Chapter 15

33K 949 11
                                    


Chapter 15: Jackson's Bar (1)
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Uminom nalang muli ako ng juice at tumingin sa inupuan ni Zach kanina. I saw a phone. Kinuha ko iyon at tinanggal ang takip ng box. Nakita ko ang phone at yung earphone sa loob nito. Nang buksan ko ang phone, bumungad sa akin ang picture ko. Inistalk niya ba ako sa social media kaya nakakuha siya ng picture ko para gawing wallpaper?
     
      
    
 
Marami pang pictures ko ang nasa gallery kaya napaghahalataan mo talaga na pagmamay-ari ko na ang phone na ito. Titingin pa sana ako sa mga application kaso nag-vibrate bigla ang phone at bumungad ang picture ni Zach. Kailangan ba talaga may picture pa niya sa contact ko? Binasa ko ang text niya sa akin.
     
      
    
 
From: Zach

Naalala ko kase na nasira ang phone mo. Sorry, kung ayan lang ang nabili ko. Wala akong balak na bilhan ka ng mas mahal dyan kaya magpasalamat ka nalang dahil binilhan kita. Anyways, pumunta ka mamaya. If you don't come. YOU'RE DEAD!
     
      
    
 
Binilhan niya pa talaga ako ng phone para lang makapunta ako sa bar mamaya. Ang utak niya talaga. Tinignan ko nalang ulit ang mga ticket na nasa sahig. Tumayo ako at dinampot iyon. Naisip kong itago ang mga ticket sa bulsa ko at tuluyan na lumabas. Tinignan ko ang relo ko para silipin kung anong oras na. Alas kwatro na pala kaya naisipan kong pumunta sa cafeteria.
     
      
    
 
Magkakape nalang muna ako at kakain ng pancake para bumalik ang mood ko. Nang may mapansin ako na nakadikit sa bulletine board napahinto ako sa paglalakad. Nakalagay rito yung vacation trip ng Journal Academy at ang allowed lang na sumali ay ang mga gangsters group.
     
      
    
 
Nasabi na sa akin ni Grandpa ang tungkol dito at siyempre nagkaroon kami ng debate na dalawa tungkol dito pero siya pa rin ang nanalo kahit na ilang beses na ako umangal. Nasabi niya rin na sa isla namin kami magbabakasyon ng ilang araw para makapagisip-isip at mawala na muna ang stress namin sa pag-aaral.
     
      
    
 
Pagkatapos kong basahin ang nasa bulletine board, agad na akong nagtungo sa cafeteria para mag-order ng makakain. Hindi na ako nagtagal sa pag-antay dahil hindi naman mahaba ang pila.
     
      
    
 
"Hi Bharb!" Tahimik akong kumakain nang biglang sumulpot si Abby. May hawak rin siya na tray. Ngumiti ako sa kanya at pinaupo siya sa harap ko.
     
      
    
 
"Hi!" walang gana na sagot ko bago uminom ng cappuccino coffee.
     
      
    
 
"Ang galing mo kanina ah! Unti-unti na kita nagiging idol." Nailang naman ako dahil sa biglaang puri niya. Kinain ko nalang muli yung leche plan na binili ko kanina.
     
      
    
 
Naalala ko na may extra ticket pa pala na binigay sa akin si Zach kaya tinignan ko si Abby na kumakagat ng burger ngayon.
     
      
    
 
"Free ka ba mamaya?"
     
      
    
 
"Of course. What time ba?"
     
      
    
 
"9pm." sagot ko rito.
     
      
    
 
"Hindi na tayo pwedeng gumala ng ganyang oras diba?"
     
      
    
 
"Ako na ang bahala. Ano, game ka ba?"
     
      
    
 
"Sige ba! Basta libre mo ah?"
     
      
    
 
Binigay ko sa kanya ang isang ticket. "Tatakas tayo mamayang 8:30 pm."
     
      
    
 
"Sounds fun!"
     
      
    
 
Nang matapos kami kumain, bumalik na ako sa dorm para matulog. Gumising ako ng 7pm para ayusin ang gamit ko. Nabalitaan ko rin na may meeting mamaya ang lahat ng gangsters group.
     
      
    
 
Hindi ko alam kung tutuloy pa ba si Zach o hindi na. Gusto kong tumuloy kaya hindi nalang ako aattend ng meeting. Hindi naman siguro magtataka si Grandpa dahil hindi pa rin kami ayos hanggang ngayon kaya kahit na wala akong lakad, hindi rin naman talaga ako aattend. Sigurado rin naman ako na tungkol lang iyon sa gaganapin na vacation trip.
     
      
    
 
Sinabihan ko na rin ang Star Gazers na hindi ako aattend dahil masama ang pakiramdam ko pero siyempre dahilan ko lang iyon para hindi na nila ako kulitin. Pagkatapos ko mag-ayos, kinuha ko muna ang sumbrero ko bago lumabas ng dorm.
     
      
    
 
Inantay ko na si Abby sa labas ng dorm niya at paglabas neto ayos na ayos na rin naman siya. Mas excited pa nga siya kesa sa 'kin.
     
      
    
 
"Let's go?" aya ko rito. Tumango lang siya at agad na kaming sumakay ng elevator pababa sa ground floor.
     
      
    
 
Dahan dahan kaming naglakad papunta sa  CCTV room kung saan kami dadaan papuntang parking lot. Wala kaming nakita na bantay ngayon sa loob kaya mabilis kaming nakapasok sa tunnel at sinarado na rin ang pinto para hindi kami mahalata.
     
      
    
 
Nakarating na kami sa pinakadulo ng tunnel kaya dahan dahan na kami umakyat paalis. Kinuha ko yung flashlight na nasa leeg ko at binuksan ito. Sinarado ko na muna ang takip ng tunnel. Lumingon lingon kami sa paligid dahil baka may guard na nag-iikot rito. Mahuli at malagot pa kami.
     
      
    
 
"Tara na. Punta na tayo sa kotse ko," sabi ni Abby. Tinanguan ko siya kaya dumeretso na kami papunta sa kung saan nakapark ang kotse niya.
     
      
    
 
"Ikaw na mag-drive kakacutics ko lang kase kanina baka mabura pa,"
     
      
    
 
Hindi ko na pinansin ang kaartehan niya at sumakay nalang sa loob ng kotse. Alam din pala ni Abby kung saan ang Jackson's bar kaya tinuro niya ang daan. After five minutes, nakarating na rin kami sa Jackson's Bar kokonti lang naman ang tao sa labas. Meron pa ngang PDA eh. Pinark ko na muna ang kotse sa gilid bago kami tuluyang bumaba.
     
      
    
 
"Okay. It's time to party!" sigaw niya.
     
      
    
 
Napailing nalang ako dahil sa inasta niya. Bago kami makapasok sa loob ng bar may isang lalaki nakatayo sa harapan na nangongolekta ng ticket.
     
      
    
 
"Where's your ticket, ma'am?" tanong ng lalaki sakin. Inabot ko kaagad sakanya yung ticket ko kaya nakapasok na ako sa loob.
     
      
    
 
"Ma'am?" tanong niya kay Abby na naghahalukay pa sa bag niya.
     
      
    
 
Wag niyang sabihin na nakalimutan niya yung binigay kong ticket?
     
      
    
 
"Ah, ano kase... Nakalimutan ko?"
     
      
    
 
"Sorry ma'am. Bawal po kayo pumasok hangga't wala pa po kayong binibigay na ticket,"
     
      
    
 
Hinatak ko na muna si Abby papunta sa gilid para kausapin. "Ano? Tanga tanga lang?!" inis kong tanong sa kanya.
     
      
    
 
"Hindi ko naman sinasadyang kalimutan. Kakamadali ko kasi kaya ayan nakalimutan ko siyang dalhin,"
     
      
    
 
"Bwisit! Bakit sa lahat lahat ng kakalimutan mo yung ticket pa talaga?"
     
      
    
 
"Bharbie? Abby?"
     
      
    
 
Napalingon kami sa nagsalita at nakita namin si Vince na nakaakbay ngayon sa kasama niyang babae. "Oh?" tanong ko.
     
      
    
 
"Anong ginagawa niyo rito?"
     
      
    
 
"Siguro magshoshopping?" pambabara ni Abby.
     
      
    
 
"Mauna ka na muna susunod nalang ako," sabi niya sa babaeng kasama niya.
     
      
    
 
"Sumunod ka ah..." malanding sabi ng babaeng kasama niya bago tuluyang umalis.
     
      
    
 
Lumapit si Vince sa amin na may pagtataka pa rin. "Bakit hindi pa kayo pumasok?"
     
      
    
 
"Naiwan kasi ni Abby yung ticket na binigay ko kaya ayan hindi kami makapasok,"
     
      
    
 
"Bharb, ikaw nalang siguro ang pumasok. Don't worry, aantayin naman kita matapos."
     
      
    
 
"No. I will get some ticket for you. Antayin niyo nalang muna ako rito, okay?" sabi ni Vince. Tumango lang kami sakanya, agad na rin naman siyang pumasok sa loob.
     
      
    
 
Vince's point of view.
     
      
    
 
Lumingon lingon ako sa loob ng bar at hinanap si Zach. Siya lang kase ang makakatulong sa akin para makapasok na sa loob sila Bharbie. Ayoko  kase mabulok ang isa sakanila sa labas. Tumingin ako sa taas kung saan nandoon ang Dj Booth at nakita ko si Zach. Siya kase ang dj ngayong gabi. Mabilis akong umakyat para puntahan siya.
     
      
    
 
"Zach!" sigaw ko. Nang mapansin niya ako sinenyasan ko siya. Tinanggal niya muna ang suot niyang headphone bago lumingon sa 'kin. Agad rin siyang lumapit sa 'kin.
     
      
    
 
"Oh! Andyan ka na pala,"
     
      
    
 
"May extra ticket ka pa ba?"
     
      
    
 
"Oo. Bakit mo natanong?"
     
      
    
 
"Baka pwede naman humingi ng isa oh? Kailangan ko lang."
     
      
    
 
"Sigurado akong naghatak ka nanaman ng babae sa labas kaya hindi ako magsasayang ng ticket para doon."
     
      
    
 
"Pre, bigyan mo na lang ako hindi lang naman basta babae yung pagbibigyan ko."
     
      
    
 
"Kanino mo ba kasi ibibigay?!"
     
      
    
 
"Kila Bharbie." Nang sabihin ko iyon nanlaki ang mga mata niya tapos mayamaya ngumisi siya bigla.
     
      
    
 
"Nandito siya? Bakit? Nawala ba yung ticket niya?"
     
      
    
 
"Sabihin mo nga sa 'kin. Ikaw ba ang nagbigay ng ticket sakanila?"
     
      
    
 
Umiwas lang siya ng tingin sakin. "Malay ko bang pupunta siya. Kahit kelan ang tanga tanga niya. Ticket nalang hindi pa magawang ingatan."
     
      
    
 
"No. Hindi si Bharbie ang nakaiwan ng tickey kundi si Abby. Ayaw rin kase pumasok dito ni Bharbie hangga't hindi nakakapasok si Abby."
     
      
    
 
Lumapit siya sa kinaroroonan ng bag niya at may kinuha sa loob. Napansin ko naman na punong puno ng ticket sa loob ang bag niya. Inabot niya na sakin ang isang ticket.
     
      
    
 
"Oh eto! Ibigay mo." sabi nito na parang labag pa sa loob niya.
     
      
    
 
"Ang dami naman pala dyan nagdadamot ka pa."
     
      
    
 
"Pang isang buwan ko na iyan. Umalis ka na. Iniistorbo mo ako sa ginagawa ko rito."
     
      
    
 
Nagpasalamat ako sakanya bago bumaba ng hagdan at pumunta sa labas ng gate.
     
      
    
 
"Bharb! Abby!" sigaw ko sa dalawa. "Guard. Ito na ang ticket niya." Inabot ko sa guard ang ticket ni Abby.
     
      
    
 
"Makakapasok na po kayo." Lumapit si Abby sa akin at ngumiti. Tila parang natunaw nanaman ako ng ngitian niya ako.
     
      
    
 
"Thank you!" sabi niya bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi ako makagalaw at natulala dahil sa ganda niyang ngumiti.
     
      
    
 
"Huy! Tulala ka dyan!" Bumalik lang ako sa katinuan nang tapikin ako ni Bharbie.
     
      
    
 
"H-Huh? Hindi ako natulala ah!"
     
      
    
 
"Sus! Dinedeny pa! Halata naman na kinilig ka sa ngiti niya. Mamatay na sinungaling."
     
      
    
 
Nginisihan ko lang siya. "Wag mo sabihin iyan baka mauna ka pa sakin. Baka nakakalimutan mo na nagsinungaling ka kay Zach na hindi ikaw si Young lady."
     
      
    
 
Hindi na siya nakaganti pa dahil sa biglaang balik ni Abby. "Tara na, Bharb! Pumasok na tayo." Hinatak na siya papasok ni Abby kaya sumunod na rin ako sakanilang dalawa.
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon