Chapter 22

7.7K 172 26
                                    

Almost 8:30 in the morning na ng makabalik na kami dito sa academy. Gumising kami kanina around 6 AM at agad na nag-ayos ng aming mga sarili,.

It is Day 4 at walang events maliban na lang sa musical play competition mamayang gabi. Ngayong umaga eh may mga free booths na nagkalat sa campus. Ang nag-organize ng mga booths eh yung mga officers ng student council. Kaya madalas na hindi nakakasama sa amin si John Paul eh dahil sa busy siya sapagkat siya ang president ng student council.

Nagkalat sa loob ng campus ang mga free booths like kissing booth, mariage booth, free tattoos booth, photobooths, free tea booths, free books booth, at kung anu-ano pa.

Andito ako ngayon sa loob ng classroom. Mag-isa lang ako. Ipinagpilitan kasi ng mga teachers na magpahinga na lang daw muna ako. Alam na rin ni Dad ang nangyari sa akin. Hindi naman siya nagalit dahil sinigurado kong okay lang ako.

Wala rito sa classrooms ang mga kasamahan ko. Ang iba ay busy mag-enjoy sa mga booths samantalang yung mga representatives ng mga seniors para sa musical play competition mamaya eh may practice. Kanina lang kasi naisipan ni Cha-cha na magpa-practice. At dahil nga sa masasakit kong katawan eh hindi na ako kasali.

Inilabas ko ang phone ko at naglaro ng games. Nang hindi na ako natutuwa eh nagbasa na lang ako ng stories sa ebook. 

Mabilis na dumaan ang oras. Nang tingnan ko ang wall clock eh alas onse na. Lunch time na. For sure eh nasa hall na naman ang foods ng mga seniors. Pupunta ba ako doon?



Nah. Tinatamad ako. 


Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa cabinet kung nasaan ang mga gamit ko. Hindi ako pilay or whatsoever, masakit lang talaga ang katawan.

Naghalungkat ako ng makakakin hanggang sa ang napagdesisyonan kong kainin eh Nova. Kumuha rin ako ng malamig na C2 na nakalagay sa mini ref na nasa loob ng classroom namin. Actually, ang mini ref na ito eh dala ni Cha-cha. Yaman eh. Hahaha.

Naupo ako sa isang bakanteng upuan. Nakakabagot rin kasi ang humiga ng humiga.

Pero tae talaga, nakaka-boring.

Bubuksan ko na sana ang novang hawak ko ng may umagaw rito.



"What the----"

"Junk food? No way."



Nagulat ako ng makita kong nakatayo si Ken sa harap ko at may dala dala itong tray na may pagkain.

Inilapag nito sa harap ko ang dalang tray. May kanin, steak, papaya, at salad. Mukhang masarap. 


"Kung makahatid ka naman ng pagkain sa akin eh parang may sakit lang ako ah." sabi ko.

"Alam ko kasing hindi ka bababa para kumuha ng pagkain kaya ako na mismo ang kumuha ng pwde mong kainin." he said at umupo sa tabi ko. "Kumusta ka na?"

"Nangungumusta ka na naman?" sabi ko na natatawa. Sinimulan kong kainin ang dala niya.

"Masama ba?" tapos ginulo niya ang buhok ko. "Nag'-aalala lang naman ako sa'yo."



siomai.. >//<

"Okay naman ako. Sila Cha-cha?" tanong ko.

‪#‎ChangeTopic‬



"Nandoon sa kissing booth. Naghahanap si Cha-cha ng first kiss. Hahahah" natatawang kwento ni Ken.

"Naghahanap ng first kiss? Akala ko ba eh may practice yung para sa play?"

"Wala naman. Bahala na daw sabi ni Cha-cha." sagot nito.

Napailing ako. Loko 'tong si Cha-cha. Hahahah.

Maya-maya pa'y tumunog ang phone ni Ken. Mukhang may nagtext dito.



"Alis muna ako Jessica"

"Hmmmm. Sige."

Tapos ngumiti lang sa akin si Ken at umalis.

After kong kumain eh naglaro ulit ako sa phone ko. Nang moboring ako eh napagdesisyonan kong mahiga na lang ulit sa beddings ko.

Maya-maya pa'y may narinig akong tumawag sa akin sa labas ng pinto.



"Miss Jessica?"

Lumabas ako at humarap sa naghahanap sa akin.

"Ano yun?"

"May nagpapabigay po." tapos inabot sa akin ng student na may ID lanyard na green ang isang white rose.

Napangiti ako.

Perfectly Possible ✔️Where stories live. Discover now