Chapter 22

36.3K 1K 28
                                    

Chapter 22: The Run Devil
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Tulala akong lumabas ng kwarto ni Zach dahil sa ginawa niya. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang kalokohan ng lalaking iyon. Sino ba siya para halikan ako?
     
      
    
 
Hinding hindi ko talaga siya mapapatawad. First kiss ko iyon tapos siya pa ang nakakuha? Wala pa akong nahahalikan na kahit sino maski ex boyfriend ko hindi ko hinalikan noon tapos siya malaya akong nahalikan na walang kahirap hirap? Wow!
     
      
    
 
Napahinto ako sa paglalakad dahil nakita ko si Vince na papalapit sa kwarto ni Zach. "Asan na?" tanong niya sa akin.
     
      
    
 
"Pumasok ka para malaman mo," pokerface na sabi ko sabay alis sa harapan niya.
     
      
    
 
Wala akong gana makipag usap sa kanila. Nabibwisit talaga ako sa ginawa ng leader nila. Mabilis na akong bumaba at naabutan ko ang gangsters group na handang handa na sa GGW na gaganapin mamaya.
     
      
    
 
"Magbihis ka na," sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Ngayon na ba?" walang gana na tanong ko.
     
      
    
 
"Oo. Pinapahanda na tayo ni Denise para makabalik na tayo kaagad sa Journal Acadrmy. Here!" Inabot niya sakin ang isang karton. Ano naman gagawin ko diyan?
     
      
    
 
"Gagawin ko dyan?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Kakainin mo siguro," pamimilosopo niya.
     
      
    
 
Tinignan ko siya ng masama. "I'm serious."
     
      
    
 
"Pumasok ka nalang sa kwarto niyo at magbihis. Binigay ni Denise iyan dahil ayan ang isusuot natin para sa GGW. Siguro naman nakikita mo yung suot namin ngayon hindi ba?" Ngayon ko lang napansin na halos magkakapareho pala ang mga suot nila. Nakapatig na damit at pantalon. Mukha na tuloy silang sundalo. "Kung ano ang suot namin ayan ang susuotin mo,"
     
      
    
 
Hindi naman na ako umangal pa dahil baka tumagal pa ang usapan naming dalawa. Sigurado naman ako na kahit anong sabihin ko si Denise pa rin ang mananalo sa aming dalawa. Siya ang kinikilalang Young lady kaya siya ang dapat nilang sundin ngayon at ganun din ako. Magpasalamat nalang siya dahil marunong ako magtimpi.
     
      
    
 
Kasalukuyan, lahat ng atensyon nila na kay Denise except samin ni Zach. Nakatutok kasi ang atenson namin sa isa't isa. Mukhang nang aasar pa nga ang mga tingin niya sakin kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Hinahamon ba talaga niya ako? Kung nakakamatay lang ang mga tingin ko kanina pa siguro siya naghihingalo sa harap ko.
     
      
    
 
"Mr. Lee and Ms. Safari. Nakikinig ba kayo?"
     
      
    
 
Napatingin ako kay Denise. Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin siya ngayon pero bumaling muli ang tingin ko kay Zach dahil nagsalita nanaman siya.
     
      
    
 
"Kahit hindi ko naman na pakinggan ang sinasabi mo Young lady kayang kaya ko pa rin naman silang talunin lahat," mayabang na sabi niya.
     
      
    
 
"Are you sure with that Mr.Lee?"
     
      
    
 
"Sino bang makakatalo sa isang top leader student sa buong myembro ng gangsters group?" Napangisi lang ako sa sinabi niya.
     
      
    
 
"Kayabangan..." bulong ko.
     
      
    
 
"May sinasabi ka Bharbie?"
     
      
    
 
Ngumiti lang ako ng mapait sa kanya bago pumunta sa isang chest na nasa likod namin. Kinuha ko ang isang kutsilyo na matalim at isang kadena.
     
      
    
 
"Kung ganun, bakit hindi natin simulan? Gusto ko kase patunayan sayo na hindi lahat ng taong nandito kaya mo talunin." nang aasar na sabi ko habang kinikiskis ang talim ng kutsilyo sa kamay ko.
     
      
    
 
Tinignan ko si Denise. "Let the game begin, Young lady." nakangiting sabi ko rito.
     
      
    
 
"Easy! Hindi pa kayo ang magkalaban." sabi ni Denise bago pumunta sa harap ko para kunin ang sandata na hawak ko.
     
      
    
 
"Before we start, gusto ko lang sabihin na may mga sandata akong ibibigay sa bawat grupo at kung anong sandata ang mabunot ng leader niyo ay tiyak na ayon ang gagamitin niyo sa laban. May anim na chest tayo rito. Bubunot ang bawat leader dito ng isang number at kung anong number ang napili nila ayon ang bubuksan niyong chest para malaman kung anong sandata ang mapupunta sa inyo."
     
      
    
 
Tumango na lamang kaming lahat sa sinabi ni Denise kaya nag move forward na lahat ng mga leader.
     
      
    
 
"Bharbie, ikaw na ang mauunang bumunot."
     
      
    
 
Agad na ako bumunot ng number. Pinakiramdaman ko muna ito bago ko kuhanin dahil gusto kong makuha ang gun or sword manlang para mas madali siyang gamitin. Nang makabunot na ako tumingin ako sa number na hawak ko at ang pangalawang chest ang nabunot ko kaya tumungo ako kaagad sa harap non.
     
      
    
 
Sumunod na bumunot ay si Abby at pumunta siya sa unang chest. Sumunod naman na bumunot si Zach at mabilis siyang pumunta sa pang anim na chest. Sumunod si Kilmer na pumunta sa pang apat na chest. Si Patricia ang sumunod na bumunot sabay punta na sa pangatlong chest at dahil huling tinawag si Sam siya ang nakakuha ng huling chest.
     
      
    
 
"Pwede niyo na buksan ang mga chest na nabunot niyo." sabi ni Denise. Sabay sabay namin binuksan ang chest na nakuha namin. Napangisi naman ako sa nakita ko.
     
      
    
 
Zach's point of view.
     
      
    
 
Nandito kami sa isang kwarto kung saan mayroong malaking tv na nakaharap sa amin. Pinapasok muna kami rito para dito mag antay at manood muna ng laban.
     
      
    
 
May headphone na inabot sa amin isa isa para marinig namin ang mga usapan sa kabilang kwarto na kung saan naglalaban ang bawat grupo. Sinimulan na ng The fifth lovers at The hell ang GGW. Ang nakuha ni Abby na sandata ay kadena habang si Sam naman ay isang tirador. Nagulat ang lahat dahil sa ginawa ni Abby na pag tumbling sumunod nito ang pagsipa niya sa mukha ni Sam. Mabuti nalang ay agad nabalance ni Sam ang katawan niya kaya hindi siya bumagsak sa sahig.
     
      
    
 
Ginamit niya ang tirador para patamaan si Abby ng bato sa mukha kaso nakailag ito. Sinipa niya si Sam at umikot sa likod nito gamit ang kadena niyang hawak at nang maitali niya na ang kadena sa buong katawan ni Sam agad niyang kinuha ang tirador at tinutok sa mukha nito.
     
      
    
 
Sumunod naman na naglaban ay sila Law at Candice kasama si Maja. Bago maglaban ang tatlo. Ngumisi muna si Maja kay Law at may sinabi rito na dahilan ng pagkamula ng mukha ni Law. "Ang pogi mo pa naman kaso mukhang madudungisan yung mukha mo ngayon dahil dalawa kami at isa ka lang."
     
      
    
 
Dahil sa sinabi ni Maja, naunang sumugod si Law sa dalawa ginamit niya ang tirador niya upang makailag sa mga kadenang hawak nila Candice. Napakaunfair ng laban dahil napakaliit na tirador lang ang ginagamit ni Law kaya sigurado ako na hindi niya magagamit ng maayos ito lalo na't hawak ng dalawang kalaban niya ay kadena pero nasa kanya pa rin ang desisyon kung ipapanalo niya iyon gamit lang ang isang tirador. May binulong ang dalawang babae sa kanya at sinapak siya ng mga ito kaya bumagsak na siya kaagad sa sahig. Nagkaroon naman na sila Candice ng pagkakataon na tapusin ang laban nila kay Law.
     
      
    
 
Sumunod naman na naglaban sila Caz at Aika. Ngumisi si Caz kay Aika bago sumugod ginamit niya ang tirador para mahampas ito sa mukha ni Aika kaso bago niya ito mahampas agad nahawakan ni Aika ang braso niya.
     
      
    
 
"Dude! Aminin mo nga sakin. May ginawa ka nanaman bang kalokohan kanina? Pansin ko kase nung lumabas ng kwarto mo si Bharbie naging mabangis na tigre nanaman."
     
      
    
 
Napalingon ako kay Vince. Ngumisi muna ako sa kanya bago nagsalita. "Hinalikan ko kasi siya dahil inis---"
     
      
    
 
"Ano hinali--Hmp!" Bago niya pa matapos ang sasabihin niya agad ko na tinakpan ang bunganga niya.
     
      
    
 
Tinignan ko siya ng masama para patigilin sa kung anong balak niyang sabihin.
     
      
    
 
"Mamaya na tayo mag usap hindi ito ang tamang oras para dyan." Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya at binaling nalang muli ang atensyon sa screen.
     
      
    
 
Tapos na pala ang laban ng The fifth lovers at The hell kaya naman pinapunta na ni Young lady ang Star Gazers at The Run Devil sa kabilang kwarto. Pumasok na muli rito sa loob ang The hell at The fifth lovers. Sinalubong kaagad sila ng mga nurse para i-check kung ayos lang ba silang lahat. Umayos ako ng pagkakaupo dahil alam kong magandang laban nanaman ang masasaksihan ko dahil sa Star Gazers. Baril ang napili ng TRD at ang katana naman ay sa SG. Unang sumabak sa laban ay sila Chloe at Kevin. Ang kalaban nila si Jeron.
     
      
    
 
Nagpaputok na nagpaputok si Jeron kaya ang dalawa ay todo ilag sa mga bala. Kitang kita mo kung paano sila gumamit ng katana at ng baril. Alam na alam nila ang mga ginagawa nila dahil kung magkamali man sila sa kilos nila siguradong talo na kaagad sila. Maangas na naglalakad si Jeron habang nagpapaputok ng bala sa dalawa pero ang dalawa ay todo ingat pa rin. Nakita kong tumalon si Kevin sa upuan at agad na sinunggaban si Jeron ng sipa dahilan para bumagsak siya sa sahig.
     
      
    
 
Pumunta sa kaniya ang dalawa at sinugatan siya sa kanang braso pero hindi naman ito masyadong malala. Isang tanda lang na tapos na ang laban. Ang sumunod na naglaban ay sina Kurt at Yohan.
     
      
    
 
"Wag mong seryosohin ang laban natin baka pagpawisan ka lang." sabi ni Kurt kay Yohan.
     
      
    
 
"Noon pa man kahit hindi ka pa myembro ng gangsters group sobrang yabang mo na." sagot naman ni Yohan sa kanya.
     
      
    
 
Agad siyang tumakbo papalapit kay Kurt pero hindi ginamit ni Kurt ang hawak niyang sandata dahil nakipagsuntukan lang siya kay Yohan. Susuntukin sana ni Kurt si Yohan kaso nahawakan kaagad ni Yohan ang kamao niya at sinipa siya nito sa sikmura. Tumalsik si Kurt dahil sa ginawa niya.
     
      
    
 
Tumayo kaagad si Kurt nang nilabas na ni Yohan ang baril niya para ipanglaban sa kanya. Agad niyang kinuha ang katana at tumayo siya. Nagpaulan ng bala si Yohan kaya ginamit ni Kurt ang katana niya para ipangdepensa. Tumakbo si Kurt pero habang tumatakbo siya patuloy pa rin sa pagbaril si Yohan. Nakakita siya ng tali sa taas kaya hinatak niya ang tali na iyon at ipinaikot ikot hanggang sa binato niya ang tali kay Yohan. Nabuhol ang tali na iyon sa baril na hawak ni Yohan.
     
      
    
 
"Woah! You're dead." sabi ni Kurt bago tumakbo at hatakin ang tali kaya agad na napunta ang baril sa kanya. Kinuha ni Kurt ang katana at itinutok niya iyon kay Yohan.
     
      
    
 
Nang matapos ang laban nila pumunta si Kurt kay Bharbie at binigay ang isang katana na ginamit niya kanina. May binulong ito kay Bharbie pero dahil may mic na nakalagay sa damit nila agad namin narinig ang sinabi nito.
     
      
    
 
"Goodluck. Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Wag mong hahayaang galusan ka niya. Malakas si Kilmer pero naniniwala ako sayo. Mag-iingat ka."
     
      
    
 
Kung magsalita siya akala mo girlfriend niya si Bharbie na ayaw niyang masaktan ng ibang tao. Tsk! Ngumisi lang si Bharbie at tumango sakanya. Tinapik niya muna ang likod ni Kurt bago umalis. 
     
      
    
 
"Are you ready?" mayabang na tanong ni Kilmer.
     
      
    
 
"Of course. Matagal kong hinintay 'to." sabi ni Bharbie sa kanya.
     
      
    
 
Tingin ko lahat ng nandito sa loob iisa lang ang nasa isip naming lahat. Maganda ang kalalabasan ng laban nilang dalawa. Umikot sila sa kwarto habang nakatingin sa isa't isa.
     
      
    
 
"Sumuko ka na. Dalawang miyembro mo na ang natalo kaya wala kang mapapala kung kakalabanin mo pa ako." sabi ni Bharbie.
     
      
    
 
"Ang usapan ay usapan. Kahit na natalo ng mga miyembro mo ang mga miyembro ko. Sigurado naman ako na matatalo pa rin kita. Malaking puntos iyon kung mangyari man."
     
      
    
 
"Tama na satsat! Magsimula na tayo." sabi ni Bharbie. Siya na ang naunang sumugod. Susuntukin sana ni Bharbie si Kilmer pero agad hinawakan at hinatak ni Kilmer ang kamay niya kaya nakulong siya nito. Ang posisyon nila ay nakaharap si Kilmer sa kanya habang hawak ang dalawa niyang kamay at siya naman ay nakatalikod.
     
      
    
 
"Hindi mangyayari iyon, Bharbie." sabi ni Kilmer. Sinipa niya si Bharbie sa likod kaya agad na napaluhod si Bharbie.
     
      
    
 
Halata sa mukha ni Bharbie ang inis dahil sa ginawa ni Kilmer sa kanya. Tumayo siya at humarap kay Kilmer. Sabay nilang kinuha ang mga sandata nila at ngumisi sa isa't isa. Natahimik muna sila ng ilang segundo bago magsimulang maglaban. Ginamit ni Kilmer ang baril para patamaan si Bharbie pero patuloy lang siya sa pagpapatalsik ng mga bala.
     
      
    
 
Bumilis ang mga galaw niya kaya hindi namin alam kung paano napunta si Bharbie sa likod ni Kilmer. Pinatalsik ni Bharbie ang baril ni Kilmer gamit ang katana. Tinutok ni Bharbie ang katana na iyon sa leeg niya at sinipa ito sa tuhod dahilan para lumuhod siya sa sahig.
     
      
    
 
Natapos ang laban ng The Run Devil at Star Gazers kaya pinatayo na kami ni Denise pero bago ako pumunta sa kwarto na iyon pumunta muna ako kay Denise at ngumiti sa kanya. Sinilip ko ang kamay nito pero may suot itong gloves kaya hindi ko makikita ang singsing na nakita ko kagabi.
     
      
    
 
Mukhang nagtataka siya sa paglapit ko kaya nginitian ko ito. "Goodluck naman dyan."
     
      
    
 
"Sa tingin ko hindi mo naman na kailangan ng goodluck ko dahil alam ko na gagawin mo naman talaga ang lahat para matalo sila."
     
      
    
 
"Tama bang ipagdamot mo ang salitang goodluck sa top leader student ng academy niyo?" pokerface na tanong ko.
     
      
    
 
"Ganito nalang kapag nanalo ka bibigyan kita ng regalo. Ayos ba?" nakangiting sabi niya.
     
      
    
 
Ngumiti ako sa kanya at kumindat. "Deal iyan ah? Gagawin ko yung best ko para magkaroon ako ng isang regalo galing sa Young lady namin." Ngumiti ako sa kanya.
     
      
    
 
Yumuko muna ako sa kanya bago lumingon sa pinto kung saan pumasok ang Star Gazers. Tumingin ako kay Bharbie para tignan ang singsing niya pero wala akong nakita. Siguro dahil tinanggal niya iyon dahil sa laban.
     
      
    
 
"Zach, may problema ba? Inaantay ka na ng G-Partler sa kabilang kwarto." Biglang sabi ni Young lady kaya nilingon ko ito at tinanguan. Lumabas na ako kaagad ng kwarto at umiling nalang para kalimutan ang nasa isip ko.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Nang makabalik na kami sa pwesto namin kanina pinuntahan kami ng mga nurse para tanungin kung ayos lang ba kami. Wala naman kaming galos na natamo kaya hindi na kami pumayag na i-check nila kami. Habang hindi pa nagsisimula ang laban lumapit si Denise sakin at hinatak ako palabas.
     
      
    
 
"Ano bang problema mo?" tanong ko rito.
     
      
    
 
"Sabihin mo nga sakin. Nagkita ba kayo ni Zach kagabi nung may meeting tayo?"
     
      
    
 
Ano bang sinasabi niya? Bakit niya ba ako tinatanong about dyan? "Oo. Nakasuot naman ako ng mask kaya hindi niya ako nakilala. Bakit ba?"
     
      
    
 
"Tingin ko may gumagambala sa isip niya. Kanina, nakatingin siya sa kamay ko na parang may gustong makita. After non, napansin ko rin na pagkapasok mo sa kamay mo naman siya tumingin. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya kanina kaya hindi ako mapanatag ngayon."
     
      
    
 
Napaisip ako bigla sa sinabi niya. "Gawin mo nalang ang mga pinapagawa sayo ni Grandpa. Ako na bahala kay Zach. Aalamin ko kung ano ba ang iniisip niya."
     
      
    
 
Tumango lang siya sakin kaya muli na ako pumasok sa loob. Tumabi ako sa tabi ni Kurt. Mukhang magsisimula na rin naman ang laban kaya sinuot ko na ang headphone.
     
      
    
 
Tinignan ko ang TFG. Mukhang excited na sila sa laban. Fake nails ang nakuha nilang sandata. Hindi lang ito basta ordinaryong fake nails dahil ang tulis nito ay parang kutsilyo na anytime ay pwede kang gilitan ng leeg. Kutsilyo naman ang nakuha ng G-Partler. Nakatitig lang ako kay Zach na ngayon ay pinapatulis ang kutsilyo na gagamitin niya.
     
      
    
 
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba ang iniisip niya tungkol sa amin ni Denise. Kagabi, hindi naman niya nakita ang itsura ko pero... teka? hindi kaya...
     
      
    
 
Zach's point of view.
     
      
    
 
Lumapit si Vince kay Pink para simulan na ang laban. Ginamit ni Pink ang matulis niyang kuko para saktan si Vince pero hindi niya nagawa iyon dahil umilag ito sakanya at siniko ang tiyan niya kaya mabilis itong bumagsak. Gaya ng unang laban, hindi rin ganun katagal ang mga sumunod dahil natapos din kaagad nila Paul at Clark.
     
      
    
 
Ngayon, kaming dalawa na muli ni Patricia ang maghaharap. Nakatingin lang ako sa maamo niyang mukha. Sa tuwing naglalaban kaming dalawa hindi ko pa rin mapigilan na isipin na baka masaktan ko siya. Ilang buwan na ang lumipas simula ng maghiwalay kami pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na alahanin siya.
     
      
    
 
Sisipain niya sana ako kaso bago niya ako masaktan kinuha ko ang kamay niya at inikot kaya ngayon ay nakaharap na ako sa tenga niya. "Mukhang nagkakalapit na kayong dalawa ng transferee."
     
      
    
 
Pinatay ko muna ang pin ko bago nagsalita. "Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo. Alam mo naman siguro na naririnig tayo sa kabilang kwarto. Gaya noon, umarte ka nalang. Alam mo naman na hindi talaga kita kayang saktan."
     
      
    
 
Pagkatapos kong sabihin iyon, muli kong binuksan ang pin ko. Dahan dahan ko siyang sinipa at umarte naman siya na nasaktan sa sipa ko. Umiwas lang ako ng tingin rito bago sumugod muli sa kanya. Susuntukin niya sana ako kaso lang hinawakan ko ang kamao niya.
     
      
    
 
"Masakit 'to. Tiisin mo nalang." Kinuha ko na ang kutsilyo at sinugatan ang braso niya. Natapos na ang laban namin kaya lumabas na kaming lahat sa kwartong iyon.
     
      
    
 
Pagkalabas ko, binaling ko ang tingin ko sa pwesto ni Bharbie nang maalala ko ang sinabi ni Patricia kanina. Nagtaka ako dahil nakatingin na pala ito ng masama sa akin. Bakit ganyan siya makatingin sakin ngayon? Hindi pa rin ba niya nakakalimutan yung ginawa ko kanina na paghalik sa labi niya?
     
      
    
 
Lalapitan ko na sana siya kaso agad niya ibinagsak ang headphone at lumapit sakin.
     
      
    
 
"Ang cringe niyo tignan." Bago siya lumabas tinignan niya muna si Patricia at inirapan.
     
      
    
 
Susundan ko sana siya kaso hinawakan ni Patricia ang braso ko at umiling. Napaisip ako bigla sa sinabi ni Bharbie. Kung ganon, nahalata niya ba na dinaya namin ang laban kanina? Bakit ba mas mausisa pa siya kay Young lady?
     
      
    
 
"Bitawan mo 'ko." sabi ko kay Patricia.
     
      
    
 
Winasik ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko para sundan si Bharbie. Nang makalabas ako ng kwarto nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng hagdan. Napangiti naman ako dahil sa itsura niya na mukhang badtrip na badtrip talaga dahil sa nangyari.
     
      
    
 
Lalapitan ko na sana ito para humingi ng tawad pero biglang lumapit si Kurt at hinawakan ang kamay niya. Nakaramdam naman ako ng galit nang makita ko iyon. Ngumiti lang ito kay Kurt at tumango bago sila tuluyang bumaba.
     
      
    
 
"Kung paano mo siya tignan ngayon, ganyan mo 'ko tignan noon." Napalingon ako sa taong nagsalita. Si Patricia.
     
      
    
 
"Ano bang pinagsasabi mo?" Nagkibit balikat lang ito sakin. Yung mga tingin niya sakin ngayon parang may nilalaman at gustong sabihin. Napailing nalang ako sakanya bago tuluyang umalis.
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon