"Baby sorry na oh"
"Heh! magtigal ka Dhao Mac Macasipot, wag mo painitin lalo ang ulo ko, kundi break na tayo uli!!"
"Mahal naman, nag-uusap lang naman kami Chloe, may tinanong lang siya!"
"Alam mo naman na siya ang rason ng ating paghihiwalay noon, bakit hindi mo siya iwasan?!"
"Iniiwasan ko naman baby Kezh!"
"Sabi nang wag mo akong tawaging baby, hindi ako bata!"
"Okay, sige Mahal nalang"
I took a deep breath.
"Pagbibigyan kita ngayon Dhao, peru sa susunod na makikita ko pa kayong nag-uusap, kahit ano paman iyan, wala kanang babalikan! One last chance Dhao Mac!"
"Kezh naman"
"Hindi mo ako masisisi, mas higit mong alam kung anong nangyari sa ating tatlong noon."
"Hindi no pa rin ba nakalimutan iyon, Kezh matagal na iyon!"
"Hindi matagal ang isang taon Dhao Mac!!, at paano ako makakalimot?? sa tuwing makikita ko iyang pagmumukha niya, naaalala ko ang mga nangyari!"
"I'm sorry na Kezh, promise baby Mahal hinding-hindi na ako makikipag-usap sa kanya sa kahit ano pamang kadahilanan, peks-man, mamatay man si superman"
"Huwag mo akong daanin sa ganyang Dhao Mac, alam mong hindi ako nagbibiro"
And we proceeded to the Mall exit.
Yes, you heard it right, magkasintahan kami ni Dhao noon, siya ang first bf ko, I guess first Love na rin. Masaya naman ako sa kabila nang pagka-palakero niya. Umaabot din kami ng isa't kalahating taon. Peru isang araw, uwian na noon, sinabi niya na mauna na daw akong umuwi kasi may dadaanan pa siya sa Library, sabi ko sa kanya kaya ko naman siyang hintayin, peru talagang pinapauwi na niyan ako, baka daw kasi gabehin pa ako.
Nagtaka ako, peru sinunod ko parin siya. Nag-aabang na ako ng sundo ko pauwi ng di sinasadyang narinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang estudyanteng nag-aabang din ng mga sundo nila.
"Gosh, that Chloe malandi talaga, alam naman niyang may gf na iyon tao eh"
"Sinabi mo pa! peru girl, kung Mahal ni Dhao si Keziah hindi siya palalandi kay Chloe kahit ano pang gawin niya, kahit maghubad pa siya sa harapan!"
"Kung sa bagay..tsk! Poor Keziah, nilalantakan na ang bf niya na wala siyang kamalay-malay"
And that caught my attention. Nilapitan ko ang dalawang estudyante na namumutla ng makita ako, at bakit hindi? maliban sa pagsasayaw, myembro din ako ng Teakwondo Team!
"Kezh?"
"Saan ko sila matatagpuan?"
Hindi sila kumibo.
"Kung hindi kayo magsasalita, pipilipitin ko iyang mga dila niyo at ipapakain ko sa pating! ano??!!!"
"Gosh, that's so harsh naman girl"
"Basta nakita namin silang umakyat sa rooftop together, yun lang!"
Tumakbo ako pabalik sa loob ng campus at tinahak ang daang papuntang rooftop. I'm shaking...shaking of anticipation. Hindi ko alam kung ano ang makikita ko at ano ang madadatnan ko. Nanginginig ang kalamnan ko habang umaakyat.
Pagdating ko sa taas, walang namang tao. Siguro nagkakamali lang ang dalawang babaeng yun. Nakahinga ako ng maluwag, bababa na sana ako nang marinig ko ang ingay sa loob ng isang maliit na room doon na parang tambakan ng kung ano-anu. Kinakabahan akong lumapit. Binuksan ko ang pinto and my jaw literally dropped!!

BINABASA MO ANG
..Keeping My Bestfreind's Heart.. (Lucky Aces) Book 1: For The Love Of AC
Hayran KurguNever blame the gravity for fallen..instead blame the acceleration for moving on is a hard thing.. Andree Camille "AC" Bonifacio..a great dancer..intelligent.. have a very supportive parents..a loving sister n a daughter..she do singing in his past...