Chapter 25

29.2K 933 18
                                    


Chapter 25: Concern
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Pagkagising ko sa umaga agad ako sumilip sa bintana. Nagsisibalikan na pala ang mga simple students sa academy. Pasukan nanaman kaya sigurado ako na magkakaron muli ng gulo rito sa loob ng academy.
     
      
    
 
Tumingin ako sa alarm clock. 8am palang ng umaga at mamaya pa naman 12pm ang start ng klase kaya naisipan kong puntahan muna si Danica para balaan siya sa pwedeng mangyayari mamaya. Pipindutin ko na sana ang doorbell kaso napansin kong bukas ang pinto kaya pinasok ko nalang bigla ang dorm niya.
     
      
    
 
Hindi ba siya marunong mag lock? Inabutan ko na bukas ang tv kaya napakunot noo ako dahil wala namang tao sa loob. Nilibot ko na ang kwarto pero hindi ko siya nakita rito.
     
      
    
 
Nasaan naman kaya siya?
     
      
    
 
Lumabas na ako sa dorm niya para bumalik sa dorm. Mabilis akong nagbihis ng damit para hanapin siya. Tinatawagan ko siya pero ring lang ng ring. Ilang missed calls na pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. Lumabas ako ng dorm at sumakay ng elevator. Dahil nakatuon ang atensyon ko sa phone hindi ko napansin ang tao na paparating kaya nabunggo ko ito.
     
      
    
 
Tinignan ko ang taong iyon pero umiwas lang siya ng tingin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang sumbrero. Hindi ko na pinansin pa ang lalaking kasama ko sa elevator at naisipan nalang tawagan si Denise. Sigurado ako na matutulungan niya ako na hanapin si Danica. Iba talaga ang pakiramdam ko sa lalaking katabi ko ngayon. Hindi ko rin alam kung simple students ba siya o isang kaaway. Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 3rd floor tuluyan na siyang lumabas. Pagkalabas nito, agad ko na tinawagan si Denise.
     
      
    
 
"Zup?" bungad niya sa phone.
     
      
    
 
"Nakita mo ba si Danica?"
     
      
    
 
"Of course not. Kakatayo ko palang sa higaan tapos tatanungin mo 'ko niyan?"
     
      
    
 
"Tignan mo nga sa CCTV room."
     
      
    
 
"Kumakain pa ako."
     
      
    
 
"Wala akong pake kung anong ginagawa mo. Sundin mo nalang inuutos ko."
     
      
    
 
"Masusunod po, Young lady." Ibinaba niya na ang linya kasabay non ang pagbukas ng elevator sa ground floor kaya mabilis na rin akong lumabas para hanapin si Danica.
     
      
    
 
Saan ba kasi talaga siya pumunta? Kahit kelan talaga hindi marunong sumunod sa usapan ang mga batang kagaya niya. Mayamaya, tumawag na muli sakin si Denise kaya sinagot ko ito kaagad.
     
      
    
 
"Nasa likod ng school pinaglalaruan ng G-Partler."
     
      
    
 
"Sinasabi ko na nga ba." sabi ko at binaba na kaagad ang tawag.
     
      
    
 
Mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng school para puntahan si Danica pagdating ko naman doon naabutan kong pinagsisipa sipa siya nila Clark at Paul.
     
      
    
 
"Ano? Tumayo ka!" sigaw ni Paul.
     
      
    
 
"T-Tama na po..." mangiyak ngiyak na sabi ni Danica. Halata sa itsura niya ang takot at mukhang kanina pa siya pinaglalaruan ng G-Partler. Sa sobrang inis ko napatiklop na ang mga kamao ko.
     
      
    
 
"Hindi ka talaga tatayo?" tanong ni Vince.
     
      
    
 
"Mukhang hindi tayo sinusunod." Inis na inis na sabi ni Clark. Nakita ko naman na binuhat ni Zach ang nag iisang upuan sa tabi nila kaya nanlaki ang mga mata ko.
     
      
    
 
"Tumayo ka sabi dyan!!" sigaw ni Zach at babatuhin na sana si Danica ng upuan kaso lang tumakbo ako papunta sa pwesto nila. Humarang na ako kaagad kay Danica upang hindi siya tamaan ng upuan.
     
      
    
 
Napapikit ako sa sakit dahil ako ang natamaan non. Nabalian yata ang braso ko dahil hindi ko ito magalaw. Kumirot din ang ulo ko kaya napahawak ako rito.
     
      
    
 
"B-Bharb..." rinig kong sabi nilang apat pero hindi ko sila pinansin. Tumingin ako kay Danica para tanungin kung ayos lang ba siya.
     
      
    
 
"A-Ayos ka lang ba?" utal na tanong ko.
     
      
    
 
"A-Ate bharb?" sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya bago punasan ang dumi sa mukha niya. Napahiga ako sa sahig at dahil sa panghihina unti unti na akong napapikit at nawalan ng malay.
     
      
    
 
Zach's point of view.
     
      
    
 
"A-Ate bharb?" utal na sabi ng babae. Hindi siya sinagot ni Bharbie. Nagulat nalang ako dahil bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay. Lumapit ako kay Bharbie at tinapik ang pisngi niya.
     
      
    
 
Tumingin ako sa ulo niya dahil tumutulo na ang dugo sa pisngi niya. "Bharb! Wake up!" nag-aalalang sabi ko.
     
      
    
 
Lumapit sila Vince sakin at tinignan si Bharbie, "Tangina! Ano ba kasing koneksyon niya sa babaeng iyan at lagi niyang nililigtas?" inis na inis na sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Dalhin niyo ang transferee sa clinic para ipacheck sa mga nurse. Ako na ang bahala kay Bharbie. Vince, sumunod ka sakin." Binuhat ni Paul ang babae habang ako naman ang bumuhat kay Bharbie.
     
      
    
 
Dinala namin si Bharbie sa dorm ni Vince. Tinawagan ko na rin si Nurse Tin para siya ang gumamot sa ulo ni Bharbie. Mabilis naman siyang nakapunta kaya chineck na niya kaagad ang kalagayan ni Bharbie.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Minulat ko ang mga mata ko dahil naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Nilibot ko ang paningin ko at hindi ako familiar sa kwarto na ito. Napansin ko ang taong nasa gilid ko dahil nakayuko siya. Umupo ako sa kama kaya nagising ang lalaking iyon at doon ko lang nakilala kung sino siya. Napapokerface naman ako kaagad.
     
      
    
 
"Gising ka na pala." sabi nito at halata sa itsura niya ang pag aalala.
     
      
    
 
"Obvious ba?" masungit kong tanong.
     
      
    
 
"Akala ko matatanggal na ang pagiging maldita mo dahil nabato ka ng upuan kaso nagkakamali yata ako dahil hanggang ngayon isa ka pa rin tigre," natatawang sabi niya.
     
      
    
 
"Nasaan si Danica? Ayos na ba siya? Alam niyo kapag napahamak ang batang iyon kayo ang sisisihin ko," sabi ko.
     
      
    
 
"Ayos lang siya, Young lady. Guardian ka ba niya?" naiinis na sabi niya. "Ano bang meron sa kanya ha?"
     
      
    
 
"Wala," pokerface na sabi ko.
     
      
    
 
"Ano ka ba naman! Hindi lahat ng estudyante rito kailangan mo iligtas,"
     
      
    
 
"Wait! Kung sino man ang dapat na magbago rito. Kayo dapat iyon. Pwede bang tigilan niyo na ang pambubully sa mga bagong estudyante?" bwisit na bwisit na sabi ko.
     
      
    
 
"Ayoko nga! Ayun lang ang paraan namin para malaman kung inosente ba ang taong iyon o isang kaaway. Ang sarap din kaya sa feeling."
     
      
    
 
Nairita naman ako sa sinabi niya. kaya agad ko siyang piningot sa tenga "A-Aray!"
     
      
    
 
"Sa susunod na gawin mo pa ulit iyon tatadyakan na kita," sabi ko.
     
      
    
 
"A-Aray! B-Bakit ako lang?"
     
      
    
 
"Kasi ikaw lang nakakaalam ng sikreto ko. Naiintindihan mo ba?"
     
      
    
 
"Y-Young Lady naman! B-Bitawan mo na ang tenga ko. A-Ang sakit!" sigaw niya kaya naman binitawan ko na ang tenga niya.
     
      
    
 
Bumaba na ako sa kama kaso nabigla yata dahil kumirot bigla ang ulo at braso ko kaya napahawak ako rito. Pinuntahan naman ako ni Vince. "Mag ingat ka naman." sabi niya.
     
      
    
 
"Letse! Kayo ang may dahilan kung bakit hindi ako makakilos ng maayos ngayon. Humanda talaga kayo sakin kapag gumaling ako," banta ko sakanya.
     
      
    
 
"Anong gagawin mo, Young lady?" nangaasar na sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Dudurugin ko iyang pagmumukha mo!" sigaw ko.
     
      
    
 
"Hindi mo naman ako kaya." nang aasar na sabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hinayaan ko si Vince na i-keep ang sikreto ko. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ba siya o hindi.
     
      
    
 
Umupo nalang muna ako sa kama. "Tell me. Nasaan si Danica?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Dinala siya kanina nila Paul sa clinic kaya maayos na ang lagay niya ngayon. Bakit ba sobrang alalang alala ka sa babaeng iyon?"
     
      
    
 
"Hindi ko alam," sabi ko kaya naman agad napakunot ang noo niya.
     
      
    
 
"Hindi mo alam?" takang tanong niya.
     
      
    
 
"Yeah! Katulad mo hindi ko rin alam," sabi ko sabay hawak sa kaliwang braso ko at dahan dahang tumayo. "Pupunta muna akong clinic titignan ko ang batang iyon,"
     
      
    
 
"Ayos lang siya, Bharb. Magpahinga ka muna dyan." Inalalayan niya ako sa pagtayo kaya tinignan ko siya.
     
      
    
 
"Wala akong oras para magpahinga. Wag kang mag-alala gagaling din naman ang sugat ko," sabi ko dito.
     
      
    
 
"Hays! Sige na nga. Tutulungan nalang kita sa paglalakad." Gaya ng sabi niya, inalalayan niya ako sa pagtayo at paglalakad. Pinihit ko ang doorknob at lumabas ng kwarto. Nagulat ako dahil bumungad si Zach sa harap ko.
     
      
    
 
"Oh? Saan ka pupunta?" seryosong tanong nito.
     
      
    
 
"Sa impyerno, sama ka?" inis kong sabi.
     
      
    
 
"I'm fcking serious!" Tinignan ako nito ng masama.
     
      
    
 
"Well. I'm serious too."
     
      
    
 
"Sorry dude! Hindi ko siya kayang pigilan eh." sabi ni Vince.
     
      
    
 
"By the way, hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa ginawa niyo. Sa oras na hawakan niyo muli ang batang iyon. Hindi ako magdadalawang isip na tulungan siya at kalabanin kayo."
     
      
    
 
Paika ika naman akong naglakad papunta sa pinto. Lalabas na sana ako ng dorm ni Vince kaso lang hinawakan ni Zach ang doorknob at tumingin sakin.
     
      
    
 
"Nasaktan ka dahil sa pag-aalala sa batang iyon. Ganyan ba talaga kahalaga ang babaeng iyon sayo? Tama lang pala talaga na ikaw ang natamaan kanina."
     
      
    
 
"Hindi ka talaga marunong humingi ng tawad noh?"
     
      
    
 
"Bakit ako hihingi ng tawad? Sino ba nagsabi na magpakabayani ka?"
     
      
    
 
Napailing nalang ako sa tanong niya. "Wala ka talaga puso. Umalis ka na nga dyan sa dadaanan ko!"
     
      
    
 
"Paano kung ayoko?" Sumandal pa siya sa pinto at ngumisi sa harap ko. Talaga bang inuubos niya ang pasensya ko?
     
      
    
 
"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
     
      
    
 
"Mabuting magpahinga ka muna rito. Mahirap kung kilos ka ng kilos baka lumala pa ang sugat mo."
     
      
    
 
"Hindi ako makakapahinga kung nandito ang taong katulad mo."
     
      
    
 
"Bakit ba nagagalit ka sakin? Buti nga niligtas pa kita kanina," mayabang na sabi niya bago ilock ang pinto. Umalis na siya sa harap ng pinto at pumuntang kusina.
     
      
    
 
Paano na ako makakalabas niyan?
     
      
    
 
"Halika na kumain ka nalang muna. Pinagluto tayo ni Zach," sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Wala akong gana," sabi ko.
     
      
    
 
"Sobrang sarap pa naman nito," sabi ni Zach habang kumakain.
     
      
    
 
Halata sa mukha nito ang pang-aasar. Mukhang iniinggit talaga niya ako. As if naman mainggit ako sa kinakain niya? Hindi naman ako basta basta naglalaway sa pagkain kahit na gutom ako.
     
      
    
 
"Sigurado ka ba na ayaw mo?" tanong ni Vince sakin na ngayon ay kumakain na rin.
     
      
    
 
"Kumain ka nalang dyan at wag siyang intindihin. Masamang pinag-aantay ang pagkain." sabi ni Zach.
     
      
    
 
Tumingin ako sa kinakain nila. Napalunok ako dahil sa ulam. Sh*t! Adobo. Isa sa favorite kong ulam ang adobo.
     
      
    
 

Hindi! Kahit na favorite ko iyon. Hindi ko pa rin kakainin iyon. Lalo na't si Zach ang nagluto dahil sigurado ako na hindi masarap ang pagkakaluto niya. Mas gugustuhin ko nalang mamatay sa gutom kesa kainin ang pagkain na niluto niya. 
 

   
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon