Jessica's POV
"Hoy Lianne, magtino ka sa school niyo." said Dad.
Napangiwi ako.
"Matino naman ako Dad eh. Ikaw talaga."
"Kapag hindi ka roon nagtino eh papauwiin kita. Tatanungin ko ang lola mo."
"Dad naman eh! Para naman akong maliit na bata niyan!"
"Anong oras ba kayo dapat pumunta sa school niyo?"
"6:00 PM po dad para sa opening ng camp."
"Ah. Anong mga activities niyo?"
"HIndi ko pa alam dad. Ngayong gabi daw po sasabihin."
Tapos tumingin ako sa wrist watch ko. 5:40 PM na.
"Dad, 5:40 na. Hatid mo na ako dad sa school."
"Yung mga gamit mo?"
"Nasa loob na po ng kotse dad."
Tapos ayun, hinatid na nga ako ni Dad sa school. As soon as makarating kami sa tapat ng gate ng school eh nagsalitng muli si Dad.
"May tiwala ako sa'yo. Wag mong sayangin. So behave. Okay?"
"Yes Dad." tapos umalis na si Dad.At ang problema ko ngayon? Paano ako papasok? Ang dami-dami kong dala. My god! Hahaha.
"Mukhang maglilipat ka lang ng bahay ha?" sabi ng isang gwapong lalake nakatayo sa harap ko.
"Oh? Anong ginagawa mo rito?"
"Inaantay ka."
"Inaantay ako? Bakit?"
"Wala lang, naisip ko lang na baka marami kang dalang gamit, walang tutulong sa'yo sa pagbubuhat kaya inantay na rin kita."
Bigla naman akong namula dala ng sinabi niya.
"So? Let's go." tapos dinala na niya ang ibang gamit ko. Yung mga kaya ko naman eh ako na ang nagdala. Ngunit nagulat ako nang bigla niyang kunin yung mga gamit na bitbit ko."T-teka----"
"Let me carry it for you princess." tapos nag-init naman ang mga pisngi ko.,
"Tae ka Ken.""Haha. Let's go." at ayun, naglakad na kami papuntang classroom. Sa classroom kasi namin iiwan itong mga gamit. Yung mga rooms na rin ang magsisilbing bedrooms at headquarters ng mga scouts.
"Ay bruha! Ano yan?????" pagtatanong ni Chacha nang makitang sabay kaming pumasok ni Ken sa room.
Tapos si Ken eh pagod na pagod. Patay! Bakit ko 'to pinagbuhat eh kagagaling lang nito ng ospital kahapon? Ang tanga ko!"Ken, okay ka lang? Para kasing-------"
"WHOOOOOAAH!" sigaw ng mga classmates ko. The moment kasi na ibinababa ni Ken ang mga gamit ko eh hinila niya ako at yinakap.
"Ayan, okay na ako. Nakapag-recharge na." then he winked. "Labas muna ko, i have to get something." tapos lumabas na si Ken ng classroom.
Tapos ako, dahil naiwan sa classroom, eh inulan ng tukso ng mga classmates ko.
Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng room. Nagmukha siyang parang bahay dahil may mga beddings, may mga curtains, may mga gamit, basta para siyang bahay or head quarters. Tapos yung mga classmates ko naman eh nakasuot ng shirts at maikling blue shorts. Yun kasi ang susuutin namin sa opening mamaya. Yung mga girls eh magsusuot ng puting top at maikling blue shorts. Yung mga boys naman eh white top at blue rin na pang-ibaba. Yung iba ko namang classmates eh busy gumawa ng flag ng seniors. Yung ibang sections eh andito rin para tumulong sa pag gawa ng mga banners na gagamitin mamaya."Anong eksena yun bruha?" tanong ni Sharri nang makalapit sa akin. Humarap ito sa salamin na nakadikit sa wall at inayos ang blue ribbon na nasa buhok nito.
"Tsaka, bakit bigla kang nawala sa grocery store kahapon ha? Tapos itetext mo kami na umuwi ka na dahil may emergency. Bruha ka." said Gail na tinatanggal yung suot niyang earings. Bawal kasi yun sa camp.
"Tsaka, bakit magkasama kayo ni Ken?" said Chacha na nakahalukipkip habang nakatayo sa harap ko.Umupo naman ako at inayos ang sintas ng sapatos ko. Syepre, Vans. Vans off the wall, yan tayo.
"HOY! ANG SHOWBIZ MO! AT TALAGANG NO COMMENT KA?"sabay sabay na sabi ng tatlo na nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Perfectly Possible ✔️
RomanceCrazy one day her crush from the other side of world appeared right in front of her. She can't even possibly think how the hell is this possible. Read more to find out.