat ng bala. Natatamaan ako pero hindi ko na iniinda pa ang sakit dahil dumadaplis lang naman iyon sa balat ng braso ko. Patuloy pa rin ako sa pagwasik ng mga bala hanggang sa naubusan na ng bala ni Grandpa kaya binitawan ko na ang katana.
     
      
    
 
"Tapos na ba?" tanong ko.
     
      
    
 
"Follow me," utos niya. Pinaghahagis niya sa sa tatlo ang mga katana bago lumabas. Tumingin sakin si Kurt at ngumiti, "Ibang iba ka talaga," sabi niya.
     
      
    
 
"Bonding na namin ni Grandpa sa mansion iyon kaya magaling na ako. Halika na. Sumunod na tayo kay boss old man." Natawa lang silang tatlo sa sinabi ko.
     
      
    
 
Sumunod na kami kay Grandpa. Tumigil na si Lolo sa paglalakad kaya napatigil na rin kami.
     
      
    
 
"Apo, kailangan mong suotin ang maskara na ito. Ganon din kayo,"
     
      
    
 
Binigay niya sakin ang isang maskara na black and pink pati na rin ang kulay black na gloves. Bago ko isuot, nilugay ko muna ang buhok ko na hanggang bewang ko na. May pagka-curly ito kaya mukhang gumamit ako ng hair curler. Sinuot ko na ang maskara. Hindi na rin ako makikilala ng mga tao dahil sa itsura ko. 
     
      
    
 
"Star Gazers. Maghanap kayo ng tao na magpapanggap bilang Bharbie. Hindi siya pwedeng mawala doon,"
     
      
    
 
"Masusunod po, Master." sabi ni Kevin.
     
      
    
 
"Goodluck!" sabi ni Kurt sa 'kin. 
     
      
    
 
"Ano ba ang gagawin?!" inis kong tanong.
     
      
    
 
Hanggang ngayon wala pa rin talaga akong alam sa nangyayari. Naguguluhan na rin ako sa kinikilos nilang lahat. Nauna na maglakad si Kurt palayo na sinundan naman nila Chloe at Kevin.
     
      
    
 
Mayamaya, niyaya na ako ni Grandpa na pumasok sa loob. Nang makapasok kami sumalubong sa amin ang iba't ibang estudyante at bumati. 
     
      
    
 
"Welcome, Young lady!" sabi ng isang guard na nakasagutan ko nakaraan.
     
      
    
 
Nginitian ko lang siya kahit na nakakagulat ang pagsulpot niya. Muli kaming pumasok sa loob na tinatakpan ng malaki at makapal na kurtina. Pagkapasok namin, nagulat ako dahil lahat sila nakaluhod na sa harap ni Grandpa. Naguluhan ako nang may lumapit sakin na lalaki na nakamaskara. Tinitigan ko lang ang mga mata niya.
     
      
    
 
"Welcome, Young lady." Lumuhod siya sa harap ko.
     
      
    
 
"Grandpa, patayuin mo nga siya. Nakakahiya!" nahihiyang bulong ko kay Grandpa.
     
      
    
 
"Vince, tumayo ka na dyan." sabi ni Grandpa.
     
      
    
 
T-Teka?! Si Vince ba talaga ang taong iyan? Ano ba talaga ang event na ito? Dahil si Vince ang kaharap ko ngayon at sigurado ako na nandito sa kwarto na ito lahat ng gangsters group. Nagpalit nalang ako ng boses. Yung boses na ginamit ko noong araw na tinawagan nila ako.
     
      
    
 
"Nice meeting you, Vince!" bati ko rito. Nakipagkamay ako sakanya. Ang hirap pala magpanggap. Tinitigan lang ako nito sa mga mata ko at hindi binibitawan ang mga kamay ko.
     
      
    
 
"You too, Young Lady." Ako na ang humila sa kamay ko dahil mukhang wala siyang balak bitawan iyon. 
     
      
    
 
"Good evening, gangsters group." sabi ni Grandpa.
     
      
    
 
Hinagilap ko ang Star Gazers pero hindi ko pa rin sila nakikita. Tingin ko wala pa rin talaga sila nakukumbinsi na magpanggap bilang Bharbie. Tumingin ako sa mga estudyante, napansin ko na masaya sila habang nakatingin samin sa stage. Hinagilap ko ang mukha ni Zach at nakita ko siya doon na umiinom habang nakatingin sakin na parang inoobserbahan ako. Mukhang seryosong seryoso talaga siya sa mga hamon niya sakin.
     
      
    
 
"Meet my grandaughter, Anne."
     
      
    
 
Inabot sakin ni Grandpa ang mic. Hindi ko kaagad tinanggap dahil hindi ko pa kayang magsalita sa harap nilang lahat lalo na't hindi ko kayang panatilihin ang boses na ginagamit ko pero wala naman akong choice kundi tanggapin iyon.
     
      
    
 
"H-Hello!" nauutal na sabi ko.
     
      
    
 
Bakit ba wala akong lakas ng loob magsalita sa harap nila? Bakit kase binibigla ako ni Grandpa sa gantong event? Napangiti nalang ako nang makita ang Star Gazers. Mukhang nakahanap na sila ng kapalit ko.
     
      
    
 
Tinignan ko si Kurt. Ngumiti siya sa akin at nag sign ng kaya-mo-iyan-look. Nagsimula na ako magsalita gamit ang boses ng pagpapanggap, "Hello students. I'm Anne. The Young Lady. Sa likod ko, may isa akong tattoo. Black Rose tattoo. Sa balikat ko naman may maliit akong nunal kaya hindi mo makikita kapag malayo ka. Magaling ako sa taekwondo kung ano ano pa. Hindi ako basta basta nagpapatalo lang at hindi ako marunong magmake up. Masaya akong makilala kayong lahat," Inabot ko na kay Grandpa ang microphone. Napabuntong hininga muna ako bago bumaba sa stage.
     
      
    
 
Naisipan kong mag-stay na muna sa isang kwarto kung saan may bilyaran para maglaro. Biglang may pumasok dito sa loob kaya nilingon ko ang mga taong iyon. Ang Star Gazers. Nilock nila ang pinto upang hindi ako maistorbo.
     
      
    
 
"H-Hello, young lady!" utal na sabi nung babae na nagpapanggap na ako. Binitawan ko ang billiard stick at lumapit sa kanila. 
     
      
    
 
"What's your real name?" 
     
      
    
 
"Denise Sebastian,"
     
      
    
 
"Aware ka  na siguro na kapag may event dito school magpapanggap ka bilang ako. Kapag wala naman, hindi mo na kailangan pa magpanggap." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang baba niya. "Hindi mo pwedeng sabihin sa ibang tao na si Bharbie Anne Safari ang Young lady. Do you understand me?"
     
      
    
 
"O-Okay," utal niyang sabi.
     
      
    
 
"Before I forgot. Kilala mo si Zach right?" Tumango siya bilang sagot. "Kapag kinausap ka niya sabihin mo na mananalo ka sa mga bawat hamon niya sayo tapos kapag niyaya ka naman niya na kausapin ang Young lady. Pumunta kayo rito dahil willing naman ako makipaglaro sa kanya kahit anong oras." 
     
      
    
 
"Masusunod." Nang matapos kami sa pag-uusap, agad ko na silang pinalabas para hindi kami mahalata ng iba. Tanging naiwan lang dito sa loob ay si Kurt. Nanonood siya habang naglalaro ako ng billiards. 
     
      
    
 
"Kung ako ang kausap mo kanina, manginginig din talaga ako." 
     
      
    
 
Napailing lang ako sa sinabi niya. Tatanggalin ko na sana ang suot kong maskara kaso bigla akong may narinig na katok galing sa pinto.
     
      
    
 
"Come in," Pagkabukas ng pinto, agad kong nakita si Denise kasama ang isang lalaki na nakasuot ng blue mask. Kakasabi ko lang kanina tapos nandito na siya kaagad? 
     
      
    
 
"Mallows. Anong ginagawa mo rito? Kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala," sabi ni Denise kay Kurt.
     
      
    
 
"I'm sorry. Kinausap ko lang si Young lady. Ikaw? Bakit kasama mo iyan?"
     
      
    
 
"Pwede bang lumabas ka na muna," sabi ni Zach kay Kurt. Pati ba naman sa harap ng Young lady nagagawa niyang magsungit?
     
      
    
 
"Mauuna na po ako, Young lady," sabi ni Kurt. Yumuko muna siya sakin bago tuluyang umalis.
     
      
    
 
"Kayo naman, ano naman ang kailangan niyo?" cold kong tanong.
     
      
    
 
"Young lady," Yumuko silang dalawa sa harap ko.
     
      
    
 
"Sino naman kayo?"
     
      
    
 
"I'm Zach, Young Lady. Ako ang top student leader dito sa Journal Academy."
     
      
    
 
Tinignan ko si Denise. "You are?" tanong ko.
     
      
    
 
"I'm...."
     
      
    
 
Tinaasan ko ito ng kilay. Ilang minuto pa siya nanahimik kaya nainis ako kaagad. Huwag mong sabihin na nakalimutan niya yung pangalan ko? What the fuck! Ayoko pa naman sa lahat ang mga tatanga tanga.
     
      
    
 
"What is your name?" Napasigaw na ako ng wala sa oras dahil sa inis.
     
      
    
 
"Her name is Bharbie," sabi ni Zach.
     
      
    
 
"Yes. I-I'm s-sorry, Young lady," sabi ni Denise.
     
      
    
 
Kung ako si Zach. Siguradong nalaman ko na kaagad na hindi talaga iyan si Bharbie.
     
      
    
 
"Young lady. Pumunta po kami rito dahil gusto lang namin malaman kung totoo po ba ang lahat ng sinabi niyo samin kanina," Binitawan ko ang billiard stick sa table at nilapitan si Zach.
     
      
    
 
"Pwede naman si Bharbie nalang ang tumingin sa likod ko. Right?"
     
      
    
 
"S-Sige," Mukhang naiintimidate siya sa 'kin. Napangisi nalang ako. 
     
      
    
 
Lumapit si Denise sa likod ko para tignan. "Meron si Young lady," sabi ni Denise.
     
      
    
 
"Lahat?" tanong ni Zach.
     
      
    
 
"Bakit ka ba utos nang utos? Ikaw kaya gumawa rito?" sigaw ni Denise sa kanya. Muntik na ako matawa dahil doon, hindi ko inexpect na magagawa niyang sigawan si Zach.
     
      
    
 
"Gawin mo nalang kesa sumigaw ka dyan," cold na sabi ni Zach.
     
      
    
 
"Ikaw nalang kasi!" sabi naman ni Denise.
     
      
    
 
"Ayoko nga sabi eh!" sabi ni Zach.
     
      
    
 
Doon ko naintindihan na nakakarindi rin pala ang sigawan namin palagi ni Zach. Hindi pa rin sila tumitigil sa kakaturo sa isa't isa kaya pumagitna na ako.
     
      
    
 
"Shut up! Get out!" sigaw ko.
     
      
    
 
"I'm sorry, Young lady." sabay silang yumuko sakin at tuluyan na umalis.
     
      
    
 
Napaupo ako dahil sa badtrip. Muling bumukas ang pinto at iniluwa nito si Grandpa kaya naisipan ko na tanggalin ang maskara ko.
     
      
    
 
"Grandpa. Ano pa ba ang gagawin ko? Nababagot na ako rito."
     
      
    
 
"Kung ayaw mabagot, lumabas ka. Makiparty sa kanilang lahat sa labas," sabi niya.
     
      
    
 
"Alam mo naman na hindi ako party girl at ayoko ng alak."
     
      
    
 
"Basta lumabas ka na muna at suotin ang maskara mo," Wala akong nagawa kaya sinunod ko nalang ang utos niya. 
     
      
    
 
Sinuot ko na muli yung maskara ko bago lumabas ng kwarto. Nang makalabas ako bumungad sakin ang sigawan, tawanan at ang malalakas na music. Hinanap ko kaagad ang Star Gazers at nakita ko sila sa gitna nakikiparty kasama ang The hell at The fifth lovers. 
     
      
    
 
Hindi ko sila pwede lapitan kaya pumunta nalang muna ako sa gilid ng table para panoorin ang ginagawa nila. "Hello my beautiful, Young lady." ramdam na ramdam ko ang paghinga niya dahil malapit ang bibig niya sa tenga ko.
     
      
    
 
Hindi ako lumingon sa kanya dahil alam kong magkakadikit ang mga mukha namin. Ang nagawa ko lang ay umusog sa gilid kaya mabilis siyang umupo sa pwesto ko kanina.
     
      
    
 
"Sino naman nagsabi sayo na tawagin mo na rin akong Young lady? Huh, mallows?" 
     
      
    
 
"Kailangan iyan ngayon, Young lady."
     
      
    
 
"Ganon? Sige dahil dyan samahan mo ako uminom,"
     
      
    
 
"Uminom? Diba ayaw mo sa alcohol?"
     
      
    
 
"Wala rin naman akong magagawa dahil lahat sila nagsasaya at umiinom ngayon kaya ako rin dapat. Wag ka na nga kumontra, samahan mo nalang ako. Kapag nalasing ako, ikaw ang bantay ko."
     
      
    
 
Umalis siya sa harap ko para pumunta sa bartender at kumuha ng beer. Tinignan ko nalang ang ibang estudyante. Napansin ko ang dalawang leader ng gangsters group sa gilid na nagbubulungan. Mukhang may something na nangyayari sa kanilang dalawa ngayon. 
     
      
    
 
Napangisi nalang ako nang halikan ni Zach si Patricia. Nakakahiya sila. Kung sino pa ang leaders ng gangsters group, sila pa talaga ang hindi marunong sumunod sa rules. Kunware pa siya na ayaw i-broke ang mga rules dito pero mukhang nag-eenjoy naman siya na makipaglandian sa babaeng iyon. Napairap nalang ako at tumingin sa ibang direksyon. 
     
      
    
 
Pagdating ni Kurt, kinuha ko na kaagad ang isang bote ng beer. Deretsahan kong ininom iyon. "Ang pait. Fvck!" Binagsak ko sa table ang bote dahil sa sobrang pait. 
     
      
    
 
Tinawanan lang ako ni Kurt at uminom na rin ng alak. Binalik ko ang tingin ko sa kinaroroonan nila Zach at nakatingin na rin pala siya rito kaya tinignan ko si Kurt.
     
      
    
 
"Mukhang kailangan mo muna umalis sa tabi ko kasi tinitignan tayo ni Zach, siguradong nagtataka siya dahil nakikipaginuman ako sayo. Ayokong mapadali ang paghahanap nila sakin,"
     
      
    
 
Kahit na labag sa loob niya umalis, sinunod niya pa rin ang utos ko. Pumunta siya sa kinaroroonan ni Denise na hindi niya close pero wala naman siyang choice kundi makipagclose sa taong iyon. Hindi si Young lady ang bestfriend niya, kundi si Bharbie.
     
      
    
 
"Drinking yourself?"
     
      
    
 
Lumapit bigla dito si Vince at umupo sa tabi ko. "What do you want?" Uminom ako muli ng beer bago lumingon sakanya. 
     
      
    
 
"Kilala na kita," 
     
      
    
 
"Kilala mo na kung sino ako?"
     
      
    
 
Tumango siya sa 'kin at nakipagtitigan muli. Akmang tatayo na sana ako kaso hinila niya muli ako paupo.
     
      
    
 
"Bharbie Anne Saf----" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla kong tinakpan ang bunganga niya.
     
      
    
 
"Woah! So, tama ako?" nakangising tanong niya.
     
      
    
 
"Hinaan mo nga ang boses mo baka marinig ka ng ibang tao na nandito,"
     
      
    
 
Tinitigan niya ang mga mata ko. "Bakit ayaw mong malaman nila ang tungkol sayo?"
     
      
    
 
"Marami pa akong balak sa academy. Isa pa, ayokong biglain kayong lahat,"
     
      
    
 
"Naiintindihan ko," sabi niya. "Mas okay na rin siguro na hindi ko na sabihin pa sa iba ang tungkol sayo para hindi kayo malagay sa kapahamakan ni Master Gino. Una palang, duda na ako sayo. At tama nga ang hinala ko na ikaw si Young lady."
     
      
    
 
Mukhang mapagkakatiwalaan ko naman siya kaya ayos lang na malaman niya ang totoo. "May kasunduan rin pala kami kay Master Gino. Matatanggal pa rin ba kami kapag tinago ko ang tungkol sayo?"
     
      
    
 
Tinignan ko siya. "Ayan ba ang sinabi sainyo ni Grandpa? Mawawala ang G-Partler kapag hindi niyo ako nahanap?"
     
      
    
 
"Oo. Kapag nangyari iyon, sigurado ako na si Zach ang mas maaapektuhan."
     
      
    
 
"Bakit si Zach?"
     
      
    
 
"Mahabang kwento. Hindi ko tuloy alam kung ano magiging desisyon ko. Ihaharap na ba kita ngayon sa kanilang lahat o aakto nalang ako na walang alam."
     
      
    
 
"Tingin mo ba papayag ako na mawala ang G-Partler sa gangster group? Remember, ako na papalit sa posisyon ni Grandpa. Hindi ko naman hahayaan na mawala kayo sa list kahit na grabe yung pangtitrip niyo sakin noong pumasok ako rito."
     
      
    
 
"Kung ganon, pumapayag na ako na itago ang identity mo. Ipangako mo lang sa 'kin na hindi mo hahayaan mapatalsik ang G-Partler."
     
      
    
 
Gaya ng sinabi niya, nagkaroon kami ng deal na dalawa. Itatago ko ang identity niya habang ako hindi ko hahayaan na mapatalsik sila sa Journal Academy. Naipit ako sa sitwasyon kaya wala akong nagawa kundi pumayag nalang. Isa pa, mukhang magagamit ko rin naman si Vince.
     
      
    
 
Habang umiinom, kinukwento ko sakanya ang tungkol sa pagpasok ko sa academy hanggang sa kung saan saan na napunta ang usapan naming dalawa. Ilang oras din ang tinagal namin sa party, hindi ako nagpakalasing dahil may klase kami bukas. Ayokong pumasok ng bangag. Kahit hindi ako lasing, ramdam ko pa rin ang hilo kaya agad na ako humilata sa kama at tuluyan na nakatulog. 
     
      
    
 

styxichanty. 0

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon