Chapter 16

33.5K 990 18
                                    


Chapter 16: Jackson's Bar (2)
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Nang makapasok kami sa loob ng bar, hinanap ko kaagad si Zach pero hindi ko siya nahagilap. Lumapit sa 'kin si Vince at may taong tinuro sakin sa taas kung saan nandoon ang Dj Booth.  Nakita ko si Zach doon at siya pala ang disc jockey do'n. Nakatingin na rin ito sa pwesto namin at sinenyasan niya ako na umakyat. 
     
      
    
 
Sa lakas ng tugtog, nilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Vince para marinig niya ang sasabihin ko. "Ikaw na muna bahala kay Abby. Pupuntahan ko lang si Zach," 
     
      
    
 
Tumango lang siya sa akin. "Of course!" sagot niya.
     
      
    
 
Matapos ko magpaalam kay Abby, umakyat na ako kaagad. Amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa loob. Mukhang napansin ako ni Zach dahil binitawan nito ang suot niyang headphone. Habang kinakausap niya ang isang lalaki sa gilid na nagve-vape binaling ko nalang muna ang atensyon ko sa ibaba. 
     
      
    
 
Kitang kita ko rito sa itaas ang pagsasayawan ng mga tao sa ibaba na parang walang bukas habang nagpapatugtog ang DJ. Napangiwi pa ko nang makita ko sila Abby at Vince na magkasama sa table. Titig na titig si Vince rito habang si Abby ay mukhang may kinukwento.
     
      
    
 
"Akala ko hindi ka pupunta?" Napalingon ako kay Zach na nasa tabi ko na ngayon. Binalik ko ang tingin ko sa Dj Booth at ang lalaking kausap niya kanina ay ang pumalit sa kanya sa pagiging disc jockey. 
     
      
    
 
"May nagsabi kase na papatayin niya ako kapag hindi ako nakapunta," nakangisi kong sabi.
     
      
    
 
"Natatakot ka na pala sa 'kin ngayon?" Dahil sa pag-ngisi niya, sinamaan ko ito ng tingin. 
     
      
    
 
"Lumalaki nanaman ang ulo mo, Mr. Lee." 
     
      
    
 
Tumawa lang siya at tumingin sa baba. "Mukhang inaantay na nila tayo."
     
      
    
 
Sinilip ko kung sino ang tinutukoy niya. Doon ko nakita na nakatingin pala sa amin sila Vince at sinesenyasan kami na bumaba. 
     
      
    
 
"Come on, let's go." Tumalikod na ako sakanya at akmang lalabas na sana kaso hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sakanya. 
     
      
    
 
Nilapit nito ang bibig niya sa tenga ko para bumulong. "Let's enjoy the night together."
     
      
    
 
Bago ako sumagot sa sinabi niya, hinatak niya na ako pababa ng hagdan. Tumigil lang kami sa paglalakad nang may sumalubong sa amin na babae.
     
      
    
 
"Hi Zach!" bati ng babae kay Zach.
     
      
    
 
"Oh, hi Rhian!" Mukhang hindi niya inaasahan na makita ngayon ang babae. Nakipagbeso siya rito at binati rin ang iba pa nitong kasama. 
     
      
    
 
"Girlfriend?" tanong ng babae habang nakatingin sa 'kin. Ako ba tinutukoy niya?
     
      
    
 
"No. I'm not. My name is Bharbie. We're just friends." Tumango tango lang siya at nginisihan si Zach. 
     
      
    
 
"Oh really? A friend? Anyways, hi Bharbie! I'm Rhian, his cousin."
     
      
    
 
"Oh hi!" Gulat na bati ko rito pabalik. Hindi ko alam na may pinsan pala siyang babae. Napakaganda niya at halatang ingat na ingat ito sa balat niya sa sobrang kinis at puti. 
     
      
    
 
"Kasama mo nanaman si Marco. Ilang beses ka na pinaiyak niyan. Hindi ka talaga nadadala."
     
      
    
 
Inirapan niya lang si Zach. "Kumalma ka nga. Nagbago na siya. Nangako siya na hindi na niya gagawin sa 'kin ang bagay na iyon. Punta na kami sa dance floor. Nice to meet you, Bharbie."
     
      
    
 
Ngumiti siya sa 'kin at binalik ko naman ang ngiti na iyon sa kanya. "Uto-uto pa rin talaga siya."
     
      
    
 
Hindi ko pinansin si Zach at nauna na pumunta sa table nila Vince. Sumunod na rin siya sa 'kin kaagad. Naabutan namin ang dalawa na nag-uusap pa rin. Umupo ako sa tabi ni Abby. 
     
      
    
 
"Bro!" sabi ni Vince kay Zach.
     
      
    
 
Niyaya ako ni Abby na pumuntang dance floor, agad din naman akong pumayag dahil alam kong kahit tanggihan ko siya pipilitin niya pa rin ako na samahan siya. 
     
      
    
 
Zach's point of view.
     
      
    
 
Pinapanood ko lang si Bharbie sa dance floor na masayang nakikisayaw. "Paano mo naman napapayag iyan dito?" sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Maging ako hindi ko alam. Kamusta nga pala ang meeting?" tanong ko sakanya bago uminom ng beer.
     
      
    
 
"Nagtataka si Master Gino kung bakit wala ka. Ikaw pa naman daw ang inaasahan niya pero sinabi lang namin na binisita mo ang tita mo sa bahay niyo dahil birthday ni Rhian ngayon kaya hindi ka makakapunta,"
     
      
    
 
"Hindi ba siya nagtaka na wala rin sila Bharbie sa meeting?"
     
      
    
 
"Narinig ko ang sabi ni Kurt, tinawagan niya si Bharbie pero ang sagot lang sakanya ay masama ang pakiramdam kaya hindi siya makaka attend habang sila Tina sinabi na masakit daw ang paa ni Abby dahil sa nangyaring laban kanina kaya mas gusto niya na magpahinga nalang muna,"
     
      
    
 
Tumango nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na kaming tatlong leader pa ang mawawala sa meeting. Hindi ko rin naman kasalanan na sinama ni Bharbie si Abby rito dahil buong akala ko si Chloe ang bibigyan niya ng ticket dahil mas close sila nito. Nagulat nalang ako nang malaman ko na si Abby pala ang sinama niya rito ngayon. 
     
      
    
 
"Boys, come here!" rinig kong sigaw ni Abby. Ngumiti lang kami sa kanila at umiling.
     
      
    
 
After nilang magsayaw, naki-inom na rin silang dalawa sa table. Mukhang hindi naman nila first time uminom dahil halatang sanay na sila sa pag-inom. Lumapit ako kay Bharbie para bumulong.
     
      
    
 
"Masaya ka ba?"
     
      
    
 
Lumayo na ako palayo sa tenga niya at tumingin rito. "Super!" sigaw niya. Ngumiti siya sakin kaya napangiti na rin ako dahil sakanya.
     
      
    
 
Akala ko ba hindi siya party girl? Bakit parang mas party girl pa siya kay Abby ngayon? Lasing na siguro ang babaeng 'to.
     
      
    
 
Naiwan nalang kaming dalawa ni Bharbie sa table dahil nagkayayaan yung dalawang kasama namin na pumunta sa dance floor para sumayaw na parang hindi nagkaroon ng gusot ang relasyon nilang dalawa noon.
     
      
    
 
"Isang shot pa nga!" 
     
      
    
 
"Tama na iyan. Lasing ka na. Walang maghahatid sayo kapag nalasing ka."
     
      
    
 
"Ikaw nagyaya sakin dito kaya ikaw rin dapat ang maghatid sa akin pauwi."
     
      
    
 
"Hindi ako driver at wala akong balak na alalayan yung lasing na katulad mo."
     
      
    
 
"Wala kang magagawa. Magiging driver kita ngayon," sabi niya sabay halakhak. Napailing nalang ako. 
     
      
    
 
"Alam mo ba?" Nakatingin siya sakin habang nakahiga ang ulo nito sa table. 
     
      
    
 
"Ang alin?" tanong ko.
     
      
    
 
"Hindi ko sinasadyang sagutin ang lolo ko ng ganun. Ayoko lang naman kase na pinapangunahan ako eh!" 
     
      
    
 
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Kung alam ko lang na maoy pala ang babaeng 'to kapag nalalasing, hindi ko na sana siya pinainom ng sobra.
     
      
    
 
"Umayos ka nga!" saway ko rito. Lumapit lang siya sakin. 
     
      
    
 
"Ang pogi mo pala talaga noh? Kaso di kita type. Ayoko sa taong walang modo."
     
      
    
 
Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Ang yabang niya talaga magsalita kahit kelan. "Lasing na iyan ha?" Biglang sulpot ni Vince. 
     
      
    
 
"Hindi ako lasing! Umuwi na nga tayo! Ang ingay ingay rito!" naiiritang sabi ni Bharbie.
     
      
    
 
"Kanina gusto mo pa uminom tapos ngayon gusto mo na umuwi. Ang gulo mo talaga kausap." Natawa lang si Vince sa sinabi ko.
     
      
    
 
"Ikaw nalang ang maghatid sa kanya. Yung isa lasing na rin kaya hindi na makakapagmaneho iyon. Madidigrasya lang sila kapag nagkataon." sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Ano? Bakit ako? Seryoso ka ba?"
     
      
    
 
"Ikaw naman nagyaya sa kanya kaya dapat lang na ikaw ang maghatid sakanya pauwi." sagot niyang muli. Tinignan ko si Bharbie.
     
      
    
 
"Ayoko! Isabay mo nalang siya paghatid mo kay Abby." Uminom ako muli ng beer at binaling ang tingin ko sa mga nagsasayaw.
     
      
    
 
"Pre. Hindi ko kayang mag isa yung dalawang iyan. Kay Abby palang sukong suko na ako, paano pa kung isasabay ko si Bharbie mamaya? E di hamak naman na mas malala iyan kay Abby."
     
      
    
 
"Asan ba yung cr? Naiihi ako! Saan pa ba pwedeng umihi? Sa labas nalang ba?"
     
      
    
 
Bumaling muli ang tingin ko kay Bharbie na tumayo muli. Muntik pa nga siya matumba buti nalang nasalo ko siya kaagad.
     
      
    
 
"See? Hindi na alam kung saan dapat umihi." Natatawang sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Halika na nga, sasamahan kita sa cr!" Inalalayan ko siyang maglakad. Maglalakad na sana kami kaso hinawakan ni Vince ang braso ko.
     
      
    
 
"Sasamahan mo talaga siya sa cr?"
     
      
    
 
"Alam ko ang iniisip mo, gago! Hindi ako pwedeng pumasok sa loob ng cr kaya pakikiusapan ko si Rhian na samahan muna 'to. Dyan ka na nga! Dumi ng isip mo!"
     
      
    
 
Iniwan ko na kaagad si Vince at agad na lumapit sa pinsan ko. Mabuti nalang dahil pumayag siya. Agad na silang pumasok sa loob ng cr at inantay ko silang lumabas. Saglit lang ang oras na inantay ko at lumabas din sila kaagad.
     
      
    
 
"Bakit naman kase hinayaan mo siya malasing ng husto? Tsaka ano ba yung sinasabi niya tungkol sa Young lady?"
     
      
    
 
Napailing nalang ako sa sinabi ni Rhian. "Wag mo na tanungin. Mauuna na kami. Salamat!" sabi ko rito. Tumango lang siya sakin at nagpaalam kay Bharbie.
     
      
    
 
Habang kinukuha ko ang susi ng kotse ko ang likot likot ni Bharbie. Hindi ko naman siya mabitawan dahil baka matumba siya. Nakatingin lang siya sakin kaya tinitigan ko lang din ang mga mata nito.
     
      
    
 
"Ang pogi mo nga talaga," Hinawakan niya pa ang ilong ko.
     
      
    
 
Lasing na talaga. "Lasing ka na. Umayos ka nga, ihahatid na kita,"
     
      
    
 
Nang makita ko na ang susi ng kotse ay agad ko na siyang sinakay. Sinuot ko muna ang seatbelt sakanya bago sumakay sa driver seat. Napansin ko na nilalamig siya kaya agad kong tinanggal ang suot kong jacket at pinatong ko iyon sa kanya.
     
      
    
 
Napangiti nalang ako na makita siyang mahimbing na natutulog. Sinimulan ko na magmaneho dahil medyo malayo layo pa ang bahay ko sa Jackson's bar. Hindi ko kase alam kung saan siya dadalhin dahil kapag dumeretso kami sa Journal Academy ng ganitong oras tiyak na mahuhuli kami at malalaman pa nila na lasing na lasing si Bharbie.
     
      
    
 
Nang makarating sa bahay, agad akong sinalubong ni Manang sa gate at pinapasok. Bumaba na ako ng sasakyan at binuhat si Bharbie. Nang makapasok kami sa loob nagtataka si Manang dahil ngayon lang ako nagdala ng babae rito sa mansion.
     
      
    
 
"Master! Anong oras na po bakit napadaan pa kayo rito? Sino naman ang babaeng iyan?" tanong ng butler namin.
     
      
    
 
Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ni Mommy. Inihiga ko siya doon at inayos ang kumot para hindi siya lamigin. Nakasunod pa rin naman sila Manang at nagtataka sa kung anong nangyayari. Nilingon ko lang sila.
     
      
    
 
"Pakihandaan naman po siya ng pagkain para kapag nagising siya may makakain siya kaagad." utos ko rito. Tumango lang siya.
     
      
    
 
"Master. Girlfriend mo po?" tanong ng butler na naiwan dito.
     
      
    
 
"Hindi ko siya girlfriend,"
     
      
    
 
"Kung ganon, sino po ang babaeng iyan?"
     
      
    
 
Umupo ako sa maliit na sofa. "My mortal enemy." sagot ko sakanya.
     
      
    
 
"Mortal enemy po? Bakit kasama niyo?"
     
      
    
 
"Bakit ba ang dam mong tanong? Umalis ka nga rito! Lasing ako kaya wag mo painitin ang ulo ko,"
     
      
    
 
"Sorry master. Sige po aalis na po ako!"
     
      
    
 
Tuluyan na siyang umalis sa kwarto kaya napahawak nalang ako sa sintido ko at muling sinulyapan si Bharbie na natutulog.
     
      
    
 
Third person's pov.
     
      
    
 
"Sa tingin mo? Sino ang babaeng iyon?"
     
      
    
 
"Maganda po ang babae kaya maaaring magustuhan ni Master,"
     
      
    
 
"Sa tagal ko rito wala naman siyang interest si Master sa mga babae."
     
      
    
 
"Ayun na nga po kaya para sa 'kin sobrang big deal na may dinala siyang babae rito sa bahay niya. Isa pa, manang hindi ba may nabanggit si Master tungkol sa babaeng gumugulo sa isip niya ngayon. Nagtatanong nga siya sayo kung paano ba malaman kapag nagkakaroon ka na ng feelings sa isang tao. Hindi kaya siya yung babaeng tinutukoy niya?"
     
      
    
 
"Jusko! Hindi ko alam! Manahimik ka na nga. Alam mo naman mainitin ang ulo niyan kaya kapag narinig ka ni Master Zy, sigurado akong makakatikim ka talaga sakanya."
     
      
    
 
"Opo, tatahimik na po."
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Minulat ko ang mga mata ko at lumingon sa paligid. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko. Tumingin ako sa gilid at doon ko nakita si Zach na natutulog sa sofa.
     
      
    
 
"Zach?" Dahan dahan ko siyang ginising.
     
      
    
 
"Gising ka na pala..." sabi niya habang kinukusot ang mga mata nito. Para siyang bata na kulang sa tulog pero kailangan na magising dahil may pasok.
     
      
    
 
"Asan tayo?" tanong ko rito. Hindi kase ako masyadong familiar sa kwarto.
     
      
    
 
"Lasing na lasing ka kanina kaya naisip kong ihatid na kita kaso hindi ko alam kung saan kita dadalhin. Wala akong choice kundi dalhin ka nalang dito sa bahay. Ayokong may makahuli sa atin na magkasama ng madaling araw pabalik sa academy baka kung ano pa isipin ng makakakita,"
     
      
    
 
Tumango lang ako sa kanya ay umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko at mukhang narinig ni Zach iyon kaya napalingon siya sa akin.
     
      
    
 
"Ah-eh... nagutom yata ako kanina dahil sa sobrang dami kong nainom."
     
      
    
 
"Alam ko. Halika sa kusina may pinahanda ako na pagkain kila Manang kanina kaya mabuti pang kainin na natin iyon dahil mukhang gutom na gutom ka na," Napangiti lang ako sa kanya.
     
      
    
 
"Anong oras na ba?" tanong ko.
     
      
    
 
Tinignan niya ang relo niya bago sagutin ang tanong ko. "4am na ng madaling araw,"
     
      
    
 
"Tara, kain na tayo?" Tumango siya at nauna na tumayo.
     
      
    
 
Bumaba na ako sa kama. Masakit pa rin ang ulo ko at may hang over pa yata ako dahil ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang sakit ng ulo at hilo pero nagugutom na talaga ako. Pagdating namin sa kusina, nagtimpla siya ng dalawang baso ng kape. Mukhang wala siyang nakita na pagkain dahil napahawak ito sa noo niya. Kumuha siya ng itlog at baking soda.
     
      
    
 
"Marunong kang mag bake?" tanong ko at tumabi sa kanya.
     
      
    
 
"Yes. Tinuruan ako ni Mommy para raw kapag nawala sila ni Daddy kaya kong pagsilbihan ang sarili ko,"
     
      
    
 
"Asan na nga pala sila?" Biglang nawala ang mga ngiti niya kaya napalunok ako. Sana hindi ko nalang pala tinanong dahil mukhang wala na rin ang mga magulang niya kagaya ko.
     
      
    
 
"I'm sorry. Wag mo nalang sagu—"
     
      
    
 
"Namatay sila in gang fights,"
     
      
    
 
"Gang fights?"
     
      
    
 
"Miyembro sila Mommy at Daddy sa gangsters group noon sa Journal Academy. May gang fight na nangyari noon between two school. Journal Academy vs Galaxy Academy."
     
      
    
 
"What do you mean?"
     
      
    
 
"Hindi ko alam ang buong nangyari dahil isang tao lang ang nakakaalam ng nangyari noon. Si Master Gino. Nandun kase siya mismo at alam niya kung paano namatay ang pamilya ko."
     
      
    
 
"So you mean is..."
     
      
    
 
"Oo. Mayroong gulong naganap noon sa pagitan ng Journal Academy at Galaxy Academy. Si Master lang ang tanging nakaligtas noon dahil siya taong niligtas ng JA Gangs. Gusto man samahan ni Master Gino ang mga tauhan niya pero hindi niya iyon nagawa dahil bago pa man siya makabalik huli na ang lahat. Natagpuan niya nalang na patay na ang lahat ng JA Gangs at kasama doon ang parents ko,"
     
      
    
 
"Sino sino ba ang nandoon?"
     
      
    
 
Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko na malaman ang nangyari noon. Feeling ko kasama ang mga magulang ko sa gang na iyon at isa sila sa JA Gangs. Kami ang may-ari ng school kaya hindi impossible na kasama sila Mommy sa nangyari noon at baka ito na rin ang dahilan kung bakit sila namatay ni Daddy.
     
      
    
 
"Bawat leader ng gangsters group sa school. Lahat ng magulang nila kasali sa JA Gangs,"
     
      
    
 
"Si Young lady? Diba wala na rin siyang mga magulang? Kasama rin ba sa JA Gangs ang pamilya niya?"
     
      
    
 
"Oo dahil kinuwento sakin ni Steve ang tungkol sa parents nila. Nagkasundo kaming dalawa dahil parehas kami ng pinagdadaanan kaya tama ka na kasama ang mga magulang nila sa nangyari kaya nabuo ang gangsters group para maghiganti sa pagkamatay ng mga JA Gangs noon,"
     
      
    
 
Dahil sa nalaman ko, nanghina ang dalawang tuhod ko. Ibig sabihin kaya hanggang ngayon bukas ang Journal Academy dahil may pinaplano si Grandpa na maghiganti dahil sa pagkamatay ng mga magulang ko.
     
      
    
 
And all this time alam na pala ni Kuya Steve ang lahat? Paano nila nagawang itago sa 'kin ni Grandpa ang tungkol dito?
     
      
    
 
"Bharbie, bakit ka umiiyak?" Pinatay ni Zach ang kalan at lumapit sakin. "May problema ba?" tanong niya.
     
      
    
 
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago ngumiti sa kaniya. "Wala. Wag mo kong intindihin. Tara, kumain na tayo."
     
      
    
 
Umiwas na ako ng tingin sakanya para hindi niya na ako pansinin pero dahil si Zach Yael Lee ang kasama ko ngayon hindi pa rin siya naniwala sa sinabi ko.
     
      
    
 
"Bharb..."
     
      
    
 
First time kong marinig na tawagin niya ko sa nickname ko. Tinignan niya ako kaya tinignan ko lang din siya, hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang siyang niyakap.
     
      
    
 
Siguro dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko. Sobrang bigat pala talaga sa pakiramdam kapag nalaman mo na hindi lang basta namatay ang pamilya mo kundi namatay pala sila sa kamay ng mga masasamang tao.
     
      
    
 
"Bakit ka ba umiiyak? Ano bang nangyari?"
     
      
    
 
Hindi ko siya pinansin dahil gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa kaniya.
     
      
    
 
"Just let me cry and stop asking questions."
     
      
    
 
Ilang minuto rin akong umiyak habang nakayakap ako sakanya. I was crying infront of my mortal enemy, and asking him to comfort me. Nahiya ako bigla kaya agad na akong lumayo sa kanya. Habang kumakain, hindi ko mapigilan na mapatingin kay Zach dahil naiilang ako sa pagtitig niya sa akin.
     
      
    
 
"I'm sorry for what happen." Hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi ko iyon.
     
      
    
 
"Bakit ka ba umiyak noong nalaman mo ang tungkol sa pagkamatay ng mga JA Gangs noon?"
     
      
    
 
'Umiyak ako dahil katulad mo rin ako. Parehas tayong nawalan ng magulang dahil sa GA Gangs' Gustong gusto kong isagot ang salitang iyan sa kanya pero hindi ko magawa dahil hindi niya alam na ako ang kapatid ng kaibigan niya.
     
      
    
 
"N-Nothing."
     
      
    
 
"Umiyak ka dahil wala lang? Nababaliw ka na ba?"
     
      
    
 
"May naalala lang ako. Wag mo na akong tanungin mabuti pang kumain ka nalang."
     
      
    
 
"Pagkatapos kitang damayan kanina susupladahan mo lang ako?"
     
      
    
 
"Tsk! Ang drama..."
     
      
    
 
"May sinasabi ka?"
     
      
    
 
"Sabi ko po, thank you! THANK YOU!"
     
      
    
 
"Sinisigawan mo ba ako?"
     
      
    
 
"Oo para damang dama mo yung pasasalamat ko," Napailing lang siya sa 'kin.
     
      
    
 
Nanahimik na rin naman kaming dalawa ni Zach at nagsimula na muli kumain hanggang sa natapos kami. Nagpalipas muna ako ng umaga bago siya yayain na bumalik na sa Journal Academy.
     
      
    
 
"Balik na tayo sa academy."
     
      
    
 
"Mamaya na. May pupuntahan pa tayo,"
     
      
    
 
"Huh? Saan naman?" tanong ko.
     
      
    
 
"Basta!" Hinatak nalang niya ako bigla palabas. Hindi na ako umangal dahil may utang na loob ako sa kanya. Pinatulog at pinakain niya ako sa kanila tapos dinamayan niya pa ako kanina kaya dapat lang pagbigyan ko muna siya ngayong araw. 
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon