Chapter 10

36.1K 1.1K 17
                                    


Chapter 10: Asaran
     
      
    
 
Zach's point of view.
     
      
    
 
"Don't Go. Please stay here for a while..."
     
      
    
 
Hindi ko alam kung bakit ko sinara ang pintuan. May sariling buhay na yata ang mga kamay ko kaya kusa na silang kumikilos. Lumingon ako kay Bharbie na nakatayo ngayon habang hawak ang braso niya.
     
      
    
 
"Sariwa pa ang sugat mo tapos gumagalaw ka na dyan. Gusto mo bang mas lumala pa 'yang sugat mo?"
     
      
    
 
"E kase naman! Wala akong kasama rito kapag umalis ka,"
     
      
    
 
"Akala ko ba matapang ka pero bakit kamatayan hindi mo kayang harapin?" Inalalayan ko ito paupo dahil baka mamaya masisi ako ni Master Gino kapag lumala ang sugat niya.
     
      
    
 
"Kaya ko naman pero malalabanan ko ba kung napakalalim ng sugat ko? Tanga tanga ka talaga!"
     
      
    
 
"Tanga? Sige. Aalis na ako!" banta ko. 
     
      
    
 
"Wag!" pigil niya sa akin.
     
      
    
 
Bakit parang ayaw niya akong umalis sa tabi niya? Halata namang ayos na ang lagay niya at hindi na siya babalikan ng mga siraulong tao na iyon pero bakit kung umasta siya kala mo may papatay sa kanya kaya ayaw niyang mag-isa.
     
      
    
 
Hindi kaya.
     
      
    
 
Lumingon ako sa kanya at ngumisi. "Anong iniisip mo dyan? Akala mo siguro kaya ayaw kitang umalis dahil gusto kong makasama ka. For your information, kaya lang naman ayaw kitang umalis dito dahil may sugat ako at kailangan ko ng tulong. Napaka-assuming mo naman!" inis na sabi niya.
     
      
    
 
Umiwas siya ng tingin bago sumandal sa couch at pumikit. Napanganga nalang ako dahil sa mga sinabi niya. Wala naman akong iniisip na ganun ah? Siya nga 'tong guilty.
     
      
    
 
"May chocolates ka ba dito?"
     
      
    
 
"Wala. Nakakadiabetes ang chocolates kaya di ako nagtatambak sa ref,"
     
      
    
 
"Kahit anong pagkain wala?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
     
      
    
 
"Suntok lang meron dito. Gusto mo try ko sayo. Ready ako?"
     
      
    
 
Hindi ko siya pinansin at pumunta nalang sa kitchen niya at binuksan ang ref. Wala naman ako nakitang pagkain sa loob ng ref niya at tanging tubig lang ang nasa loob. Hindi ba kumakain ang babaeng 'yun? Wala manlang kalaman laman ang ref niya. Ganon ba talaga siya katamad bumili ng pagkain?
     
      
    
 
"Bakit wala manlang laman ang ref mo?"
     
      
    
 
"Sinabi ko na sayo suntok lang ang mai-offer ko sayo. Tinatamad ako bumili. Kung gusto mong kumain, kumuha ka ng pagkain sa dorm mo tiyak naman na nasa harap lang naman ng dorm ko,"
     
      
    
 
"Kumakain ka ba?!"
     
      
    
 
"Paano kapag sinabi kong humihingi lang ako ng pagkain kay Kurt at minsan hindi na ako kumakain dahil tinatamad ako."
     
      
    
 
Kaya naman pala napakapayat niya.
     
      
    
 
Hindi ko nalang ito pinansin. Umupo nalang ako sa sofa para magpahinga. Ilang minuto kaming nanahimik ni Bharbie at walang imik sa isa't isa kaya pumikit nalang ako saglit.
     
      
    
 
"Nakaka-antok naman. Sige, alis kana! Matutulog na ako."
     
      
    
 
Napalingon ako sa kanya at napakunot ng noo. "Pinigilan mo akong umalis kanina tapos ngayon papaalisin mo rin ako?" sabi ko.
     
      
    
 
"Edi maiwan ka dyan!"
     
      
    
 
Tumayo siya habang hawak hawak ang braso niya. Dahan dahan siyang pumasok sa kwarto niya saka sinarado ang pinto. Nakakaloko ang babaeng iyon. Binuksan ko nalang ang tv dahil nakakainip dito sa loob ng dorm ni Bharbie.
     
      
    
 
Nakakita ako ng pusa sa tv kaya bigla kong namiss si Bharsy. Nanggaling sa labas ng school ang pusa ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko noong makita ko siya na nakatambay sa harap ng gate kaya naisip kong dalhin siya rito sa loob at patagong alagaan. Walang nakakaalam na inaalagaan ko 'yun kaya masaya ako kasi hindi siya nahuhuli hanggang ngayon.
     
      
    
 
"Zach?"
     
      
    
 
Napalingon ako kay Bharbie na nagtataka kung bakit nandito pa ako, hindi ko siya pinansin. Nanood nalang ako ng palabas sa tv. The sorcerer and the white snake. Buti kakaumpisa palang niya. Gustong gusto ko kasi ang palabas na'to.
     
      
    
 
"Feel at home ka lang?" sabi ni Bharbie bago umupo sa tabi ko.
     
      
    
 
"Akala ko ba matutulog ka?" tanong ko. Nakafocus pa rin ako sa pinapanood ko.
     
      
    
 
"Nakarinig kasi ako ng nanonood. Akala ko nga umalis ka na pero bakit ka pa nandito?"
     
      
    
 
"Ano bang pakialam mo?" sagot ko.
     
      
    
 
"Uy! Maganda 'yan ah!" sabi niya at nanood nalang din.
     
      
    
 
"Wag ka ngang manood! Hindi ko ma-eenjoy ang palabas kapag nandito ka,"
     
      
    
 
"Wow! Hiyang hiya naman ako na may-ari ng dorm na 'to ha?!"
     
      
    
 
"Nakakalimutan mo ba na may utang na loob ka sakin ngayon? Kung wala ako kanina baka napatay ka na ng mga iyon. Kung ano ano kase sinasalihan mong gang sa labas kaya napapahamak ka."
     
      
    
 
Tinignan niya ako ng masama saka nagsalita. Pikon. "Hoy! Wala kang alam kaya wag mo 'ko pagsalitaan ng ganyan. Isa pa, kung makapagsalita ka akala mo kung sinong mabait. Ilan na ba nabugbog mo na inosenteng estudyante?!"
     
      
    
 
"Hindi ko na mabilang."
     
      
    
 
"Tignan mo. Proud na proud pa talaga siya."
     
      
    
 
"Hindi ako proud. Nagtatanong ka, sinagot ko lang."
     
      
    
 
"Grabe ka."
     
      
    
 
Nilingon ko siya, "Ikaw. Bakit namatay ang ibang gangmates mo noon? Narinig ko kase sinisisi ka ng lalaki kanina."
     
      
    
 
Hindi siya nakasagot at umiwas lang ng tingin sakin. "Hindi tayo ganon ka-close para sagutin ko pa ang tanong mo."
     
      
    
 
"Mukhang ikaw nga talaga ang may kasalanan kung bakit namatay sila."
     
      
    
 
Tinignan niya ako. Doon ko nakita ang naluluha niyang mata. "Sinabing hindi ako ang may kasalanan!"
     
      
    
 
Tumulo ang luha sa mga mata niya. Ang sama pa rin ng tingin nito sa akin. Mukhang hindi niya rin napansin ang mga luha na tumulo sa pisngi niya.
Pinunasan ko kaagad iyon at tinitigan siya. Nang matauhan siya. Winasik niya ang kamay ko at pinunasan ang luha niya.
     
      
    
 
"Isa sa mga kaclose ko ang namatay sa aksidenteng iyon. Yung gang ni Mickey, nakilala ko lang dahil sa taong iyon. Hindi ko naman talaga ginusto na pasukin iyon. Namatay sila dahil yung mga kaaway ng gang namin ay sumugod sa tambayan namin. Pinagbabaril sila at wala akong nagawa doon."
     
      
    
 
"Bakit sayo sinisisi ang nangyari?"
     
      
    
 
"Dahil ako ang pakay ng mga kalaban. Gusto nila akong kunin pero yung kaibigan ko hindi pumapayag. Noong time na iyon, hindi ko alam na may isa na pala akong nakadate sa mga kalaban ng gang namin. Sa sobrang pagmamahal ko sa taong iyon, dinala ko siya sa place namin at pinakilala ito sa kanilang lahat. Dahil sakin kaya nalaman nila ang kinaroroonan ng gang namin. Bago pa man mangyari iyon, sinabihan ko na kaagad si Mickey pero hindi siya nakinig. Mas gusto niya pa rin na antayin ang pagdating ng mga kalaban namin kaya maraming namatay noong araw na iyon."
     
      
    
 
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Mukhang natrauma kase talaga siya sa nangyari. Sana hindi ko nalang pala tinanong pa.
     
      
    
 
"Ang panget mo pala umiyak." Pang-aasar ko para maiba ang topic. Lumingon ito sa 'kin at sinamaan ako ng tingin. Buti naman dahil mukhang bumalik na ang mood niya.
     
      
    
 
"Ako pangit? Alam mo dapat magsalamin ka na. Mukhang may problema na ang mga mata mo. Ang ganda ganda ko kaya!"
     
      
    
 
Tumingin ulit ako sa kanya saka tinignan siya ng nakakaloko. "Anong maganda sa babaeng walang boobs at balakang?!" sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya kaya natawa ako dahil mukhang napikon siya sa biro ko.
     
      
    
 
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. May boobs naman siya pero maliit nga lang tapos may balakang din siya. Isa pa, maganda naman talaga siya kaso basagulera nga lang talaga.
     
      
    
 
"Manyak ka. Manyaaaak!" sigaw niya.
     
      
    
 
Sinabunutan niya ako at pinapaikot ikot ang ulo ko. Si Zach Yael Lee na leader ng G-Partler sinasabunutan lang ng babaeng leader ng group na nasa rank five? Hindi naman yata makatarungan 'to! Tinulak ko na ito palayo para bitawan niya ang buhok ko. Napahiga naman ito sa sahig.
     
      
    
 
"Aray!" angal niya.
     
      
    
 
"May kaartehan ka rin pala, ano? Mahina ka naman pala pagdating sa ganito. Bakit ba naging leader pa ang isang katulad mo? Nakakapagtaka talaga,"
     
      
    
 
"Siraulo ka talaga! Syempre masasaktan ako! Alam mo naman na may saksak pa ako diba?!"
     
      
    
 
Napalunok ako nang maalala kong may saksak nga pala siya. Mabilis akong lumuhod para magkapantay kami at hinawakan ang braso niya para alalayan siyang umupo. Habang hawak hawak ko siya hindi ko maiwasan titigan ito.
     
      
    
 
Hindi ko alam na ganto pala siya kaganda sa malapitan. Napakagat labi ako at agad na lumayo sakanya. Napaisip ako bigla. Bakit ba kanina ko pa siya tinutulungan? Sigurado naman na gagaling din kaagad ang saksak niya dahil  nagamot na ng nurse kanina. Hindi ko naman na kailangan mag-alala pa dahil maayos na ang lagay niya.
     
      
    
 
"Hindi ka kasi nag-iingat. Kahit kelan tatanga tanga ka talaga."
     
      
    
 
Agad naman na ako umalis sa dorm niya dahil pinagpapawisan ako. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko. Simula ng hawakan ko ang kamay niya at malapitan ko ang mukha niya ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Bigla nalang siyang umalis pagkatapos niyang sabihin iyon sakin. Nag-init naman kaagad ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Siya na nga itong nanakit siya pa ang may ganang magsungit.
     
      
    
 
"Wag mo ng susubukan na bumalik pa muli rito. Wala ka talagang modo!" sigaw ko.
     
      
    
 
Narinig ko ang pagkalabog ng pinto. Mukhang balak pa yatang manira ng bwisit na 'yon ah? Pinatay ko na yung tv dahil wala na akong balak pa panoorin ang palabas na pinapanood niya. Hinanap ko ang cellphone ko pero naalala kong nabagsak nga pala ito kanina. Sumandal nalang ako sa sofa at agad na pumikit para mawala yung stress ko.
     
      
    
 
"I'm glad your safe, Mallows." Nagulat ako nang may yumakap sakin. Dinilat ko ang mga mata ko. Si Kurt pala ang nakayakap sa akin habang nasa likod niya sila Kevin at Chloe. Medyo nailang ako dahil sa higpit ng yakap ni Kurt sa akin.
     
      
    
 
"K-Kurt?"
     
      
    
 
Tumingin siya sakin. Agad ko naman siya binigyan ng lumayo-ka-nga-look.
     
      
    
 
"Sorry, mallows. Ayos ka lang ba? Nabalitaan ko ang nangyari."
     
      
    
 
"Okay lang naman. Ito lang naman ang sugat na natamo ko kanina. Wag na kayo mag-alala. Malakas ako," Tinuro ko sa kanya yung galos ko sa braso. Mabilis niyang tinignan 'yun at ibinalik muli ang tingin sakin.
     
      
    
 
"Bakit ang tagal lumabas ni Zach dito sa loob? Hindi tuloy kami makapasok kasi pinipigilan kami ni Master Gino,"
     
      
    
 
"Pinigilan kayo ni Grandpa na pumasok rito?"
     
      
    
 
"Oo. Ewan ko nga doon kay Master. Kilala naman kami ni Zach bilang kaibigan mo pero pinigilan pa rin n'ya kaming pumasok dahil nandito siya sa loob." sabi ni Kevin. Umupo na rin sila ni Chloe sa tabi ko. Napaisip ako sa sinabi nila.
     
      
    
 
Tingin ko kaya ayaw niyang papasukin yung tatlo dahil gusto niyang makita ni Zach yung picture frame naming pamilya dito sa dorm ko para magkaroon ito ng idea na ako ang hinahanap nila ng G-Partler. Kahit kelan talaga yung matandang 'yon, masyadong mautak!
     
      
    
 
"Nakakainis talaga siya," bulong ko.
     
      
    
 
"Magpahinga ka na muna para mas maging maayos ang pakiramdam mo. Mabuti pang dito nalang muna ako para bantayan ka," sabi ni Kurt.
     
      
    
 
"Kami rin dito nalang muna kami," sabi naman ni Kevin at Chloe. Nagpasalamat naman ako sa kanilang tatlo dahil nandito sila sa tabi ko ngayon.
     
      
    
 
"Mabuti nalang talaga dahil nandito kayo ngayon. Papasok muna ako sa kwarto at doon magpapahinga. Iwan ko muna kayong tatlo," Tumango lang sila sa akin bilang sagot.
     
      
    
 
Inalalayan naman ako ni Kurt sa pagtayo. Papasok na sana ako sa kwarto kaso muli kong nilingon sila Chloe. "Wala pala akong pagkain sa ref. Kung gusto niyo bumili nalang kayo ng pagkain sa labas, gamitin niyo ang credit cards ko,"
     
      
    
 
Tumango lang silang dalawa sakin. Pumasok na kami ni Kurt sa kwarto para alalayan ako pahiga sa kama. "Lalabas na ako para makapagpahinga ka na. Wag kang mag-alala. Aantayin kong magising ka bago ako bumalik sa dorm," sabi niya.
     
      
    
 
Ngumiti lang ako sakanya at nagpasalamat. Lumabas na ito sa kwarto ko kaya natulog na ako kaagad. Nagising lang ako nang makaramdam ako ng gutom. Nilingon ko ang alarm clock ko at alas dos na pala ng madaling araw.
     
      
    
 
Nandito pa kaya sila Kurt?
     
      
    
 
Naigagalaw ko na rin naman ng maayos ang braso ko kaya naisipan kong silipin ang sala kung nandito pa ba silang tatlo. Nang makalabas ako ng kwarto, madilim na at tanging sa kusina lang ang may ilaw. Nagulat ako nang makita ko si Kurt na nakahilata sa sofa at lamig na lamig.
     
      
    
 
Naawa naman ako sakanya kaya agad akong bumalik sa kwarto para kumuha ng kumot at unan. Bumalik na ako sa sofa at agad siyang kinumutan. Dahan dahan kong inilagay ang unan sa ulo niya. Mabuti nalang tulog mantika ang taong 'to kaya hindi ito nagising.
     
      
    
 
"Daddy..."
     
      
    
 
Nagulat ako dahil may luhang bumagsak sa pisngi niya. Agad ko naman pinunasan iyon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang background ng family niya. Paano ko kaya siya tutulungan kung hanggang ngayon wala pa rin akong alam tungkol sa pamilya niya?
     
      
    
 
"Daddy, tama na.." umiiyak na sabi niya. Ginising ko ito dahil halatang binabangungot siya.
     
      
    
 
Nang magising ito, napansin ko sa mga mata niya ang takot at galit. Tinitigan ko lang ito. Mayamaya pa, nagulat ako ng hinigit ako nito payakap. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha n'ya sa braso ko kaya niyakap ko nalang din ito pabalik.
     
      
    
 
"Shhh. Nandito ako," bulong ko sakanya.
     
      
    
 
Tinapik tapik ko ang likod niya para pakalmahin siya. Sa ngayon, ito palang ang magagawa ko para sakanya. Alam kong kailangan niya ng kaibigan ngayon. Ngumiti nalang ako habang tinatapik ang likod niya. Nagugutom ako pero mas nangingibabaw ang pag-aalala ko sa kaibigan ko. Simula ng mawala ang matalik kong kaibigan, ngayon lang muli nangyari 'to.
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon