Chapter 19

31.3K 935 19
                                    


Chapter 19: About Gangsters Group
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Natapos na akong maligo kaya naisipan kong tumambay muna sa gilid ng pool. Tinignan ko si Vince na papalapit saakin ngayon. Nginitian niya ako na parang may kakaibang binabalak.
     
      
    
 
"Napakagaling naman palang lumangoy."
     
      
    
 
"Ano nanaman bang ginagawa mo rito?"
     
      
    
 
"Masama bang puntahan ka, Young lady?" sabi niya bago tumabi sa akin.
     
      
    
 
"Stop calling me Young lady. Gusto mo bang ibunyag ako?!" inis kong sabi.
     
      
    
 
"Of course not. Bakit 'di ka sumasali sa olympics?"
     
      
    
 
"Ayoko,"
     
      
    
 
"Gusto mo isali kita?"
     
      
    
 
"No way!"
     
      
    
 
"Yes way."
     
      
    
 
"Ayoko nga. Ano ba kasing ginagawa mo rito?"
     
      
    
 
"Magsisigarilyo sana ako kaso habang naglalakad nakita kitang lumalangoy kaya naisip kong panoorin ka muna,"
     
      
    
 
"Nakakatuwa naman na nakuha ko ang atensyon mo," Umahon na ako kaagad sa pool at titig na titig siya sa katawan ko kaya sinampal ko ito. "Manyakis!" Natawa lang siya sakin at inabutan ako ng mini towel at bathrobe na kakasya sa buong katawan ko kaya tinanggap ko kaagad ito.
     
      
    
 
"Tara?" yaya niya bigla saakin kaya napatigil ako sa pagpunas ng buhok ko.
     
      
    
 
"Saan naman?" tanong ko.
     
      
    
 
"Basta. Tara na magbihis ka muna tapos aantayin kita na bumaba,"
     
      
    
 
Hinatak niya na ako papuntang kwarto ko kaya wala na rin akong nagawa kundi sundin ang utos niya kahit na wala akong alam sa pupuntahan naming dalawa. Nang makababa ako, agad niya na muli ako hinatak.
     
      
    
 
"Ano nanaman bang kalokohan ang naiisip mong gawin?" tanong ko rito habang pababa kami ng hagdan.
     
      
    
 
Dinala niya ako sa pinakamalayong lugar dito sa isla. Tandang tanda ko naman yung daan dahil dumeretso lang naman kami at hindi lumiko. Mukhang nandito na kami dahil pinatigil ako ni Vince sa paglalakad at tinakpan ng panyo ang mga mata ko. Hindi ko tuloy mabalance katawan ko.
     
      
    
 
"Young lady! Wag ka nalang maingay at magtiwala sakin," Mukhang iritado na siya dahil sa kakareklamo ko.
     
      
    
 
"Kapag ako nabwisit sa ipapakita mo sakin sisiguraduhin ko na sapak ang aabutin mo," banta ko sa kanya.
     
      
    
 
"Hindi promise! One step, then stop!" Sinunod ko nalang ang sinabi niya. Tumigil na kami sa paglalakad at tatanggalin ko na sana yung panyo kaso pinigilan nanaman ako ni Vince.
     
      
    
 
"Sasabihin ko nalang sayo kapag tatanggalin mo na yung panyo. Wag kang excited okay?" Napacross arms nalang ako dahil sa sinabi niya.
     
      
    
 
"Okay. Tanggalin mo na!" sigaw niya kaya naman mabilis ko itong tinanggal.
     
      
    
 
"SURPRISE!!" sigaw ni Vince habang may hawak siyang wine.
     
      
    
 
Nandito rin ang tatlo kong kagrupo. Sila Kurt, Chloe at Kevin. May hawak din silang wine tapos may isang table na bilog na may limang upuan na nakapaikot rito. May cake na nakalagay sa table kasama ang mga plato at baso. Naglakad ako palapit sa kanila at nagkunot ng noo.
     
      
    
 
"Ano bang kalokohan 'to?" mataray na tanong ko.
     
      
    
 
Lumapit sa tabi ko si Chloe, pinulupot niya yung kamay niya sa kanang kamay ko. "Hindi ka namin nawelcome simula noong pumasok ka sa JA kaya naisip naming gawin ito para sayo," masayang sabi niya.
     
      
    
 
"Gusto ka rin namin i-congrats kasi medyo nabawasan na ang pagiging maldita mo kaya tuloy tuloy mo lang iyan ha?" sabi ni Kevin sabay tapik sa likod ko.
     
      
    
 
"Thank you rin dahil pinagkatiwala mo sakin ang sekreto mo, Young lady." sabi ni Vince at ngumiti.
     
      
    
 
"At higit sa lahat..." Lumapit si Kurt sakin at inakbayan ako. "Hindi ako makapaniwala na sa dami daming estudyante sa Journal Academy. Kami pa ang napili mo para tulungan ka makapasok sa gangsters group kaya nagpapasalamat ako sa ginawa mo dahil naipakita namin sakanila ang mga kakayahan naming gawin." sabi niya. Ang cheesy naman nila ngayong araw.
     
      
    
 
"Kaya naisip namin na bigyan ka ng welcome party at pasasalamat sa tiwala na ibinigay mo sa aming apat," sabi ni Vince.
     
      
    
 
"And then what?" asar kong tanong sa kanila. Kinuha ko ang wine na iniinom ni Kurt at ininom iyon.
     
      
    
 
"Bharb naman. Nag-effort kami para dito tapos aasarin mo lang kami? Napaka unfair mo talaga!" nakapout na sabi ni Kevin.
     
      
    
 
"Wag kang magpout baka mainlove sayo si Chloe niyan," asar ko sakanya.
     
      
    
 
"Huh? Ako maiinlove diyan? No way!" sabi ni Chloe.
     
      
    
 
"Haha! Kunwari ka pa alam ko naman na kinikilig ka rin," dagdag na asar naman ni Vince.
     
      
    
 
"Ang kapal niyo! Tsk! Makakain na nga lang," sabi ni Chloe at umupo.
     
      
    
 
"Oh! Guilty?" natatawang sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Umupo na nga tayo. Tama na iyan!" saway ko sakanila. Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan. Tinabihan naman ako ni Vince habang si Kurt nasa kabilang gilid ko.
     
      
    
 
"Dahil nandito na rin tayo pwede ko bang malaman kung ano ang naramdaman niyo pagkatapos niyo makapasok sa Gangsters Group?" tanong ni Vince.
     
      
    
 
"Unang naramdaman ko ay ang takot dahil hindi ako mahilig sa martial arts pero dahil kay Young lady. Mas lumakas ang loob ko na matutunan iyon," sabi ni Chloe. Ngumiti lang ako sa kanya.
     
      
    
 
"Teka! Ibig sabihin matagal ka na palang mahilig sa martial arts, Young lady?" tanong ni Vince.
     
      
    
 
"Oo. Lagi ako nakikipag-away sa iba't ibang eskwelahan. Wala akong eskwelahan na straight ang klase ko kasi kapag pumapasok ako sa isang school mabilis din nila akong kinikick out dahil nga sa palagi nalang gulo ang dulot ko." natatawang kwento ko. Natawa rin naman silang tatlo dahil sa akin.
     
      
    
 
"Basagulera ka pala, Young lady." natatawang sabi ni Kevin.
     
      
    
 
"Ano pa nga ba ang tawag sa babaeng puro gulo ang hanap? Nakapasok na rin ako sa isang nakakatakot na gang pero nang malaman ni Grandpa ang tungkol doon ilang araw akong nakulong sa kwarto ko. Ang buong akala nila iniwan ko sila sa ere kaya ngayon galit na galit na sila sakin."
     
      
    
 
"Sila ba yung mga taong pumasok sa JA para patayin ka?" tanong ni Vince. Tumango lang ako sakanya bago uminom muli ng wine.
     
      
    
 
"Sa tuwing naalala ko ang lahat ng nangyari pinagsisisihan ko lahat lahat. Kung alam ko lang na mapapahamak sila, hindi ko na sana pa ginawa ang mga bagay na iyon. Lalo na noong nakipagdate ako sa isang kalaban na naging spy sa gang namin noon."
     
      
    
 
"Wow! Ang tindi mo naman pala!" sabi ni Kevin. Napailing nalang ako sa sinabi niya. "Ako naman, naramdaman ko simula nang pumasok ako sa Gangsters Group. Excitement. Mahilig din ako sa gulo pero hindi ko pa nasusubukan ang mga ganong sitwasyon. Naexcite ako dahil sa mga gangsters group na kakalabanin ko," ni Kevin sabay inom ng wine.
     
      
    
 
"Masaya ako noong araw na iyon dahil sabi nga ni Kevin, first time ko rin iyon. Hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa gulo pero magaling ako sa mga ganyan kaya masaya ako na nailabas ko ang galing ko dahil sa pagpasok ko sa gangsters group," sabi naman ni Kurt.
     
      
    
 
"Ikaw ba? Anong naramdaman mo?"
     
      
    
 
Nakatingin lang ako sa kanila habang iniisip ang naramdaman ko noong araw na iyon.
     
      
    
 
"Wala." tipid kong sagot.
     
      
    
 
"Hoy, anong wala?" reklamo ni Vince
     
      
    
 
"Huh?" nagtatakang tanong naman ni Chloe.
     
      
    
 
"Hindi pepwede iyan!" reklamo rin ni Kevin.
     
      
    
 
Ngumiti lang ako sakanila. "Galit ang naramdaman ko. Galit na galit ako sa kung sino ang nagpasimuno ng Gangsters Group. Galit na galit ako dahil ginagamit ng gangsters group ang kanilang kapangyarihan para makapangbully ng estudyante. Ginagamit nila ang lakas nila upang makapangtakot at makapagutos. Nag-eenjoy sila na gawing alipin ang mga simple students," Nanahimik sila dahil sa sinabi ko kaya nagpatuloy muli ako sa pagsasalita "Kaya kayo walang masaya sa pagpasok bilang gangsters group dahil para sakin ito ay walang kwenta at walang ka nonsense nonsense na kalokohan,"
     
      
    
 
"Tandaan niyo. Maaalis ang Gangsters Group sa ayaw at sa gusto niyo," sabi ko kay Vince sabay tayo at naglakad.
     
      
    
 
"Young lady! Paano kung sabihin ko sayo na ang gangsters group ang pwedeng magligtas sa mga simple students at pati na rin sa pamilya niyo?" tanong ni Vince.
     
      
    
 
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Vince. Agad ako lumingon sa kanya at nagkunot noo. "Ano?" takang tanong ko.
     
      
    
 
"Kung una palang sana tinanggap mo na ang alok ng principal na sabihin sayo ang mga rules at kung anong meron sa JA edi sana naiintindihan mo kung bakit may Gangsters Group sa Journal Academy," sabi ni Vince. Aalis na sana siya kaso hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
     
      
    
 
"Now tell me. Ano ba talaga ang meron?" takang tanong ko.
     
      
    
 
"Itanong mo nalang sa principal ang tungkol dyan," Deretso na siyang umalis kaya naman nairita ako. Kinakausap ko pa siya tapos bigla nalang niya lalayasan?
     
      
    
 
"What does he mean?" inis kong tanong sa sarili ko.
     
      
    
 
"Mabuti pa siguro kung tanungin nalang natin sa principal ang gusto mong malaman," sabi ni Kevin. Nauna na silang maglakad ni Kurt kaya tinignan ko nalang si Chloe.
     
      
    
 
"Tara na, Bharb." sabi ni Chloe. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Mabuti nalang nasalubong namin ang principal kaya naisipan na namin siyang tanungin. Niyaya niya kami sa kwarto niya para kausapin.
     
      
    
 
"Star Gazers. Ginawa ang gangsters group upang maprotektahan ang mga bawat estudyante sa Journal Academy. Ginawa naman ang GGW upang magsanay ang mga gangsters group at hindi para gawing kalokohan lamang,"
     
      
    
 
"Bakit po ba kailangan namin magsanay?" takang tanong ni Chloe.
     
      
    
 
"Dahil sa Galaxy Academy," sabi ng principal. Napahinto naman ako dahil doon.
     
      
    
 
"Galaxy Academy? Yung school ba na kinalaban ng mga magulang ng mga leader ng Gangsters Group?" tanong ko.
     
      
    
 
"Pano mo nalaman iyon?" bulong ni Kurt. Tinignan ko lang ito at hindi sinagot ang tanong.
     
      
    
 
"Oo. Sila nga. Hindi pa rin sila natatahimik ngayon at nalaman din namin na ang mga anak na nila ang maghihiganti para rito dahil ang plano nila ay patayin sila Master Gino, Empress at ang mga apo nito upang mapatumba ang eskwelahan natin kaya gumawa kami ng paraan. Tinawagan namin ang bawat anak ng dating myembro ng Gangsters Group. Ginawa namin silang leader ng bawat grupo kaya bago nagsimula ang klase noon, hinayaan muna namin sila na maghanap muna ng myembro ng bawat grupo. At nang mabuo na ang grupo nila, nabuhay na muli ang gangsters group. Sinanay namin sila upang mapaghandaan nila ang pagsugod ng kabilang eskwelahan," Magsasalita sana ako kaso muli siyang nagsalita.
     
      
    
 
"Bharbie. Wala ka bang nararamdaman na may sumusunod sayo? May nagmamasid sa mga galaw mo? Wala ba, iha?" tanong ng principal.
     
      
    
 
"Wala naman po..." sabi ko. "Isa pa, hindi naman po talaga ako ang Young lady na ginagalang nila ngayon kundi si Denise. Wala po bang nasasabi sa inyo si Denise na may nagmamasid sa kanya?" tanong ko.
     
      
    
 
"Wala sa kanya pero sa Grandpa mo meron," sabi ni principal.
     
      
    
 
"Kay Grandpa? Wala naman po siyang nasasabi sakin," sabi ko.
     
      
    
 
"Hija. Kailangan mong bantayan ang Grandpa mo. Maari kasing unahin siya ng mga taong iyon. Baka mawala nalang siya sayo bigla. Sigurado kase ako na ang Grandpa mo pa rin ang target ng mga kalaban ng pamilya mo kaya baka siya ang unang mapahamak bago kayo ng kuya mo," sabi ng principal.
     
      
    
 
Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mapahamak si Grandpa. Natatakot ako. Sana lang hindi mangyari ang kinatatakutan ko na iyon. After namin malaman ang lahat ng gusto namin malaman lumabas na kami kaagad sa kwarto ng principal.
     
      
    
 
"Ang buong akala ko, hindi ganon kaimportante ang rason kung bakit nila ginawa ang gangsters group. Hindi ako makapaniwala na may kalaban pala tayo," sabi ni Chloe.
     
      
    
 
"Mauuna na ako," sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Sama--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil umalis na siya kaagad. Napansin ko na habang nagkekwento ang principal kanina pa siya tahimik. May problema ba siya?
     
      
    
 
"Ikaw nalang pala ang sumama sakin, Chloe. May aalamin pa tayo." sabi ko. Tumango lang siya sakin. Nilingon ko naman si Kevin.
     
      
    
 
"Pwede bang kausapin mo si Kurt? Mukhang may problema ang taong iyon. Kanina pa siya hindi umiimik sa loob habang pinag-uusapan natin ang tungkol sa Galaxy Academy," sabi ko.
     
      
    
 
"Sige. Mag-iingat kayong dalawa."
     
      
    
 
Tumango naman kami sakanya. Nauna na umalis si Kevin kaya agad ko na hinatak si Chloe.
     
      
    
 
Someone's point of view.
     
      
    
 
Ilang months nalang ba ang aantayin namin bago namin kayo sugurin? Akala niyo ba hindi ko napapansin na puro kasinungalingan ang mga pinapalabas niyo?! Ang tanga tanga pa rin nila hanggang ngayon. Marami pa akong alam sainyo, Gino Safari.
     
      
    
 
Hindi ako papayag na hindi ko kayo maubos dahil kahit anong mangyari susubukin ko pa rin na patayin kayong lahat. Hindi ako titigil hangga't hindi niyo pa pinagbabayaran ang ginawa niyo sa apo kong si Kairus. Hindi niyo rin alam na may dalawang tao na mahalaga sa inyo na tinatraydor kayo.
     
      
    
 
Young lady? Kilala na kita ngayon. Uubusin ko lahat ng mahahalaga sayo. Sisiguraduhin ko na uuwi nanaman kayong luhaan ng gangsters group gaya noon. Hinding hindi ako papayag na manalo kayo sa pangalawang laban natin. Hinding hindi kayo mananalo. Mamamatay muli kayong lahat. Tandaan niyo iyan.
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon