Chapter 5

12.1K 294 69
                                    

 Jessica's POV

Bukas na ang flight nila Bes pa-Korea. Haay. Mamimiss ko din ang baliw na yun. Pati na ang mala-bruhang ingay niya sa tuwing magkasama kami. Bukas may pasok, obviously, Lunes eh. Tss. Parang tinatamad ako. Psh. A-absent na lang muna ako bukas.

Mag-mo-move on muna ako sa sakit na dala ng paglisan ni Bespren. Joke.

Since wala naman akong balak pumasok bukas eh okay lang naman na ma-late ako ng gising. Magf-facebook na lang muna ako.  Pero grabe, nakaka-inggit talaga sina bespren.  Nag-login ako sa facebook account ko. Nakita kong online si Rona kaya naisipan kong i-chat ito.

Me: Oi, bruha, bukas na flight new

Rona: Oo nga eh. Haha!

Me: I'll miss you.

Rona: I'll miss you too.

Me: Naiinggit talaga ako, Bespren.

Rona: Ang sabihin mo, gusto mo lang makita ang Ken Fuentes na yun. lol

Wow? Wala na ba akong pwedeng isekreto sa bruhang 'to? 

Me: Tse! Basta inggit ako. 

Rona: Trust me, mas mabuting di ka kasama :P

Grabe talaga! Bespren ko ba talaga 'to? Mukhang masaya pa siyang hindi ako kasama!

Me: Napaka-mean mo, best friend ba talaga kita?

Rona: lol

Magre-reply pa sana ako nang biglang may nagpop-up na message dahilan para halos lumuwa ang mga mata ko at tuluyan ng dumikit sa monitor. 

Ken Fuentes: Hi 

Hi?! Nag-hi siya?!

Pakiramdam ko eh libi-libong meteor ang sumabog sa langit. Binasa ko ng maigi ang name ng nag-chat sa akin dahil baka nagha-hallucinate lang ako na siya. Perp hindi eh, mas malinaw pa sa pinakamalinaw na tubig sa boung mundo ang nababasa ko.

Ken Fuentes pinged me. 

Walang anu-ano'y nagreply ako. Malamang. Ikaw ba? Nag-chat ang crush mo, di ka magrereply? Ang magdeny, kilay lang ang walang latay. 

Me: Hello 

Syet. Ang hinhin ng reply ko. 

  

Ken: How are you? 

Ow how are me? You chatted me and you'll gonna ask me how are me? O come'on, I'm dying..

dying inside to hold you.. (kanta yan. hahaha)

How are me nga ba? Peste!Nakakahiya ang grammar.

Perfectly Possible ✔️Where stories live. Discover now