Chapter 47

32K 870 52
                                    


Chapter 47: Last day
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Gusto ko sana muna magpahinga sa loob ng dorm pero kinausap ako ni Clark at nagpapatulong siya sa akin sa paghahanap ng regalo niya para kay Candice dahil birthday raw nito ngayong araw kaso hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang iregalo sa tao kaya nandito kami ngayon sa mall para mamili.
     
      
    
 
"Ano bang magandang card ang ibibigay ko sa kanya? Yung may design ba o plain nalang?"
     
      
    
 
Kanina pa siya hindi mapakali na akala mo ay nagpaplano ng isang proposal sa girlfriend niya.
     
      
    
 
"Ikalma mo nga ang sarili mo. Sa tanong mo na iyan, halatang kinakabahan ka. Seryoso ka ba? Alangan magbigay ka sa isang babae ng birthday card tapos wala manlang ka design design? Nagbigay ka pa." Naiinis na sabi ko.
     
      
    
 
"Naguguluhan na talaga ako! Tulungan mo na kase ako! Dinala nga kita rito para tulungan ako tapos wala ka naman ginagawa dyan." iritadong sabi niya.
     
      
    
 
"Hindi ko rin kase maintindihan kung bakit ako ang hiningian mo ng tulong. Wala naman akong idea sa mga ganito noh. Bumili ka ng birthday card and gumawa ka ng scrapbook na may nilalaman na pictures n'yo together. Sigurado naman ako na may tinabi ka dyan na old pictures n'yong dalawa."
     
      
    
 
Sinunod niya ang sinabi ko at kumuha ng limang birthday card kaya nanlaki ang mga mata ko.
     
      
    
 
"Clark naman! Isang tao lang ang bibigyan mo ng birthday card hindi mo kailangan ng maraming cards." naiinis na sabi ko. Kinuha ko ang ibang kinuha n'ya para ibalik 'yon.
     
      
    
 
"Haish! Malay ko ba! Ano pa bang dapat na bilhin natin dito sa National Book Store?" tanong n'ya kaya hinatak ko s'ya sa mga books.
     
      
    
 
"Wait nga! Tatawagan muna si Vince para sa iba pang ihahanda natin na surprise." Tatawagan ko na sana kaso lang pinigilan niya ako.
     
      
    
 
"Wag! Mamaya kasama niya si Candice."
     
      
    
 
Umiling lang ako dahil sa sinabi niya. Takot na takot kase siya na mabuko. Hindi naman malalaman ni Candice kung ako ang tatawag.
     
      
    
 
"Tumingin ka nalang ng mga libro dyan. Ako na ang bahala kaya wag kang kabahan." sabi ko rito.
     
      
    
 
Lumayo na muna ako rito para kontakin si Vince. Mabuti nalang dahil sinagot nito kaagad ang tawag pero nalayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa sigaw niya.
     
      
    
 
"Umayos nga kayo! Pinapagod n'yo ang isang gwapo na nilalang na nasa harapan n'yo e."
     
      
    
 
Napailing nalang ako sa mga narinig ko sa kabilang linya. Grabe! Hindi ba s'ya nahihiya sa mga estudyante n'ya.
     
      
    
 
"Hello Bharb! Bakit?" tanong nito.
     
      
    
 
"May ipapagawa ako sainyo."
     
      
    
 
"Ano naman 'yan? May ginagawa pa kami ni Candice."
     
      
    
 
"Sakto! Kapag breaktime n'yo na pumunta ka sa bakanteng dorm na nasa 30th floor. Tapat ng dorm ni Danica. Ayain mo na rin sila Paul. May mga iniwan akong decorations doon, magpatulong kayo kila Chloe kung paano ang gagawin. Lagyan ng mga rosas o kung ano ano pa. Gawin n'yong romantic ang kwartong 'yon."
     
      
    
 
"Ano 'yan? Magdadate ba kayo ni Zy?"
     
      
    
 
Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. "Hindi kami yung magdadate kundi sila Clark at Candice. Kung isusurprise ko man ang kaibigan mo edi sana hindi ko s'ya pinapatulong sainyo diba? Kahit kelan talaga hindi ka nag-iisip."
     
      
    
 
"Ito naman! Ang sungit. Osya! Bye na! Kailangan pa namin magturo. Kasama mo ba si Clark?"
     
      
    
 
"Yeah. Why?"
     
      
    
 
"Iniwan niya si Abby sa kabila?"
     
      
    
 
Napa-smirk ako bigla dahil sa tanong n'ya. "Tignan mo nga naman sa tono ng boses mo parang nag-aalala ka. Mukhang nagkakagusto na yata si Mr. Playboy sa isang babae ah?"
     
      
    
 
"Tumigil ka nga. Ikaw nga nahulog sa mortal enemy mo." Napapokerface naman ako dahil dun.
     
      
    
 
Binabaan ko nalang ito nang marinig ko ang tawa niya. Hinagilap kong muli ng tingin si Clark at nakita ko itong nagbabasa ng blurb sa likod ng libro. Nilapitan ko ito para tulungan. Hindi ko na binasa ang ibang pinili ko dahil maganda naman ang book cover kaya basta ko lang 'yon inilagay sa basket. Habang si Clark ay todo basa pa rin sa likod ng bawat libro.
     
      
    
 
"Ayos na iyan. Halika na, bayaran na natin."
     
      
    
 
Tumango ako sakanya pagkatapos ay agad na kami pumunta sa counter para bayaran lahat ng binili namin.
     
      
    
 
"Ma'am, 6,020 pesos po lahat lahat." sabi ng cashier kaya nilingon ko si Clark.
     
      
    
 
"Teka! N-Naiwan ko yata yung wallet ko. Nandoon kase yung pera ko pati ang mga credit cards ko. May dala ka ba?" nahihiyang tanong ni Clark.
     
      
    
 
Bakit ba lahat ng nakakasama ko sa labas ng academy puro naiiwan ang wallet nila? Sino ba ang gumagastos nung pera, yung dorm ba o sila?
     
      
    
 
"Here miss.." Tinanggap ng cashier ang inabot kong black credit card at ini-scan kaagad. Nagtaka ako nang paulit-ulit n'yang ini-swipe ito pero hindi pa rin ito tinatanggap. "Ma'am mukhang nakablock po yata yung credit card na ito?" Kung minamalas ka nga naman!
     
      
    
 
"Miss. Pakicheck naman ng mabuti." Kaya ayon sinubukan n'ya ulit pero muling umiling ito at tumingin sa akin.
     
      
    
 
"Wala po ba talaga kayong cash dyan?" tanong niya kaya wala na akong nagawa kundi kumuha nalang ng cash sa wallet ko. Buti nalang may cash pa akong dala. Inabot ko sakanya 'yon.
     
      
    
 
"Thank you ma'am and sir!"
     
      
    
 
Hanggang sa paglabas namin ni Clark sa NBS, nagtataka pa rin ako kung bakit hindi tinatanggap ang black credit card ko. Itatanong ko nalang siguro kay Grandpa ang tungkol dito dahil baka kagagawan n'ya nanaman 'to.
     
      
    
 
"Mabuti siguro kung ipahatid ko nalang dito kay Zach yung wallet ko." sabi ni Clark. Tumango ako sakanya.
     
      
    
 
Kailangan na kase namin ang wallet n'ya dahil hindi na kami makakabili ng iba pang bagay sa natitira kong apat na libo sa wallet. Ayoko rin maubusan ng budget kasi kailangan ko pa ito bukas.
     
      
    
 
Lumayo sa akin si Clark upang kausapin si Zach kaya agad ko na tinawagan si Grandpa para tanungin kung anong nangyari sa credit card ko.
     
      
    
 
"Apo napatawag ka? Miss me?" bungad nito.
     
      
    
 
"Bakit hindi na gumagana ang mga credit card at debit cards ko?" I growled in mixture of disappointment and anger.
     
      
    
 
"Napapansin ko kasi na lagi kang gumagastos tapos credit cards mo pa palagi ang ginagamit mo. Binigyan kita ng one hundred thousand diba? Bakit bawas ka pa rin ng bawas sa credit cards mo? Ayan ang dahilan kung bakit naisipan kong i-hold na muna ang bank account mo."
     
      
    
 
"Lolo naman! Kailangan ko ng pera ngayon! Alam mo bang apat na libo nalang ang meron ako?"
     
      
    
 
"Humingi ka na muna sa kuya mo. Mananatiling naka-hold 'yan hangga't hindi pa ako umuuwi."
     
      
    
 
"Lolo naman!" inis kong tawag dito.
     
      
    
 
"Goodbye apo! Marami kaming ginagawa ng Grandma Jane mo ngayon kaya humingi ka nalang muna kay Kuya Steve mo para sa mga susunod mong gagastusin."
     
      
    
 
"Lolo an---- Bwisit!" Hindi pa ako tapos sa pagsasalita pero pinatayan niya na ako ng linya.
     
      
    
 
"Papunta na boyfriend mo." sabi ni Clark nang makabalik dito.
     
      
    
 
"Irita!" inis kong sabi. Nagtaka bigla si Clark dahil sa inaasta ko ngayon.
     
      
    
 
"Ayos ka lang ba?" natatawang sabi niya.
     
      
    
 
"Stop asking me if i'm okay! Badtrip ako ngayon at baka sayo ko pa mabuntong ang inis ko." sabi ko sabay irap sakanya. Natawa ito sakin kaya mas lalo ako nainis.
     
      
    
 
"Wag kang mag-alala. Babayaran ko rin naman kaagad yung perang ginastos natin kanina dahil naaawa ako sayo. Maging pulubi ka pa dyan bigla e." sabi niya kaya tinaasan ko ito ng kilay.
     
      
    
 
"Ganyan ka ba magpasalamat sa mga taong tumulong sayo?" tanong ko kaya lalo siyang natawa at ginulo ang buhok ko.
     
      
    
 
"Kumalma ka nga! Masyado kang bugnutin. Iwan ka bigla ni Zy kapag hindi ka pa nagtino."
     
      
    
 
"Hoy! Hindi ako kayang iwan ng kaibigan mo noh." nakangising sabi ko.
     
      
    
 
"Woah! Masyado yatang komportable ang reyna namin ah?! Sa tagal namin magkakilala ni Zy alam ko na ang ugali n'ya at kung paano s'ya magmahal. Mabilis magsawa 'yon sa babae kaya dapat kang kabahan." sabi niya kaya sinamaan ko ito ng tingin.
     
      
    
 
"Hindi ako takot dahil hindi naman s'ya katulad n'yo ni Vince. Wag mo nga s'ya igaya sainyong dalawa na kung sino sino nilalandi." sabi ko na ikinatawa niya. Lumingon lingon ako sa paligid para hagilipin si Zach kaso nasa byahe pa siguro 'yon kaya wala pa rito.
     
      
    
 
"Miss mo ko agad?" Napalingon ako sa likod ko, nakita ko si Zach na nakapamulsa nanaman. As usual, pa cool nanaman s'ya.
     
      
    
 
"Dude! Ang bilis lang yata natin?" tanong ni Clark.
     
      
    
 
"Pwede ba kapag pupunta kayo ng mall yung malayo naman sa academy. Oh!" Binato n'ya ang wallet at sinalo naman 'yon ni Clark.
     
      
    
 
"May balak kang bumili ng regalo para sa ex-girlfriend mo tapos iniwan mo yung wallet mo sa dorm. Siguro kaya yung girlfriend ko ang sinama mo para siya ang gumastos?" sabi ni Zach kaya napalingon ako sa kanya.
     
      
    
 
"Tumigil ka nga sa kakasermon mo kay Clark. Kung makapagsalita ka dyan parang hindi mo naiwan kahapon yung wallet mo. Ako nga gumastos lahat lahat ng pagkain natin kahapon." sabi ko kaya biglang natawa si Clark na ikinapokerface naman ni Zach.
     
      
    
 
"What the fuck, Zy! Napakayabang mo pa kanina. Wala ka naman pala pinagkaiba sa akin. Mas malala ka pa! Sarili mong girlfriend pa talaga ang gumastos sa date n'yo. Nakakahiya! Leader ka pa naman namin." sabi ni Clark.
     
      
    
 
"Shut up! Hindi kami nag-date kahapon. Sino bang nagdadate na may kasamang bubwit diba?" sabi ni Zach tsaka tinignan ako ng masama.
     
      
    
 
Napapout naman ako sakanya. "Why? Pumayag ka rin naman kahapon ah!"
     
      
    
 
"Wag ka ngang magpout dyan!" sabi niya kaya napasimangot nalang ako.
     
      
    
 
"Bumalik ka na sa academy." sabi ko kaya nag kunot noo ito sa akin. "Tumulong ka kila Vince para sa date nila Clark mamaya."
     
      
    
 
"What? Date?" tanong ni Zach.
     
      
    
 
"Hindi natin pinag-usapan 'yan, Bharb! Ang sabi ko lang bibili ako ng regalo para sakanya. Wala akong sinabi na magdadate kami ni Candice ngayong araw!" sabi ni Clark.
     
      
    
 
Napakatorpe naman ng gorilya na 'to. Hindi ko alam na may kaibigan pala si Zach na torpe. Si Zach kasi kapag may nararamdaman siya sa isang babae sasabihin niya kaagad iyon sa babaeng nagugustuhan niya tapos gagawin niya kaagad na girlfriend kahit na hindi pa pumapayag. Sapilitan kumbaga.
     
      
    
 
"Tigilan mo nga ang pagiging torpe na para kang pagong. Gayahin mo 'yang katabi mo!" sabi ko.
     
      
    
 
"Why me?" tanong sa akin ni Zach.
     
      
    
 
"Dahil kailangan gayahin ka niya na pinipilit yung taong gusto niya para lang mapasagot ito. Ganon ginawa mo sakin diba?" sabi ko.
     
      
    
 
"A-Ano bang sinasabi mo, bazy? Hindi ko ginawa iyon noh!" sabi niya.
     
      
    
 
"Hindi ginawa? Nagjojoke ka ba?" sabi ko.
     
      
    
 
"Nakipagdare lang ako hindi ko naman inakala na sasagutin mo pala ako." Magsasalita sana ako kaso pumagitna na sa aming dalawa si Clark.
     
      
    
 
"Tama na nga 'yan! Mabuting bumili nalang muli tayo. At ikaw naman Zy, bumalik ka na sa academy dahil inaantay ka na nila Paul."
     
      
    
 
"Huh? Bakit ko naman kayo hahayaan? Dito lang ako noh." sabi niya kaya napapokerface ako.
     
      
    
 
Tinulak ko nalang ito palayo at pinagsisipa para umalis kaya ayon bandang huli siya pa rin ang talo kaya wala s'yang nagawa kundi iwanan na kami ni Clark. Nang makaalis na si Zach, niyaya ko na si Clark na pumasok sa loob ng Louis Vuitton para bumili kami ng mga bags.
     
      
    
 
Gusto ko rin kasi bumili regalo para kay Candice kahit hindi kami masyadong close. Ito na rin kase ang last day ko pansamantala sa academy kaya sana magugustuhan niya yung ireregalo ko sakanya mamaya.
     
      
    
 
Candice's point of view.
     
      
    
 
"BESSYYYYYYYYYY!" Narindi ang tenga ko dahil sa sigaw na 'yon.
     
      
    
 
Napalingon ako sa tumawag sa akin then nakita ko sila Abby na papunta sa akin ngayon. Nasa corridor kasi ako ng classroom at nakaupo sa hagdan. Wala kasi yung mga estudyante na tinuturuan namin. Pinabreaktime ko muna sila since wala rin naman si Vince dito sa klase.
     
      
    
 
"Haish! Tina naman napakaingay eh!" sabi ni Maja kaya naman natawa nalang ako.
     
      
    
 
"Happy birthday bessy!" sabi ni Tina atsaka niyakap ako nito.
     
      
    
 
"Yung regalo namin nandoon sa dorm mo." sabi ni Abby.
     
      
    
 
"What? Seryoso kayo? Pinasok niyo talaga yung dorm ko?" sabi ko.
     
      
    
 
"Oo naman. Alam kasi namin passcode mo. Hanggang ngayon pala siya pa rin pala." sabi ni Aika.
     
      
    
 
"Huh?" takang tanong ko rito.
     
      
    
 
"Akala ko ba pinalitan mo na yung passcode ng dorm mo? Bakit hanggang ngayon anniversary niyo pa rin ang nakalagay doon?" inis na inis na sabi ni Abby.
     
      
    
 
Nagulat ako sa sinabi niya. Paano naman nangyari na ayon ulit ang passcode ko? Matagal ko na iyon pinalitan noh. After namin mag-break, pinalitan ko na kaagad 'yon. Hindi ko alam ang sinasabi nila.
     
      
    
 
"Pinalitan ko na iyon. Hindi ako nagsinungaling sainyo. Swear!" sabi ko. Inirapan lang ako ni Abby at ngumisi.
     
      
    
 
"Hayaan niyo na nga 'yan! Passcode lang 'yan. Pag-aawayan pa ba natin yan?" sabi ni Maja.
     
      
    
 
"Tama! Mabuting magparty nalang tayo sa birthday ni Bessy." sabi ni Tina. Ngumiti lang ako rito.
     
      
    
 
"Kayo nalang dahil may pupuntahan pa ako." sabi ni Abby kaya naman napatingin ako sa kanya.
     
      
    
 
Marami na akong napapansin kay Abby. Palagi nalang siya umaalis at halos hindi na namin siya nakakasama dahil marami raw siyang ginagawa. Dati naman siya pa yung willing at excited na sumama sa amin pero ngayon parang ibang Abby na ang kasama namin sa araw araw.
     
      
    
 
"Saan naman?" tanong ni Maja.
     
      
    
 
"Somewhere. Pumunta lang ako rito para batiin ka. Magparty kayo kung gusto niyo. Mag-enjoy ka sa birthday mo. Goodbye girls!" Agad na siyang umalis matapos magpaalam sa amin.
     
      
    
 
"Lagi nalang siya ganyan. Kainis!" sabi ni Maja.
     
      
    
 
"Dapat hindi niya nalang tayo ginawang member kung may tinatago rin naman siya sa atin." sabi ni Aika.
     
      
    
 
"Hayaan niyo na siya baka busy lang talaga o baka may pupuntahan siya sa bahay nila diba? Wag na natin siyang abalahin pa. Tara sa canteen, treat ko!" Bumalik naman ang mga ngiti nila at tumango.
     
      
    
 
"Candice! Happy birthday nga pala!" sabi ni Patricia nang makita namin siya na ngayon ay pababa ng hagdan. Nagpasalamat ako rito.
     
      
    
 
Nang umalis si Patricia, bumaba na rin kami sa hagdan. Habang papunta kami sa canteen nasalubong namin si Zach at kasama niya ngayon sila Vince at Paul. Silang tatlo lang? Asan yung babaero nilang kagrupo? Kakausapin ko sana sila nang lagpasan lang nila ako kaya bigla akong napakunot noo.
     
      
    
 
Ang snobber naman nila. Kung sila Zach at Paul maiintindihan ko pa pero si Vince? Ni hindi niya ako pinansin? Kanina lang binati niya pa ako tapos ngayon hindi ako pinansin. May nangyari sigurong di maganda kaya bad mood silang tatlo. Nang makarating na kami sa canteen, si Aika na ang nag-order para sa kakainin namin kaya nakaupo na kaming lahat ngayon sa table.
     
      
    
 
"Alam namin na hinahanap mo kanina si Clark pero pwede bang kalimutan mo nalang yung mokong na iyon? Para hindi ka na masa---"
     
      
    
 
"Tigilan mo nga ako bessy. Matagal ko na siyang kinalimutan atsaka hindi ko naman siya hinanap kanina. Nagtataka lang ako dahil hindi ako pinansin nung tatlo at nilagpasan lang ako."
     
      
    
 
"Wag ka na nga magsinungaling dyan! Aware kaming lahat dito na may nararamdaman ka pa rin sakanya kaya wag mo na itago pa. Ikaw lang din naman ang mahihirapan." sabi ni Maja.
     
      
    
 
"Kung sakaling makipagbalikan ka sa kanya ayos lang sa amin kung ikakasaya mo naman. Choice mo 'yon. Isa lang naman ang magagalit pero wala naman siya rito kaya wag mo na intindihin pa ang iisipin ni Abby." sabi ni Tina na ikinatawa ng lahat. Ngumiti lang ako sakanila.
     
      
    
 
Mahal ko pa nga ba si Clark? Hindi ko rin alam kung ano ba talaga nararamdaman ko sa taong 'yon. Siguro may natitira pa akong pagmamahal sakanya pero alam kong hindi na pwede dahil hindi gusto ni Abby na balikan ko siya at suwayin muli ang rules namin kaya tama lang na kalimutan ko na ito at wag na balikan pa.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Natapos na kaming bumili ni Clark kaya nandito na rin kami sa dorm ngayon. Nilagay ko ang mga books pabilog sa table nila habang yung tatlo naman ay nagdidikit ng mga pictures sa pader na kinuha nila sa phone ni Clark.
     
      
    
 
Ang cute lang dahil hindi na sila nagpatulong pa kila Chloe dahil sila na mismo ang gumawa ng pinapagawa ko.
     
      
    
 
"Kailangan ko ba talaga gawin 'to?" tanong ni Clark habang nagkakamot ng ulo.
     
      
    
 
"Alam mo napakatorpe mo! Dati naman hindi ka ganyan. Daig ka pa ng babae eh." sabi ni Vince.
     
      
    
 
"Ewan ko! Hindi ko alam basta pagdating kay Candice nagkakaganito ako." sabi niya kaya naman lumapit ako at tinapik ang likod niya.
     
      
    
 
"Kaya mo 'yan!" nakangiting sabi ko. Tumango lang ito sa akin. Nang matapos na kami sa ginawa namin, pinatay na namin ang ilaw kaya ang mga kandila lang ang nagsisilbing ilaw sa loob kaya napangiti ako.
     
      
    
 
"Ang ganda! Sigurado akong magugustuhan ni Candice 'to. Goodjob guys!" natutuwang sabi ko at nginitian ang tatlo.
     
      
    
 
"Paano natin papapuntahin niyan si Candice?" tanong ni Paul.
     
      
    
 
"Lumapit kayo." Gaya ng sabi ko, lumapit sila sakin kaya binulong ko na sakanila ang mga pinaplano ko.
     
      
    
 
"Seryoso ka ba?" tanong sa akin ni Zach.
     
      
    
 
"Bakit? Tatanggi ka?" Napapikit lang siya at walang gana na umiling kaya niyaya ko na silang lumabas. Agad kong kinontak si Candice para malaman kung nasaan ito. Mabuting sinagot niya kaagad kaya inantay na namin itong dumating.
     
      
    
 
"Talaga bang kailangan namin gawin 'to?" sabi ni Paul. Hindi naman talaga nila kailangan pa gawin ang pinapagawa ko pero dahil gusto ko silang pagtripan ay tumango ako.
     
      
    
 
"Bakit? Natatakot ka nanaman ba?" sabi ko.
     
      
    
 
"Of course not!" Tinawanan ko lang ito ng palihim. Napansin kong parating na rin si Candice kaya sinenyasan ko na yung tatlo na kumilos.
     
      
    
 
"Uhm! Queen! May sa---" Hindi natapos ni Candice ang sasabihin niya dahil humarang si Vince sa harap niya.
     
      
    
 
"Maligayang kaarawan sayo, baby girl. Halika, pumasok ka sa loob ng ating palasyo at isipin mo na ikaw ay isang prinsesa." sabi ni Vince. Pinigilan ko naman matawa dahil doon.
     
      
    
 
"A-Ano bang pinagsasa---"
     
      
    
 
"Aming prinsesa, nandito kami para alalayan ka. Susundin namin ang lahat ng inyong utos, masunod lang namin ang ninanais ng aming prinsipe na nasa itaas." sabi ni Paul. Tumalikod ako dahil hindi ko na mapigilan ang pagtawa.
     
      
    
 
Tinignan ko naman si Zach at sinenyasan ito. Nakapokerface lang siya sakin kaya umiwas ako ng tingin. Ang sarap talaga nilang paglaruan. Hindi naman kasi talaga ako seryoso sa pinapagawa ko sa kanila ngayon kaso lang naisip kong last day ko na nga pala rito at mamayang hapon ay aalis na ako kaya mas mabuti na gawin 'to.
     
      
    
 
Lumuhod si Zach sa harap ni Candice habang pilit na ngumingiti. "Aming prinsesa, sumunod ka sa akin upang ikaw ay makita ng aming prinsipe na nasa itaas. Alam kong kaarawan mo ngayon kaya hinahangad namin na mas lalong sumaya ang araw na ito para sayo kaya mahal na prinsesa sumama ka sa akin upang ihatid sa aming mahal na prinsipe na nag-aantay sayo sa inyong kaharian. Let's go tara na, Princess Candice."
     
      
    
 
Hahalakhak na sana ako kaso biglang lumapit si Candice sakin. "B-Bharb? Ano ito?" tanong nito kaya umiling nalang ako at piniringan ang mga mata n'ya. Hinawakan nila Vince ang kamay ni Candice habang si Zach ay nasa likuran para alalayan s'ya.
     
      
    
 
"Wag kang mag-alala basta sumama ka nalang sa amin."
     
      
    
 
Dumeretso na kami papasok sa loob tsaka pumunta na sa floor kung saan nandoon ang kwarto na hinanda namin para sa supresa. Binuksan na ni Zach ang pinto kaya pinasok namin si Candice sa loob. Napalingon kami sa pwesto ni Clark na ngayon ay parang tangang kinakabahan ngayon.
     
      
    
 
"A-Andito na ba tayo?" tanong sa amin ni Candice.
     
      
    
 
"Pwede na namin tanggalin ang inyong piring mahal na prinsesa." sabi ni Vince. Hanggang ngayon in character pa rin talaga siya.
     
      
    
 
Nagulat si Clark sa sinabi ni Vince. Pinigilan ko nalang ang matawa. Mabilis na tinanggal ni Vince yung piring ni Candice sa mata.
     
      
    
 
"C-Clark?" tanong ni Candice habang namumula na sa hiya.
     
      
    
 
"Hello?" tanging ayon lang ang nasabi ni Clark habang kumakamot sa batok niya.
     
      
    
 
"Hoy! Nagpagod kami sa pag prepare nito para sa date niyong dalawa kaya dapat lang na grumaduate na kayo sa pagiging torpe at manhid." sabi ni Vince.
     
      
    
 
"You can thank us later." sabi ni Paul.
     
      
    
 
"Strawberry cake is fine with me." sabi ni Zach. Hinatak niya ako palabas pero pinigilan ko siya.
     
      
    
 
"Wait lang! Ako ang nagplano nito kaya gusto ko silang panoorin." sabi ko.
     
      
    
 
"Are you fucking serious bazy? Kelan pa nagkaroon ng audience ang dalawang nagdadate?" tanong ni Zach.
     
      
    
 
"Pero gusto kong mapakinggan yung confession ni Clark." sabi ko sakanya.
     
      
    
 
Inakbayan lang ako ni Zach at inilingon na sa pinto. "Huwag ka na umextra." bulong ni Zach. Hinatak niya na ako palabas kaya napapout nalang ako dahil sinarado na ni Vince yung pinto.
     
      
    
 
Napahinto ako dahil napansin ko ang mga estudyante na nasa gilid ngayon. Hingal na hingal ang mga ito at sobrang dami nilang hawak na props at decorations. Teka nga lang! Akala ko ba silang tatlo ang nag decorate sa loob?
     
      
    
 
Tinignan ko ng masama ang tatlong nasa tabi ko at tinaasan sila ng kilay. "Seriously?!" inis na sabi ko. Nag-peace sign lang silang tatlo sa akin.
     
      
    
 
Clark's point of view.
     
      
    
 
Nakaiwas pa rin ako ng tingin kay Candice habang siya ay iniikot ang tingin niya sa buong kwarto. "Alam mo napakadaya mo!" sabi niya kaya kumunot ang noo ko rito.
     
      
    
 
"Bakit? Anong ginawa ko?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
     
      
    
 
"Alam mo bang inaasahan kong ikaw ang unang babati sa akin pero naunahan ka pa ni Vince!" Nag-pout ito sakin. Ang cute niya tuloy.
     
      
    
 
Lumapit ako sakanya. "Edi happy birthday." bati ko. Tinignan niya ako kaya hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.
     
      
    
 
"Pang-ilan ka na nga ba?" parang nagbibirong sabi niya. Nagbilang pa nga ito gamit ang mga daliri n'ya.
     
      
    
 
"I'm still inlove with you, Candice." deretsahang sabi ko kaya bigla siyang napatigil sa pagbibilang at tumingin muli ito sa akin.
     
      
    
 
"Alam kong nahihirapan ka pa rin hanggang ngayon dahil sa nangyari at ganun din naman ako sa tuwing naaalala ko yung memories nating dalawa, nasasaktan ako. Lalo na't alam kong wala na akong halaga para sayo. Alam mo naman na pinagsisihan ko na yung kasalanan ko diba? Sana bigyan mo pa ulit ako ng chance para mahalin kita at hindi na muli pang sasaktan."
     
      
    
 
"Clark I'm s---"
     
      
    
 
"I know. Hindi mo na ako mahal ayos la--"
     
      
    
 
"No. I still love you, Clark." sabi niya kaya napangiti ako at niyakap siya.
     
      
    
 
"T-Talaga?" tanong ko kaya bumitaw siya sa yakap namin at biglang hinawakan ang dalawa kong pisngi.
     
      
    
 
"Let me prove to you na mahal pa rin talaga kita." Lumapit ito sa akin at tumingkayad. Pinikit ko ang mga mata ko pero napaiwas ako kaagad at minulat ko muli ito dahil biglang bumukas ang pinto.
     
      
    
 
BLAGGGGGGGGGGGGGGG.
     
      
    
 
Nanlaki ang mga mata namin dahil sa pagbagsak ng tatlo sa sahig. "Ah..." sabi ni Vince habang kumakamot sa ulo niya.
     
      
    
 
Agad silang tumingin kay Bharbie na nakaiwas ng tingin. Yung tatlo ay napahiga sa sahig dahil mukhang nagulat sila sa pagbukas ng pinto.
     
      
    
 
"IT'S HER IDEA!" sigaw nung tatlo kaya napalingon kaming dalawa ni Candice sa tinuro nilang si Bharbie.
     
      
    
 
"What? Wag niyo nga akong ilaglag dyan. Ginusto niyo rin naman makinig sakanila!" sabi ni Bharbie kaya natawa nalang kami sa inasta niya.
     
      
    
 
Bharbie's point of view.
     
      
    
 
Masaya ako dahil nagkabalikan na sila Clark at Candice. Naayos na nila ang relasyon nila na nasira noon. Matapos nila kami mahuli kanina mabilis na kaming tumakas na apat palabas ng dorm. Naisipan namin ni Zach na lumabas at maglakad lakad na muna.
     
      
    
 
Ito na rin kase ang tamang oras para libangin muna siya pansamantala. Hindi ko pa rin alam kung pano ako magpapaalam sa kanya. Ayokong iwanan siya rito mag-isa mamaya pero alam kong ayon lang ang nararapat kong gawin para hindi niya na malaman na aalis ako. Pinaayos ko na rin ang gamit ko sa Star Gazers para hindi na ako bumalik pa sa academy.
     
      
    
 
"Alas kwatro na ng hapon mabuting bumalik na tayo sa academy." sabi niya pero hinatak ko ito at dahan dahan siyang niyakap.
     
      
    
 
"I-promise mo sa akin na magpapatalo ka sa Star Gazers bukas." mahinahong sabi ko.
     
      
    
 
"Huh? Bakit naman? Edi kapag natalo kami sa inyo matatapos na yung dare natin."
     
      
    
 
"Hindi mo ba ako pagbibigyan kahit ngayon lang? Minsan lang naman ako humiling sayo ah!" naiinis na sabi ko sabay hampas sa likod niya. Narinig ko ang tawa nito.
     
      
    
 
"GGW iyon kaya bakit naman kita pagbibigyan?" Bumitaw ako ng yakap sa kanya para tignan ito ng masama.
     
      
    
 
"Okay fine!" Pinisil niya lang ang pisngi ko. Tinignan ko siya at nginitian. "Gusto ko ng ice cream. Pwede bang bumili ka muna ng ice cream sa store?"
     
      
    
 
"Malayo pa 'yon dito. Ayaw kita iwanan mag-isa kaya sumama ka nalang." sabi niya.
     
      
    
 
Hinawakan niya ang kamay ko pero bumitaw ako rito dahil biglang nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko ang text message na galing kay Kurt.
     
      
    
 
Mallows: Nandito na kami. Dala dala na namin ang mga gamit mo. I-enjoy mo nalang muna na kasama siya at puntahan nalang kami kapag tapos ka na. Nandito lang kami sa gilid.
     
      
    
 
Tinignan ko na si Zach atsaka ngumiti rito. "Bilhan mo na ako please? Ang sakit na kase ng paa ko kaya tinatamad na ako maglakad pa." pagmamakaawa na sabi ko kaya wala siyang nagawa kundi tumango.
     
      
    
 
"Basta dito ka lang, okay? Saglit lang ako."
     
      
    
 
Hindi ko maipapangako 'yan.
     
      
    
 
"I love you.." sabi ko kaya napalingon siya sa akin at kumunot ng noo.
     
      
    
 
"Tumigil ka nga! Hindi ka pa sigurado diba?" sabi niya. Tumango lang ako sa kanya.
     
      
    
 
"Bumili ka na!" sabi ko kaya lumapit siya sa akin para halikan ako sa noo.
     
      
    
 
"I love you more bazy. Antayin mo ko rito dahil may ibibigay pa ako sayo." Bago siya tumakbo paalis ay kumindat muna ito sakin. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
     
      
    
 
Napabuntong hininga nalang ako at tumingala para hindi tumulo ang mga luha ko. Naninikip ang dibdib ko. Nanghihina rin ang mga tuhod ko at parang ayaw nilang umalis sa kinatatayuan ko ngayon.
     
      
    
 
Yung lalaking 'yon, kung makapagsabi na antayin ko siya akala mo kung sino. Hindi naman talaga ako ang dapat ang mag-antay sakanya dahil ako naman talaga dapat ang antayin niya.
     
      
    
 
Bakit ba kase kailangan ko pang gawin ang bagay na ito? Bakit kailangan ko pa siyang iwan at talikuran? Nakakatakot dahil baka pagbalik ko, magalit siya sakin dahil hindi ko nasabi sakanya ang totoo. Ayokong mangyari ang bagay na 'yon.
     
      
    
 
"Hey..."
     
      
    
 
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Nakita ko si Kurt at lumapit ito lalo sakin. "Habang wala pa siya, bilang bestfriend mo ako na muna ang bahala sayo ngayon. Magiging maayos din ang lahat. Tara na at baka maabutan ka pa n'ya." sabi nito. Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Nauna na akong naglakad at naramdaman kong sumunod na rin si Kurt at tumungo kaagad kami sa kinaroroonan ng kotse niya para mahatid na niya ako sa mansion.
     
      
    
 

styxichanty.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon